ngayon-ko-lang-napansin

Ngayon ko lang napansin na sobrang boring na pala ng dash ko ano. Tapos gusto ko magfollow ng mga blogger pero hindi ko alam kung saan ako maghahalungkat :( Hays. Oke. Hello 

SMFMU UPDATE

Sorry guys, medyo lutang ako kanina. We’re moving the date at last na to. Pasensya na ha? Patience. Bear with me guys cause first timer na organizers kami nina minsanpogi at futureteachercha. Ayon, maling impormasyon yung naibigay ko. Hindi po sa may 30 ang SMFMU, sa may 31 po siya dahil National Heroes day non. Ayon. Sorry sa inyo. Ngayon ko lang napansin na 30 ako ng 30 e 31 pala yung may holiday.

Spread the word guys. Last na bago yun. Tapos ano, guys, may nagsuggest sa may tuktok raw ng fairview terraces. Sounds like a good idea. Smf magkikita kita tapos biglang lipat ng fairview terraces lol. Naisip ko din, mas fit sa games na inihahanda namin yung ambiance ng ft eh. *winks*

So ayon, update ko lang kayo. Baka ibahin pa namin yung name ng meet up cause baka ilipat na nga siya ng ft. Sorry pabago bago, matagal tagal pa naman eh atsaka, tao lang po hihi. Oh ayon. Thank you. :)

Ngayon ko lang napansin na ang dami kong gusto pero kaya kong kalimutan lahay ng yunn dahil sa ngayon ikaw lang ang gustong gusto ko.

kupida-0n-duty asked:

Dear kupida-0n-duty,

Dear kupida-0n-duty,

Halo :D first of all sorry ngayon lang kita nafollow :c di ko ata napansin na finollow moko kaya ayon Huhu sorry. So ayon ibig sabihin di pa tayo nagkakausap Hahaha. Sana magkausap pa tayo next time :D Good mornight!

“Bakit parang wala kang pake?“ Ang tanong ni… itago nalang natin sa pangalang JB (hindi nya totoong pangalan pramis), ayun tanong ni JB sa'kin dati. Ngayon ko lang naalala eh haha bakit ba? Tapos ayun. Natawa ako. Napansin nya kasi na parang steads lang ako, may sariling mundo mga ganern which is true naman. So bakit nga ba? Akshali nakakatamad kasi eh like ano naman ang makukuha ko kung makikisawsaw pa ko? Kung magsasalita ako as if may makikinig, tatahimik nalang ako. Tsaka minsan lang talaga ako may pake eh. Seryoso. HAHAHAHAHA kung walang pake yung other side matic na rin ako walang pake pero depende pa rin yan. Pero nakakatamad lang talaga magreact. Pabayaan lang ba, mga ganun. Makikisali pa talaga para mema, ganun? Ay waht. HAHAHA wala lang. Naalala ko lang kasi bigla yung tanong ni JB (di nya tunay na pangalan) eh. HAHAHAHA

Ngayon ko lang napansin na matagal na akong walang load. Isang buwan na ata hahaha. May mga nagtetext naman, miss na daw nila ako (yesss naman) Minsan, effective din pala yung hindi ka magpaparamdam no kasi may mga taong nakakamiss din pala sayo nakakatats lang. May nagmimisscall, siguro chinecheck lang kung active pa yung # ko hahaha minsan maggm nga ako para malaman na active pa chos.

Nakakatamad na talagang magtext ngayon hindi katulad nung hs pa, panay GM at text kahit na abutin pa ng madaling araw. Minsan may mga puyatan pa na kung sino matalo yun yung manlilibre ng load or kahit ano. Hahahaha hi sa mga kadeal ko dati what hahaha

Hays. Minsan, mapapaisip ka na lang na may mga bagay na nakasanayan kang gawin noon na hindi mo na ginagawa ngayon. Bakit may mga ganung sitwasyon no. Siguro ngayon, hindi ka na masaya sa ginagawa mo kaya nagkakaganon. Minsan kasi ang noon ay magbabago din, hindi na maaring mangyari ngayon dahil ang panahon ay lumilipas. Lahat nagbabago. May mga mawawala, may magbabago. Bakit ganun ang tao bakit ganun ang buhay. Nakakaloka.