ng~

anonymous asked:

I luv the mods v much and hope they get a break from all the spam shit

jgrdijsdrijodjroidsjgosijioJIGJSODOIGDRJOISDJIDJODIRORIJDGKRPOSGKPDROGKPFOSDPRGOPDSOFKPORS C R I E S

yung crush ko sa office jusq nagkatuluyan sila ng isa niyang ka-team. kaya pala everytime na nakikita ko siya hindi sila mapaghiwalay. lels ang dali naman pala bumigay pota mga bes naunahan ako ng hunghang. parang tubig amp?? nakapaka tasteless pota hoy!! pero balita ko nag-aanuhan kayo sa dorm niyo ha. nako love ba talaga yan hmm bakit ba ako nangengealam??? pero bakit mo naman ako nilagpasan shet hindi ka man lang nakapaghintay anuna. hayz gege masaya naman ako para sa inyo. bagay kaya kayo. sobrang bagay tangina mah hart and mah sol, yukuna fu.

EXCLUSIVE: The BAU Has a Difficult Time Keeping Reid Safe in Prison on 'Criminal Minds'

The BAU is taking Spencer Reid’s lengthy prison stay hard.

On Wednesday’s episode of Criminal Minds, titled “In the Dark,” Luke Alvez (Adam Rodriguez) catches Penelope Garcia (Kirsten Vangsness) crying in her office after visiting Reid (Matthew Gray Gubler) behind bars in ET’s exclusive sneak peek.

When Alvez asks Garcia if she’s OK, she’s immediately caught off guard, insisting she’s fine – though all signs say she’s not.

RELATED: ‘Criminal Minds’ First Look! Garcia Finds a Way to Cope With Reid’s Imprisonment

“Look, really, really, really, I’m OK,” Garcia protests. “Just go away, please.” But Alvez knows better than to leave her alone.

“I know I may not be the someone you want to talk to, but I can’t walk away with you like this. I know you went to visit Reid, is that what this is about?” he asks, before learning just how badly Reid is doing in prison.

“He’s hurt,” Garcia reveals, before we see flashes of a disheveled and bruised Reid looking like a shell of himself. “Like really bad; he should be in protective custody, bad. I told him I was going to march into the warden’s office and give him a piece of my mind. But he said it’d just make things worse.”

RELATED: Shemar Moore Is Returning to 'Criminal Minds’

Alvez and Garcia start to formulate backup options to keep Reid safe, including some possible allies Reid’s made on the inside who could potentially be assets. Watch the exclusive video above to see the BAU’s plan of attack.

Criminal Minds airs Wednesdays at 9 p.m. ET/PT on CBS.

Related Articles

Nilamon ng Kdrama.

Di naman talaga ako mahilig manuod ng Kdramas. Mas gusto ko kasi pakinggan yung mga Japanese mag salita eh kaya more on live action na base from manga ang pinapanuod ko. Kaao nitong nakaraan pinilit ako manuod ng Love in the moonlight. Malay ko ba naman na matatapos ko sya in two days. Tapos ngayon yung Legend of the blue sea naman pinapanuod ko na suggested by @walang-por-e-ber . Sabi ko ngayong gabi ko sisimulan kaso nagsimula na ako agad kagabi. Tuloy tuloy hanggang haninang umaga. Natapos ko na hanggang ep10! Nakalahati ko agad yung buong series! Sa katakawan sa panunuod at pagdodota ayun nagshutdown na ko kanina sa sobrang puyat. Nakatulog ako ng di ko namamalayan. Ahaha at kakagising ko lang ngayon. Natuwa ako masya do. Kaya hinay-hinay muna ngayon. Ahaha baka matapos ko agad. Ayaw ko pa!

Sobrang pinasaya mo ang buhay ko.


Salamat sa lahat lahat ng nagawa at ginagawa mo para sa akin. Kaya kong magpasalamat sa'yo kahit ilang milyong beses pero hindi pa rin nun matutumbasan yung pagmamahal na binibigay mo sa'kin.

Hindi ko naisip na makakaramdam ako ng ganitong pagmamahal bago ka dumating sa buhay ko. Alam ko madaling sabihin ang mga katagang “hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala ka sa buhay ko”, pero ngayon ko napapatunayan na pwede talagang makaramdam ng ganun. Lahat ng mga bagay na mahihirap nagiging madali nung dumating ka. Lahat ng mga pangamba sa puso ko, lahat nawawala kapag naiisip kita. Kasi ikaw yung taong hindi ko akalang hindi kakailanganin ko ng ganito.

Alam ko hindi tayo perpekto, grabe tayong mag-away at magtalo sa mga bagay bagay, pero pagkatapos nun, mas nagiging matatag tayo. Lahat ng yan parte lang ng buhay natin at lalabanan natin para lang wag tayong maghiwalay. Kasi sa ngayon madali nalang sumuko ang mga tao, ang hindi nila alam para maging masaya ka, dapat hindi ka sumuko. Wala akong gustong baguhin sa relasyon natin, kahit na yung mga mahihirap na parte nito, hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano. Kasi alam ko na dahil doon mas lalo natin nakikilala ang isa’t isa, at mas tayong nagiging close pa. Kapag may hindi pinagkakasunduan, mas nauuna ang kagustuhan natin na magkasundo nalang.

Hindi ako magsasawang makinig sa mga rants mo, kahit paulit ulit, kahit na wala naman dapat ipangamba, kahit na wala akong maintindihan, nandito lang ako makikinig sa'yo. Hindi ako magsasawang suportahan ka pa sa mga bagay na alam kong kayang kaya mo naman gawin, at ipush ka pa para mas maging magaling.

Malapit na tayong maglimang buwan, pero araw araw pa rin ako nasosorpresa sa mga kaya mong gawin para sa atin. Nasisiraan na ako ng ulo sa'yo, at mas gusto ko yun kesa sa kahit na ano. Limang buwan pero pakiramdam ko ilang taon na tayo. Kaya kong intindihin yung kabaliwan mo, kasi ganun ka rin naman sa kabaliwan ko. Ang mga ngiti at tawa mo ang nagpapasaya sa puso ko. Ikaw ang isa sa pinakamabait at pinakamaaalalahanin na taong nakilala ko.

Ang pagmamahal ay isang bagay na sobrang espesyal, at ang mahalin ng isang tulad mo, hindi ko lang masasabing swerte ako, masasabi ko rin na natagpuan ko na ang tunay na magpapasaya sa buhay ko. Yung taong handa kong ipaglaban. Hindi lang swerte, sobrang swerte.

Kaya salamat. Salamat sa lahat lahat. Salamat sa pagbibigay sakin ng pagmamahal. Salamat sa pagtutulak sa'kin na mas maging mabuting tao. Salamat sa pagchallenge sa akin sa mga bagay na kinakatakutan ko. Basta wag mo ako ichallenge na mawala ka sa buhay ko, kasi yun ang pinakakinatatakutan ko. At ang pinakaimportante, maraming salamat sa pagpaparamdam sa akin na worth it ako. Hindi ko alam kung paano na mabuhay ng wala ka mahal ko.

Maraming salamat. Mahal na mahal kita. Higit pa sa sobra.

Ako yung klase ng tao na laging may "hahaha" kausap kachat katext.

Para less awkward. Less serious. Less hassle. Para di ramdam yung totoong feelings ko. Para di kita yung bigat. Gets niyo ba? Hahaha

03 / 23 /17

07:33 pm

Ganoon naman talaga siguro. Kapag lumaki ka sa isang pamilya na hindi magkasundo, matututunan mo na lang mahalin ang sarili mo. Nagtataka rin siguro yung bawat taong makakasalamuha mo, kung bakit ganoon na lang yung init na taglay ng pagmamahal na ibinibigay mo sa kanila. Siguro, yun lang ang bagay na kaya mong ibahagi. Yung apoy na nagliliyab sa kabila ng kadiliman na bumabalot sa buong pagkatao mo. Yung kaisa-isang bagay na hindi mo naranasan sa pamilya mo—gusto mo na lang iparanas sa iba. Yung pagmamahal na kulang sayo, ipapamalas mo na lang sa kanila.

Sa pagdaan ng mga araw, inaakala mo na nabubuo mo kung anumang kulang sa kanila—ngunit nagkakamali ka roon. Sila ang bumubuo sa'yo. Yung mga taong nakakasalamuha mo ang tumutulong sa'yo para mapuno ang anumang kakulangan na hindi maibigay ng pamilya mo. Sila ang nagbibigay ng bawat piraso na bumubuo sa pagkatao mo. Basag man ngunit pinupuno pa rin nito ang bawat sulok, bawat lahang, at bawat butas diyan sa puso mo.