nasane

Getcher rogue scientists here

Some twitter accounts you should be following if you’re USian and want to stay informed with real facts about actual reality (as opposed to Trump’s blackwhite goodthink): 

More accounts may be out there - this is what I was able to dig up. Feel free to reblog with more rogue sciency goodness. 

Ilang beses ko ng
kinurot-kurot ang sarili ko
Ilang beses ng uminom
ng kapeng barako
Ilang beses ng lumuha
nang husto

Pero heto ako
Hindi pa rin magising sa
katotohanang wala ng Tayo
Dahil hindi mo naman
winakasan ang Tayo

Bigla ka lang naging mailap
Sa akin ay hindi makaharap
Nagbigay ng malabong paalam
At ika'y hindi na nagparamdam

Kaya’t narito ako
Naghihintay pa rin sa ‘yo
Di ko magawang umusad sa buhay ko
Sapagkat naguguluhan pa rin ang isip ko
Palaging tanong
“Anong nangyari sa Tayo?”

Hindi ba ako karapat-dapat
sabihan ng dahilan?
Hindi ba ako karapat-dapat
na huwag iwanan?

Ang pinagsamahan nati'y tila
wala lamang sa ‘yo
Para akong laruan na basta mo
na lang iniwan dahil ‘di mo na gusto

Para akong aklat na
hanggang ngayo'y bukas
Hinahanap pa rin kung
nasan na ang wakas.

—  e.s.

Ang kwento nating dalawa
Ang istroyang hindi ko alam saan papunta,
Ang gulo,
Sobrang gulo.
Nasan na nga ba ang ako,
Nasan na nga ba ang tayo?

Naalala ko noon, tinanong mo ako,
“Ano ko sayo?”
Ang sabi ko mahal kita,
Tinanong din kita,
Ngunit ang tanging sabi mo ay
“Mahirap, mahirap ang sitwasyon nating dalawa”

Ano bang mas mahirap,
Ang akala mo, mahal niyo ang isa’t-isa
o ang umasa na kala mo ang meron ay wala pala.

Hawak mo ang mga kamay ko habang kayakap kita sa gitna ng kawalan,
Nakakakapit ako na parang hindi nagaalinlangan,
Hindi ko pinaghandaan na anu mang oras pwede kang mawala,
Na kahit anong oras pwede mong sabihing “tapos na.”

Wala akong maisulat na mga salita kung gaano kasakit ang maiwan,
Kung gaano karaming dugo ang dumanak sa puso kong sugatan, habang humihinga, habang lumalaban.
Kung maibabalik ko lang ang nakaraang pag-ibig lang ating tahanan,
Sa mga pangakong sabay nating inukit doon sa kahoy na puno ng santan,

Nandito na tayo kung saan hindi na natin alam kung ano ang tanging nilalaman ng puso mo.
Nandyan pa ba ang unibersong itinanim ko sa mga mata mo, nung gabing sinabi mo ang salitang “tayo”
Ang tanong na laging bumabagabag saking isip, mahal ako pa ba o meron nang siya?
Kung wala na, pakiusap bitaw na.

Kung sakaling nakikinig ka man sa mga salitang nais kong sabihin sayo,
Umasa man akong bumalik ka, alam kong hindi na ‘yon magkakatotoo, kaya may isang bagay akong hihilingin sayo,
Pakiusap, palayain mo na ang ating kwento.
Pakiusap, nahihirapan nako, tapusin mo na ang tayo.


Liham ng paglaya by Peppermintchuuxx

anonymous asked:

Kahapon pumunta kami sa Jollibee ng mga kaibigan ko para bumili ng choco mallow pie, tapos di daw available dito sa Los Banos huhu Sa sobrang inis ng isa kong kaibigan,tiningnan niya ng masama si Jollibee (yung statue kuno) at sabay sabing, "Kala ko ba bida ang saya!?". JOLLIBEE ANO NA?? Nasan na yung choco mallow pie namin? (T.T)

(( chill naman, laging sold out ngayon e xD ))

Hindi ko alam kung ano pinagdadaanan mo. Hindi ko alam kung ano ang mga hanash mo sa buhay. Pero ito lang ang alam ko na may kanya kanya tayong kwento nang kalungkutan at kasawian. Ang hirap kumapit sa isang bagay na unti unti nang bumibitaw satin, kaya ang ending.. bibitaw nalang. Ang hirap humabol sa isang taong ayaw magpahabol, kaya ang ending.. magsstay ka nalang kung nasan ka. Ang dali dali mong sumuko dahil nahihirapan ka? kasi hindi komportable? kaya wala kang gagawin, gigiveup ka nalang. Wag ganun tsong! Laban lang! Kapit lang!

Lahat nang pinagdadaanan mo ngayon, lahat nang hirap, luha at sakit na nararamdaman mo ngayon. Sorry pero kailangan mong pagdaanan. Para lumakas ka! Para tumibay ang loob mo! Para matuto ka! Para marealize mo na di lahat laro lang, para marealize mo na kung ikaw nakakaramdam nyan, nararamdaman din yan nang iba, mas higit pa nga siguro. Para marealize mo na iappreciate ang mga masasayang nangyayari sa buhay mo :) Kung wala ang lungkot, hindi mo maaappreciate ang saya. Kung wala ang luha, hindi mo maaappreciate ang ngiti.

Kaya kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, okay lang yan! Malalagpasan mo din yan :) Basta magfocus ka lang sa brightside :)

Sabi mo sakin, iba ka sakanila
Ikaw ay mabait at di tulad nila
Nangakong di mang iiwan
At ako ay hindi daw sasaktan

Pero nasan kana?
Ikaw ay magaling lang din sa una
Pag sasawaan lang
Kukunin lang ang gusto
Pagkatapos ano?
Hahanap ng dahilan at manloloko.
Kingina nayan, pakyu gago.

Nakakapagod pero bakit hindi parin ako sanay? Buong buhay naman akong ganto pero bakit hanggang ngayon naghahanap parin ako ng atensyon, ayoko na pagod na ako, kailangan ko nalang talagang tanggapin at sanayin na hindi ako makikita at mapapansin ng kahit na sino o ano. Hanggang dun nalang yun. Maging masaya kana kung nasan ka, wag nang ipilit ilugar ang sarili sa hindi mo naman ikinababagayan.

Sorry pero hindi ako naniniwala sa Valentine’s Day.

Naniniwala naman ako sa true love, destiny at forever. Pero itong Valentine’s season? I’m not buying it. Oo na, medyo romantic na nga ‘tong February 14 with it quirks like bouquet of roses, chocolates and surprises. Pero ang commercialized masyado! Nasan na talaga ang essence ng romance? Kelan pa naging equivalent ng true love ang chocolates (well.. this is debatable though) at flowers? Kelan pa nabibili ang true love?

Tsaka.. hindi naman talaga super romantic ang origin ng Valentine’s Day!

—  Scheherazade Pascual // The Spaces in Between