negatibo

Bago ka mabaliw sa pagiging paranoid kakaisip ng NEGATIBO sa relationship niyo in the future, na “IIWAN KA NIYA” o “IPAGPAPALIT KA SA IBA” o “MAGSASAWA DIN SIYA”. Pwede ba, ISIPIN MO MUNA YUNG NOW! I-enjoy mo, i-cherish at i-take advantage mo yung time na meron ka, yung moment na kasama siya. I-work out mo yung possibilities para hindi mangyari ang kinatatakutan mo, be the wisest, the most creative, exciting and loving one para sa kanya. Remember, YOU ATTRACT AND DO THE THINGS THAT YOU ALWAYS THINK AND BREW ON.

Mga bagay na di ko na nais maramdaman:


1 Ang pakiramdam ng pagiging mag-isa. Maraming kasama ngunit hindi ko maramdaman ang kanilang pag-ibig, pagaalala, di marinig ang kanilang mga payo, at lalo nang hindi magawang maramdaman ang kanilang mga yakap dahil ang sayo lamang ang hinahanap hanap.


2 Ang pagiging desperado. Hindi ko na gusto na humingi ng atensyon mo. Hindi ko na gusto na magmakaawa na mahalin mo. Hindi ko na gusto na araw araw pangarapin na bumabalik ako sa mga bisig mo at lalong hindi ko na gusto na minu-minuto nagaantay sa mga sagot mo sa mga mensahe ko.


3 Ang paghihintay. Paghihintay na bumalik ang lahat sa dati. Paghihintay na ako na ulit ang una sa buhay mo. Paghihintay na ngumiti ka sakin ng totoo. Paghihintay ng sobra sobra pa sa isang libo’t dalawang daang oras para lang mapansin mo ako. Pero ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang paghihintay na mahalin mo ulit ako.


4 Ang walang hanggang pagod. Pagod kakaramdam ng lahat ng negatibo sa mundo. Pagod dahil nakikita lahat ng ito kase wala ka dito. Pagod dahil ikaw lang ang dahilan kung bakit nawawala ang pagiging pagod ko sa araw araw pero ngayon ikaw na ang dahilan nito. Pagod dahil kahit pagod na pagod na ako di ako sumuko, pero ikaw sinukuan mo ako.


5 Ang pakiramdam ng pagiging sawi. Sawi pagtapos ng dalawang taon. Sawi matapos ng lahat ng sakit na dinanas, na tiniis. Sawi mula sa pagiintay at pagiging desperada. Sawi dahil ginawa ko ang lahat ng aking makakaya, pero bakit parang di pa sapat. Sawi dahil kahit alam kong tapos na, umaasa pa din  ako. Sawi dahil mahal na mahal kita, iparamdam mo naman ulit na mahal mo ako. Dapat ililista ko dito yung ayaw ko na maramdaman na mahal kita, pero hindi ko mailista. Kase ganun kita kamahal. Kahit paulit ulit kong madama lahat ng bagay na di ko na nais madama, dadamhin ko paulit ulit kung balang araw babalik ka naman. Hindi ko alam kung mangyayare nga iyon, pero kung oo, dali dalian mo naman. Kung hindi na, sabi nga ng Parokya ni Edgar, “Swerte ka’t mahal kita, malas talaga.”

Sabi nila, kapag depressed ang tao, maihahalintulad sya sa isang orasan na hindi na umaandar at hindi na nagbibigay ng tamang oras. Hindi na sila gumagana nang maayos at nawawalan na ng silbi. Ang depression ang pinaka mahirap na kalaban ng mga taong problemado. Kung baga, hindi lahat nalalampasan ito. Kapag depressed ka, lahat negatibo, lahat hindi maganda, lahat pangit at lahat ay walang kwenta.
—  Makatang Natotorpe
Pag minahal mo siya...

Pag minahal mo siya, lahat ng negatibo at hindi magandang bagay o katangian na meron siya, nabubura. Kahit na madami siyang pangit na katangian at mali nagiging perpekto pa din ang tingin mo sa kanya.

Pag minahal mo siya, pakiramdam mo ang boses na niya ang pinakamagandang tunog o boses na naririnig mo. Banggitin lang niya ang pangalan mo, pakiramdam mo yun na ang pinakamagandang salita sa mundo.

Pag minahal mo siya, presence pa lang niya parang nakakalimutan mo na lahat ng inda at problema mo sa buhay. Makita mo lang ang mga ngiti niya, napapangiti ka na din. Kahit anong itsura o emosyon na ipinapakita niya; galit, lungkot, ngiti, tawa, inis, o kahit nga mukha nang nilamukos na papel ang mukha niya para sa’yo yun pa din ang pinakamaganda o pinakagwapong mukha.

Pag minahal mo siya, gagawin mo ang lahat mapalapit lang sa kanya. Lahat ng paraan gagawin mo para lagi mo siyang makita o makausap man lang. Pero madalas hindi mo magawa dahil nauunahan ka ng hiya.

Pag minahal mo siya, maadik ka sa kanya. Siya na ang palaging laman ng isip mo. Marinig mo pa lang pangalan niya, kahit hindi mo naman yun pangalan, mapapalingon ka. Lahat ng kaclose niya pinagseselosan at kinaiinggitan mo.

Pag minahal mo siya, madalas kang magde-daydream. Palagi mong maiisip yung mukha niya, at yung mga moments na nakakausap mo siya o nagkakalapit kayo. Maalala mo palagi kung paano siya lumakad, magsalita. Halos lahat ng kilos at galaw niya kabisado mo na dahil lagi kang nakatingin sa kanya.

Pag nagmahal ka ng isang tao, sila na ang palaging laman ng puso at isip mo. Halos mabaliw ka na. Tingnan ka pa lang niya pinagpapawisan ka na. Kausapin ka pa lang niya nauutal ka na. Makita mo pa lang siya lumalakas na ang kabog ng dibdib mo sa pinagsamang kaba at saya.

Ganyan talaga pag nainlove. :)