nangako

Kapag may nangako sayo:
  • wag kang umasa, kasi promises are made to be broken
  • ipagdasal mo na sana mangyari nga, pwede ding ipaalala mo sakanya palagi para hindi niya makalimutan o kaya hayaan mo siya kasi kung gusto niya talagang gawin, gagawin niya
  • ihanda mo ang sarili mo sa maaring mangyari
  • magpasalamat ka kung natupad niya
  • kalimutan mo nalang din kung nakalimutan niya

Malapit na.
Konti nalang.


Kung pwede lang ipikit ko nalang ang aking mga mata habang buhay habang ninamnam ko ang hapdi ng mga paltos at lapnos ng iyong mga pagkukubli— baka sakaling mas makaya ko pa kapag hindi ko nakikita. Kung pwede lang habang nilulunok ko ang bawat kasinungalingan mo at tinatawanan ko lang ang pait, walang mamarkang sakit sa aking mga noo.


Pero hindi ako bato.


Nararamdaman ko ang unti-unti mong pagbitaw. Nakikita ko rin ang unti-unting pag gunaw ng mga pangarap, ng mundo, ng kinabukasan na binuo mo. Isang araw, marahil wala na akong magagawa kundi ang masdan kang maglakad palayo at magtanto na hindi ka na babalik pa. Isang araw, batid kong wala na akong hihintaying umuwi sa akin. Wala na akong sasalubungin ng kahit pilit kong mga ngiti, walang pagod kong ihaharap sayo.

Malapit na.
Konti nalang.

Ayokong kumalas. Ayokong sukuan ka. Dahil nung nangako akong mamahalin kita, ang ibig sabihin nun, kakayanin ko. Kahit gaano kahirap o kasakit, maging karapadapat lang sayo. Maging sanhi lang ng kasiyahan mo.

Mo.
Pero paano naman ang ako.
Yung “ako” na nauubos
At mas nauubos pa
Habang ipinagbubuklod ko
Ang “tayo”.
Yung “tayo” na isinasantabi mo pag naiinip ka na
Yung “tayo” na kinakalimutan mo kapag may makita kang iba.
Yung “tayo” na kinakapitan ko parin hanggang ngayon.


Malapit na rin.
Konti nalang.

Sana, pag magdesisyon ka ng kumapit at lumaban
May lakas pa akong lumaban at kapitan ka.


Malapit na kasi,
Konti nalang.

Pasuko na.
Pa-ayaw na.
Pagod na.


Photo by @suhniga

#writings
#prose
#tagalog

Made with Instagram

Noong gabi na binitawan mo ako, hindi na ko nagtangka pang lumingon at maghabol. Hinayaan kita sa gusto mo. Inaamin ko naman na gusto kong tumutol sa iyong desisyon, pero sabi mo wala ng patutunguhan ang ating relasyon. Ayaw mo na. At eto tayo, narating na natin ang dulo.

Akala ko nga, hindi tayo aabot dito. Dahil nangako tayo sa isa’t-isa na walang bibitaw. Naalala ko pa nga, isang araw naglalakad tayo habang magkahawak ang ating mga kamay. Ang sabi mo, nangangawit na ang iyong mga paa kaya saglit tayong umupo para makapagpahinga. Sinabi mo rin sakin na kapag pagod na ako, ayos lang na magpahinga ako. Kasi hindi ka naman kamo bibitaw o aayaw dahil hihintayin mo ako hanggang sa maging ayos ako.

Dumating din sa panahon napagod ka, tulad ng sinabi mo saakin, hindi rin kita pinabayaan. Hinintay kita hanggang sa makabawi ka ng lakas at sabay muli tayong lumakad. Hindi kita binitiwan at nanatili akong nakahawak sa iyong mga kamay. Inalalayan kita, dahil alam kong mas higit mo akong kailangan. Hindi kita iniwan at hindi ko naisipang humiwalay ng landas, kahit gaano kagaspang ang daan na ating nilakaran. Dahil pareho tayong naniwala na malalagpasan natin ang ano mang gaspang, pagkabako ng daan at mga pagsubok na ating makakaharap sa ating paglalakad sa daan.

Ngunit anong nangyari? Nandito na tayo ngayon. Narating na natin ang dulo. Sabi mo kasi, pagod ka na at hindi na kaya ng iyong mga paa. Hindi ka na rin masaya na ako ang kasama. Pinayagan kitang magpahinga, pero sabi mo, nagsasawa ka ng sumabay sa paglalakad saakin. Nagmakaawa ako na wag kang bibitaw, pero sabi mo, hindi mo na kaya. Sawa ka na sa pagdaan sa mga lubak, sa gaspang ng daan, sawa ng humarap sa pagsubok at sumugal sa laban. Naiintindihan ko naman kaya hindi kita binitiwan. Pero ang sakit lang pala.. Matapos ang mahabang paglalakad nating dalawa, ang paglalakbay nati'y mauuwi rin sa wala. Hindi mo kinaya na makarating sa kabilang dulo, dahil pagod ka na. Sa kabilang dulo kung saan parehong naghihintay saatin ang altar.

—  j.m // ang dulo

Masiyadong nakakaloko para maging masaya. Walang makikitang emosyon o mababasa sa aking mukha. matutuwa ba o malulungkot dahil bibili ako ng bagong laptop dahil kay dad pero nalulungkot kasi yung pangakong camera wala pa rin. Nakagraduate, nakapasa sa LET wala pa rin. Hindi sa pagiging makasarili pero nakakalungkot lang kasi yung mga pangakong di natutupad na parang sadyang kinakalimutan nalang. Parang siya, nangako, napako, mangangako muli.

Sana hindi kita nakilala
Sana hindi ka na lang nagpakilala
Sana hindi kita ginusto
Sana hindi ka na lang nagpakita ng motibo
Sana hindi kita pinagkatiwalaan
Sana hindi ka na lang nangako
Sana hindi kita minahal
Sana hindi mo na lang sinabi na mahal mo ‘ko
Sana hindi na lang ako umasa
Sana hindi mo na lang ako ginago
Sana makarma ka
Sana alam mong tangina mo
Sana iwanan ka rin niya tulad ng pag-iwan mo s'akin
At sana pagdating ng araw na yun pagsisihan mong iniwan mo ‘ko

Yan ang hirap sa inyo, hilig niyo umasa sa ibang tao. Oo, given na nangako sila, pero in the end, hindi niyo naman hawak buhay nila eh. Pero ikaw, hawak mo pa rin buhay mo. Kung pipiliin mong maniwala sa kanila, choice mo yun. Kung pipiliin mong magpakamiserable dahil lang sa mga desisyon nila, choice mo yun. In the first place, ikaw at ikaw lang ang nagmamay-ari sa sarili mo. Wag mo hayaan na baguhin ka nila, o lasunin, o bigyan ng mga bagay na ikasasama mo. Hindi porke sinabihan ka lang na hindi ka iiwan, na hindi ka sasaktan, iaasa mo na sa kanila stability mo.