netongs

papa: bibilhan kita nung gusto mong relo pag hindi ka na magpupuyat at 8 ka na lagi matutulog

WTF I CAN’T!! NETONG 2016 NGA PURO MADALING ARAW NA TULOG KO TANGINA 8 PA KAYA?? HAHA?? HOW?????

TANGINA NETONG PROF NAMIN EH MAGPAPAGAWA NG MODULE TAS GUSTO IPASA AGAD PAKYU ANG IKLI IKLI NG PALUGID NA ORAS PAKYU ULIT NAKAKASTRESS KA PAKYU TIMES THREE KASI WALA PA KAMING MAAYOS NA TULOG PAKYU TIMES FOUR DAMI MONG ALAM PUROS PAPOGI KA LANG NAMAN WEH

Coming out

I feel bad for those people na hindi tanggap ng family nila nung nagout sila as a part of lgbtqiap spectrum. Mahirap i-earn yung acceptance. Sobra. Kaya nga nahirapan din akong magout sa friends at sa mom ko na Ace ako. Nung una, ayoko talagang magout. Pero nandoon na rin kasi ako sa point na ayokong magtago. Ayokong itago yung tunay na ako. Alam ko medyo late na rin akong nagout. Netong june lang. Nabigyan lang ako ng lakas ng loob na mag-out nung nag-out sa akin si zia. Yung bestfriend ko. Sabi niya sa akin na lipstick lesbian siya. Tapos nagout na rin ako after ng ilang araw. Hahahaha. Unang pagkakasabi ko nga sa kanya ay bisexual lang ako. Pero kinalaunan sinabi ko rin na biromantic ace nga ako. Siya unang tumanggap sa akin.

Hindi ko expected yung outcome coming from my friends at sa mom ko. Positive lahat. Kahit yung friends ko from other religion *Hindi ko na sasabihin yung religion* na sobrang tumutuligsa sa ganitong bagay e tanggap ako. It was an act of bravery daw sa part ko na magspeak-up kung ano yung gender orientation ko. Ikinatuwa ko naman. Sobrang supportive nilang lahat. Tama yung mga pinili kong kaibigan.

We cannot please people. Lalo na sa society natin na hindi pa open sa ganitong uri ng topic. Hindi pa ako nagoout sa family ko actually. Kay mama pa lang. Okay lang naman sakin na hindi na nila malaman. Basta alam ni mama at supportado niya ako. Medyo homophobe kasi yung family ko. Lalo na sa side ng tatay ko. Na kapag lalake ka, hindi ka pwedeng umiyak. Hindi ka pwedeng makipagkaibigan sa mga babae. Dapat yung mga tropa mo eh puro lalake. Napaka-machismo.

Advice ko lang doon sa mga taong hindi tanggap noong time na nagout sila is be patient. Siguro it takes time para magsink in sa kanila yung pangyayari. Bigyan mo sila ng oras para makapagisip. Matatanggap ka rin nila. Lalo ng family mo. Tsaka wag kang magexpect na positive lagi ang outcome. Iprepare mo na rin sarili mo sa mga sasabihin nila. Wag kang paapekto. Hindi yun makakatulong para sa paggrow mo as a person. Maging thankful ka sa mga taong laging nakasubaybay sayo at tanggap ka. Magpakatatag ka. Kaya mo yan.

Accept yourself as you are, even when others don’t. Hindi mo kailangan yung validation ng tao. Basta maging masaya ka sa bawat desisyong bibitawan mo. Wag kang matakot ba i-cut yung ties mo sa mga toxic na tao. Tuloy ang buhay. Do what makes you happy.☺

Oh, hindi ka naman daw pala tropa eh. Wala daw siyang kaibigan dito ano ba. Sino ka ba talaga? Tangina netong kalbo na to. Labas. Parang tanga. Nanahimik bigla. Ano na teh? san kn d2 na us

Bat kaya ako in-add sa fb netong babae nung nanligaw sakin dati eh di naman niya ko kilala? Hahahaha ewan ko kung icconfirm ko, di ko rin naman kasi siya kilala hahahahahahahaha char

Kung ano man magiging grade ko ngayong midterms, hindi ko deserve. Hindi ako yung nageffort nun. Meron man, katiting lang naitulong ko. Tangina ibabalik ko sarili ko wait lang. Wala na ko sa sarili ko. GC talaga ako eh pero ngayon wala na akong pake basta pasado. Basta kinakabahan ako sa magiging outcome netong ginawa ko pero sasabihin ko nalang din yung totoo. Iaaccept ko nalang kung anong consequences ng ginawa ko. Masyado akong nabagabag kanina. Willing din naman akong iretake to huhu Lord help iyakan ko nalang si ma’am :((

091616: TFM

Hindi ko maintindihan pero ang gaan na simula palang, nung mass palang. Ewan ko ba parang kinakausap Niya ako non. Lahat lahat ng winoworry ko netong week, basta lahat lahat pati nga insecurity ko dinamay pa sa message Niya kanina. Ewan ko di ko expected yung mga message na yun. Sobrang sakto eh. Nakakakilig kasi parang pinapapaalalahanan Niya ko na “Anak, magtiwala ka. Ako nang bahala dito.”

life lately

Hindi ko alam kung paano ko pa naisingit ang pagsusulat netong post na gayong ang dami ko pang dapat gawin at unahin. Sa paglipas ng panahon, nag iiba rin ang priority ng tao, at isa ako sa mga taong nag-iba ang priority sa buhay. When i was on my jhs, chill chill lang ako kasi alam kong papasa naman ako kasi alam kong papasa ako. Pero times flies so easily, ang hirap ng magchill. Ilang araw lang ba ako nagkaroon ng matinong tulog? Kailan ba ako huling nakahiga ng walang iniisip na gawin para kinabukasan? Sobrang iba na. Sobrang messy ng buhay ko, ang daming ganap na hindi ko inaasahan. Masakit, nakakapagod at nakakawalang gana pero ano ba ang magagawa ko, andiyan na ang problema. Ang kailangan ko na lang gawin eh, harapin at tanggapin na hanggang doon na lang talaga. 

I am so disappointed, hindi ko alam kung para kanino at para saan. Hindi lang para sa sarili ko, maybe to the system? Alam kong ginawa ko ang lahat, ni hindi ko na nga makausap ng maayos ang mga kaibigan ko galing sa ibang school para maka-comply sa mga requirements na kailangan ipasa pero bakit ganito ang resulta? Ako ba ang nagkulang? I know that i’ve done my part, alam ko kung kailan ako nagkulang at kailan ako nagpabaya. At alam kong ginawa ko lahat para makapasa pero tangina hindi pa rin pala sapat. Hindi sapat ang kulang na tulog, hindi sapat ang wala ka ng oras para sa sarili mo. Hindi pa rin sapat lahat. 

Sana naging considerate sila considering that we are the pioneer batch of K12, sana naisip nila na we are still adjusting to the new system they made. Sana naisip nila na mahirap mag-comply sa sabay sabay na requirements na binibigay nila. Yes, we are considered as college students pero  gawaing high school parin, kaya sana naiintindihan nila na bago samin ang ganitong sistema. Hindi ko sinasabi na dapat i-baby kami pero bigyan nila kami ng consideration kasi bago samin ang curriculum na ‘to at kami ang basehan kung magiging maganda ba ang resulta ng K12 program na ‘to. 

Sobrang nakakapagod na, nakakawalang gana kung ganito na lang ng ganito. Kailangan bumawi, hapitan na kung hapitan. Hindi na dapat maging drawing ang “babawi ako next exam.” Tangina, realidad na ito.

mga 7:30 na ko nakauwi kanina tapos puta sa bus nagrereview na ko hahahahahah ang sakit na ng ulo ko bes tapos ayon sa sebeneleben ako bumaba dark chocolate lang dapat bibilhin ko pero di ko alam bat may kopiko 78 akong binili hahahahahah well bahala na sana nga maisalba ako netong kapeng to sa exam ko bukas hays

Nareformat ko sd card ko tangina naiinis ako yung mga picture di ko pa nakokopya yun eh kainis ayaw ko na netong phone na to kinakain ako pucha :((((

Pero ang saya ko talaga nung last last friday (basta hindi yung netong friday lang) kasi ano naramdaman ko na naman yung feeling na yun nung nakagawa ako ng poem. Waht tae pati ba naman dito nauutal ako? Di ko maexplain ng maayos haha.

Kanina pa ako pinoprovoke netong kapatid ko eh. Nanunuod kasi ako nung ano bang title nun, basta nakakaiyak tapos ano naiyak ako. Literal na umiyak talaga ako. Hahahaha kase naman na-carried away baga. “Ate panget mo naman umiyak di ka makukuhang artista nyan” “Uy si ate nakakarelate” “Hala si ate siguro iniisip mo si kuya gian no?” “Hindi ka mahal nun” Aba naman. Porket nanunuod ako ng mga drama na ganto sya agad naiisip ko? Duh. Napaka ano talaga eh. Hahahahaha sarap pektusan sa ngala ngala. Daldal na bata hay.