namin e

8

Being an IT student,

So i pleased my girl na idownload niya yung application na ginagawa ko sa thesis habang magka videocall kami. (Knowing na para di talaga sa thesis yung app) Habang iniinstall niya pinagmamasdan ko siya, tapos nung nag appear na yung welcome screen sabi pa niya “ay wow puso” kaya sabi ko “wala eh ganyan thesis namin e” tapos nagpipigil nako ng tawa. Nung pinindot na niya yung start. Napunta sa isang page na may text banner sa taas. Tas may isang yes na malaki. HAHHAHAHAHHA yung reaction niya God, priceless. Sobrang thankful talaga ako sa babaeng to @masakate . Sabi ko sige pindutin mo. tas isang message na simple yung bumulaga sakanya. Ang sarap talaga sa feeling na napapangiti ko siya hays. So ganyan ko talaga gagamitin pagiging programmer ko sa panlalandi sakanya

samyang chalinch

eto nag-samyang challenge kami kanina pukingina yung x4 ba yun inaamoy mo palang amoy digmaan sa sobrang anghang pota nung kinain namin sarap makipagsapakan e nakakainit ng ulo literal buset pero la kami video counted na ba yun? hahaha!!

Yung T-square namin na 36 inc. na feeling namin noon e mga may samurai kame na nag lalakad sa mall. Tas sa byahe abala. Hahaha. Lalang. Nakita ko sa cabinet e. Nawala nanga yung head nya.

3

kh fire emblem au…………..

  • kairi is princess of house ylisse i guess
  • she’s really headstrong oh god the boys have to keep rescue staves with them all the time because she runs into fights she is way underlevelled for
  • lbh riku just has rescue staves on him at all times he worries about the two of them a lot
  • (neither of them can USE rescue but whatever)
  • sora is the first male pegasus knight in years but the pegasi really like him!! so they were like “why not”
  • riku is a myrmidon and refuses to reclass to anything involving horses and it’s all sora’s fault
  • (sora’s pegasus hates riku)
  • aqua is either the exalt or the tactician i d e k
  • namine is some kind of healer/memory mage don’t ask me how that works
Mountain Hiking TIPS

So ayun dahil first time ko, mejo marami akong natutunan.

1. Batiin ang makakasalubong. Nung umakyat kami ng bundok e akala ko sobrang friendly lang ng mga tao don na bawat nakakasalubong namin na grupo e binabati kami. Yun pala kailangan pala talaga yun. Ginagawa pala yun para masure na tao yung binabati, or kung hindi man, e nabigyang respect sila. Kasi yung hindi daw taong makakasalubong tapos hindi nabati e baka daw magtampo.

2. Kahit mainit, dapat balot. Dapat pala balot na balot kasi beshy sobrang init. Dapat nakapants or leggings pag aakyat kasi matalahib tas ang kati sobra non haha. Tapos yung si Jasper nga e, di sya nakahoodie kaya ayon sunog yung batok niya. Si kuyang guide namin e may panyo sa muka. Lately ko lang narealize na kaya pala mainit muka ko non kasi direktang naano sa muka ko yung init. Tapos ayun kailangan long sleeves kasi may part na sobrang talahib talaga.

3. Kailangan nakasapatos. Ako lang ata nagisip na magtsinelas HAHAHA. Di kasi talaga uubra yung tsinelas haha. Tapos magdala na rin dapat ng tsinelas lalo na pagtatawid ng ilog.

4. Kailangan din ng extrang damit in case maligo sa ilog.

5. Jellyace and gummybears! Kasi nakakahype daw yun tsaka tubig rin yon.

6. Lunch! 12 hours kami sa bundok kaya sa bundok na kami naglunch. May dala kaming kanin tsaka ulam non haha. 

7. Tiwala sa sarili at pasensya. Juskooooo kung mahina loob ko e di ako aakyat sa ganon hahaha ilang beses ko na naisip na sumuko pero no choice kasi pag bumalik ako e wala lang din mangyayari sakin. 

8. Dasal. Hindi natin alam kung ano at sino sino ang mga naninirahan sa bundok kaya matibay talaga dapat yung faith kay Lord tsaka syempre kailangan ng prayer. Habang naakyat ako e nagdadasal ako kasi sobrang nagooverthink ako ng mga panahon na yon sa mga aksidente ganun. So ayun ligtas naman kaming lahat.

So ayun laaaaaaaaaaaaang. First time ko yun kaya yan lang alam kong tips hahaha. Basta dapat extra ingat. Dapat balance, balance yung pagtitingin sa magagandang tanawin at tingin sa dinadaanan haha. Tsaka wag na subukin na umakyat ng walang guide, hindi lang kasi mga hindi tao ang pwedeng makasalubong don, meron din mga “posibleng” npa. Ganon basta.

SUICIDE THOUGHTS NO MORE

sa loob ng apat na buwan.
ilang beses narin napagisipan,
na sarili’y kitilan.
minsan nakikita ko ang sarili ko na nakasabit sa hagdan.
okaya punuin ang lason ang kalamnan.
madalas naglalaro sa isip ko na ang kamay ay gilitan.
at nakikita ang sarili na duguan.|
lagi nalang akong naglalakad sa kawalan.
ni hindi makakita ng masasandalan.
pakiramdam ko kasi wala na akong kaibigan.

ngunit ako pala’y nagkakamali,
Hindi ni sila nawala.
o tumigil na ako’y lapitan.
sadyang sinilid kolang ang sarili sa karimlan
siguro ng dahil narin sa nararamdaman.
diko namalayan sila pala’y aking napagtulakan.

salamat aking mga kaibigan.
naramdaman ko kagabi kung pano nyoko pinapahalagahan.
kahit wala ako sa mga galaan,
kasi yung tirahan namin e nasa kabilang bayan.
at kahit diko kayo masyadong masabayan,
sa inuman alam nyo naman mahal ko,
ang nanay ko.
kelangan kopa siyang uwian.
lalo na pagwala syang kasama sa aming munting tahanan.


salamat aking mga kaibigan.
sabi ko nga sainyo ako’y,
 mananatiling buhay.
dahil marami patayong gig na pupuntahan.
isa parin ako sa mga sundalo nyo sa  harapan.
makikipag headbangan at slam
sa tuwing kayo na ang sasalang
ramdam ko ang kalayaan.
unti unting nabubuhay ang dugo ko sa katawan.
para akong batang
nakawala sa kulungan.

salamat aking mga kaibigan.
sa pagsasamahang walang iwanan.
ipagpatuloy lang natin ang laban.
makakaasa kayong, kayo’y rin ay tutulungan.
at hindi mararamdaman na mag isa kayo sa kawalanan.

salamat aking mga kaibigan.
salamt sa walang humpay na samahan.

Etchosera (the slight comeback)

Hello Philippines! Hello World!

Oh diba, parang si Toni G lang? hahaha

Sorry mga friendships at tumagal ang hiatus ko. Sobrang busy with work, I’m so immersed with the ad works and may hosting gig na rin ako on the side. tehee. PM me kung need you ng emcee. 

Anyway, highway by the way, hindi ko alam kung saan magsisimula. andami ko kasing kwento pero let me start by saying nagbreak na kami ni alter ego. sad but true. nainis siya sa akin at ayun sumama kay cousin somewhere down the road.

enough no more! hahahah eto na magkukwento na akesh. 

Eto na muna ang chika number 1.

Not so long ago in the cool breeze of the December air, nagpunta ako sa MEGA Publishing to follow-up our client’s print ads for next year’s publications and because I have connections nakita ko na ang layout ng March MEG issue. Pero hindi ko na ichichika sa inyo yun, duh. It’s so yesterday diba? but eto ang matinde!

Siyempre I had to make chika para makascoop diba. So I started out with the usual business talk. 

Hanep ah, parang Julie issue. (referring to the ads placed by Julie’s endorsements)

Oo nga eh, late na kasi kami nakakuha ng ads sa FnH. Nagleave kasi contact namin. 

Kung alam ko lang eh di sana nilakad ko kayo kay ****. siya naghandle ng FnH namin e.

Baka makahabol pa, bridge mo naman kami. Kawawa naman si Elmo. 

Kung maka-awa ka naman sa bata parang wala ng pag-asa ah.

Hahaha! Hindi, kasi nung shoot pagoda ang aura tapos wa epek pa pacute niya kay Julie.

Pumintig ang tenga ko. Naka red alert na si etchoserang froglet. but I stayed cool para hindi halata.

Baka nagLQ..

Mukha nga. Galing kasi taping si Moe. Siningit lang ang shoot. Nagbeso naman sila pero minsan lang mag usap. Buti pa nga si Ms Pia kachika pa si Julie.

Kaya hindi nakatiempo si boy, andun pala si mudra.

Nakakatawa nga kasi dapat sa BonChon kami uuoder ng food, bigla na lang may dumating na packed salads sa Juju Eats. Nagpaorder pala si Elmo kasi hindi daw kumakain ng heavy meal si Julie pag lunch.

Alam na alam ni boy. Hahaha

Dahil nga dun, parang nagbati na sila. Kalerkey, dinaan sa salad si babae!

At nagtawanan na kami. Gusto ko pa makichika pero baka mahalata na kaya nagpaalam na akesh. 

So ayun nga nilakad ko sila sa officemate ko kaso late na talaga at hindi na makahabol. 

Yun lang muna ang chika ko. HAHAHAHA

Walang kwenta diba? Walang kakilig kilig. HAHAHAHA

Hayaan niyo na, yan lang nasagap ko eh! Wag kang atribida.

Eto na ang Chika Minute number 2!

Laboracay beybeh!

Kasi si Mars, may libreng ticket kaya ako ang plus one niya. Maliit lang ang Bora friends kaya sight mo ang mga ganap kahit pa nasa madilim. hahaha

Nakakatawa kasi nasagap ng radar ko ang samot saring chika ng mga jusrtista kung paano sila malasheng! hahahah

Pero infairview kay Baby Elmo, may class. Syems knows ko na ang chevelerlo nila ni Janine G. hindi yung contestant sa isang beauty pageant ha, yung junakis ni Lotlot at Tope.  pero si Mars, waley siyang alams kaya nahurt ang gagi pero nagdiwang din magkatapos. Bipolar eh! 

Ganito kasi yun. Andun kami sa Guess party kasi dun ang tix namin eh nung bandang gabi na, gala na kami sa ibang party. Nasight ko kasi si Farr, kasama si boyfie ata tapos si Wynwyn at si Moe. 

Tinanong ako ni Mars

Asan na si gf kuno?

Malay ko! 

Hanap siya ng hanap to the point na iniwan ako dun sa kinatatayan namin. Ang sayang ksama niya diba? ganyan siya pag may gusto siyang gawin. Ilang minuto pa, binalikan niya ako at ang lapad ng ngiti.

O ano? Nakahelium ka ba? Ba’t ang lapad ng ngiti mo dyan?

Gagita! Helium ka diyan, freons na uso ngayon. Umayos ka nga!

Ba’t ka kasi wagas kung makangiti?

At may pinakita siyang picture ni “gf kuno” with another tall boy, in medium build, medyo tanned na and possessively hugging her from the back while their hands were intertwined.

Eh si etchoserang froglet, wampake sa picture. Mas bet niya kasi malaman bakit kasama ni Moe si Wynwyn. Eh diba may ‘past’ yung dalawa?

Sabi ko naman sa kanya baka friends lang. ya know, kaberks lang sila. Nagalit ba naman si Etchoserang froglet sa akin at parang si Alter Ego daw ako. Panira sa mga kaetchusan niya. 

Eh di lapit kami ng slight. kunwari papicture kay Farr. Buti pa si Francheska eh, game na game pero si boy, ayun busy sa phone at ang waterproof neck slingbag niya. 

Maya-maya tusgh tugsh na kaya pumarty na kami, hirap makascoop e. Pero si Mars, wais kasi di talaga lumayo sa area nina Moe. Ang problema, paalis na pala ang binata kasi may work pa pala bukas. 

Ohnoes! waley parin kami nasagap ni etchoserang froglet pero si Mars nagyaya na bumalik sa  hotel kasi nasusuka na daw siya. Wala na ako nagawa kaya sinamahan ko na.

Sa kwarto namin, gigil na gigil na niyakap ni Mars ang unan niya.

Hoy! Sinapian ka na naman!

Inggit ka lang Mars!

Paano?

Huling-huli ko lang naman na nakafacetime ni Baby boy si Bebs.

Pinakita niya ang paparazzi video niya at sobrang na-amaze ako sa abilidad ni Mars! Sobrang linaw ng audio kahit may tugsh tugsh sounds at kahit saan-saan ang video. Pati si etchoserang froglet napaslow clap! Wala naman siyang dalang sensor. yung parang maliit na satelitte dish na kukuha ng sound waves.  Makabili nga ng cellphone na to!

Inulit ko ang kuha niya kasi lutang ako sa kuha niya eh. At doon na ako hindi makagalaw nung marinig ko na ang convo nila.

“Pupunta ako diyan.”

“Wag na kasi, mapapagod ka lang.”

“Ikaw, hindi ka ba napapagod?”

“Bakit naman ako mapapagod?”

“Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isip ko.”

“Magalona ha! Ang corny mo!”

“Love lang kita.”

“Sige na, bumalik kana sa hotel at mag-imapke ka na”

“Mamaya na”

“Ano ayaw mo umuwi sa akin?”

“Gusto!”

“Then get your butt off Boracay and come back here”

“So I can visit you na?”

“No.”

Pati ako nanlumo din sa NO ni Bebs pero wagas kung makabawi.

“Moe, I miss you na please come back home. Come home to me.”

“I love you Julie.”

Happy JuliElmo FOURevermore faneys! 

This comeback post is dedicated to my friend Kei. ;)

Confession #1882

Nagkaroon ako ng boyfriend nung 13 years old ako , 16 sya non. First year high school ako at sya naman 3rd year. Pareho kami ng school na pinapasukan at iisa lang yung lugar namin and actually magkaibigan ang family namin. Walang naging problema both sides, boto pa nga sila para samin. Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit nya ako niligawan, gwapo kasi sya isa sya sa mga gwapo sa school namin, gwapo na gago. Pero kahit ganon sya, mabait sya, marami syang good qualities kaya ko sya nagustuhan din. Hindi ako yung tipo ng babae na ligawin, hindi ako nag aayos ng sarili, hindi ako pagirl, napakasimple ko lang, hindi talaga ako kapansin pansin. Mga gago din kabarkada nya. Kapag niyaya nya ko na lumabas kasama nila, hindi ako sumasama. Ayoko kasi eh, hindi ko sila feel lalo na yung mga gf ng barkada nya. Kung makikihalubilo ako sakanila baka magmuka akong katulong, ang gaganda kasi nila eh. Magagandang malandi ganon. Ayoko din ng nag uusap kami sa school or maglalakad sa school na magkaholding hands. Nahihiya kasi ako, kahit mga kaibigan ko hindi alam na boyfriend ko sya. Siguro yon ang isa sa naging problema nya sakin. Bata pa naman ako non, ayoko talaga ng ganong bagay. Yun na din ang naging dahilan para mambabae sya. Alam kong madami akong pagkukulang bilang girlfriend pero ganto talaga ako eh.

Bata palang ako non pero alam ko na nagmamahal ako. Nakakaramdam ng kilig kapag magkasama kami o kapag nakakareceive ng kung ano ano galing sakanya. Ang sweet nya pero ako hindi. Mahal ko sya. Madaming beses na kaming nagbreak dahil sa may babae sya. Mga kilala ko naman mga nagiging babae nya kasi taga school din, magaganda sila. Masakit syempre pero alam kong kaya ko. Hinayaan ko lang.Never akong umiyak nung mga panahon na nasasaktan nya ko. Tumagal kami na palaging ganon, basta nalang sya magsasawa tapos malalaman ko may iba na. Balik naman sya ng balik. Hanggang sa one time ayoko na syang tanggapin kasi ayoko na. Hindi dahil di ko na sya mahal kundi ayoko na ulit masaktan nya ko. Sabi nya gagawin daw nya lahat para balikan ko sya, nanligaw ulit siguro lampas isang taon din yung pageeffort nya na balikan ako. Palagi syang nasa bahay, kaclose nya mga kapatid at nanay ko, samin pa nga nakakatulog minsan kapag gabing gabi na. Sinusundo nya ko at kung ano ano pang effort ang ginagawa nya. Pano ko naman sya babalikan non, eh alam kong may gf sya. Tinanong ko sya about don, sabi lang nya di daw nya mahal yon, kapag sinagot ko daw ulit sya saka sya makikipagbreak don ang gago lang diba. Sya kasi yung tipo na ayaw mababakante dahil na nga rin sa barkada nya. Palagi ko na din sya binabalewala pero hindi pa din sya tumitigil. College na ko nung time na yon at madami na kong nakikilala, may naka m.u pero bf wala. Binakuran nya ko.

Sa sobrang tyaga nya sakin nahuhulog na naman ako. Ramdam kong mahal nya ko. Mahal ko din naman e. Naniniwala ako na hindi nya mahal yung gf nya that time. Matagal na syang nanliligaw non kaya balak ko na syang sagutin pero gusto ko sana sa anniv nalang namin. Hindi kami pero parang kami na. Bumalik kami sa dati. Kahit na alam kong sila pa nung girl pero sabi nya break na daw.

Dalawang buwan bago dumating ang anniv namin kung saan dapat sasagutin ko na sya nalaman ko na nabuntis nya yung babaeng yon. Parang gumuho ang mundo ko. Ang sakit. Nagdedemand ng kasal yung parents nung babae. Nag usap kaming dalawa, sabihin ko lang daw na wag ko ituloy yung kasal, gagawin nya. Hindi ako pumayag kasi naisip ko yung baby nya, mawawalan ng daddy. Nung unang nakipagbreak sya sakin, sabi nya “kung talagang para tayo sa isat isa kahit anong mangyari tayo pa din hanggang sa huli“ kaya sinabi ko sakanya na " siguro nga hindi talaga tayo para sa isat isa”. Umiiyak na sya non kasi ayaw nya magpakasal don, ako naman pinipigilan ko lang pero feeling ko sasabog na ko. Pinaalis ko na sya non kasi ayoko na makipagusap, pagkaalis nya saka ako umiyak. And sa loob ng almost 6 years that was the first time na umiyak ako ng dahil sakanyaSobrang sakit. Masakit na masakit. Pero go with the flow ako. Nagumpisa tanggapin na wala na sya. Kinasal sila after a month and may invitation pa nga kami. Masakit oo pero kelangan ko magpanggap sa mga tao na okay lang ako.

Bago yung araw ng kasal nakipagkita sya saken, nakipagkita naman ako, nagrequest lang sya ng hug at kiniss nya yung lahat ng part ng mukha ko habang umiiyak sya. Yun na din ang huling hugs and kisses galing sakanya. I hugged him tight. Sabi ko na lang na maging mabuting asawa sya at ama sa baby nya. Umiiyak na kaming pareho. Sobrang lungkot non

Ilan buwan matapos ang kasal nila, pumupunta na ulit sya sa amin. Tambayan kasi yung labas ng bahay namin e. Ilan beses nya sinasabi sakin na “hintayin mo ko ha, mahal pa din kita”. Hindi ko alam kung para saan yung hintayin na yun. Para saakin biro lang yon, linya mga babaero. Tinatawanan ko lang sya lagi at naaasar sya hanggang sa minsan nalang kami magkita pero may balita parin kami sa isat isa. Syempre dahil nga sa family namin.

Ngayon 4 years na mula nung kasal na yon. May dalawa na syang anak. Okay na din ang buhay nya ngayon, mayaman na daw. Haha. Ako naman madami na din dumaang tao sa buhay ko, hindi ko man naging boyfriend lahat pero mga minahal ko. Mga naging special. Nakamoveon na din ako syempre sobrang tagal na non. Madami na din ako natutunan sa larangan ng pag ibig.

Last month, napatambay sya ulit sa labas ng bahay namin sakto nakatambay din ako. Nagkaron ng chance na magkakwentuhan kami. Nagtatawanan. Nagbibiruan. Kahit na nagpapahiwatig sya, sakin wala lang eh magkaibigan nalang kami. Biniro ko pa nga sya na “Umuwi kana baka mamaya machismis pa ko na kabet mo haha” hanggang sa tinanong nya number ko, sinabi ko naman agad pero di ko alam na mamemorize nya yon. Simula non hanggang ngayon palagi syang tumatawag sakin.

Nung una kaming nagkausap sa phone week after nyang kuhanin ang number ko, ayon kamustahan tas puro kalokohan lang pinagsasabi ko. sa naging usapan namin ay:

Sya: Pwede bang bigyan mo ko ng 2 months para lang makabawi ako sa mga pagkukulang ko dati?
Ako: Hindi mo naman na kelangan bumawi. Okay na yon. Tapos na lahat satin. Kung ano man yung mga nagawa mo non wala na yon sakin.
Sya: Sige na 2 months lang gagawin ko lahat papasayahin kiya. Liligawan kita ulit.
Ako: May pamilya kana. May kanya kanya na tayong buhay. Alam mong hindi na pwede. Hinding hindi.
Sya: Pwede naman kung gugustuhin mo. Hanggang ngayon mahal pa din kita.
Ako: Tigilan mo ko. Hindi lang pagmamahal ang kelangan. Ayoko. Tama na. 
Sya: Ikaw kasi kinausap mo pa ko, nabigyan tuloy ako ng idea na baka pwede pa ulit maging tayo.
Ako: Kung alam ko lang na magiging ganyan ka sana di na tayo nag usap.

Palagi na sya tumatawag siguro bente beses sya tumawag sa isang araw, hindi ko naman sinasagot. Nilolowbat nya lang phone ko. Minsan magtetext sya na nasa labas sya ng bahay at lumabas ako at madami daw kami pag uusapan. Gusto daw nya marinig boses ko Mga ganon. Sobrang nakakainis pero minsan naaawa ako. Okay na sana na magkaibigan kami eh, yung nag uusap ulit pero may iba syang gusto eh. Hindi ko lang alam kung ano sasabihin ko sakanya para tumigil sya.

Kung tatanungin ako kung naniniwala ako na mahal pa nya ko, masasabi kong oo. Kilala ko sya eh, kahit na madaming taon na ang lumipas alam kong kilala ko pa sya, madaming nagbago pero sya pa din yon. Mahal ko sya oo pero bilang kaibigan na lang. Ngayon kelangan ko na muna sya iwasan kasi yun ang mas makakabuti.

Me: Bakit ako? Kahit dati mas madami kang nakikilalang better sakin balik ka pa din ng balik sakin? Ano bang meron sakin?

Him: Kahit ako hindi ko alam kung anong meron sayo kung bakit ako bumabalik sayo, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon mahal na mahal pa din kita.

Hindi man nasagot ang dati ko pang tanong kung bakit ako, kahit sya pala mismo hindi nya alam, masaya na rin ako na alam kong mahal nya ko, may lalaki pala talagang magmamahal sakin. Alam kong tapos na ang aming lovestory at wala din naman happy ending na nangyari pero thankful ako na lahat ng yon ay nangyari.

-NRC