opinionkolang

Clodet

Tae. Nacu-curious na talaga ako kay Clodet. Ilang taon na ba talaga siya? Ang daming alam eh. Halos lahat puro pang matatanda na yung alam. Tsaka yun mukha niya! Parang hindi bagay sa mukha niya. Feel ko, para siyang Si Esther, yung “bata” sa movie na Orphan. Yung itsura niya, pang bata, pero mataba na talaga siya. Bahala na nga. HAHAHAHA.

 

SONA bukas.

wala akong pakelam kasi di na ko estudyante. chos. lahat tayo may pakialam dapat. dahil Pilipino tayong lahat (gumaganon?) pero seriously, malamang sa malamang nuknukan na naman ng traffic bukas. nakakainis naman kasi ang mga raliyistang yan. isang taon pa lang naman ang lumilipas e. ano gusto nila? aangat kagad tayo after a year? ganon ba kadali maging presidente? hindi na alam ni Pnoy uunahin nya sa dami ng hinaing at reklamo ng mga tao. i’m not a PRO Pnoy. di ko nga siya binoto nung eleksyon e. pero ang point ko, wag natin isisi lahat sa gobyerno. oo, talamak ang corruption, kahirapan at kung anu ano pang problema. pero bilang mamamayang Pilipino, may nagawa ka bang kontribusyon para umangat tayo? e kung puro pagrarally lang nacontribute mo, thank you. pinalala mo lang ang traffic sa mga kalsada. di lang sa gobyerno nakasalalay ang ekonomiya natin. nasa mga mamamayan din. ang mga ibang bansa tulad ng Singapore at Japan, kaya sila maunlad kasi may disiplina ang bawat mamamayan sa kanila. e sa Pilipinas? kayo na bahalang humusga.

simple lang naman ang nais kong iparating. kung gusto nating umasenso, gawin din natin ang parte natin. simulan natin sa sarili natin, kesa puro reklamo ang lumalabas sa bibig natin. yan ang hirap sating mga Pinoy e, matapos bumoto, magrereklamo. wag ganon. isang taon pa lang po nakakalipas. di po tayo aangat sa isang iglap lang. try nyo kaya maging presidente?

 

Know your limitations please?

Girlfriend ka lang niya. Hindi ka niya asawa. Gets mo? GIRLFRIEND. Kung makapagselos, wagas! Naman teh. Over over na ha? Ok lang naman magselos noh pero huwag din ‘yang parang pag-aari mo na talaga ang lalake tapos aawayin mo pa kahit sinong babaeng lumalapit sa kanya. Tatawagin mo pa talagang malandi. Sa tingin mo, hindi ka malandi? Paano mo nakuha 'yung lalake? Diba sa kalandian mo rin? You don’t completely own him. Hindi pa kayo forever. Pwede pa kayong maghiwalay. K?

Nakakainis lang kasi parang stalker ka na rin niya. Lahat ng babaeng lumalapit, sinisiraan o inaaway mo. Pero through text. THROUGH TEXT! Kung aaway ka na lang nga, text pa talaga. 'Di ba pwedeng harap-harapan? Kasi girlfriend ka nga niya, diba? “Pag-aari” mo siya. Hahaha. It just means.. DUWAG ka! Magaling ka lang sa text, duwag ka naman kung kaharap mo na siya. Sipsip ka rin kung alam mo lang. Akala mo hindi ko napapansin? Basta please, don’t act like you’re his wife!

plano ko namang bumili nung Talk Back and you're dead book.

kaso, 500 pesos.

pero kasama na pala yung shipping fee dun.

edi ok na.

kaso, nadismaya ko sa cover. tsk. parang nagmukhang total girl slambook yung book cover na ang storya ay about sa gangster.

pink and violet pa ang combination. mas maganda siguro kung black something kasi tungkol naman sa mga gangsters yung story.

o kaya yung naging cover nung book 1. mas maganda pa yun kasi andun si top :“)

handa naman akong magbayad ng mahal kaso nadismaya ko sa cover ng book. babayaran mo rin kasi yun eh.

suggestion ko lang naman yun.

babalikan ko na lang sa wattpad yung story. tipid. hahaha

sobrang ganda kasi nung storya nun. parang teleseryeng sinubaybayan ko til the end. tapos sa january may book 3 na :))

Woa ang daming bitter ngayon para sakin hindi naman masamang maging bitter, bakit? kasi asa stage pa tayo ng moving on and letting go of that someone who hurt us. kaya ang daming random thoughts sa isip natin at ayaw nating nkakakita ng lovers (yung iba un aa) . lalo na pag nakita si ex sasabhin pa nian na mag break din yan. kadalasan iyan at iyan ang naririnig ko sa kanila. 

"may nasabi ako sa kanya na hindi niya nagustuhan , pero HINDI totoo yung sinabi kong yun , parang tinetest ko lang siya, then ayun , nanlamig na siya sa akin ."

Yung totoo, bagay ba girlfriend mo para itest mo? Tapos ngayon magtataka ka kung bakit nanlalamig siya?

(s) reignangbiritera

wala akong maisip na title.

Tigil basa muna ko sa wattpad. 

kasi may sinisimulan akong gawing story.

katuwaan lang.

para kahit papano, may masasabi akong “akin”


saka next month pa yung UD ng binabasa ko. na On-hold kasi.

NTBG- Never Talk Back to a Gangster. (book 2 ng Talk Back and you’re dead.)

nakakamiss na si Timothy. <3

saka wala na ko masyadong mahagilap at mabasa na simula pa lang, mapapa “ay maganda to, umpisa pa lang, kabog na.”

yung parang typical na lang yung iba. 

parang predictable na yung mangyayari.

kikiligin ka habang binabasa mo, pero di mo na maaalala after ng ilang weeks.

meron kasi talagang after 1 month, kabisado ko pa din yung nangyari sa sobrang ganda nung storya. 

halos puro gangster, masungit na lalaki, nerd, o slow yung mga nababasa ko. pag una, maganda talaga kasi fresh.

pero kapag pangtwenty na  babasahin mo na story, ang bida pa din ay gangster, o nerd. expected mo na yung ugali.

gusto ko naman ngayon, yung tipong cassanova na mapapatino ng babae.

katulad nung Break The Cassanova’s Heart. 

yun pa lang ata yung nababasa kong playboy yung lalaki, kaya ok pa na kahit ganung bida yung mababasa ko na susunod.

pero may mga stories talagang kahit nakabasa na ko ng may gangster, tapos ganster din yung bida dun sa babasahin ko, maganda talaga.

nauna ko kasing basahin yung Talk Back and you’re dead bago yung she’s dating the gangster, pero ayun, gandang ganda pa din ako sa she’s dating. at di ako makaget over.

may kanya kanya din kasing style yung mga writer kung pano sila mag-iiwan ng impact sa mga readers nila. 

hanga din ako sa kanila kasi sobrang detalyado at di magulo yung mga sinusulat nilang story. Kilalang kilala mo bawat character. hindi komplikado.

kapag may tanong ka sa bawat chapter, di matatapos yung story na di nasasagot yun. 

kaya bagay talaga na maging milyon milyon ang reads ng mga story nila. sobrang desrving naman kasi talaga nila. :)