naloka-ako

May mga lalakeng edukado pero umaarteng hindi edukado. Mga bwisit na lalake sa bus kahapon, pauwi ako galing Makati. May katabi akong ate gurl na nakashorts oh btw siya yung nasa aisle so yun nga triggered agad ang ibang kalalakihan. Eks kyuz mi!!!! Anong bago sa legs??? Wala ba kayo non??? Pota legs lang yon the best parin chicken legs mga gago. Tas eto na nga, tayuan na ibang pasahero tas natapat yung dalawang lalaki samin. Isang pandak, isang matattoo na tao. Koya di mo ako masisindak sa tattoo mo meron din ako niyan. So etong si ate gurl na katabi ko, inantok, naka earphones na natutulog. Naiinggit ako kay ate inaantok din ako pero ayoko matulog kasi nasa bintana ako, nahihiya ako sa tao sa labas na makakakita sakin. Tas tingin nga ng tingin itong pandak kay ate gurl tas naloka ako sa sinabi niya sa kasama niya “picture-an mo na” ay pota ka???? Napalingon ako ng wala sa oras, magkasalubong kilay ko silang tinignan. Mukha namang nagets nila, nagkilay ako eh. Tas sabi nung lalaking kasama niya “mamaya nalang”. Oh pota di kayo makaporma eh no? Nakalingon lang ako sa side nila. Wala kayong magawa no? Mga hayop, dahil lang sa legs nagpapakahayop kayo. Tiniis ko antok ko, nagpaka guardian angel ako ni ate. Buti nalang bumaba din yung dalawang asungot sa Pedro Gil. Bye bitches bettah luck next timesczxv!!!

Ang tagal ko hindi nakapaglinis ng bahay kasi naging busy ako sa work placement. Eh natapos na sya kahapon, tapos ngayon ipapasa na lang yung logbook. Nagkaroon ako ng time na maglinis kanina.

Sobrang nilalamig pa ako habang kumakain ng breakfast, after ko kumain saka ako naglinis. Naloka ako sa dami ng basura sa ilalim ng sofa. Puro mga platic ng chichirya at kung ano-ano pa. Haruu. Pagkatapos ko maglinis, ayun hindi na ako nilalamig.

Nakakapagod. Ang haggard na, pero maganda pa din naman. HAHAHAHAHAHAHAHA.

Hay buhay.

May 2015 CPA Board examination

The Professional Regulation Commission (PRC) announces that 2,132 out of 5,959 passed the Certified Public Accountant Licensure Examination given by the Board of Accountancy in the cities of Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo and Legazpi this May 2015.

The results were released in three (3) working days after the last day of examination.

Since our group is already doing this since May 2013, we have decided to continue our objective which is to give insights (based on an examinee point of view) to motivate and help each CPA aspirant regarding the recently concluded CPA Board Examination, for future reference. Credits to onceinaleahtime for granting our favor.

—————————————————————————————————–

Once in a lifetime, I took the CPA board.

REVIEW CENTERS
Gusto ko once lang kaya para dito, twice ako nagreview. Una sa CPAR for the October 2014 batch tapos sa CRC-ACE this May. Pero tatlong review schools ang na-try ko since nag-enrol ako nung undergrad sa ReSA. Di ko naman naseryoso yung weekend classes dahil busy akong nagpaka-undergrad, kinukuha ko na lang yung handouts pero di ko naman na nasasagutan tapos after first preboard na binayaran ko pero di na-take, di na ako pumasok. Pero yung lecture notes nila, yung iba nagamit ko naman. Hindi ako loyalty awardee. Kasi lahat naman ng review schools nagca-claim na da best sila so why not try three of them?

Sa CPAR, ang dami daming tao na kapag restroom break, the line to the cr went on and on and on. Maganda seat ko that time, not very front, not very center kasi nakapagpa-reserve ako ng maaga so for future examinees, maging maagap dyan. Buti maagap friends ko, nadamay tuloy ako.

Magaling ang mga reviewers ng CPAR. Sa P1 ni Sir Christian and AP ni Dean, procedural. Wala palang separate subject para sa TOA, sinasabay na lang sa P1. Mabilisan sa CPAR, isang oras lang para sa isang chapter sa Valix ang P1, tapos after ng lahat ng e.g. receivable topics, mag-aanswer na ng TOA quizzer; sa tax rin ni Sir de Vera, ang di nagbasa, nganga. Ang nagdadahan-dahan I believe, yung Roque brothers for AT, and MS. Ang P2 under Sir Ferrer, da best na hanggang sa second review ko yung special revenue recognition topics yung mga tinuro niya nangigibabaw sa diwa ko. BL naman, kay Atty. D na yan. Naging prof ko siya nung undergrad kaya medyo nabigla ako na ang active ni sir sa klase. Dati kasi nagpapa-recite siya tapos tatahimik yung room to the point rinig ko na heartbeat ko, pero sa review walang tahimik moment. Kahit ang daming jokes ni sir, ang dami ko pa ring natututunan sa isang oras.

Magaling ang mga reviewers ng CRC-ACE. True to their claim, concept-based ang approach nila. Mas effective yun sakin kasi ang procedures na minemorize ko lang, di naman nare-retain kung di ko naman alam ang dahilan. Sa Baguio branch ako nag-enrol for reasonable reasons i.e. malamig dun at masarap pagkain. Weekend class ako that time, kasi umuuwi ako ng weekdays para tumambay mag-aral kasi ayoko nang dalhin sa Baguio mga libro ko.

Para sa mga gustong mag-weekend, hindi siya biro kasi 8 hours kang naka-upo pero maganda seats sa CRC, di masakit sa gluteus maximus. Seat ko pala very front and very center kasi at that point na nag-enrol ako, I promised magiging assertive ako sa second review, at hindi ako maghahanap ng distraction kaya dapat ang full focus ko nasa reviewer. Sa mga nagbabalak magpaka-bibo sa harap, it requires commitment, and a little pagpapanggap kasi hindi naman sa lahat ng oras kayang gumana ang brain natin, pero always try to get your diwa back nang makasunod na sa lecture after spacing out. For that, gawin ang mga quizzers and practice problems bago pa man i-discuss para kung sakaling nawala ka sa huwisyo for a while, mas madaling sundan muli yung discussion sa klase. Also, mas effective yung kinokorek mo solutions mo, instead na kinokopya mo solutions ng reviewers.

Ang P1 ng CRC under Sir Mike Tiu, mag-uumpisa sa concepts tapos straight problems ang dinidiscuss sa class. Hindi nagmamadali, kaya mas madaling maunawaan yung topics. Hindi rin ako nabigla sa actual board na Aud Prob-type yung mga tanong, kasi sanay na akong makakita ng questions like that. Also, yung mga na-discuss na ni Sir Mike, di na uulitin ni Sir Jek. Si Sir Jek sa AT and AP namin. Admittedly, naghabol kami kasi first class namin sa AT after ng first preboard.. weeks after it tapos hindi pa si Sir Jek pero magaling rin si Sir Jesse Meneses na pumalit that time, taas ng energy ni sir. Kahit ang AP/AT namin ang pinaka-sabog na sked, ang galing kasi preweek namin diniscuss ni Sir Jek yung buong AT nang wala pang halfday. Sa AP, na pagkatapos i-discuss ni sir yung pre-week, di ko na nafeel na kailangan kong i-resolve yung handout on my own kasi malinaw na sakin lahat. Amazing.

Sa MS under Sir Guia, kakaiba yung approach niya, in a good way. Kasi ang pinaka-pinasukan ko sa ReSA, MS. Maihahalintulad yung approach ng ReSA under Sir Aljon sa approach ni Sir Roque ng CPAR. E.g. sa standard costing, parehas na AFOH-BAAH-BASH-SHSR sa ReSA at CPAR pero kay Sir Guia, to the left and standard, to the right ang actual tapos nasa gitna ang flexible budget. Walang memorization, ang mag AFOH-BASH maba-bash ang fezlak. Pero syempre joke lang yan. Madaming joke si sir, dami ring hugot tapos may pagka-recollection yung preweek namin, very very pastor lang my dearest brothers and sisters in Christ. 

Sa TOA namin, ang bongga under Ma'am Ledesma. As in yung accounting process, 2 days diniscuss, naloka ako dun. Pero gets na gets ko naman na yung concept ng single entry, panis na panis. May mga di pumapasok kay ma'am, their loss. Sa BL, okay si Ma'am Sagana kasi mahinahon yung pacing tapos mas madaling magmemorize since summarized na sa booklets yung discussion. Gamit na gamit ko booklets ko ng BL pero nag-Soriano pa rin ako on the side. Sa tax under Sir Morante, madali ring magmemorize e.g. OPT taxes GPS FAWISCO BF or sa estate deductions ELIT PP VD STD RM SSS.

Sa P2, yung first half si Sir Oli tapos second half si Sir Roel. Magaling si Sir Roel, pero may kakaiba ring approach i.e. sa CPAR may whichever is higher sa FV of INAS na kinalimutan ko na kasi ang may choice kung anong gagamitin e ang parent company. Or yung sa Gain on BPO on bizcom na nasa SFP zero ba? Sa ReSA, 0 kasi wala namang gain na line item, kay Sir Roel meron nakalubog lang sa retained earnings. Sound naman kasi parehas pero anong approach ng examiner though? O.o Gusto ko rin na may summaries bawat lecture sa P2, para yun na lang binabalikan ko nung malapit na exam.

Okay talaga sa CRC, problema lang yung scheduling lalo’t maraming branches. So I suggest lalo na sa weekend classes, mag-advance. Pabor ako dati sa pagka-move ng board exam kasi may mga hinahabol pa kaming topics. Pero di na-move so a week before the first exam weekend, yung weekend class sa BL, 12 hours nagklase sa Nego. Ang hardcore nun. Preweek din namin sa TOA, naging 90% habol topics on NCAHFS, gov grant, agri etc. So heed my advice, mag-advance. May mga typos din sa quizzers and preboards, so be vigilant, pag di makuha using the concept you know, at hindi ka okay sa solution pag nagworkback ka, 1. Ask the reviewers 2. Google it 3. Stick to what you’ve learned.

Isa ding pagkakaiba ng mga review centers ay yung bases ng grade sa preboards. Sa CPAR at ReSA, 50 based. Sa CPAR dati, kahit feel na feel kong nagsabog yung exam ko, nasa 82 palagi average ko. Pero sa CRC ACE, pinapangarap ko ang 82 kasi zero based. Nagsabog ako nung first preboard doon sa P1, 65 ako (Final preboard ko sa CPAR nasa 85 sa P1). Ang sakit sakit sa pride so double effort ako on TA/P1/AT. Sa final preboard nasa 90 na. Double yabang like yeah. So consider this din, malaking bagay kasi ang preboard para malaman kung ready ka na. Mahirap kasi sa 50 based, masarap sa pakiramdam so may tendency to be complacent. Mahirap naman sa zero based, masakit sa pride pero what doesn’t kill you makes you stronger, right?

EXAMS/REFERENCES
I tried not to think about the exams habang di pa tapos lahat ng subjects. I tried not to think of the exams habang wala pang resulta. I was asked by one of the admins of Tumblraccountants to make a review of sorts ng board exam. Why not naman kung makakatulong sa iba? So here I am trying my hardest to dig out repressed memories.

Audit theory
I do believe maraming nadalian since one hour to go, marami nang lumabas ng exam rooms. Isa ako sa kanila, and at that point na sinubmit ko paper ko, naka-apat naman akong balik. Sabi nga ni Sir Jek, “Panis.” Karamihan ng tanong, yung topics sa first half ng libro nila Sir Jek—Aud planning, Pre-engagement ganyan. Wala naman yung nakakagulo sa utak sa internal control consideration, or relationships sa substantive testing. Kung meron man pero di ko lang matandaan, kayang kayang sagutan. Wala rin masyadong RA 9298, IRR or Code of Ethics. Ang ginamit kong textbooks for AT e yung book nila Ma'am Ireneo at Sir Jek et al. Text-heavy yung kina Ma'am Ireneo kaya feeling ko dati ang hardcore mag-aral ng AT, may outlines pa ako dati per chapter. Di ko sinagutan yung questions sa book so I wouldn’t know kung may galing ba doon. Sa book naman nila Sir Jek, di ko na nafeel the need na gumawa ng outlines. Magandang pagpractisan yung book nila. Yung 2014 edition mas maraming questions kaysa sa 2009 ed or 2011 I believe. Ginamit kong reviewer yung Roque plus CPAR and CRC materials. Pamilyar naman yung questions, that is at some point nakita ko na sa mga reviewers na ginamit ko. I can’t tell which though. Pero sa preweek namin may mga lumabas.

Theory of accounts
Maraming nagsasabi na galing daw ReSA at CPAR yung questions. Wala akong pre-week nila this batch so I cannot attest to that, pero may lumabas na nasa preweek quizzer ng CRC. Kalat naman yung questions. Para sa mga magtatake pa lang, pay attention sa concepts, di lang para sa TOA, pero para sa Aud Prob and Prac 1 na rin, puhunan din yan. Okay yung booklets ng CRC sa TOA, though mas concise yung book ni Valix so pinili ko na lang mga binasa ko sa booklets namin. Yung mga handouts sa CPAR, galing lang sa book nila Valix so to save time, answer either but not both.

Practical accounting 1
Aud Prob ang peg ng P1. Sa lahat ng in-exam, ito ang hindi ko nabalikan lahat for checking, kasi nag-fixate ako sa isang situational problem na kulang sa details na hindi naman posibleng masagutan, 3 or 4 questions ata tinanong so di ko rin naman masisi yung pagka-praning ko right then. But for all future takers, do not follow my example. Ihuli ang mga items na ikaka-sira ng confidence at sanity, tapos kung ang problem ay hindi naman talaga kayang humanly i-solve, kumbinsihin ang sarili na bonus sila. YAY. Also, it pays to work back from the choices. Ginawa ko yun at isa-isa lumabas yung most logical answer bawat item. Kung across the board ang pag-add for bonus items, eh di double points. Double yay.
Kalat yung questions, may nakapagsabi sakin CPAR daw kumuha (yung preweek last batch ang meron sakin.) For P1, ang ginamit ko lecture handouts, preweek materials ng CPAR and CRC plus yung Prac 1 ni Valix.

Management Services
Before the board, bali-balita na ito daw ang pinaka-mahirap. It turned out the exam in MS was unworthy of bonggang attention. AS IN INCREDIBLY UNWORTHY of all the kapraningan it caused me. So as a tip to future examinees, do not fall victim sa mga sabi-sabi. Pito ang mga subjects sa board exam, wag ibuhos ang atensyon sa isa lang dahil sa chismis. May nagsabi sakin na exact pre-week daw ng CPAR yung lumabas. Good for them. Di naman ako na-bitter kasi carry naman ‘yung questions.
Madaming theories, yung solving na short questions, operational budgeting nga lang eh, tapos sa situational, FS analysis. Nakakagulo lang dun kung anong gagamitin like sa ROA, operational assets ba o total? So I suggest alamin ang concepts ng formula, para madali na ring matandaan. 
For my first review, nag-stick ako sa Roque para di ko na gawin yung quizzer ng CPAR. Sa second, nag-Agamata ako para sa theories at mas gusto ko yung formatting ng Agamata, di ko na kailangang magpalipat-lipat ng pages for the answers. Of course, gamit na gamit rin booklets ng CRC.

Auditing Problems
Admittedly, on the second week, fixation ko ang P2 kasi dun ako mahina. Para sa Aud Prob, umasa na lang ako na ‘yung naaral ako sa TOA and P1 would carry me through. It did. Kasi may problem na ang hugot revenue recognition principles; meron din sa presentation ng fs. Tapos syempre lahat ng nasa choices pwedeng lumabas from the given, sa huli nanindigan na lang ako sa concept na alam ko. May AT questions din pala na kailangang manindigan sa audit opinion. Also, it pays to assert yourself. Kwento ko lang, kasi yung proctor naming for AP/P2, dinadaldal yung kasama niya. Yung first problem sa AP, hindi ko ma-absorb kasi tuwing susubukan kong pakinggan sarili ko habang binabasa yung problem in my head, yung boses ng proctor ko naririnig ko. Hindi ko kayang buong araw ako magtitiis sa ingay, so lumapit ako at nakiusap na kung sana wag nang mag-usap sa room. Magalang naman ako.  Nanahimik ang room at matiwasay na nairaos ko ang AP. Huzzah.

Roque ginamit ko on both reviews plus CPAR and CRC Materials. Undergrad ginamit ko naman Ocampo. Ang problema ko lang sa Roque, yung latest ed (2012 or 2013 ata), yung application ng PIC on demolishing cost di naman reflected, kaya I skipped questions sa self-constructed assets dun. May revenue problems sa pre-week namin pero hindi yun ang lumabas, magandang practice na rin. Hindi ko alam kung saan kumuha sa subject na to, hindi pamilyar yung problems.

Practical Accounting 2
Nasabi ko kanina na ang P1 lang ang akong di nakapagcheck lahat ng answers. Sa P2, maraming beses ako nagpabalik-balik… kasi wala na akong maisagot. HAHAHuhuhu. Naknampucha forevs. Yung 248 questions sa business combination/consolidation sa libro ni Dayag, tinapos ko nung holy week as my hardcore penitensya pero after everything, kalbaryo pa rin ang Prac 2. May forex hedging-options din tapos maraming costing problems na wala namang sagot. After ng exam, nagtext ako sa admin ng review school at ini-reklamo ang numbers 30-50 para i-contest at ipa-bonus. Di ko alam kung na-bonus nga talaga, pero pumasa ako right? Tip din yan for future examinees, imbes na magreklamo sa mga friends na wala namang sagot sa problems, idulog na lang ang reklamo sa pwedeng makapagpa-void ng questions. UPDATE: 86 ako sa P2 so alam kong madaming bonus. I do believe yan din ang sanhi ng mataas na passing rate.

On both reviews, Dayag ginamit ko pero di ko natapos lahat, plus CPAR and CRC materials. Maganda siyang pagpractisan. Yung mga explanations sa solutions, paka-tandaan at yung mga entries ay i-master.

Business Law and Taxation
Wala masyadong nego. Hurrah! Carry lang din yung questions for both BL and Tax, kalat rin naman. Ang di ko in-expect sa tax, may question on discount ng senior citizen, sa review materials kasi namin wala kaming notes on it. Basic lang naman, yung 20 percent discount sa restaurant. Alam ko lang i-apply since senior citizen mama ko (UPDATE: or akala ko lang alam ko i-apply. Lowest ko kasi BLT) Meron ding lumabas on VAT on goods pero wala namang answers if gagamitin ang revenues to compute for output tax. Lastly, may lumabas on donor’s so wag mamaliitin yun.
Sa BL, Soriano and CRC booklets plus CPAR quizzers. Sa Tax, since aminado akong tagilid ako dito, first review textbook ni Reyes at kay Sir de Vera, reviewer ni Ampongan. On my second review, San Beda Memory Aid para sa bar examinees, reviewer ni Reyes plus materials ng CRC. Pero ang pinaka-naghanda sakin yung preweek ng CPAR, dami kasing tanong.

Honestly, yung mga tanong sa BL, kahit wala kang ginamit na reviewer, kayang sagutan so long as nakapagbasa ka. Sa tax, mukha siyang basic pero apprarently nagsabog ako dun.

Yung mga nababalitaan ko kung san kinuha yung exam, naririnig ko lang naman yun, not that I actively sought them out. I suggest for future examinees to do the same kasi wala naman nang magandang idudulot ang paghahanap ng ikaka-praning mo during, and after the exam.

As an end note, gusto ko lang i-share yung napulot ko okay Coach Chot Reyes na narinig kong mag-talk sa isang event. Sabi niya, success can be achieved with the first five letters of the alphabet, na may sarili kong interpretation. I believe effective siya since nasa 86.71 naman average ko (Yes, proud ako. Pagbigyan at pinaghirapan ko to :) ).

A for Attitude
- Pumasok sa klase ALWAYS.
- GV lang. Ang issue ng mundo ay di mo issue at the moment.
- Mag-adjust sa review. May mga parties na di kailangang attendan, may mga pagkaing di -pwedeng kainin dahil nakaka-antok, may mga tv shows na pwedeng i-youtube na lang after ng board. Nabasa ko somewhere, “You can’t make an omelette without breaking some eggs.”

B for “be brilliant at the basics
-Nakakatamad mag-entry pero yan ang pinaka-basic eh. Dyan mo pwedeng simulan ang kwento ng mga problems.
- May quote na tumatak sakin by Jim Rohn, “Success is the natural consequence of consistently applying the basic fundamentals.” Yes, redundant pero you get his drift.

C for strengthening your core
- Spiritual, yung sarili mo tsaka yung physical core mo rin. 
- Kung di optimal ang health mo, di rin optimal and function ng brain. Basta wag mong ide-deprive sarili mo pagdating sa tulog at kain.

D for Drills
- Practice lang yan. Ang time pressure and any other pressure, kinakasanayan.

E for Execution
- Sabi ni Coach Chot, pagka-tapos mong ma-achieve ang ABCD, ready ka na for execution which is the most critical of all. For his last point nung talk niya, pina-panood niya samin yung video of a buzzer beater shot, champion yung team. I believe Purefoods yun, but I can be wrong. Anyhow, execution can make or break you, pero maintain your optimism, remember the basics, keep the faith, treat the exam like you treat your drills. Kalma ka lang, kaya mo yan.

With that, I’m out. Byers!

UIOGD

5

My FAN. My READER. My ADMIN. My MANAGER. My SUPER FRIEND.

May dalawang taon palang akong nagsusulat sa wattpad, lahat ng meron ako ngayon ay hindi ko inaasahan. Noong una kasi ang plano ko lang ay magsulat ng stories at magpublish ng sarili kong kopya. Hindi ako naghangad ng mga mambabasa dahil ang sakin lang talaga ay mabawasan ang laman ng aking isipin. Nong una palang ay alam ko nang wala akong talento rito, na-inspire lang kasi talaga ako ng mabasa ko ang isa sa mga pinakasikat na story sa watty (hindi ko na babanggitin kasi baka magkamali pa ng intindi ang makakabasa nito). Ayaw ko talagang magkumpara, wala rin sa sistema kong maliitin ang gawa ng iba. Isa lang akong maarteng mambabasa na nakaka-appreciate ng sobra sa pagsusulat ng iba. Hindi ako mahilig talaga sa libro pero pagdating kay Stephen King ay may exception ako. Anyway, nang makabasa ako ng isang story sa watty, nagtuloy tuloy na. Since baguhan nga lang ako sa mundo ng watty ay iyong mga mararaming reads ang binabasa ko. Pero dahil sa unang nabasa ko ay hindi ko maiwasang magkumpara at madismaya sa mga sumunod kong nabasa. Parati kong hinahanap sa istorya ng iba yung chemistry ng una kong nabasa pero nabigo ako. Ang dami kong nabasa, mahigit sila sa isang daan pero lahat ay sinimulan ko lang. Marami akong tinapos na istorya sa watty pero mas marami ang hindi ko na tinapos. Hanggang sa binasa ko na lang uli yong una kong binasa pero hindi na ganun na ganun ang feeling, parang nauunahan na kasi ako ng isip ko at sinasabi niyang ‘ganito ang mangyayari diyan’. Nabawasan ang curiousity at excitement ko. At dahil nga nuknukan ako ng kayabangan, nasabi ko sa aking isip na “KAYA KONG MAGSULAT NG HIGIT PA RITO.”

Mayabang, oo, pero yon talaga ako e. Yon talaga ang pumasok sa isip ko. Sabi ko pa nga non ay imbes na ganito ay ganiyan dapat yan, imbes na ganon ay ganito dapat. Napakarami kong naiisip at tuloy tuloy ang pagpasok ng ideas sa aking isip.

Sinimulan kong magsulat, HE’S INTO HER ang aking inuna pero nakakawalong chapters palang ako ay suko na ako d-.-b hindi ko kasi siya maisingit sa aking busy schedule. So hinayaan ko na muna siyang matengga at may pumasok sakin na idea. Istorya iyon ng isang malapit kong kaibigan, ang POSER story. Mas naging swabe ang pagsusulat ko ng story na yon, mas may paghuhugutan dahil sariwa pa sa isip ko ang mga kwento at pangyayari. Kaya naman isinulat ko yon sa paraang nakagawian ng mga reader na gaya ko, may emoticons, salitang balbal ang gamit at wala sa ayos ang sentence construction, ultimong ang paggamit ng punctuations ay mali mali sakin.

Maramig nagkagusto sa POSER story ko, andaming nagrequest ng part 2. Andaming pumuri sa pagsusulat ko kaya naman mas ginanahan ako. Nag-update ako ng isa sa HE’S INTO HER pero matapos nun ah tinamad na ako uli. May isang kakilalang nakabasa ng POSER story ko ang nagsabing magaling daw talaga ako magsulat, watty reader siya at madalang daw kung humanga. May ideas ako nung oras na yon at nang makausap ko ang kakilala kong yon ay binuo ko ang THE WISHFUL THINKER. Ilang linggo ang nakalipas, dumagdag ang reads ng mga yon, balewala naman sakin dahil nga busy ako. Ang mahalaga lang parate sakin ay nabawasan ang isipin ko.

Marami akong kaibigan na mahilig magbasa pero ewan ko ba kung bakit nahihiya akong ipabasa sa kanila ang ginawa ko. Si LAYZELLE ang kaisa-isang kaibigan ko na hindi ko kinatakutang utusan na basahin ang aking nilimbag d-.-b siguro nahihiya rin ako pero hindi yon sintindi ng nararamdaman ko sa iba kong kaibigan. At dahil nga mayabang ako, inaasahan ko ng sasabihin niyang “ANG GALING MO, FRIEND!” d-.-b

Pero nagkamali ako dahil hindi lang yon ang sinabi niya! d-.-b

Oo, naloka lang ako dahil talaga detail by detail ay sinasabi niya sakin ang mga naintindihan niya sa istorya. Literal akong naloka dahil pinabasa ko sa kanya ang sinulat ko hindi para ikwento pa sakin d-.-b para saan pang ako yong writer ng story na yon, diba? #MedyoMautakLang d—,b

Pero habang tumatagal ako sa aking pagsusulat ay na-realize kong hindi siya isang basta basta na reader. Doon ko lang naunawaan ng tuluyan kung bakit ganon siya magreact. Ganon siya dahil naunawaan niya ng todo ang mga sinulat ko at talagang hinihimay niya. Nakakatuwang isipin na yong iba ay isinusulat niya pa sa kaniyang mahiwagang notebook d—,b

And wait, there’s more d—,b doon ko lang din nalaman na lahat ng napagkwentuhan namin noon ay isinulat niya rin sa mahiwaga niyang notebook. Hindi niyo kasi naitatanong ay hindi ako mahilig magtext, pero isa si layzelle sa talaga namang pinaglalaanan ko pa ng panahong magload para lang makatext, bukod kasi sa kaniya ay kay NAIH lang ako ganon. Hindi pa ako nagsusulat ay madalas na kaming magkakwentuhan sa text at nagulat na nga lang ako ng malaman kong ganon siya ka-hooked sa mga kwento ko na ako ay aaming nakalimutan na ang iba d-.-b

Masasabi kong maswerte ako sa taong to, bilang fan, reader, admin, manager at super friend. Hindi niya kasi talaga ako iniwan at talaga namang todo alaga siya sakin. Napakamaasikaso niya sa lahat ng bagay, gusto niya ay parating organized, kaya naman laking pasalamat ko na habang lumalaki ang pamilya ko ng JIJIEROS at JIJIERAS ay may katuwang ako sa lahat ng bagay. Para kasing ako ang utak at siya ang katawan, may oras na pakiramdam ko ay balewala ako dahil wala siya o di kaya naman ay hindi ako makakakilos ng wala siya. Halos sa kaniya na nga lang ako nakadepende lalo na sa pagdedesisyon d-.-b saming dalawa kasi ay siya yong mas nakakaintindi. Sa kakaibang ugali ko pa nga lang ay hindi ko na alam kung paanong tumagal sakin ang babaeng to. Sa kakaibang topak ko sa buhay ay talagang isa siya sa mga nagpasensiya.

Mahalaga siya sakin kaya naman ayaw kong nakakarinig ng mga pangit na bagay tungkol sa kaniya, maliit man yan o malaki. Para kasi sakin ay hindi lang siya basta fan, reader, admin at manager. SHE’S MY SUPER FRIEND AND I DEMAND YOU TO RESPECT THAT REASON d-.-b (maka-English akala mo fluent).

At dahil hindi siya marunong mag-TUMBLR, dito ko na lang ito ipinost. Sa sobrang babaw niya kasi ay paniguradong maiyayak yon d-.-b e hindi ko naman to isinulat para sa kaniya, para to sa sarili ko, bwahahahahaha. I really love myself d–,b at syempre para mabawasan ang laman ng isip ko at masabing blogger ako, jiji d-.-b

E nuknukan na ng haba at mapungay na ang maangas kong mga mata kaya tatapusin ko na d-.-b

Salamat sa lahat lahat friend, wag ka sanang magsawa sakin, bwahahahahaha at bigyan mo pa ako ng maraming pagkain. d^___^b

Saranghe ♡

God bless ♡

-maxinejiji ♡

h'wag kang magwordplay sa status ng isang kilalang tao.

h'wag ka agarang mahuhulog sa mga butas ng kalye dahil panigurado ay pagtitinginan ka at hindi mauubos ang mga karga ng bibig nila sa pagsasabing ‘ang tanga naman nito, bulag ba 'yan?’ hindi ba parang ang pangit mahulog sa katangahan. astig ka kung gugustuhin mo pa ulit at marahil ilang araw matapos no'n ay makakalimutan ka na ng butas na pinaghulugan gawa nang wala namang memorya ang mga 'yon pero hindi ang mga taong nakakita sa'yo.

ilang buwan mo na ba siyang kakilala? ilan beses na ba siyang nagsabi na mahal ka niya? ilang tao na ba ang naging malapit sa'yo nang sandaling panahon lamang? ilang beses ka na bang umasa na may takip ang bawat bangketang pinaglalakaran mo? paano mo nalagpasan ito? gugustuhin mo pa bang maulit 'to?

kung ang tiwala ay nasa condom na lang, ipagdamot mo. kung ang pag-asa ay nasa yosi na lang ipamahagi mo at kung ang pananampalataya ay nasa pangalan na lang sana naman napaninidigan.

siya nga pala walang kinalaman ang pamagat sa paskil. sinubukan ko lang naman kanina, naloka ako 'te.