oo mo

“Mahal Mo Pa Siya, Pero Hindi Ka Na Masaya”
  • Yung tipo ng relasyon na ang tagal tagal niyo nang magboyfriend / girlfriend pero lagi kayo nag-aaway, lagi kayong nagkakasakitan physically, emotionally, merong verbal abuse tas paulit ulit ang di matuloy tuloy niyong break up. There’s a voice inside you na mahal na mahal mo siya pero sa totoo lang hindi ka na talaga masaya. Yung feeling na oo mahal mo siya at feeling mo hindi mo kakayaning mawala siya sa buhay mo pero ang punto ng storya hindi ka na masaya sakanya. Kase sa isang relasyon kahit gaano mo kamahal yung isang tao aabot at aabot ka sa puntong magbabago nalang yun dahil sa bagay na paulit ulit eh. Kulang ang pagmamahal kapag wala ang JOY  or HAPPINESS kase kapag in love ka sumasaya ka. Alangan namang main love ka ng yun lang. Syempre andun yung gratefulness, yung eternal joy kapag nagmamahal ka. Kapag yung saya nawala at pagmamahal nalang ang natira, kahit sabihin pa nating hindi mo kayang mabuhay ng wala siya, hindi na yun gagana.  
Masakit pero kailangang tanggapin.

Ang bigat. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin o iisipin. May mga bagay kasi sa buhay ko na gusto kong i-settle pero alam kong hindi naman na maaayos dahil hindi ko naman mako-control ang nararamdaman ng iba. Ang hirap ayusin ang isang bagay na ayaw nang ayusin na. 

People come and go nga talaga. Ang hirap pigilan ng isang taong umalis ng buhay mo. Wala ka nang magagawa kundi ang tingnan sila habang umaalis sa buhay mo. Oo, sinusubukan kong huwag lumingon. Huwag tumingin o pansinin man lang ang pagkawala niya o nila. 

Inhale. Exhale. Nakakapagod din pala. Pero naisip ko, may tatlong uri ng problema: yung may magagawa ka at talagang mababago mo, may magagawa ka pero hindi na magbabago at yung wala ka nang magagawa at wala nang magbabago.

Sinubukan ko na. Wala talaga eh. Ganun talaga. Ang last thing na lang na gagawin ko ay tanggapin at mag-move on. Hindi lang sila ang tao sa buhay ko. Oo, masakit pero kailangang tanggapin. 

Bago umalis 💕

Naguusap si Mama at Papa habang nanonood ng Dahil Ba Sa Kanya(PBO)

M: Lipat ko na channel?
P: Nageenjoy ako sa palabas.
M: Ang sabihin mo, may naaalala ka lang. Mga ex mo.
P: Oo. Marami akong naging ex noh. Tingin mo sakin panget? Gwapo ako nung kabataan ko, lalo na nung nagbabanda pa ako.
M: Ang kapal ng muka mo. Sabi mo nung nililigawan moko, wala kang naging girlfriend.
P: Sinabi ko ba yun? Diko maalala.

And I was like, “Wtf? Pbb teens?”
Yung mga ganitong usapan nila, nakakagaan ng loob. Hihi. So landi talaga nila mama. This kind of relationship. 40yrs and going strong. 💕

Kbye na. :)

Goblin
  • Me and my niece are talking about k-drama.
  • K: Tito panoodin mo yung cheese in the trap, maganda.
  • Me: Binigyan mo na yata ako ng kopya nun diba?
  • K: Oo, ano na bang pinapanood mo?
  • Me: Mejo tinatamad pa ko eh,Goblin pa din. Natapos mo na ba yun?
  • K: Hindi pa. Anong episode ka na? Unahin mo na yung cheese in the trap.
  • Me: Episode 5 pa lang, Kaya di ka makatapos ng k-drama papalit palit ka eh.
  • K: Hindi naman, ang panget lang kasi talaga ng bida sa Goblin.
  • Me: So yun lang talaga ang tinitingnan mo?
  • K: Oo. Mukha din kasing pedo yung Goblin eh, buti na lang gwapo yung grim reaper at yung pamangkin ng goblin. Haha
  • Me:
  • Ji Eun Tak:
  • Kim Shin:
  • Grim Reaper:
  • Yoo Duk-Hwa:
  • Takte, daming alam ng pamangkin ko. Ayaw na lang muna magaral ng mabuti. Haha.
HINDI 'YAN ANG TUNAY NA PAG-IBIG.

Kung ang kailangan mo lang ay ang atensyon mula sa kanya.
Kung kailangan mo lang ng papuri at may magsabi sayo araw-araw ng maganda ka.
Kung kailangan mo lang ng makakasama dahil natatakot kang mag-isa.
Kung kailangan mo lang makisabay sa mga kaibigan mong may syota na.
Kung kailangan mo lang siya dahil naiinip kana, at
Kung kailangan mo lang siya dahil nalilibugan ka.

Gusto ko lang ipaalala sayo na hindi ‘yan ang tunay na pag-ibig.

Minsan nalilito lang tayo, akala natin pagmamahal na ‘yung nararamdaman natin sa isang tao pero ‘yung totoo hindi pala. Masyado lang tayong nabulag sa hiwaga ng pag-ibig, masyado lang tayong nadala sa saya na dulot nito at hindi na natin alam kung tunay na pag-ibig pa ba ang nararamdaman mo.

Marahil masaya ka sa kanya oo, pero naisip mo ba na masaya ka dahil mahal mo siya? O dahil nagagawa lang niya 'yung mga bagay na gusto mong mangyari sa relasyon niyong dalawa?

Ang tunay na pag-ibig ay walang hinahanap na kapalit. Magmahal ka kung magmamahal ka na walang iniisip na maiibalik ang pagmahahal na ibinigay mo sa kanya.

Ang tunay na pag-ibig ay kayang tumanggap. Kahit ano pang pagkatao ang meron siya. Tanggapin mo rin ang mga pangit at hindi lamang ang mga magagandang katangiang nakita mo sa kanya.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng atensyon at oras, kung hindi sa nabubuong pagmamahal at pang-unawa sa pagitan niyong dalawa.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi namimili. Darating ang hindi mo inaasahang tao sa hindi inaasahang pagkakataon. Sa ayaw mo man o sa gusto wala ka nang magagawa kapag tinamaan ka na nito.

Ang tunay na pag-ibig ay kayang magsakripisyo. Handa mong ibigay ang sarili mo ng buong buo para lang sa taong mahal mo.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi selfish. Hindi lang kasiyahaan mo ang dapat iniisip mo kung hindi pati ang kaligayahan niya mismo.

Ang tunay na pag-ibig ay tumatagal. Kahit subukin pa kayo ng tadhana, dumating man ang maraming tukso at problema hinding hindi kayo bibitaw sa isa’t-isa dahil ang tunay na pag-ibig ay pangmatagalan at walang hangganan.

Tapos.

s💞💘mo💕o💖ch💝 s💘mo💞o💗💘ch 💝💘sm💗o💕o💘ch 💝💖sm💕oo💞💖ch 💝smo💗o💞💘ch💝 sm💕💘oo💘ch 💝s💗mo💘💖och 💝s💗mo💞och💘 💝s💕m💖💘oo💞ch 💝sm💕o💘💖och💝

HAYAAN MO NA...

Madaming tao ang hindi marunong makuntento
Maraming ayaw ng Isa, gusto pa dalawa.
Maraming nag hahanap pa ng iba.

Kapag estudyante ka at may proyektong ipapasa
Lalo gahol sa oras at pasahan na,
Palagi mong madidinig ang,
“Ay! hayaan mo na” Ok na yan. Ipasa mo na.

Pero sa buhay, kailngang matutong makuntento.
Kailangang matutong magpahalaga
Ng ISA!
Isa lang dapat sapat na.
Isa lang dapat. At dapat pag nakita mo na siya..
masasabi mong. “Ok na to, swerte ko na sayo.

Ikaw yung taong nag pa intindi sa akin 
Kung ano ang tunay na kahulugan ng salitang “MAHALIN”
Ikaw ang unang nilalang na nag sabing, Masasaktan ako, Oo..
Pero, Mahal, hayaan mo na.

Hayaan mo nang mahalin kita.
Hayaan mo nang manatili ako dito habang ang aking mata’y nakatitig sayo.
Hayaan mo na ang mga tampuhan, basta ang mahalaga, tayo ay nag kakaintindihan.
Hayaan mo na mag hintay ako dito, basta alam kong babalikan mo ako.
Hayaan mong mapagod ako, dahil alam kong andyan ka para sabihing, tama na pahinga na mahal ko.
Hayaan mong mahalin kita gaya ng pagmamahal ko sa mga mata mong nakatitig lang sa akin kapag akoy nakukulangan na ng sustansya sa buhay kong nakakapagod na.

Pero isa lang ang nais ko pang idagdag sa mga ito.

Mahal, Hayaan mo akong mag pahinga kapag pagod na ako sa kakaintindi sayo.
Hayaan mong uminom ako ng tubig, kapag ako’y uhaw sa pag-ibig mo.
Hayaan mong akong umiyak kapag hindi ko na kaya pang humagalpak dahil masakit na, Nakakapagod na.

Pero wag mo na itong ispin Mahal.

kase Mahal, Mahal naman kita. kakayanin ko ang lahat basta para sayo. kaya Mahal Hayaan mo na.

Bakit ka pa umaasang babalik eh iniwan ka na nga. Ilang chances pa ba ang balak mong ibigay? Masyado mo na kasi siyang sinanay na kahit saktan ka niya alam niya na kapag babalik siya handa ka paring tanggapin siya. Oo, para sayo mahal mo siya eh sinubukan mo rin ba siyang tanungin kung ano yung rasun kung bakit bigla ka niyang iniwan at babalik siya kung kailan niya gusto? Wala namang kahit na sino ang pwedeng husgahan ka kasi nagmahal ka pero isipin mo din yung sarili mo kung deserve mo bang itrato ng ganyan. Hindi mo ba talaga kayang hintayin yung taong nakalaan para sayo kaya pinipilit mo ang sarili mo na tanggapin yung taong alam mong hindi naman para sayo.

  • Cd: *sinasabunutan buhok ko while tumatawid kami* ngayon ko nalang to nagawa ulit ang haba na ng buhok mo.
  • Me: oo nga no, ang tagal din neto humaba.
  • Cd: oo nga.
  • Me: tagal kasi magmove on e, 2 years ago pa to. Peke kasi pagmomove on ko before, ngayon totoo na humahaba na ulit buhok ko e. 😂😂
  • Hahahahaha hype.

[non-verbatim]

R: Swerte mo nga nakilala mo ko ngayon.
Me: Anong swerte dun? Kung pwede nga lang bukas na lang kita makilala para mapaghandaan ko naman ang masamang bukas. Hahahahahaha!
R: Ah ganun? Sige humanda ka bukas.
Me: Bakit? Magpapakilala ka na?
R: Oo. Pagpapakilalang di mo malilimutan. Hahahaha.
Me: Sus. Eh hindi naman ako makakalimutin. Hahaha.
R: Buti naman.
Me: Luh. Anong mabuti dun? Hindi din. Minsan may mga bagay na gusto ko nang kalimutan pero ang hirap. Hahahaha.

Nilagyan ko pa ng hahaha pero totoo talaga yon. Langya, di naman kasi talaga madali. Mabilis ka na nga ma-attach sa tao tapos hindi ka pa mabilis makalimot. Parang hindi yata swak na pares yung dalawang yun. Sana mabilis ka ma-attach pero mabilis din mawala. Tssss. Ang aga-aga tuloy kanina puro ganun yung reply ko sa chat. Buti na lang nasira yung aircon sa office, nag-iba ang ihip ng hangin kaya nag-change topic. Hahahaha.

Kanina nadagdagan nanaman yung requirement and reporting na ilalagay ko sa memo ko and I just sat beside my classmate and told her that na kapag kauwi ko, iiyak ako, because I just couldn’t take it anymore, I’m so tired of everything and I realized that I was in a situation that I didn’t like. Meron yung oo, mahirap ang ginagawa mo, gusto mo, pero ayaw mo yung course mo, you know what I’m saying? Because what if, kung ginagawa ko tong mga hirap na to sa course na gusto ko talaga, maybe then I wouldn’t even think of dropping this off.

So earlier, when I got home, I burst into tears inside the bathroom, sobbed silently because I don’t want anyone heard anything, I think of how tired I was the whole week and it made me even sadder, to think that everyone of us are starting to get grumpier, and tired af, lalo na’t pressure ulit kami for the coming GCS, final exam and after that, compre-exam, and these profs were so I don’t know, monster? Alam ko, di nila kasalanan, alam ko, its part of being a student, a nursing student, but could we just stop the notion that kapag nurse, dapat toxic ka sa studies?

Because goodness gracious, it would be the death of someone, luckily I still have stabled mind not to do anything to stop this. I love my mom, but I also love myself, but my priority and goals keeps me going anyway, di nga talaga mahirap ang daan patungo sa success, maybe I’m just tired and stress, and I know it sound stupid but maybe I just want someone to comfort me from all these shit, but expecting that person also stresses the hell out of me, oh well.

But anyway, I slept 3 ½ hours just to try to finish some of the requirements today. Okay fine, #labanNursing

Gusto Kitang Makita

“Gusto kitang makita
At gusto kong minamasdan ang pagliliwanag ng iyong mukha sa tuwing magkikita tayo. Gusto kong makita kung paanong napapangiti ka kapag hinahawakan ko ang kamay mo. At oo, sana wag kang magalit, kung palagi kitang niyayakap nang mahigpit kapag nagkikita tayo. Gusto kitang makita
Dahil hindi habang panahon akong makukuntento
Sa mga mensahe natin sa isa’t isa, na sa umaga, sa tanghali, at sa gabi'y binabasa. Dahil hindi palaging magiging sapat ang mga tinig natin sa magkabilang dulo ng linya, At ang tinig ng iyong paghinga habang sa gabi, ang antok ay unti-unting inaagaw ka. Gusto kitang makita
At pasintabi kay Juan Miguel Severo sa panghihiram ko ng kanyang linya, dahil oo, nakakasawa na rin minsan na nasa isip lang kita.
Gusto kitang makita
At gagawan ko ng paraan kahit mahirap at parang minsan ayaw ng tadhana. Dahil kailangan kitang makita
At oo, alam kong hindi tayo maaring matagal na magsama
Pero kahit saglit lang di ba?
Kahit bumyahe pa ako ng milya-milya
Para sa dalawa, o isang oras na makakatabi ka.
Kailangan kitang makita
Para patuloy akong maniwala
Na totoo ito, na kaya natin ito, na mayroong pruweba.
At gusto kong makita na katulad ko rin ay nananabik ka.
Gusto na kitang makita…”

Words by Joe-Mar Gonzales
Art by tabby-like-a-cat

Dumating kana ba sa point na sobra kang nagmahal? Tipong kahit pagsabihan ka ng mga kaibigan mong tumigil na, nag bibingi-bingihan ka. At kahit harap-harapan kanang ginagago, nag bubulag-bulagan kapa rin.

Kung oo, sige lang namnamin mo ung sakit. Mahal mo diba? Pero sana, isa pang beses na saktan ka niya ulit, give your chance a break. Bitaw na.

Hindi masamang ipaglaban ung taong mahal mo. Pero kung may iba na siyang pinaglalaban maliban sayo, itigil mo na. Wag mo ng ugaliin pa ang pagiging tanga.

Maaaring oo nagkukulang tayo at minsan nagkakamali, pero di un sapat na dahilan para saktan tayo ng paulit ulit. Please don’t forget that we all deserved the same love we give to others. And we all deserved to be happy. Sana lagi mong tatandaan yun.

Paano magluto ng spaghetti with feelings?

Una, iluto ang pasta sa kumukulong tubig, salain mo hanggang sa maubos yung tubig. Yung wala na syang maibigay kasi ubos na ubos na sya. Tapos isantabi mo, dyan ka naman magaling eh. Pag naibigay na nya lahat, iiwan mo. Tapos gagamitin mo yan mamaya, pag tapos ka na dun sa isa.

Pangalawa, oo laging may pangalawa. Di ka kasi makuntento sa isa. Igisa mo yung sibuyas, bawang at karne tapos haluin mo na parang naglalaro ka lang. Paglaruan mo gaya ng ginawa mo sa akin. Lagyan mo din ng paminta. Pag wala ka non punta ka sa mall o gym, madami don. Tapos ilagay mo na yung tomato sauce. Para maglasang spaghetti. Pakuluan mo.

Icheck mo yung pasta, kasi masyado ka nang nawili dyan sa isa mo. Tapos paghaluin mo na yung sauce at pasta. Oo pagsabayin mo. Pagsabayin mo kami! Tapos kainin mo na! MABULUNAN KA SANA!

youtube.com
Naniniwala Ako - by Juan Miguel Severo / Raymond Pangan Films
PAINT YOUR POETRY / SLAM AND OPEN MIC #SATINKA NATURALS #RAYMOND PANGAN FILMS

Naniniwala ako sa aswang, lumaki ako na kinkwentuhan ng mga tiyuhin ko na galing Capiz at Aklan tungkol sakanila kaya oo, naniniwala ako sa aswang. Naniniwala ako na kaya nilang magpalit ng anyo Na dapat mapayapa ang aking dibdib na marinig ang pagpalatak ng bibig ng tiktik dahil pag malapit daw ang tiktik ibig sabihin malayo ang aswang. At oo malamang iniisip mo nababaliw na ako o napakadali ko namang mauto pero hindi ako nagsisinungaling. Naniniwala ako sa aswang. At naniniwala rin ako sa nuno. Naniniwala ako sa nuno, yung maliliit na nilalang na nakatira umano sa mga punso. Na posibleng nandiyan lang nagtatago sa likod ng puno at kinakagat ko ang daliri kong tuwing nalilimutan ko na ayaw nila ng tinuturo Dahil baka kunin nila ko sa gabi at tangayin sa kaharian nila. At oo, alam ko wala pa kong kilala na kinuha nila pero mahirap ng sumugal. Kapag ako ay nagturo sa isang masukal na gubat kinakagat ko agad ang aking hintuturo dahil madali akong maniwala at naniniwala ako sa mga nuno at tutal rin lang sinasabi ko na sa'yo ang kalokohan na ‘to. Siguro, panahon na rin para malaman mo. Ang dami pang mga bagay na walang basehan ang pinaniniwalaan ko. Katulad ng kapag tayo'y magkasama, kumakain tayo ng magkasama at kailangan mong umalis ng maaga, ay iniikot ko ang mga plato para hindi ka mapahamak sa kalsada. O kapag kumakain ako ng mag isa at nalaglag ang aking tinidor o kutsara ay hinihiling kong susurpresahin mo ako sa iyong pagbisita. nakagat ko ang aking dila kanina at binigyan ako ng numero na sakto sa unang letra ng pangalan mo At inisip ko na sana nasa isip mo ako. At oo, kung nakagat mo ang dila mo kanina malamang kasalanan ko yun dahil nasa isip kita. Nasa isip kita sa umaga, kapag nakita ko kung anong oras na, iniisip ko kung nakarating ka na ba sa opisina. Nasa isip kita sa tanghali, alam kong nagtitipid ka pero kumain ka naman ng sapat para hindi ka nagugutom sa trabaho diba? Nasa isip kita sa hapon,malamang pagod na pagod ka nanaman sa dami ng pinapagawa nila sa'yo na hindi mo kayang tapusin bago magdilim At nasa isip kita sa gabi, Saan ka pupunta pagkatapos ng trabaho. Nagbabakasakali na baka pwede tayong magkita dahil, pasensya na. Huwag ka sanang mairita pero gusto kitang makita dahil maniwala ka, gusto kita makita dahil minsan nakakasawa na, na nasa isip lang kita. Oo, siguro nga hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko sa'yo 'to bilang puro maligno tsaka lamang lupa yung kaninang mga binabanggit ko. Pero intindihin mo, kung kaya ko maniwala sa mga bagay na walang basehan katulad ng mga 'to. Bakit ako hindi maniniwala sa'yo, sa atin, sa tayo. Kapag nginingitian mo ako naniniwala ako. Kapag hinahawakan mo ang kamay ko, naniniwala ako. Kapag inaakbayan mo ako, naniniwala ako. Kapag hinahalikan mo ako, naniniwala ako. Naniniwala ako dito. Naniniwala ako dito. Hindi ito laro. Hindi 'to hanggang dito na lang at maraming salamat. Naniniwala ako na kaya natin ito. At naniniwala ako na kung maging masakit man. Kung pagdating sa dulo ay patayin man ako sa sakit ng saya na ibinibigay mo. Magiging sulit ang lahat dahil naniwala ako sa'yo. Oo, ikaw ang tinuturo ko At hindi ko kakagatin ang daliri ko dahil gusto kong tangayin mo ako sa kung saan mang kaharian o kagubatan mo gusto. Oo, ikaw ang sinisigaw nitong dibdib ko at hindi ako matatakot kung lalapitan mo ako dahil naniniwala ako sa'yo. Naniniwala ako dito. Naniniwala ako na kaya natin ito. At naniniwala rin ako sa karma na kung ano mang ibigay mo sa kalawakan ay siyang ibabalik sayo na may interes pang kasama. Ilang beses ko na lang isinilid ang puso ko sa garapon at itinapon ito sa dagat sa pag asa na may magbabalik nito sa akin na buo pa pero ang tagal na at wala pa kong nakukuha. Kaya kung sakali lang, na makita mo ang puso ko na inaanod sa Aplaya. Iniisip kung anong gagawin sakanya. Itatapon, itatabi o ipagsasawalang bahala. maghihintay ako sa desisyon mo. Maniwala ka. Maghihintay ako. Ibalik mo sana.

Yung tipo ng relasyon na ang tagal niyo na magbf/gf pero lagi kayo nag-aaway, lagi kayong nagkakasakitan, yung paulit ulit yung di matuloy tuloy nyong break up. There’s a voice inside you na mahal na mahal mo siya pero ang totoo lang hindi ka na masaya. Yung feeling na Oo mahal mo siya at feeling mo hindi mo kakayaning mawala siya sa buhay mo pero ang punto ng storya hindi ka na masaya sa kanya. Kase sa isang relasyon kahit gaano mo kamahal yung isang tao aabot at aabot ka sa puntong magbabago nalang yon dahil sa bagay na paulit ulit e. Kulang ang pagmamahal kapag wala ang Joy or Happiness kase kapag in love ka sumasaya ka. Alangan namang mainlove ka ng yun lang. Syempre andon yung gratefulness, yung eternal joy kapag nagmamahal ka. Tandaan mo, Kapag yung saya sa relasyon nyo nawala at pagmamahal na lang ang natira, kahit sabihin mo pang hindi mo kayang mabuhay ng wala siya, Hindi na yon gagana.

Para sa babaeng papakasalan ko na (sana)

Mahal kita, kahit na klepto ka. Ninakaw mo nga ang puso ko ngunit ibinalik mo naman. Sa’yo na ‘yan! Sa’yong sa’yo na ‘yan!

Ano kaya mararamdaman mo kung may nag-snatch ng phone mo tapos after 1 or 2 years, ibinalik ulit? Confused ka syempre. Hindi mo alam kung magiging masaya ka pa dahil ibinalik sa’yo ‘yung dating iniingat-ingatan mo. Siguro, oo? Siguro, hindi? Wala ka nang paki. Pero sa pagmamahal, ibang usapan na ‘yun. Masaya ka na dahil sanay ka na sa kung anong meron ka ngayon… na nasa iyo ang puso ko, pero ibinalik mo rin. Ninakaw mo na ang puso ko, sana dinamay mo na pati apelyido ko. Kahit hindi mo na ibalik.

Ilang beses na tayong nag-</3, pero naayos rin natin ‘yun. Sabi ko nga sa sarili ko, “Sana ‘di na ako nagmahal, para lang 'di na ako masaktan pa. Kaya lang, makita lang kitang nakangiti, handa na 'kong masaktan ulit.” at sabi ko nalang rin na worth it lahat ng ‘to.

Ang nagbibigay ng liwanag sa bahay ko ay ang Meralco. Ang nagbibigay liwanag naman sa buhay ko ay ikaw… Mahal ko. Ganern. Hindi ko alam kung ano ang plano ko sa buhay ko bago ka dumating sa akin. Binigyan mo ako ng rason na mag-work hard para makasama kita. Binigyan mo ako ng goal sa buhay. Medyo mala-#AlDub rin tayo. Magkikita’t magsasama rin tayo sa tamang panahon.

May nagtanong sa akin kung posible bang mahulog sa taong 'di mo pa nakikita. Kung sa kanal nga na 'di ko nakita habang naglalakad ako, nahulog ako… Sa’yo pa kaya?

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako mahilig magdasal dahil nakakalimot ako. Pero simula nang maging tayo, nagdadasal na ulit ako. Natuto akong magpasalamat kay God na dumating ka sa buhay ko. Pero ayun, our souls were just meant to stop by for a while, not forever siguro? Pero kung para sa akin ka, para sa akin ka. Kung hindi, ipipilit ko talaga.

Sa tingin mo pa na kung hindi tayo nagkakilala, sana sobrang yaman ko na ngayon; sa ibang lugar ako nagtatrabaho, etc. Sobrang successful ko. Wala akong pinoproblema, at baka napagpatuloy ko pa ‘yung paggawa ko ng libro or nagagalaw ko ‘yung social media accounts ko. Tapos fan parin kita. (Hihihi. Fan ko kasi siya dati.) Pero mas gusto ko ‘yung idea na nagkakilala tayo, dahil napasaya mo ako ng sobra. Ayaw na nga kita pakawalan e. Pero kailangan… Sa ngayon. Dahil hindi ako papayag na hindi tayo hanggang sa huli. 

Hindi ko na kailangang magpa-cute or magpa-sweet pa dahil nasabi at naipadama ko naman ‘yun sa’yo mismo. Gusto ko nito para arte lang. Hihi.

Happy birthday! (Ngayon ko ‘to pinost kasi 12mn na diyan sa Japan.)

Kaya mo ‘yan.

May mga pagkakataon na pakiramdam mong hindi mo malalagpasan ang problema sa pag-ibig na ‘yan. Para bang lahat ng dapat mong ikatampo sa mundo ay sinalo mo na. Palagi mong sasabihin sa sarili mo na lahat na lang ng taong minahal mo ay sinaktan ka. May mga pangyayari pang napapangiti ka na lang rin kapag may nakikita kang masaya at sinasabi sa sarili mong “mabuti pa sila”.

Madalas mong itanong sa sarili mo kung ano ang bagay na nagawa mo at bakit hinahayaan ka ni God malungkot. Minsan, di mo alam na kailangan lang pala gawin ni God ‘yun para may matutunan ka na hindi lahat ng bagay na akala mong ‘yun na ay hindi pa pala. Oo, maaaring nagawa mo na ang lahat, pero dapat na naiisip mo na ginawa mo ‘yun kasi gusto mo. Gusto mo siyang mapasaya, gusto mo siyang paglingkuran at iparamdam kung ano ba talaga ang tunay na pagmahahal.

Look at the brighter side kung bakit ka nasasaktan. Nasasaktan ka kasi nagmahal ka, nasasaktan ka kasi buo ang pag-ibig na ibinigay mo, nasasaktan ka kasi minsan sa buhay ay natuto kang mangarap na sana siya na ang taong makakasama mo. At kung hindi siya ‘yung taong para sa ‘yo? Edi… pilitin mong tanggapin, kasi andyan na ‘yan e, wala ka ng magagawa kahit na ano pang gawin mo. Sumigaw? Umiyak? Lumuhod? Magmakaawa? Walang magagawa ang lahat ng ‘yan kung ayaw na niya talaga.

All you have to do is pray and hope for the best. Masaya magdasal at ibigay at isuko mo lahat kay God. May kakaibang inner strength siyang ibibigay sa ‘yo kapag nakausap mo siya. Ayos lang umiyak, bawasan mo ang bagaheng dinadala mo. Hayaan mong dalhin ng luha ang mga alaala. Kaya mo ‘yan. H’wag kang susuko.