naunsyaming pagasa

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sayo ang nararamdaman ko. Sa totoo lang, ang sakit sakit.  hindi ako sigurado kung babasahin mo ba tong sulat ko para sayo, o kung itatapon mo lang. 

Hindi ko alam na mahirap pala mahalin ang isang tulad mo. Alam kong alam mo na nararamdaman mo na totoo lahat yung mga ipinakita ko sayo, hindi ba? Ginawa ko naman ang lahat, ginawa ko naman lahat ng makakaya ko para sa ikabubuti natin pareho. Pero bakit nagawa mo pang iwan ako? bakit ngayon ka pa sumuko?

San ba ako nagkulang? Alam ko nagkamali ako pero itinama ko naman ang pagkakamaling yun.

Bakit bigla kang bumitaw? bakit ganun mo nalang kadali itapon yung mga pinagsamahan natin? Sinabi mo hindi mo ko iiwan, hindi mo ako ipagpapalit. pero bakit ngayon hawak ka na ng iba? ang bilis naman magbago ng panahon kasing bilis ng pagsawa mo. paano na yung mga pangarap natin? pano na yung mga pangako mo? bakit ganyan ka?! bakit iniwan mo akong magisa.

Napakahirap mong kalimutan, pero bakit sayo, napakadali lang? Pero kahit na ganito ang kinahantungan ng relasyon nating dalawa, isa lang ang gusto kong mangyari. Yun ay sana maging masaya ka. Hindi man sa piling ko.