oorganic

[Ficlet] Alphabet Couple:single parent x  teacher AU

Happy birthday, Andreau Francis Valerio Cortez!


Big deal para kay Andreau Cortez ang birthdays. Isa siya sa mga naniniwala na dapat palaging masaya at bongga ang birthday celebrations lalo na kapag bata pa. Ganoon kasi siya pinalaki ng parents niya noong nasa California pa sila almost 30 years ago: laging may birthday party, presents.. the whole nine yards. Kaya nang nagkaroon siya ng anak, pinangako niya na magkakaroon din ito ng childhood na kagaya sa kanya, at hihigitan pa niya.

But that’s easier said than done. Being a single dad and an actor-director, nahihirapan din siyang magbalanse ng oras niya, lalo na ngayon na nasa kalagitnaan siya ng shooting ng kanyang latest indie film project (he’s starring and directing, not a new thing for him). Sumabay kasi sa hectic filming schedule ang 7th birthday ng kanyang only boy na si Tristan. Ayaw niyang madisappoint ang anak niya sa birthday nito.

Since last year pa kasi nila pinlano ang 7th birthday bash nito (namana rin ni Tristan ang pagiging choleric niya) at hindi na matahimik si Tristan sa sobrang excitement. Sa school niya gusting icelebrate ang birthday niya, which surprised Andreau. Unlike him na gusto ang engrandeng birthday parties, his son wanted a small and intimate one, basta meron lang burgers at malaking choco-hazelnut cake. Ilang beses din niyang pinilit na sa ibang venue na lang sila magcelebrate, kaso pinagpilitan ni Tristan na gusto niyang kasama ang teachers and classmates niya sa mismong birthday niya. (Apparently Tristan inherited his stubbornness, too.)

Kahit busy siya sa filming, hindi siya nagkulang ng atensyon sa pag-oorganize ng birthday party ng anak niya. He got all the help he needed. Sumobra pa nga sa hinihingi niya eh. Bukod sa staff niya, sa best friend niyang si Roldan at road manager na si Mars, maraming single moms ang nagprisinta na tumulong sa pag-oorganize ng party. Kesh, the owner of the school and Roldan’s fiancée, laughed at this predicament. Ever since kasi pumasok si Tristan sa school niya, dumoble ang bilang ng mga nag-enroll sa kanila. Karamihan kasi sa parents (specifically moms) ng mga bata ay kaedad lang nila, at napanood ang teen TV series na pinagbidahan ni Andreau almost 12 years ago.

Yumayaman kami ni Kesh sa fangirls mo, Dreau, laging pang-asar sa kanya ni Roldan kapag pumupunta si Andreau sa PTA meetings. Wala na lang siyang sinasabi tungkol doon. Almost half of his life ay artista siya, at sanay na siya sa fangirls. Kahit nga na hindi na siya ganoon ka-active on screen (three years na siya behind the scenes as a director), ang dami pa rin niyang fangirls. Naiinis lang siya minsan na ginagawang grand fans day ng ilang nanay ang monthly PTA meetings.

Muntikan na siyang tumigil sa pagpunta until one fateful PTA meeting a year ago nang makilala niya ang teacher ni Tristan na si Zade Pascual.

**

Keep reading

Ano ako, masokista? Ako pa ang mag-oorganize ng engagement party ng taong pinaka-mahal ko?
—  Althea Guevarra - The Rich Man’s Daughter Episode 4 Preview