no sugat

Sabi mo, magaling na? Bakit masakit pa rin? Magaling na nga siguro ang sugat, kaso sa panlabas lang. Hindi pa tuluyang magaling kasi tinapalan mo lang ng panandaliang lunas. Ginamot mo gamit ang akala mong ‘sagot’ o ‘solusyon’ sa sakit na nararamdaman mo.

O baka naman nilagyan mo ng benda ang parte na wala namang sugat? Sinolusyunan mo ang hindi naman problema, na akala mo 'yun ang problema pero hindi pala?


Bakit tinatakasan mo? Bakit nilalayuan mo? Alam mo naman kung ano ang gagawin eh. Hindi mo lang ginagawa. Ang taas kasi ng pride mo. Naniniwala ka kasi na dapat siya ang mauna, na siya ang may kasalanan kaya dapat siya ang maunang lumapit.


Hanggang kailan ka magiging ganyan? Tandaan mo, sa huli, ikaw lang din ang mahihirapan. Huminto ka na sa pagtakbo. Harapin mo ang problema para hindi na lumalim pa ang sugat.

2

some sketches for the filipino highschool voltron (klance) au i built with @tanginaly

click through for translation of the lil things written on the images

summaries under cut

Keep reading

Minsan mahuhulog ka na lang talaga sa isang tao, hindi dahil sa panlabas na anyo o ganda ng kanilang kalooban. Minsan mababatid mo yung kinang ng mga sugat na natamo nila mula sa nakaraan. Yung bagay na iyon ang humahatak sa'yo papunta sa kanya. May angking ganda ang lahat ng mga sugat—lahat ng bagay na bitbit niya. Mapapansin mo kasi na kahit nahihirapan na siya at ayaw niyang ipakita, nakakaya pa rin niya. Marunong pa rin siyang ngumiti sa kabila ng mga bagay na natamo niya at kahit nasa pagitan na siya ng mga bagay na pumupunit sa kanya. Yun siguro ang ikinaganda ng bawat sakit at poot na lulan ng isang indibidwal. Natututo siyang lumaban at kayanin ang lahat. Yun din ang bumubuo sa bawat pyesa ng kanyang pagkatao.

Ang sarap sigurong bangitin sa isang tao ang katagang “Minahal kita hindi dahil sa iyong anyo o hulma. Hindi rin dahil sa kinang ng iyong kalooban. Minahal kita dahil sa ganda ng mga sugat mong dala.”

Palagi ko pa ring binabalikan ang nakaraan. Yung nakaraan na nagpapaalala sa akin na minsan, nagkaroon din ng tayo. Yung tayo na hindi lamang kathang isip na gawa gawa ko sa aking isipan kundi yung tayo na totoo ang kwento. Kung pwede nga lang ikahon ang mga munting sulyap, mga ngiti, tawa at saya mo na ako ang naging dahilan ay hindi ako magdadalawang isip na lipunin ang mga ito at iregalo sa iyo para hindi mo rin makalimutan na minsan ay nangyari tayo. Patuloy akong bibisita sa pruweba ng nakaraan natin para magbalik tanaw sa panahon kung saan pareho pa tayong lulong sa bisyo na tinatawag nilang pag-ibig. Kung saan tayo ay hibang sa bawat haplos at paglapat ng balat, kung saan natin tinulungan ang isa’t-isa sa paggamot ng ating mga sugat, kung saan puno tayo ng mga pangako, ng mga pangarap, ng mga paghahangad.

Alam kong hindi ko na maibabalik yung dati. Huwag kang mag-alala dahil tanggap ko na at hindi ko na hihilinging bumalik ka pa. Ngunit gusto kong malaman mo na masakit pa rin. Sadyang masakit pala talaga na kahit umabot na sa huling pahina yung kwento natin ay nanatili akong pantsaya sa iyong isipan. Na para bang isa lamang akong karakter sa imahinasyon mo, isang kasinungalingan na itinatak mo sa isipan mo upang umiwas sa pait na hatid ng katotohanan. Hindi matatawag na panakip butas dahil kailanman ay hindi ko nagawang takpan lahat ng galos sa buong pagkatao mo. Isa lamang akong kabanata ng panaginip mo. Sa isang pitik ay tuluyan ka ring nagising at binago ang kwento at binura mo ako. Pakiramdam ko, ako yung baso na hindi mo hinawakan ng mahigpit kaya dumulas sa iyong mga kamay at mabilis na nahulog sa sahig. Pakiramdam ko, ako lang ang nabubog sa sarili kong pagkawasak dahil nung nakita kita ay buong-buo ka pa rin, masaya at nakangiti sa akin. Alam ko. Tanggap ko na. Pero masakit pa rin. Mananatiling masakit.

Ngayong gabi, muli ko na namang hahalukayin ang alaala mo sa aking isipan. Pabalik sa nakaraan kung saan nandoon ka, nandoon ako, at mayroong tayo. Yung tayo na minsan ding naging totoo. At minsan ding naniwala sa walang hanggan.

Diecioho ng Febrero

Sa bawat kamusta, may kasunod na paalam.
Bumabalik-nawawala,paulit-ulit.
Bakit ko nga ba hinayaan na masugatan,
Sa pare-parehong na dahilan?
Hindi naman makitid ang isipan,
Ngunit bakit di maintindihan,
Ang mga katagang “ Tama na ” .

Hindi man lang ako pinatapos,
Sa tulang aking nasimulan,
Buhat ng ako'y iyong balikan.
Kung saan nais kong muling isalaysay,
Ang pag mamahalan nating walang humpay,
Ngunit tila ang ating istorya ay tulad ng mga tula,
May simula at may wakas.

Bibitawan na muna ang panulat,
Upang wag mai-akda ang mga sugat.
Dahil sa bawat metapora na aking ginagamit,
Doon nakatago pangalan mo at pag ibig ko-para sayo.
At ang bawat litanya, nilalangas ang mga sugat ko,
At pinadudugo na tila ba pinapaalala na ikaw ang kailangan ko.

Naniningil na ang panahon,at kailangan ko na isauli,
Ang mga ninakaw kong sandali.
Mag babaka sakali na lang,
Kasabay nitong malayang taludturan,
Ang sya ring pagkamit ko ng kalayaan.

Paalam sa bawat paalam na may pag asang babalik ka.
Paalam dahil alam ko na kung paano lulusutan,
At wawakasan ang nasimulan.
Sa hinabahaba ng aking likha,
Sa salitang paalam, din pala ito mag wawakas.

Kanina habang nakapila ako sa Malvar, pauwi. May nakikiusap na Ginang, nanghihingi ng kaunting tulong para sa kanyang anak, na sanggol pa lamang yata dahil baby ang tawag nya dito, may sepsis, isang buwan na daw itong nasa ospital, naninilaw daw. May ipinakita din sya saking sugat sa ilalim ng kanyang tiyan, sugat yata mula sa panganganak, cesarian siguro, hindi ko na tinignang mabuti. May dala din syang mga reseta, Sta. Ana Hospital ang nakalagay. Kaunti lamang yung naibigay kong tulong, ramdam ko yung sinseridad, yung hiya nya habang nanghihingi ng konting tulong, naranasan ko din kasing manghingi, ang umikot sa buong classroom araw araw para lang mamalimos para makasama sa field trip. May mga di pumansin, nasaktan ako para sa Ginang.

People, just try to listen. Kahit wala tayong maibigay na barya o pera, basta nakikinig tayo, para maisama natin sila sa dasal natin. Hwag tayong mawalan ng pakialam sa kapwa natin. Have courage and be kind. :)

Simula nung nagbreak kami nang partner ko, sinarado ko na yung puso ko. Ayaw ko na magkaron nang romantic relationship sa kahit sino. Punong puno nang band aid ang puso ko na di ko na maramdaman ang totoong saya at feeling ko di ako enough. Traumatized na ung puso ko. Wala na nga kong maramdaman eh dahil sa sakit. Wala na kong maramdaman. Manhid na. Di ako nangangako pero sinabi ko to sa sarili ko na “di na ko papasok sa relasyon ulit at di ko na hahayaang masaktan ako ulit.” Ganito kalalim ang sugat na to the point na di ko na kayang magmahal at magtiwala ulit.

anonymous asked:

Sa totoo lang, pipigaan ko ng dayap ang mga sugat na ito para di ko maramdamang kumikirot at mahapdi ang lahat. Kung ito ang lunas ng nagmumurang sakit na ito, mas pipiliin ko. Gagawin ko ang lahat malanghap lamang ang nanglilimahid na amoy ng langib sa panahong kulang na lamang ay patayin mo ako. Sa gayon ay alam kong malapit nang magsara ang mga sugat at maglaho ang mga alaalang ipinamana mo sa akin.

Oh I don’t know what to say…who r u?

youtube

A piece from Juan Miguel, I just thought this is so beautiful not to share…


Mga Basang Unan ni Juan Miguel Severo

Noong iwan mo ako nang walang pasabi at pangako ng pagbabalik umiyak ako buong gabi. Umiyak ako nang sobrang tindi, kinailangan kong ibilad sa araw ang unan ko kinabukasan. Ang sarap pala sa pakiramdam ng patulugin ka ng sarili mong pag-iyak. Naisip ko, hindi pinakuluang dahon ng bayabas o alak ang sagot sa ganitong klaseng sakit. Luha ang pinaka-mabisang panglanggas sa sugat ng puso.

Kaya inaraw-araw ko ito. Sinisimulan at tinatapos ko ang araw na ginagamot ang mga sugat na iniwan mo. Binabalikan ko lahat ng alaala at hinahanap kung saan silang lahat bumaon sa puso ko. Nakakatawa. Akala ko noon, kung dumating man ang panahon na ‘to, puro mga away at hindi natin pagkakasunduan ang mga sugat na iintindihin ko. Na sila ang mahirap gamutin. Na sila ang, kahit ilang balde na ng luha ang aking pigain mula sa mata ko, magdurugo pa rin.

Pero mas nagdurugo ako para sa mga tawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga patawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga yakap mo. Sa kung paanong ang balat ko ay parang nalalapnos kapag dahan-dahan mo akong hinahaplos at kung paanong ang hininga ko ay nahahapo at kinakapos kapag niyayapos kita. Nadurog ako noong gabing umalis ka, pero mas nagdurugo ako sa unang gabi na pinili mong manatili. Nadurog ako noong gabing sinabi mong ayaw mo na, pero mas nagdurugo ako sa gabing tinanong mo ako kung puwede pa ba. Nadurog ako noong gabing tinalikuran mo ako, pero mas nagdurugo ako na noong pagtalikod ko, nandoon ka pa. Nadurog ako noong sinabi mong hindi mo na ako mahal, at nagdurugo ako, at nagdurugo ako, at nadudurog at nadudurog at nagdurugo pa rin ako sa alaala na ikaw pa ang mas naunang magsabi ng “Mahal kita.”

Mahal. Kita.

Kung titignan ko nang maigi ang mga salitang sinulat ng lahat ng mga sugat na naiwan mo, yang dalawang yan ang mababasa ko. Mahal. Kita. At sa inaraw-araw ng pagbibilad-unan ko, nagmamahid na sila. Mahal. Kita. At sa dami ng luha na pinanglanggas ko rito, naglalangib na sila. Mahal. Kita. At sa tagal niyang kumikirot dito sa dibdib ko, medyo nakakasanay na. Mahal. Kita. At sa tagal ng panahon na ginugol ko sa gamutan, sigurado magsasara na sila. Magsasara at magiging pilat na paulit-ulit kong mababasa at ang parati lang sasabihin ay “Mahal kita.”

Mahal, kung magkita tayong muli at tanungin mo ako uli kung puwede pa ba, ang hihilingin ko lang sa’yo ay mga bagong unan. Dahil lahat ng akin ay ‘kala mo naulanan dahil lahat sila ay akin nang naiyakan ng mga kwento natin at nag-iwan ng marka sa kanila at ayaw ko na. Ayaw ko nang matulog sa unang basa at malunod sa pagtulog sa alaala na mahal kita. Mahal nga pala kita. Mahal pa rin pala kita. At sa wakas, hindi na kasing sakit ng dati, pero mahal, masakit pa.

Pwede naman sigurong magkamali

Matagal na panahon ang ginugol ko sa paglimot

Ilang mga pag-iwas din ang aking nagawa

Maraming pighati na rin ang aking nailuha

Pero parang sa isang kisapmata lang, nagbago ang lahat

Sa isang pagbalik mo lang, bumaliktad ang aklat

Sa maraming mga panahon na akala ko’y maayos na

Nagkaroon pa rin ng pagkakataong bumalik ang iyong alaala

At winasak muli ang puso kong durog na

Ikaw pa rin pala ang una kong naiisip sa tuwing naririnig ko ang salitang “mahal”

Ikaw pa rin ang naaalala kapag nakatitig sa mga tala

Bakit ikaw pa?

Hindi ko pa pala nahanapan ng lunas

Hindi pa nawala ang mga bakas

Hindi pa gumaling ang mga sugat 

Akala ko’y nalimutan na kita

Akala ko’y hindi ko na aakalain pa

Na hindi ko na maaalala ang mga gunita

Ngunit sa bawat paglingon ko sa aking tabi

Sa bawat pagbigkas ng aking mga labi

Ikaw

Pero pwede naman sigurong magkamali

Masakit amining nagkamali na naman ako

Na akala ko’y tuluyan nang tumila ang bagyo

Na natapos na ang mga pagtatalo

Na bumukas na muli ang puso kong sarado

Ngunit ito’y kabaligtaran

Mga bagay na pilit inaalis sa aking puso’t isipan

Pero nag-iba ang mga pangyayari

Mga pangyayaring hindi mawari

Kung bakit ang mga ito’y dumating 

Napagtanto kong ikaw ang sakit na pilit kong binabalikan

Ikaw ang sakit na gusto kong maramdaman

Baka ang pag-usad na matagal ko nang hiling ay hindi ko na mararanasan

Ilang beses ko nang sinubukang sumulat
Ilatag sa papel ang sakit na dala-dala
Nagdadasal, na ito ay mabawasan o tuluyang mawala
Ngunit lagi’t lagi, ako'y nauubusan
ng mga salitang magpipinta ng tula.

Paano nga ba isusulat ang bawat buntong-hininga
ang bawat paglunok sa tuwing ang sugat ay kumikirot
ang bawat ngiting walang iba kundi pilit?

Paano nga ba isusulat ang bigat ng pusong tumatangis
ang pagod sa umaga dahil di nakatulog sa gabi
ang takot na na kailanma'y hindi mawawala ang sakit at hapdi?

Paano nga ba isusulat ang katahimikang nakakabingi
ang mga panaginip na wari'y tunay na pangyayari
ang lahat ng pagtangkang makalimot, na nauwi sa pagkukunwari?

Hindi ko alam. Maniwala ka,
napuntahan ko na ang lahat ng sulok – makipot, madilim
mahanap lamang ang sagot at sa wakas, kapayapaa'y makamit.
Di ko namalayan, ako'y nakulong na pala sa kawalan.
Sana ay mahanap na ang mga nawawalang salita, sapagkat ako ay pagod na.

March 18, 2017

Sa aking muling pagbabalik
Ako'y di na nananabik
Sa ating muling pagtatagpo
Pag-ibig ko ay tuluyan ng naglaho

Ating mga pangarap
Hindi ko na tutuparin
Sarili ko na muna ang aking mamahalin
Pangalan mo ay di na muling sasambitin

Pagkat naghilom na ang bawat sugat
Isinuko na ang bawat pag-asa
Ang mga baka sakali na maaari pa tayong dalawa
O maski ang isipin ka

Wala na
Tapos na
Tama na
Paalam na

Tigil na tayo.

Habang meron pang natitira na magaganda sa mga alaala na binuo nating dalawa. Habang may babalik tanawin pa akong mga ngiti at tawa o mga sandaling wala na akong ibang ginusto kundi makasama ka. Bago pa ito mapalitan ng mga luha, hinagpis, sigawan at mga sandaling napapagod na tayo sa isa’t-isa. Ayokong kalimutan kung paano kita minahal at kung paano mo ipinaramdam sa akin na karapatdapat ako na piliin kahit sa sandaling pagkakataon at panahon na iginugol mo sa akin.

Tigil na tayo, mahal.
Tama na.

Ayoko ng dagdagan pa ang mga sugat na dulot ng ating mga hindi pagkakaintindihan na bawat salita ay humihiwa sa aking kalamnan— masakit palang lumaban kung tayo mismo ay nagpapatayan na. Ang hirap palang kumapit kung ikaw mismo, wala ng ganang hawakan ako at sandali nalang ay bibitaw na. Ilang masasamang alaala pa ba ang dapat nating likhain para maramdaman natin na kahit gaano kalakas o kalalim ang pag-ibig, hindi ito naging matagumpay para umabot hanggang huli.

Mahal, awat na.

Baka sa sobrang iwas natin sa wakas at dulo, wala tayong ibang mapuntahan kundi ang daan nito.

Mahal kita.
At sa ganoon kita gusto maalala.

Kagaya ng kape, ang pag-ibig ay mainit din, maalab at nakakapaso. Ilang beses na bang namanhid ang dila mo sa pagmamadaling matikman ang nakakatakam na inuming nakahain sa harap mo? Hindi mo na siguro matandaan. At sigurado akong hindi mo na rin gugustuhing bilangin kung ilang beses ka ng sinaktan ng pag-ibig. Kung ilang balde na ng luha ang pumatak sa mga mata mo, kung ilang gabi ang nilaktawan mong tulugan, at kung ilang umaga ang hiniling mong sana hindi na sumapit pa. Matagal na panahon na rin mula sa nakaraang naglakbay ka patungo sa kasalukuyan. Nakaahon ka na sa pagkalunod sa alaala ng nakalipas. Tuluyan mo ng nabuo ang pira-piraso mong pagkatao, kasabay ng paghilom ng lahat ng sugat. Gumaling na ang manhid mong pakiramdam mula sa bahid ng ilang beses na pagkapaso sa init.

Matagal na panahon na rin di ba? Matagal na panahon. Siguro ito na yung bagong pagkakataon. Ngayon, bakit hindi mo ulit subukan? Sa gabing ito, handa ka na bang mapaso muli?

Tara, kape tayo.

Sa pagtakbo ng panahon
Tuluyan maghihilom ang mga sugat
Sugat dulot ng mga katagang binitawan mo
Ang sakit ay mawawala
At ako ay makakalimot sa dala mong mga luha
Lilipas din ito
Ang mga sakit at kirot rin ay maglalaho
Nakalampas na ko noon dito
Kaya’t alam ko
Kakayanin ko muli ito

“Luha ang pinaka mabisang panglanggas sa sugat ng puso.” Sabi ni Juan Miguel Severo doon sa isa nyang tula na pinamagatang, Mga basang unan.

Ngunit bakit hindi?

Bakit habang pinanglalanggas ko ang luha ko, mas lalong lumalala ang sugat ng puso ko? Bawat patak, mas lalong lumalalim. Bawat hinga, mas lalong sumasakit. Parang asido na mas pinapalawak pa ang sakop ng mga alaala mo. Habang tumatagal, halos gabi-gabi nalang, tumatangis parin dahil sayo. Ang layo na ng pagitan natin sa isa’t-isa… Ang hirap paring kalimutan ka.

Sabi kasi nila, Luha ang pinaka mabisang panglanggas sa sugat ng puso. Kaya inaaraw-araw ko ito… At araw-araw rin akong nagsisinungaling sa sarili ko na ito na ang huli. Pagkalipas ng magdamag, hindi na muli ako iiyak dahil sayo.

Bakit parang hindi?

Tuwing may butil ng tubig na gumugulong mula sa mga mata ko, mas lalo kong nararamdaman ang pag-iisa. Pangungulila. Pagsamong sana makasama ka muli. Kalakip ng pag-iyak ay ang pag-asa muli… at mauulit lang ulit.

Kahit pagod na akong lumuha,
mahal parin kita pagdating sa huli.


(some parts are from JM Severo’s Mga basang unan)

anonymous asked:

How the...WHY the hell does Kyle drink coffee with 10 tablespoons of sugat? That shit would be disgusting

Oh,trust me,it is disgusting (Speaking from somewhat of a experience,I one put fire relugar spoons in my coffee bc I had a low level of blod sugar),but it helps deter certain people *cough*N.Gin*cough* from drinking her coffee.
You have no idea how happy she is when she drinks normal coffee from somewhere