naluha ako

Despite losing our blanket permit to teach inside the Maximum Security Prison when the Special Action Forces took over in 2016— our inmate-students continue the work. Some of them teach na rin in our stead. I got this letter today, it’s a greeting and an accomplishment report of our group inside.

I hope the crackdown on the alleged drug trade inside gets settled soon so the old groups can go back to continue their programs.

Naluha ako. Ang galing nila. Our classes are managed by some UP Diliman students who were accused of a frat death, we owe them SO MUCH. You can’t believe the TRANSCENDING of selves I have witnessed among these UP boys. Hindi na sila “boys” pero boys pa kasi sila when they were detained. 😔

There must be some form of hope still in these uncertain and certainly un-bright times. Mabuhay pa rin. Sampung taon na ang Rock Ed Philippines sa Bilibid.

Salamat sa lahat ng sumama sa amin sa loob. 🇵🇭 #RockTheRehasX

naluha ako sa kaibigan ko kanina. kasi hindi ko na kinakaya yung sakit na nararamdaman ko. real talk. lahat naman pwedeng makaramdam ng sakit diba. tapos sinasabi ko na kailangan ko ng closure kasi deserve ko yon. tapos sabi ko ako na unang kakausap sa kanya para malinawan na ako. tapos tinawag naman ng kaibigan ko tapos sabi usap kami. edi naghintay kami, pagkababa namin, nasa likod na pala siya tapos nagkatinginan kami. tapos kike napangiti agad ako imbis na masaktan ako???? qaqong feelings to oh.

at first, naiiyak na agad ako. very emotional ko bakit ganito ako grabe. umiiyak na naman ako sa harapan niya parang ang weak ko tignan. parang nagmamakaawa akong balikan niya ako. nag-sorry siya tapos nagtubig na yung mata ko. sobrang miss na miss ko yung boses niya. tapos nanahimik kami. mga ilang minutes sabi ko, anong nangyare. bakit naging ganito kami. tapos sabi niya, wala na daw siyang mukhang maiharap sa akin. sobrang nahihiya daw siya sa ginawa niya. bakit ganon? kahit anong pilit ko, hindi ko magawang magalit sa kanya. tapos sabi ko na ang hirap ng ginawa niya. mas mahirap pa to kaysa sa mapalitan. pero mas masakit mapalitan syempre. tapos sabi ko, “iniwan mo naman ako sa ere. bakit ang unfair.” tapos napatungo siya ng matagal. tapos nanahimik na lang kami. tapos nag-sorry na naman siya. then sabi ko, “tapusin na natin. gusto ko lang naman ng klarong pag-uusap bago maghiwalay. para makamove on na din ako” taray ako pa nagsabi nyan kasi hindi nga siya nagsasalita. tapos bigla na naman siyang napatungo tapos hindi ko alam pero napansin kong nanginginig siya. tapos pinatingin ko siya sakin. namumula na yung ilong at mata niya nyemas ayoko ng ganon naiyak ako bigla. hindi ko alam kung pinilit niya lang bang umiyak pero sobrang nab-break yung puso ko nung nakita ko siyang ganon hghhghghg bakit ang selfless ko pagdating sa kanya. bakit ayaw ko siyang masaktan eh sobrang pananakit ginagawa niya sakin. tapos tinanong ko siya kung meron pa ba. gusto ko klaro. tapos sabi niya, “gusto pa kita pero natatakot na akong magawa ko na naman yung nagawa ko sayo.” nyemas so sinong maga-adjust. ako? ako na naman? tapos tinanong ko, “may iba na ba?” tapos bigla siyang umiling. pero nakatingin sa baba. t3ng3ne. hindi ko alam kung maniniwala akong wala. di ko na kaya ampucha. (wait hihinga lang ako di ko na kaya ang hirap i-type sobrang iyak na naman ako ng iyak) tapos ang tagal naming tahimik. di ko alam tumatakbo sa isip niya. ang sakit sobra. tapos bigla niyang sinabi, “babalik ako pag siguradong sigurado na ako.” fck. tanga na naman ako. tangang tanga na naman ako sayo. gustung-gusto kong sabihin na “pasensya ka na. kaya ko nang mag-isa.” pero lolokohin ko lang sarili ko. gusto ko sanang sabihin na “ayoko na. di na tayo magwwork out” pero naalala ko, di nga pala ako sumusuko hanggat hindi siya sumusuko.

tapos nung maghihiwalay na kami ng landas, sabi niya sakin bago magbbye. “namiss kita.” punyemas gumuho na naman ako.

3

Naka-chat ko yung ex-MU ko na si Cyril sa groupchat kasama sila Ryu, Vennie and Marvin. Oo, ako lang babae sakanila nung oras na yun. Tapos bigla ko nalang natanong kay Cyril yung 2 years ko ng tinatanong sa sarili ko.

Kung bakit niya ako iniwan ng wala man lang pasabi. Nung una, hindi siya makasagot tapos chinat niya ako ng private. Nung ka-chat ko siya, hindi ko alam kung bakit pero tumulo yung mga luha sa mga mata ko. As in. Grabe, hindi ko mapigilan. Bigla akong nawindang tapos nasabi ko nalang, “Bakit ako umiiyak?”

Ngayon alam ko na at sapat na yun para maging okay ako. Masakit man pero kailangang tanggapin. Past na yun eh. Ngiti lang ako. Yung last screenshot, okay na kami. Partyyyy.

PS: Cyril, kung mababasa mo man ‘to… sorry at maraming salamat talaga dahil napagaan mo ang loob ko. ☺

youtube

Guys watch niyo effort ni Klai oh. Haha!

I’m so happy na may girlfriend ako na tulad niya. Grabe, naluha ako nang sobra dito dahil hindi ko inakala na gagawan niya ako ng video. Ang ganda ng pagkakagawa. Lalo ko siyang mamahalin, as in lalo kong papatunayan na kaya kong panindigan ang lahat ng sinabi ko. 

Siguro marami na ang lalakeng sinasabing araw-araw nilang liligawan ang tao once na nakatuluyan nila. Ako kasi? Nangako sa kanya na hindi ko siya liligawan para maging kami. Maging kami muna at tska ko siya liligawan araw-araw para hindi matapos.

Sobrang mahal ko ang babaeng ito. Umiikot ang mundo naming dalawa sa isa’t-isa na puno ng pangarap. Salamat ulit sa video na ito. Happy 4th Monthsary! See you soon :)

THE PHENOM THAT IS ALDUB

Dahil sa sobrang sikat na sikat, uso at palaging trending ngayon hindi lang sa Pilipinas kundi worldwide ang tambalang ALDUB (Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub) ay naisipan kong gawin ang sanaysay na ito. Ang Aldub lang naman ang kauna-unahang kalyeseye sa tanghaliang tapat na nakakapagpasara ng sari-sari store, nagpapaextend ng lunchbreak ng mga empleyado, nakakapagpatigil ng mga biyahe ng tricycle, nakakapagpa cutting classes sa mga estudyante, nakakapagpatigil ng mga gawain sa mga establisyemento kahit sa ospital, nakakawala ng antok at ayaw mo nang matulog sa tanghali at i-skip ang siesta. Pabebe wave, pabebe pinky swear, babala…asawa ni babalu, aldub you, mainenamahal kita, maalden kita at iba pang aldub lingo na nauso dahil sa aldub. God gave me you, Thinking out loud, Sa isip ko, makita kang muli, paalam na, ngiti, kunin mo na ang lahat sa akin, cant fight this feeling, i wont give up, ikaw at sayo ay ilang lang sa mga aldub tracks. di lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa ay sikat ang aldub.  ilan lamang ito sa mga senyales ng kumakalat na epidemyang aldub.

BAKIT NGA BA SIKAT NA SIKAT ANG ALDUB?

1) SIMPLE and DIMPLE. yan daw ang sekreto sabi ni Joey de leon sa isa niyang tweet. dimple ni Alden plus pagiging simple ni Yaya Dub. Hindi ako Psychologist at wala akong background sa psychology pero mahilig akong magbasa ng isip at body language ng tao. Pogi si Alden kaya di malayong magka crush sa kanya si Yaya Dub. dahil marupok ang mga babae sa pogi ay bumigay siya at di na niya nagawang itago na gusto niya si alden. natural na natural ang emosyon niya at dahil nga pogi si Alden ay take advantage naman siya.

2) CINDERELLA CONCEPT. Ang mga pilipino ay mahilig sa mga drama, teledrama at serye. Ang pinakagusto nilang topic ay yung may konseptong mayaman na maiinlab sa mahirap. katulong na maiinlab sa amo. karaniwan kasi ng mga nanunuod at nakikinig na drama ay mga tao na naiiwan sa bahay, kagaya ng katulong. at tsaka ganyan talaga tayong mga pilipino, walang ibang mahalaga kundi pera.

3) IBA TO. iba kasi wala namang dialogue yung dalawa. nag uusap lang sila thru dubsmash o kaya ay nagsusulat sa bond paper. may mga bagay talaga na di na dapat pang sabihin at mas mainam kung ipapadama na lang.

4) INTANGIBLE. madaming nakakarelate dito kasi may mga relasyon na nagsimula lang thru internet o kaya fb. di pa sila nagme meet pero sila na. okay, balik sa aldub. Almost 6 weeks na pero up to now ay di pa din sila nagkikita. lahat hinihintay at ina anticipate ang TAMANG PANAHON. may mga times na muntikan na silang magkita pero in some what reasons ay di pa din talaga magawang magkrus ang kanilang landas. yun mga fans nga nila kinikilig sa lambingan nila sa split screen eh paano pa kaya pag nag holding hands at nag kiss na sila ng personal.

5) SPONTANEITY. kala ko spontaneousity ang term. buti na lang at may dictionary kaya chineck ko muna kung tama ba yung term ko. Ito lang ang serye na alam kong kinukunan ng live, spontaneous at natural na natural ang dating. hindi rehearsed at hindi taped, walang take 2. tuloy-tuloy ang flow at nakukuha sa adlib ng mga characters. dahil na din sa galing ng buong casts at nadadala nila ng maayos at maganda ang kalyeserye. kudos to that.

6) UNEXPECTED TWISTS. mga twists na hindi mo inaasahan na pwede pa lang mangyari. kahit nga yung pagkahimatay ni Yaya nung kasal ay hindi natin ineexpect kasi wala naman yun sa script. tapos yung 2nd wedding, ineexpect ko talaga na magkikita na sila pero di pa din pala at kahit si alden ay di alam na ganun ang mangyayari.

7) KILIG PA MORE. syempre, nakakakilig. kahit nga ako kinikilig sa loveteam na ito. sa kagwapuhan pa lang ng pambansang bae na si alden, ewan ko na lang kung sinong girl ang hindi kiligin sa kanya. kinikilig ako pero hindi dahil kay alden. nililinaw ko lang. dun sa episode na pupunta sa kasal si alden para pigilan ay naluha ako. ganun din yung naramdaman ko nung nag follow up dunk si Sakuragi nung kalaban nila ang Ryonan.

8) UNADVERTISED ito ang loveteam na hindi pinag isipan, hindi pinagtambal at hindi pinag workshop. hindi katulad ng KathNiel, Jadine, LisQuen, Gabru at BiGuel. ang mga tambalang ito ay pinagpareha. di tulad ng aldub na bigla na lang nadiscover. take note. Aldub lang ang loveteam na meron sa WIKIPEDIA, kahit check mo pa. at heto pa, ang mga karaniwang loveteam ay puro kabataan lang ang tagahanga, pero ang aldub all ages. lahat kinikilig kahit mga matatanda.

9) LESSONS. dapat syempre may lessons. may mga quotable quotes na nagpapa alaala sa kabataan tungkol sa love at life.

Kung ako ang tatanungin, ayoko pa silang magkadaupang palad. mas exciting kasi ang isang bagay pang hinihintay. parang pasko, mas excited ka pag parating na tapos pag mismong araw na ng pasko ay masasabi mo na lang na, “ganito lang pala yun”. tapos kinabukasan, wala na. But i know for sure na magkikita din sila sa takdang panahon. pag nagkita na sila ay tiyak na madami na silang naka line up na guestings, mall shows, teledrama, movies at kung ano-ano pa. yun ang dapat nating abangan.