nicole sa

Teenage Depression

Kung ikukumpara ko ang buhay bata, teenager at pagiging matanda ko ay masasabi kong napaka sensitibo ng buhay ko bilang teenager. Sa panahong ito, hindi lamang hinuhubog ang ating pisikal na itsura kundi narin ang ating emosyon. Diba nga nauso ang puppy love dahil tayo'y nagkakaroon ng crush sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

Teenagers ang ang target ng iba’t-ibang klaseng emosyon. Hindi na tayo bata kung saan pagkatapos mong awayin ang kaibigan mo dahil inagawan ka ng candy, pagkatapos ng ilang minuto ay bati na ulit kayo. Ngayon, hindi na lang candy ang inaagaw kundi atensyon, pagmamahal, kalinga at boyfriend. Nagiging maramdamin tayo at humahantong sa puntong nawawala ang ating mga kaibigan. Dito nabubuo ang ating inner demons. Nagiging sensitive tayo. Wala naman sigurong teenager na bata pa kung makipagusap tulad nito.

Monica: Bad ka. Akala ko ba friend kita. Bakit inagaw mo si Adrian sa akin!

Nicole: Akin sya Monica! Akin lang sya!

Monica: Walang sayo Nicole! Akin lang ang asawa koooooo!!!

Nicole: *umiiyak* hindiiiii! Hindi Monicaaaaaa. Bad ka. Ambad bad mo! Susumbong kita sa mama ko! Di na tayo bati! Huhuhuuu Bad ka!

Sa stage ng pagiging teenager tayo natututong ipagkait ang pagpapatawad. Kinakain tayo ng lungkot at nagpapatalo tayo sa inggit. Pumapasok ang mga bad vibes sa ating isip. Dati akala mo masaya ka na sa yakap ng magulang mo, ngayon naghahanap ka na ng yakap ng iba. Nakakaramdam ka ng kulang. May malaking space sa puso mo na hindi mo alam kung paano mapupuno.

  • Minsan ba naisip mo isang gabi kung bakit hindi ka masaya?
  • Nakakaramdam ka ng lungkot sa sarili mo? Pagkatapos ng isang masayang maghapon, nakahiga ka sa higaan mo at mapapaisip ka na may kulang parin sa buhay mo.
  • Nakakaramdam ka ba na wala kang pag-asa sa iyong buhay o natatakot ka oara sa iyong kinabukasan?
  • Pakiramdam mo ba ay wala kang halaga?
  • Dumarating ba ang oras na gusto mong mapag-isa at ayaw mong may kumausap sayo dahil naiirita ka?
  • Galit ka ba sa mundo?


Kaibigan, hindi biro ang depresyon. Ito ay labis na pagkaramdam ang kalungkutan. Maaring namamana ito o nagkakaroon ng problema sa mga neurotransmitters (part ng ating nervous system). Maaaring dala rin ito ng di magandang pangyayari sa ating nakaraan at maaaring dala rin ng stress.

Ayon sa World Health Organization, 350 milyong tao ang nakakaranas ng depresyon. Isa sa bawat limang teenager naman ang nakakaranas ng teenage depression.

Mahalaga na labanan natin ang nararansan nating kalungkutan bago pa tayo tuluyang lamunin nito at mauwi sa hindi magandang epekto. Importante na may mapaglabasan tayo ng ating dinadalang problema. Pinakamabisa na ang ating mga magulang. Handa silang makinig sa ating mga hinaing. Handa silang kausapin tayo at gabayan upang mawala ang ating pinapasang krus. Kung hindi natin malapitan ang ating magulang, may mga kaibigan tayo na pwede nating iyakan para mawala ang lungkot sa ating dibdib. Mahalaga ang companion. Base sa pag-aaral ay nakakatulong ang kaibigan para mawala ang ating lungkot dahil pakiramdam natin ay may handang makinig at makihati sa ating problema dahil ang tao ay likas na dumedepende sa ating kapwa. No man is an island ika nga.

Paano ba natin matutulungan ang ating kaibigan o kamag-anak kapag sila ay dumaranas ng depresyon?

  • Makinig - mahalaga na mailabas nila ang kanilang problema. Madalas ay kailangan lang nilang i-vent out ang kanilang nararamdaman. Sa paraan ng pagkukuwento, gumagaan ang bigat na kanilang nadarama.
  • Hayaan mo silang magkwento - hindi madaling ilabas ang nararamdaman ng isang tao. Natatakot ang iba na mahusgahan sila base sa kanilang nararamdamanan. Hayaan mo sila na sila ang mag open ng kanilang problema.
  • Maging seryoso sa kanilang nararamdaman - Hindi masasagot ng “ kaya mo yan”, “cheer up”, “kalimutan mo na yan” ang kalungkutan ng kaibigan mo. Kailangan nila ay suporta at tulomng. Hayaang mong maramdaman niya na nasa isang bangka kayo. Iiyak nya lang ang nararamdaman nya.
  • Pag-usapan nyo ang maaaring hindi magandang resulta ng kanilang kalungkutan at ang epekto nito - madalas suicide ang nagiging resulta ng isang malalang depresyon. Iparamdam mo sa kanya na maraming tao ang nagmamahal sa kanya at ang epekto ng hindi magandang desisyon nya. Note: pag-usapan nyo ito kung inopen nya ang issue na suicide. (ReachOut, 2017)


Hindi madali ang makipaglaban sa depresyon. Kung kinakailangan ng espesyalista, hindi masamang kumunsulta. Wag nating kakalimutan na hindi naging biro ang usaping depresyon dahil ang kalungkutan ay malapit sa kamatayan.

6

How hypocritical, ES and Jess were over the moon Squeeeeeeeeing endlessly when Nicole was bantering with Cait about what they thought were personal details about Sam and Cait spending time with this couple as a couple. Now that Nicole has included MacKenzie in a couple type Comment on Sam’s Instagram they all have their panties in a huge twist. Saying awful things about Sam and Cait’s friend from SA Nicole.

The Legal Wife: "Masarap ba Asawa ko?!"

Dahil hindi nakasagot si Nicole sa sobrang intense ng mga pangyayari, kung sinu-sino na lang ang kinausap ni Monica tungkol dito.

Monica: "Ano? Masarap ba Asawa ko?!“

Mang-Inasal: Halo-halavyahhh~

Monica: "Ano? Masarap ba Asawa ko?!”

Vice Ganda: Meshereppp~

Monica: "Ano? Masarap ba Asawa ko?!“

Kendra: Masarap? is it real? is it real? ♫♪

Monica: "Ano? Masarap ba Asawa ko?!”

Big Brother:  "Malalaman mo ang kasagutan sa takdang panahon.“

Monica: "Ano? Masarap ba Asawa ko?!”

Chef Boy Logro: “Yum yum yum yum!!!

Monica: "Ano? Masarap ba Asawa ko?!”

Anak ni Sir Chief: ♫♪ Maga-a-a-an ang feelingggg.. Masarap ang feeling with Palmolive Naturals. ♫♪

Monica: "Ano? Masarap ba Asawa ko?!“

Kathniel: ♫ Kayang kayang kaya. Kayang kayang kaya. ♫♪