no paba

Papa! Happy father’s day po! Sobrang miss na miss kana po namin at ang dami mo na pong namiss sa event sa buhay ko. Sayang pa, wala ka nung graduation ko. Ineexpect ko pa man din na nandun ka, diba pangarap natin to? Na makatapos ako ng Engineering Course? Natatandaan mo paba nung time na sinabi mo sakin na “Nak kayanin mo yan, kasi maganda yung magiging buhay mo pag naging engineer kana” Yung mga oras na umiiyak ako sayo dahil gusto kona magshift ng course dahil sobrang nahihirapan nako, nandyan ka parin sinasabi mo na may tiwala ka sakin na kaya ko malagpasan yung engineering dahil bilib ka sa talino ko. Eto na pa graduate nako.

Sayang pa hindi mo man lang nakita tong graduation picture ko oh. Ang pogi ko dyan, kamukhang kamukha kita. Sayang talaga pa, tas hindi mo pa nakikita yung ECT kong license, hindi pa sya yung ECE pa pero License Technitian na po ako pa.

Pero pa, meron po akong winowork ngayon, nagrereview po ako para mapasa ko yung isang board ko, yung para talaga sa course ko. Pa, alam kong gagabayan moko sa boards ulit! Alam kong kaya ko to kasi sabi mo magtiwala ako sa talino ko, kaya eto ako naglalakas loob na sumubok sa board exams.

Pa kahit anong mangyari ah, sana proud ka parin sakin sa kung ano mang narating ko. Basta pa magsisikap pa po ako para malayo pa po yung marating ko para mas maging proud kapa sakin dyan sa Heaven. Lagi nyo po akong iguguide ah! Maraming salamat po papa! 

Happy father’s day. I love you papa! You’ll be here forever in our hearts. 

Bloggers tayo, di tayo Bashers.

Constructive Criticism bes, medyo masakit kasi realtalk pero para sa ikabubuti natin to. Ikabubuti ng TumblrPh at ng Dash, Hahah di ako nagrarants pero diba, wake up call na din. Napapansin mo ba na ang lata lata na ng Dash? Di na sya ganon kasaya at di na sya ganon katulad dati na kinatatambayan mo kahit ilang oras. Yes, madaming magsasabi na “sino ba sya para sabihin yan" “ano bang pinagsasabi nyan?!“ Pero kasi, satin at satin din ang balik ng mga pinagagagawa natin sa mga individual blogs natin.

Self assessment tayo kung blogs paba yung laman ng blogs natin.

Slučajni susreti. Bolni. Iznenađujući. Ostavljaju nijemim, s gorućom željom da ti vrisnem ime. Ali odlazim šutke. Iz protesta. Glumim da te nisam vidio. Da nije zaboljelo. Da nisi jednako lijepa i da nije svijet stao u toj sekundi,kad su nam se pogledi sreli. U sekundi kad sam izgorio iznutra kao šibica, od čežnje i ljutnje, a na kamenom, bezizražajnom licu tebi servirao dojam hladnoće. To se zove biti muško. Zato nas od malena uče da ne plačemo. Da nikad ne vidite kolike ste kučke i koliko bolite.
Vidio sam te, a onda je prošlo. Zakoračio sam dalje. Napravio još stotinjak koraka, došao do paba gdje me čekao drug. Sjeli smo, naručili pivu i pričali o svemu osim tebe. Više ne postojiš. A posvuda te ima.

Hoy gago bakit ang unfair ng life. Ako yung taong sobrang positive lang. Yung pag may kaibigan akong sobrang depressed at suko na sa life, ako yung taga cheer nila na laban lang, wag susuko, kaya mo yan, malalagpasan mo yan; even tho di ko alam pinag dadaanan nila. Basta macheer up ko lang sila.

Pero puta bakit pag ako na yung suko sa life, pag ako na yung pagod, sino yung nandyan para sakin? Tangina boi wala. Buhat sariling bangko. Wala man lang magtanong kung okay lang ba ako, kumusta araw ko, kaya ko paba. Mga ganon ba. Boi wala. Sarili ko nalang din tinatanong ko. Kung okay ba ko? Kumusta ba ko? Tapos tangina alam ko niloloko ko lang sarili ko na okay ako, na kaya ko pa. Boi ang hirap. Ang hirap nung naghahanap ka ng attention, ng physical appearance ng isang taong magpaparamdam sayo na magiging okay rin ang lahat. Tangina si Lord nalang lagi kong kausap sa mahigit dalawang oras na byahe sa bus. Kay Lord ko nalang pinapaubaya lahat. Even tho minsan nakakalimot na ko sa kaniya. Ang sakit na sa ulo kakaisip, kinakain ako ng kalungkutan as of now. Gusto ko nalang muna mawala. I think I lost myself.

icessaura  asked:

What if ang sinabi sayo ng bf mo eh "Pahinga muna tayo kasi paulit ulit na tayo, Sana pag nagkita at nagkasama uli maging matured na tayo sa mga bagay, mahirap din sakin to pero naiintindihan mo naman po dba?" what can u say? Aasa paba o aasa? Hahahaha

Hello, icessaura! Kung ako sayo, hindi na ako aasa. Bakit? Ask yourself, hanggang kailan ka maghihintay sa “pahinga” na yan. We all know na hindi directly nakikipag break ang mga lalake. Gumagamit sila ng mga phrases na hindi naman sobrang bigat sa damdamin. They’ll use, 

“hanapin ko muna sarili ko”

“I need space.”, “Nalilito na ako kung anong gusto ko.”

“Kailangan ko lang mapag-isa.”

“It’s not you, it’s me”

Kase kung totoong mahal ka talaga niyan, aayusin niya kasama ka ang problema, basta walang mahihiwalay. Period.

Stop in the Name of Love

pls don’t hate me for the religion thing I put in here, and also a thousand apologies for this being so late. Requested by @queeniemoonie

prompt: Robbie is super good at cooking and baking and everyone really only knows about the baking. So, I just want Sportagay to go into the lair, somehow, and just see Robbie cooking and asking him to cook things for him.

Keep reading

1:35//

sa muli nating pagkikita, 
bakas pa din sa mukha ang pananalanta
ng bagyo ng kahapon, palaging nakabanta
na kahit anong gawin natin, katotohanan ay hindi mabura.

Kamusta? Salitang namutawi sa labi
ngunit may mga salitang hindi masabi,
puso muna ay isasantabi
kaya tanungin mo na ako, yan ang aking masasabi.

Mahal, ayaw mo na ba?
Hindi ko alam.
Mahal, mahal mo pa ba?
hindi ko alam
Mahal, hindi mo ba ako namimiss?
hindi ko alam
Mahal, gusto mo paba?
hindi ko alam

Sa daming ng tanong mo,
paulit-ulit na, hindi ko alam ang naisagot ko
kasi hindi ko alam, ang nais na maganap
pero ayoko na ding magpanggap

Mahal kita, pero siguro hindi na ito sapat
ngayong napagtanto ko na, hindi talaga ito sapat.
May mga bagay na hindi na dapat ipinipilit pa
para hindi na tayo magkasakitan pa.

Sapat na ang ilang buwan ng paghahanap
Sapat na ang luhang pinaagos sa unan
Sapat na ang sakit na dulot ng pagpapanggap
Sapat na ang mga salitang aking natanggap

Kaya paalam sinta, hanggang dito nalang
At sa wakas, ang mga salitang hindi ko mabitawan
ngayon ay handa nag ipagsigawan
dahil simula ngayong araw na to, ikaw ay akin nang bibitawan

At sana sa muli nating pagkikita,
kung pagtagpuin man ng tadhana
hindi na bakas ng unos ang aking makita
kundi ang makita kang masaya

Dahil ang pagsuko ay hindi tanda ng pagkamahina
bagkus ay tanda ng pagiging matapang na harapin ang katotohanan na
tapos na, at wala na talaga.
Paalam, hanggang dito nalang, sinta.