nang nak

HINDI NA AKO BITTER (Level 4.0)

Kanina habang naliligo ako, tumingin ako sa salamin, tinatanong ang sarili ko, “Naka-move on na ba ako?” Oh diba? Ang drama ko kanina. May kasama pa yang tabo na may tubig na nakalagay sa ulo ko para naman habang nag-e-emote ako, unti-unting tumutulo yung tubig. Pero ang totoo talagang dahilan nang pagdadrama ko ay ang buhok ko sa ulo. Mahaba na kasi gusto ko nang pabawasan. Kaya tinapos ko na agad yung pagligo ko at nagbihis na.

Fast forward na natin ah? Edi ito na, nasa jeep nako. Habang nangangalkal ako ng mga pictures ko sa album na pwede kong iinstagram mamaya pag-uwi ko, eh napapunta ako sa inbox ko. *scroll *scroll *insert pangalan ni Ex here. Binuksan ko to, actually meron kaming almost 1600 na texts sa conversation namin. *scroll up *scroll up. Sinimulan ko sa pinakauna naming texts. “Hi.” Yan yung unang text niya. Pagkatapos nyan, nasa getting-to-know-level na kami. Hanggang sa naglalandian na. Mga ganong style ba. Hoho. Ang sweet pala namin dati. Halos puro pagpapakilig pala yung ginagawa namin. Expert siya dyan eh. Kaya siguro ito ngayon, sa ibang tao na siya nagpapakilig. Habang binabasa ko yung unang parte, ngiti lang ako nang ngiti. Para nga akong tanga sa Jeep eh, tumitingin sakin yung Ateng nasa harap ko. And I was like, “Weg me ke pekeelemen ete. Nekekeleg telege eke. Hihi.”

*scroll down *scroll down. Habang binabasa ko pababa yung convo namin parang nababawasan na ng sweetness yung mga texts namin. Parang ice cream na patunaw na lang nang patunaw. Dumating na ako dun sa part na nagkakalabuan na. May mga tao nang involved. Naks. Tumi-third party kami! Nagsusungit na siya tapos ako rin. Punong-puno na ng bitterness ang mundo ng cellphone ko. Hindi ko na binasa lahat, nag-scroll down na lang ako ng sobrang bilis with matching inhale exhale pa na sobrang lakas. Nandun na ako sa reply ko sa kanyang.“Bye.” Odba? Sa hinaba-haba ng mga usapan namin, nagsimula sa simpleng “Hi.” nauwi sa “Bye.”

Pero dahil nga hindi na ako bitter at lumevel up na to, tinext ko siya kanina. “Good evening :D” Ganyan talaga yung smile ko sa text ko, wala kasi akong emoticon dito sa cellphone ko. Yang pagrereply ko sa kanya ay hindi isang senyales na tumitibok na naman ang mga cells ko sa katawan para lumandi at makipagbalikan, gusto ko lang naman eh i-save yung friendship na nabuo. Oh drama diba. Pero bago ako tuluyang mag-emote, bumaba na ako ng Jeep na hindi nagbabayad. Si Ex kasi eh, nadala tuloy ako. Siguro naman maiintindihan ako ni Manong driver. Adios!