ngayon ko lang to nakita

doreeeeen  asked:

Hello ate, ngayon ko lang nakita reply mo dun sa comment ko. Hmm sino ba yun ate? Sobrang masakit nga yung ganon at nakakadala na at the same time kasi nagtiwala ka na sa kanya then malalaman mo niloloko ka lang pala. Wag mo na ientertain mga taong ganyan ate, distance mo na ang sarili mo sa kanila di mo deserve yung mga taong yun sa buhay mo.

Siya ‘yung kinukwento ko sa'yo noon. Siya at siya pa rin. Pero this time, sana natutunan niya na 'yung lessons niya. At pinag-pray ko na sana maging better person siya at makita na niya 'yung worth ng lahat ng tao o bagay na nasa paligid niya. :)

Nakooo nakakapang init ng dugo yung partner ko na nakikiusap ba naman kanina kung pwedeng ako nalang daw yung magresearch at gumawa nung outline ng irereport namin sa computer class. Ay jusko tapos ngayon lang nakita ko kakaupload niya ng selfie sa fb ay potaness ka hahaha. Shet ate gurl. Marami pa kong kailangan gawin at unahin pero kailangan kong maging positive sa buhay :) :) :) Char.

Kumusta ka na? Sana maayos kana ngayon. Bigla ko lang naalala yung huling beses na nakita kitang ngumiti. Yung ngiting minahal ko dati. May mga gabi din na bigla nalang pumapasok sa isip ko yung boses mo. Hindi ko na maalala yung tunog ng salitang “Mahal kita.” galing sayo. Pero naaalala ko yung pakiramdam kapag sinasabi mo ito sa akin. Naaalala ko kung papaano mo ako pinapasaya dati sa mga simpleng hirit mo, kung papaano mo ako pinapatahan sa paglalambing mo. Hindi ko pinagsisihan na ikaw yung pinili ko, kasi kahit natapos tayo, sobrang pinasaya mo ako sa maikling panahon na nagkasama tayo.
—  Alaala Nalang // d.g