nas lipstick

100 Tula Para Kay Stella

TULA #2 Tadhana

Ayokong maniwala sa tadhana
Pero parang gusto ko…

TULA #20: Rosas

sa ilalim ng lipstick na itim
ay kulay rosas na mga labi
astig pa rin sya sa paningin
patuloy na namumukod-tangi

TULA #28: Gusgusin

Mapanghangad ba akong sadya
para isiping may gusto ka rin sa akin?
Isa lang akong gusgusing bata
at ikaw ang dalangin

TULA #38 Kape

Maglalampas alas onse na
Gising pa din parang kapre
Hindi mapakali sa kama
Matindi ka pa sa kape

TULA #50: Walang Pamagat

Handa na ang sundalong ito na sumabak sa giyera,
Nais kong malaman mo na gustong gusto kita

TULA #65 Degrees of comparison

She’s pretty when she tries,
the crash folds with her knuckles.
She’s prettier when she cries,
but prettiest when she chuckles.

TULA #73
Perfection (Part 1)

They say nobody’s perfect
Haven’t they seen you?
Heard you?
Experienced you?
You are divine

TULA #80: Stratosphere

The way she walks
The way she sings
Gives me a pair of magical wings
That flies me straight to the stratosphere
She’s a miracle that much is clear.

TULA #99: FOR THEE

I can write a thousand novels
Articulating your majesty
But for now, one hundred poems
Are all I‘ve got for thee

TULA #1: Behold

This is a new chapter
For someone stronger and wiser
Then a pebble, now a boulder
This world we shall conquer

10

Barcelona 2017: Day 4

Tangina, ang tagal ko pala don. Hahahahaha! Eto na nga, pang-apat na araw na. At sa pang-apat ko palang nakita talaga yung loob ng Sagrada. Sobrang ganda! Sinasabi ko kasi, after ko makita yung loob ng cathedral, hirap ko nang ma-appreciate yung ibang pinasukan ko after. Seryoso. Kung pupunta kayo ng Barcelona, magtiis kayo magbayad ng 16 euros para sa entrance ng Sagrada mga punyeta!!!!!!!!

Mag-isa ako non, grabe alam nyo ba, 9:30 ata yung visit ko don e tangina nagising kami ng 10!!!! Ayon, sigi, nagbihis lang talaga ako tas toothbrush tas hilamos tas literal na gora na talaga! Ni lipstick bes!!! Suot ko nga madumi pa. Hahahahahaha! Nagmetro ako, tapos nagsinungaling nalang sa mga guard kung ba’t ako nalate e dapat di na sila nagpapapasok ng late ng more than 30 minutes. Tapos nag-brunch ako sa tabi ng cathedral.

Kasi after non Casa Mila (La Pedrera) ako GURHL!!!!! Grabe, I was so sabog at sobrang init tas yung dress ko punyeta ang init ng tela tas hanggang paa ko pa!!! Ayon, pila, akyat tas tour. Sobrang ganda rin talaga ng mga gawa ni Gaudi eh! Wala lang akong pictures dito ng bahay kasi nga I was so tired, and sweaty and sleepy, all at the same time! Hayop, after non balik sa bahay, ligo, bihis, larga! Late nanaman ako para sa Parc Guell!!

Buti nalang hindi sila ganon ka strict don na naghintay nalang ako ng 30 minutes para makapasok. Ayon, grabe, ang ganda parin! Tiis talaga yung init at pagod. Pero seryoso, at that point talaga pagod na pagod na ako at mejo nagsawa na ako magpaka-tourist! Pero damn, nagsisisi ako kasi minadali ko halos yung pag-alis ko don, nagtagal ako pero yung last part (which is the upper part) hindi ko talaga sinulit kasi sobrang init.

Di pa don nagtatapos bes!!! Bunkers naman ang next! Upper part sya ng city of Barcelona! Grabe, aaminin ko nakakahingal yung pag-akyat pero pagdating mo sa taas wow. I wish we could’ve stayed nga kaso may gusto pa ata kami puntahan noon, sa Water Company Tower ata yun. Bumili pa kami ng wine ni ate tas inubos namin doon.

10

the GazettE PVs 3/ :
センチメンタルな鬼ごっこ (Sentimental na onigokko)

HIKAB PA MORE

Naalala ko nung isang gabi, pagkatapos ko manuod ng porn este ng video ng blind audition ni Karla Estrada sa The Voice, nagsearch ako ng iba pang pwede kong panuorin hanggang sa napadpad ako sa video about sa paghikab. Sabi dun, na napakapowerful daw ng paghikab natin. Dahil kapag humikab ka, pwedeng mahawa yung katabi mo or yung malapit sayo na maghikab din.

Nagsearch pa ako sa iba about dun baka kasi, scam lang to or what. Pero totoo nga rin, ganun din yung sinasabi sa ibang site. So, ano nalang ang pwedeng makapagpaniwala sakin na totoo yun? Ang subukan.

Kanina pagsakay ko ng Jeep, may katabi akong babae. Maganda naman siya, color chocolate yung buhok, naka lipstick na pink tapos may dala dala rin siyang kartolina. Ito yung una kong try. Medyo dumikit ako sa kanya, kahit na sobrang luwag sa Jeep. Humikab ako with confidence at medyo nilakasan ko yung paghikab ko. Pinagmasdan ko lang siya. Pero wala namang nangyari. Walang epekto. Sabi ko baka siguro, kakahikab lang niya kanina at di pa puno yung hikab power niya. Dahil desidido ako, humikab ulit ako with matching taas ng onti ng kamay, unat sa left at sa right. Pinagmasdan ko ulit siya. Sa wakas, nagreact din siya. Kinuha niya agad yung panyo niya at tinakpan yung bibig niya sabay talikod sa akin. Isnabera! Kala mo naman maganda, che!

Dahil hindi pa ako nagtatagumpay, nagtry ulit ako sa ibang tao. Pagbaba ko ng Jeep, sumakay na ako ng tricycle. Sa loob ako nakaupo kasama yung babaeng parang nanay na. Bigla nalang nag brainstorming ang isip ko na baka effective ito sa mga matatanda na dahil sympre mas pagod sila at stressed na. Umandar na yung tricycle. At humahanap na ako ng tsempo. Humikab ulit ako with dignity and pride. Kaso walang reaksyon. Humikab ulit ako at ibinuka ko na yung bibig ko siguro mga kasing laki na ng kamao ko pero wala pa rin siyang reaskyon. Ganun na ba ang tao ngayon? Kahit anong pagpapakita mo ng effort ay hindi ka pa rin napapansin? Ang manhid mo teh. Inikot ko yung mata ko 90 degrees sa left para tignan yung mukha niya at nagulat ako sa kanya. Nakapikit pala. Tulog. Jusko. Sarap sapakin sa kidney e sabay tulak sa labas ng tricycle, adios senyora!

Bumaba na ako ng tricycle at sasakay ulit ako ng Jeep papunta na sa school ko. Wala na akong balak na i-try pa ulit yung experiment ko kasi medyo nafeel kong para akong tanga kakahikab. Sakit kaya sa throat kapag pinipilit. Diba nga, wag mong ipilit ang sarili mo sa bagay na ayaw naman sayo, ikaw lang ang masasaktan. Huhu. Inabot ko na yung bayad ko. Sumandal na ako at nag-emote emote na lang. Huminto yung Jeep. May sumakay na matandang lalaki. Parang lolo na. Tinitignan ko lang siya. Hinuhulaan ko kung hanggang kelan na lang siya mamamalagi sa mundo este kung kung anong level na kaya niya sa clash of clans. Maya maya nun, napansin ko na medyo naging creepy yung face niya, parang nagpipigil na natatae na naiihi tapos bigla siyang humikab ng malakas. Gulat nga ako e, di man lang ako nainform. After ng mga 3 seconds siguro, bigla rin akong napahikab pati na rin yung babaeng nasa harap ko.

Grabe, naamazed ako simula nung araw na yun, totoo pala! At dahil dun nasanay na akong kada may nakakasalubong akong tao sa daan, humihikab ako tapos lilingon kung hihikab din sila. Parang akong tanga no? Hihi. Try mo rin dali.

May pangarap ako sa buhay at masasabi kong ayun  talaga yung pinaka lamang ko sa ibang kalalakihan.

Gusto ko makapagtapos ng pag-aaral. Pagkatapos nun, Magpapayaman muna ako tapos pag mayaman na talaga ako, bibili ako o di naman kaya magtatayo ako ng sarili kong planeta at doon ako titira ng mag-isa. Pupunuin ko yun ng mga chocolates at iba pang masasarap na pagkain at akin lang lahat ng yun… HAHAHA JOKE LANG, De eto na talaga, Pag nakapagtapos na ako, Maglilibot libot muna ako. Pupunta ako kung saan saan tapos malay mo, sa ganon ko na pala mahanap yung tinatawag nating the one. Gusto kong magkapamilya. Gusto ko ikasal sa taong mahal ko. Gusto ko ring makita someday yung sarili ko na naluluha sa loob ng simbahan nang dahil lang sa naglalakad yung taong mahal ko nang dahan dahan papalapit sakin at sa araw na yun, ayun na yung kasal namin. Gusto kong ikasal sakanya ng paulit ulit, kung maaari, every year pa eh! Basta ba sa tamang panahon simulan. Gusto kong gawing byenan yung mga magulang nya. Gusto kong maging kapatid yung mga kapatid nya. Gusto ko magka-anak. Gusto ko magkaron ng mga little princesses tapos gusto ko ako mismo yung magb-braid ng mga buhok nila (and I want my wife to be the one who will teach me how to do that). Hindi ako bading ah haha pero gusto kong paglaruan yung mga muka nila, pagsasabuyan ko ng kung ano anong make up ng asawa ko, lalagyan ko sila ng napakakapal na lipstick at kung ano ano pa hahahah, Experiment lang para maiba naman diba! Gusto ko sasabayan ko sila manuod ng mga disney movies. Gusto ko makita sa mga mata nila kung gano sila mag-gwapuhan kay Flynn Rider ng Tangled (ako kasi yun, naks jk). Gusto ko makipag-laro ng lutu-lutuan sa kanila, Gusto ko ako yung mamimitas ng mga dahon dahon sa labas ng bahay namin tapos susunugin namin (haha, my kind of lutu-lutuan talaga pramis. gayyysht). Sa pagdadalaga nila, Gusto ko ako yung bibili ng mga napkin nila (HAHAHAHAHA SOBRA NA TO) and I’ll make sure na hindi sila maiilang sa akin. Gusto kong maranasan na ako naman yung mag-iinterview sa mga manliligaw ng mga magiging anak kong babae (magiging masaya to panigurado! patay kayo sakin ngayooon haha. hot seat ba kamo? kayo naman gigisahin ko, gaganti ako jk) at syempre, gusto ko rin magkaron ng mga anak na lalaki. Gusto ko paglaki nila, sila mismo yung makakasama ko sa paglalaro ng basketball. Gusto ko silang makalaban sa larong dota o di naman kaya ng mga laro sa y8 (BOXHEAD 2PLAY HAHAHA). Gusto kong tulungan sila sa paghahanap ng mga chix (ay bad oh, jk lang haha). Gusto ko silang maka-inuman. Gusto ko silang turuan how to drive at gusto ko rin silang turuan kung ano ba yung dapat maging trato naming mga lalaki sa mga babae. Marami akong plano. Marami akong gusto pero alam kong bago ko maabot lahat ng yan, Iwas muna sa mga bagay bagay na alam kong hindi pa tama at dapat dahil nga hindi pa ito yung tamang oras, aral muna diba diba? Hi future, I’m getting ready at masasabi kong excited na talaga ako! -Makh.