nakuha lang

hi may kwento ako mga mamser. last year nakuha ko lang yung date ko sa tinder then we watched 50 shades darker. kumain din kami sa restaurant then after non, umuwi na ako. nag expect pa siya na mag s-sex kami haha tapos ang awkward pa dahil nagkita kami that time ng naka-one night stand ko. guess what? magkakilala ang mga hayop kaya kunwari hindi ko kilala yung naka-ons ko. gulat pa siya ih haha ako rin nagulat hinayupak. anyway, hindi ko rin alam kung ano pumasok sa isip ko hahahaha sa h&m pa nga kami nag meet ni tinder buddy kasi may tinitignan siyang damit at akala ko bibili wew. ngayong taon, meron na “ata” at sa up fair kami mag d-date hehe. workmate ko yon before tapos tinanong ko kung free siya at sabi naman niya wala pa daw nagyayaya kaya pwede daw siya. wag lang sana ako matokis kasi taken yon (sa isang officemate ko rin). pero nagpaalam naman ako sabi ko hihiramin ko lang hahahahahaha ang gago ko ba. pumayag naman siya at bahala sila mag-away uhm pero lagi na nga sila nag-aaway kaya grab ko na yung chance chareng di ako abangerz. close friend ko lang talaga yon at ewan??? sana matuloy.

If you have a time, and interested to my college brief story, please take time to read this. Thank you! And to all batch 2017, congratulations.

The best profile picture ever!

Tila ang sarap pakinggan ng mga katagang “Graduate na ako.” Hindi ko kayang pigilan ang umaapaw kong kasiyahan na nasa loob ng aking katawan kasabay din nun yung luhang nagtatago sa likod ng mga mata ko na tiniis ko sa loob ng limang taon. Oo tama, luha. Luha na dulot ng sobrang tuwa, luha na nagsasabing sa wakas tapos na ang mga paghihirap mo, ito na yung pinapangarap mong degree (well actually hindi ko alam na dito sa kursong ito pala ako magtatapos). Sa wakas makakahanap ka na ng isang maganda at disenteng trabaho na maipagmamalaki mo sa kung kanino. At syempre yung luhang nagsasabi sa loob ko na… “Sa wakas Rayniel, nakaya mo. Lahat ng pagsubok, lahat ng mga mahihirap na exams, quizzes at projects, sige isama mo na rin yung mga seatwork na akala mo quizzes sa sobrang hirap na ultimo utak mo talagang mapipiga at matutuyo.“

Sa totoo lang hindi lang isang beses ang maisipan ko yung fastest way to exit this course which is to quit. Sa limang taon ko sa College of Engineering and Technology, hindi lang isang beses na sinabi ko sa sarili ko na "tama na hindi ko na kaya”. Dumating pa nga yung araw na sinabi ko na mismo sa dean namin na “Sir pwede po bang mag shift nalang po ako sa ibang course pero same lang ng college kasi po sobrang hirap na.” Ilang quizzes na ang iniyakan ko, simulan natin sa first year, yung college algebra na inakala kong makaka uno ako pero nauwi sa 2.25 tapos yung trigo ko na sabi kong basic lang pero 2.25 lang din. Grabe first year palang sinabi ko na sa sarili ko “IMPYERNO ATA TONG PINASOK KONG KURSO”. Nalagpasan ko ang first year ng matiwasay pero pag sapit ng second year, UGH! PHYSICS. YES, kung saan nakakakuha kami ng grades na 26/100 at maswerte kana nyan kapag ganyan ang nakukuha mo dahil kahit papaano tumatama ka ng isang problem out of four problems. Dahil hindi namin alam kung saan kumukuha ng tanong yung prof namin dyan (puro pang out of this world). At iniyakan ko yang subject na yan, sinabi ko na sa sarili ko na hindi ako para sa engineering at kung babagsak man ako, it means ayun na yung sign. After ng semester, nalagpasan ko ang physics at alam mo ang sabi ko sa sarili ko? “Rayniel bakit mo pinasa, dinugtungan mo lang yung buhay mo dito sa impyernong course na to”. Pero believe it or not, nung pinasa ko ang Physics kahit tres lang ang nakuha ko, naging determinado akong lumaban. Akala ko makakaya ko na dahil ayan na third year nako sa ibang course kasi diba pag third year na wala ng problema, yun pala. Simula palang ng kalbaryo ng buhay namin sa Electronics Engineering. Pumasok ang electronics at circuits, aba himala wala akong problema kaso biglang sinabitan ng Differential equations, at muli nanaman akong nawalan ng lakas ng loob at determinasyon. Dyan din yung muntik nako ma-HD at mapalipat dahil sa failed to reach the cut-off. Thanks to that warning-warning-hd rule, dahil isang warning palang ako at pangalawa ko na yun nung bumagsak ako. Nung naisip ko yun sabi ko sa sarili ko, “Kailangan mong lumaban, nandyan kana. Konting tiis nalang oh, konting tumbling nalang.” Kaya after nung sem na yun, oh guess what, 1.86 na ang GWA ko from 2.58. Diba grabe ang batak ko nung sem na yun. After kong bumagsak sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi na ako pwedeng bumagsak at ayoko na. Kaya pinilit ko yung sarili ko, nag aral ako ng mabuti. Laban lang, laban kung laban, puyat kung puyat. At nagpaka-GC ako ng bahagya nun. Alam ng mga classmates ko kung gaano ako nagsusumikap para maging regular muli at para makahabol sa batch namin. Ako na nagsasabi, hindi biro yung pinagdaanan ko sa loob ng dalawang taon, yang fourth year and fifth year life ko. Nandyan yung kulang nalang hatiin ko yung katawan ko dahil sa magkakasabay at magka overlap na sched from regular to irregular subject. Nandyan yung napagsabihan ako ng prof ko na “napaka espesyal mo talagang estudyante Magsino kundi lang ako bilib sayo dahil kinakaya mo hindi kita pagbibigyan”. Lahat yan kinaya ko hanggang sa makarating ako sa kung ano tong kinalalagyan ko ngayon…

My first greatest achievement to myself and one of the reason why I forced to love this Electronics Engineering is being a licensed Electronics Technician under-graduate of Electronics Engineer. I proved to myself to my professors and colleagues that I belong in this field of engineering. And I’m very proud to say that I am an ECT passer. Yung puyat ko, habang nasa OJT, review everyday, habang nasa bahay kahit pagod sa school basa ng reviewers, habang nasa school kahit hirap balansehin pinipilit kong isingit ang review ko kahit may exams pako sa mga subjects ko, lahat yan nagbunga ng makita ko yung pangalan ko sa results of passers. Sobrang naiyak ako, gusto kong tumalon sa sobrang saya, at sobrang pasasalamat ko kay Lord dahil alam kong hindi nya ako pinabayaan sa pag-eexam ko.

And other than that, is this, completing this five year program in five years. All I could say is wow, just wow. *teary-eyed*


Rayniel S. Magsino, ECT
12-61-107
Bachelor of Science in Electronics Engineering🎓🎓🎓
Universidad De Manila
Batch 2017

Exchange Gift

Hindi mawawala sa kapaskuhan ang regalo. Ang pasko nga ay panahon ng pagbibigayan kaya laging nandyan ang mga taong nagbibigay sa atin ng mga regalo. Maaaring ito ay pera mula sa ating mga boss, mga gamit mula sa ating mga kaibigan, minsan naman ay pagkain at kung sinuswerte ka ay Greeting Cards ng Christmas ang matatanggap mo, yung iba pinaglumaang card pa! Haha

Pero kahit ano man nga ang matanggap mo ay taos-puso mo itong tatanggapin. Sino ba naman ang ayaw sa regalo diba. Kaya nga may monito o monita na tinatawag, exchange gift. Kaso hindi naman lahat ng tao ay maaappreciate ang regalo mo.

Top 5 Signs na AYAW NG MONITO O MONITA MO ANG NATANGGAP NYANG REGALO.

5. Kapag sinabi nya na: “Naku, sana pinera mo na lang.”

May mga gusto naman tayo na hindi sakto sa budget ng exhange gift diba. Halimbawa, gusto mo ng sapatos pero ang budget ng company nyo ay 500 pesos, hindi naman mabibili ng nakabunot sayo ang isang sapatos na mas mahal pa sa budget nyo. Kaya may mga tao na kapag disappointed ay sinasabi nila na sana pinera na lang ang regalo at pinandagdag sana sa gusto nyang bilhin.

4. Kapag nakita mo ang gift mo na ini-regalo sa ibang tao.

Medyo masakit to bes. Sino bang tao ang magpapamigay ng regalo na natanggap nila kung gustong-gusto nila ito diba. Kumbaga bakit mo ile-let go yung isang bagay na gustong-gusto mo diba? Kaya kapag nakita mo ang regalo mo na iniregalo sa iba, ibig sabihin lang non kabayan na hindi nya type ang regalo mo. Saklap ba?

3. Kapag narinig mo na sinabi nyang: “Ano ba namang buhay to, ang ganda ng regalo ko tapos ito lang natanggap ko???”

Naranasan mo ba ito? Mageeffort ka na bumili ng unique na regalo para matuwa ang nabunot mo, samantalang masasaktan ka lang sa nakuha mo. Imagine bumili ka ng bag sa department store tapos nilagay mo sa isang magandang bag, nag abono ka pa dahil maganda ang regalo mo tapos ang matatanggap mo ay tatlong picture frame at dalawang mug! Anak ng tinapang bulag! Ang sarap magwala. Yan siguro ang dahilan kaya tayo may wishlist para malaman ng nakabunot sa atin ang gusto natin.

2. Kapag sinabi nyang: Ang ganda naman ng gift mo, sana mama mo na lang ang pinapili mo".

Personal experience to mga kabayan! Personal ito! Naranasan ko ito noong 2014. Nagregalo ako ng sandals sa katrabaho ko, sinabi ba naman nya sa akin na sana daw nanay ko ang pinapili ko ng design. Alam ko naman na Mama Knows Best pero syeteng palaka! Hirap maghanap ng regalo na yun, tapos ganon ang sasabihin diba. Ang sakit! Parang nag effort ka na manligaw tapos sa huli masasaktan ka lang nya. Whaaaaaat.

1. Kapag pataray nyang sinabi na: “Akala ko ba something useful? Bakit ang nakuha ko ay something garbage!?!”.

Madalas yan sa mga monito/monita lalo na kung weekly ang exchang gift. Every week ay may mga something na theme para siguradong lahat ay magkakatema ang regalo. Pero kapag sinabi ng nabunot mo ang regalo nya na something garbage, matic na kabayan. Ayaw nya ng regalo mo.

OTHER BITES

Kapag iniwan nya ang regalo nyo sa venue ng party nyo.

Kapag sinabi nya with emphasis na: “Its the thought the counts”

Kapag sinabi nya na: “Wait? Ano to? Gift or donation?

Kapag hiningi nya ang resibo ng binili mo para ipalit ng ibang item.

Kapag sinabi nya sa buong department nyo na: “Wow! Niresearch mo talaga ang ireregalo mo. Ito ang pinaka ayaw ko!”

Daming USER sa mundo. :)

Shout out sa mga pekeng tao at users na dumaan sa buhay ko na natapos at nakuha lang yung kailangan sa akin eh parang wala nalang ako sa kanila at yung iba eh di na marunong kumilala. Kingina niyo alam kong nababasa niyo din ito dito. Magaling lang kayo pag may kailangan kayo. Good luck sa inyo. Di na kayo makakaulit at sa mga plastik at user pa dyan na lalapit lang pag may kailangan, tangina niyo wala na kayong mahihita sa akin. :)

last time na nagpa palm read ako sa tropa ko is last 2015 ata? tangina accurate eh nabasa nya past ko gago lupet nun wala syang alam abt dun pero bulls eye nakuha nya tapos ngayon lang AS IN NGAYON LANG eh ano di planadong kemerlung card reading. katuwaan lang and yep shookt na naman ako nasagot nya questions ko. Sigh.

anonymous asked:

Dapat ba akong magselos sa lalaking umaaligid at nagtatangkang manligaw sa girlfriend ko? Kawork niya iyon. Lagi niya kasama. Halos everyday. Monday to friday. Tsaka sa mga gala kasama niya. Pero sabi sakin ng gf ko, binasted na daw niya. Dapat pa ba ako magselos? Lagi pa silang tinutukso na bagay at sana sila na lang dalawa.

Sa totoo lang, nakuha ko yung point of view mo pre na nagseselos ka sa kawork ng girlfriend mo. Ang question mo kase, “Dapat pa ba ako magselos?” ang sagot ko diyan, hindi na dapat kase binasted naman na siya ng girlfriend mo eh. Ibig sabihin, ikaw lang ang mahal niya. Hindi naman kita masisisi kung magselos ka kase, natatakot kang maagawa ng iba yung girlfriend mo eh. Plus, magkasama pa sila lagi kase nga magkawork sila. Alangan namang pag resignin mo girlfriend mo, syempre hindi dapat ganon.

Feeling ko nga din meron kang sentiments na, “Ano ba naman tong mga kawork ng gf ko. Hindi ba sila aware na ako ang boyfriend? Bakit may patukso tukso pa silang nalalaman.” Diba? Nakakainis yung mga ganun. Tsaka yung lalaking nanligaw sa girlfriend mo, wala ba yung utak? I mean, bago ba siya nagdecide na manligaw, nag background check ba muna siya kung may sabit yung girl or wala? Bobo naman.

Moving forward, wag ka na magselos kase ikaw ang mahal ng girlfriend mo. Oo may times na magseselos ka kase magkasama sila sa iisang kumpanya pero magtiwala ka sa girlfriend mo. Ikaw parin naman ang winner sa puso niya eh. :)

Minsan yung mga bagay na mabilis mo lang nakuha, yun din ang mabilis na mawawala. Parang pag-ibig na kapag mabilis kang nagkaroon mabilis rin mawawala. Minsan naman.. Parang pera, ang tagal tagal mong inipon isang iglap mo lang magagastos. Sa pag ibig, ang tagal tagal mong minahal pero isang araw ka lang gagaguhin.