nakitext

FALSE ALARM

So yun nga. Nagselos ako kagabi. as in selos na selos eh kasi naman diba ang pagkakarinig ko “Nagtext sakin si Joe, tapos nakitext ako. Nagyayaya sya sa Amper” blabla basta something like that. Eh yung si Joe, ex nya yun. Tas kingina hindi na ako tumawag nun, wala na. As in badtrip na ako. Di na ako kalmado ganun. Medj nakapag mura pa ako. Sinabihan ko pa sya ng sinungaling kasi sabi nya ung kapitbahay nila ung nagyayaya mag Amper. Hanggang sa yun nga, sabi nya tawag na ako, pag usapan namin ng maayos. Eh di tumawag ako kahit di ako kalmado. Buti nalang , sinasabi nya saakin na “Babe kalma ka muna. Di tayo makakapagusap ng maayos kung ganyan. Babe kalma na muna” hanggang sa naisip ko na ipaulit yung kwento sakanya kasi di daw talaga nya alam kung san banda sya nagsinungaling.

ETO ANG EPIC…


JOVI PALA YUNG SINABI NYA NA PANGALAN AT HINDI JOE!! KINGINAAAA PAHIYA AKO DUN AS IN!!! JOVI PALA PANGALAN NG KAPITBAHAY NILA!!! SHET AS IN BIGLA AKONG NAGING ANGHEL SAKANYA! NAKIKIPAG AWAY AKO NG WALA PALANG RASON!!! TAS SYA BIGLA NALANG NATAWA. KU G IBA SIGURO TO, BAKA MAGALIT SILA TAS SYA WALA, NATAWA LANG GANUN. THANK GOD SI SID TO. TAS YUN, FALSE ALARM LANG DW YUNG GALIT KO, PRSKTIS PRAKTIS LOL. sorry babe hahahahah

Di ko keribels. Nagpaload na talaga ako kasi baka ano pang mangyari. Kaya nga ko may load araw araw eh kasi baka may emergency and shit ganern. Kagabi iniwan na rin ako ng load ko, lahat naman eh sus. Pero wala lang sakin kasi mukhang la naman masyadong ganap. Then requirements sa SAO happens hayup. Wala nakong load. Nakitext nalang ako kay madir. Eh di nagreply ang hayup kaya chinat ko nalang. So ayun settled na. Saturday it is. Putangina nagising nalang ako puro tawag ang gago. Yung text ko kagabi late na nya natanggap ampota. Ayun medyo naloka ako slight. Sorry talaga bes. Ano baaaa usapan natin Saturday nalang dibadibs, Basta naloka ako kanina nagdadalawang isip tuloy ako kung gigising ba ko o hindi. Waht.

good wednesday afternoon! hehez. wednesday ngayon, dapat magkikita kami eh. wala namang text nya :/ unlike last week, 11am palang nakitext na sya kay ate bang na nandon sya sa bahay. maybe bukas? monthsary namin bukas tapos birthday naman ng mama ko. di naman ako mageexpect bukas kung may surprise sya saken bukas, tuwing anniv lang naman may ganap. pano ba hindi ka mamiss? :c

tangina mo, @/self

Mayo 24, 2016

Bumuhos ang malakas na ulan kagabi, pero parang impiyerno na naman ang temperatura. Pinagpawisan ako nang husto, maaga pa lamang. Kaya, nagdesisyon na akong pumunta sa Antipolo.


Tinext ko si Jeff para ibigay ko ang down payment ng publishing fee ng librong ‘Trip to Mars’. Na-disappoint lang ako kasi hindi man lang siya nag-reply.


Isa ring disappointment ang nangyari nang i-send sa akin ni Flor ang text (daw) ni Hanna sa kanya. Pero ang duda ko, si Mj ang may sabi nun. Aniya, “Tita hanna to bibigyan po ba kami ni papa pera pambili ng gamit sa school at saka hihingin ko napo yung tablet kasi po marami na po kaming ereresearch sa grade 6 at simpre hindi ka makakapagresearch kapag walang wifi salamat po.”


Nagtext na siya sa akin, bago yun. Sabi niya, “Pa hanna to nakitext lang ho ako kay mama kasi sira na ho cp ko pa bibigyan niyo ho ba ako ng pera pambili ng gamit.” Sabi ko nga, papunta na ako sa Antipolo kaya magkita kami doon. Desidido na rin akong ibigay ang tablet. Kaya lang, sa nabasa ko, nagbago ang isip ko. Isang kapritso lang ang kagustuhan ni Hanna, kung siya man talaga ang may sabi nun. Hindi niya kailangan ngntablet sa pag-aaral. Hindi niya kailangang mag-research nang mag-research. Lalong, hindi niya kailangan ng wifi. Noon, wala namang wifi, tablet o internet. Libro lang ay sapat na. Bakit naman nagkaka-honor pa ako taon-taon noong elementary ako?


Nakakalungkot. Ambisyosa ang nanay ni Hanna. Dinadamay pa ang bata. Dapat tinuturuan niyang maging masikap, gaya nang ginawa ko upang marating ko ang kung nasaan man ako ngayon. Kung nagkakapritso man ako ngayon, kunsewlo ko lamang ito sa sarili ko. Ngayon lamang ako nakaranas nito. At, may trabaho naman ako upang ipanggastos sa mga naisin ko.


Sinabi ko na lang na sumabog na ang tablet. Tanging perang pambili ng gamit sa pag-aaral lamang ang matatanggap nilang magkapatid sa akin.


Isa pang dahilan kaya pumunta ako agad sa Antipolo kahit dapat at magsisimba muna ako sa Eme ay dahil nais kong dalawin si Tito Ben. Nagawa ko naman. Pagdating na pagdating ko, pumunta na ako doon, bitbit ang konting pasalubong.


Naawa ako sa kalagayan niya. Sobrang nahulog ang katawan niya. Nahihiya nga siyang makiharap at tumingin sa akin. Ni ayaw niyang samahan ko siyang magpacheck-up. Totoo nga ang sabi ni Aileen. Mabuti na lang, sinabi niyang magpapasama na siya kay Auntie Helen. Sabi ko naman ay babalik ako para alamin kung nagpakonsulta siya.


Ramdam ko ang paghihirap niya. Alam kong may tama ang kanyang baga. Naranasan ko iyon. Kaya nga ikinuwento ko sa kanya ang pinagdaanan ko. I made sure na hindi niya katatakutan ang medication.


Alam kong nagsisisi na siya sa pang-aabuso niya sa kanyang sarili. Hindi pa huli ang lahat. Ipinadama ko sa kanya na gagaling siya at handa akong magbigay ng aking makakaya. Inabutan ko nga siya ng munting halaga upang mas lalong tumibay ang loob niyang kumapit.


Nais ko sanang ipasok ang kabutihan at pangako ng Panginoon sa bawat tao at nais ko rin siyang ipanalangin, kaya lang inabot ako ng kamangmangan. Kung sumama sana si Mama sa akin, nagawa ko sana. Nauna na siyang dumalaw kaninang umaga. Nahirapan siya, kaya ayaw na niya akong samahan. Gayunpaman, may next time pa naman. Babalik ako.


Pag-uwi ko'y sinamahan ako ni Ate Diyang. Nagkuwentuhan. Namiss ko ang mga araw na maayos pa ang pag-iisip niya. Namiss ko ang positibo at masiyahing siya. Aminin man niya o hindi, nakikita kong may kakaiba sa kanyang sikolohikal na aspeto. Iba na ang kanyang paniniwala. Madalas niyang sabihing may bumubulong sa kanya. Mas naniniwala rin siya sa manggagamot kaysa sa kapangyarihan ng Diyos. Naisingit ko naman ang Panginoon. Sabi ko'y papasukin niya sa puso niya ang Diyos at huwag siyang maniniwala sa sabi-sabi ng manggagamot.


Nakakatakot ang kanyang mga pananalita, ngunit pagkaawa na lamang ang nanaig sa puso ko. Masarap at malaman pa rin siya kung mangusap. Halatang may talino. Subalit, paano nga ba manunumbalik ang kanyang katinuan?


Pinayuhan ko siyang mahalin na lamang niya ang sarili niya. Tama na ang paghahangad ng lalaking magmamahal sa kanyang ng isandaang porsiyento. Walang ganun! Mahalin niya na lamang ang kanyang mga anak. At, tama na rin ang kanyang panganganak. Nangako naman siya.


Bago kami tuluyang naghiwalay, sabi niya nais niyang manirahan kami sa isang compound, kung saan kaming magkakamag-anak ay magiging masaya. Kay sarap pakinggan. Sana nga.