nakikiuso

bakit naman ganon? selfie lang naman yang pinost mo pero may hashtags na, #asian, #boy or #girl at ang malala pa kahit nakangiti ka lang may #tth pa pota lakas talaga. ano ba kala mo nasa porn site ka??? or hindi ka lang talaga aware sa term na “tth” kaya nakikiuso ka? oy malayo ang utong, pekpek at titi sa mukha o itsura mo. sa pwet siguro hindi magkakalayo pero the fuck???

#SiMiriamAngSagot

Binoboto nyo si madam Miriam bilang senador. Pero hindi nyo sya magawang iboto bilang presidente. Nandyan kayo kapag sinasabon nya ang mga tiwali. Tuwang tuwa pa kayo at nagpapasalamat dahil wala syang takot harapin ang mga corrupt. Pero ayaw nyo syang gawing presidente. Bakit nga ba? Bakit ayaw nyo syang iboto? Kasi hindi nag-trending yung pagkamatay ng mga magulang nya? Kasi hindi sya sikat na action star? O baka naman kasi mamamatay na sya? Lahat tayo ay mamamatay. Una-unahan lang yan. Yung paborito nyo ngang action star, namatay habang nangangandidato sa pagkapangulo. Sinisisi pa nga ng iba si Arroyo nun, diba? Walang senyales na mamamatay sya. Pero paano kung hindi sya “dinaya” at naging presidente sya, tapos bigla syang namatay? Hindi ba’t pagsisisihan nyo din yung boto nyo? Oo, magsisisi kayo. Kasi una, bakit nyo ibinoto yung isang action star? Anong alam nya sa pulitika? At bakit nyo nga pala binoto yung namatayan ng magulang? Yung linya nyo noon na “sawang sawa na kami sa kahirapan” ay linya nyo pa din hanggang ngayon. Nadagdagan pa nga eh: “para mawala na ang masasamang mga tao”. Sa madaling salita, mahilig kayo sa TRENDING. Kung saan ang trending, nandun ang karamihan sa mga Pilipino. Wala kayong sariling pag-iisip. Basta sinabi ng kaibigan mo o ng kakilala mo, doon ka din. Kasi nga, trending. Gaano nga ba kalala ang karamihan sa mga Pinoy? Naaprubahan ang same sex marriage sa America, halos lahat nagpalit ng rainbow profile picture. Binomba ang Paris, halos lahat nagpalit din ng profile picture na may watawat ng France. Dumating ang AlDub, halos lahat kinilig. Nag-joke si Vice Ganda tungkol sa rape, halos lahat nagalit sa kanya. Bumaba ang ratings ng Showtime, halos lahat e nakilait sa programa. Dumating ang Prime Minister ng Canada sa Pinas, halos lahat kinilig sa kanya. Nag-comment si Manny regarding LGBT, halos lahat nagalit sa kanya. At noong nag-sorry na si Manny, halos lahat din e natutong mangaral ng mga bible verses. At noong nag-sorry si Manny, halos lahat e nagalit na naman kay Vice Ganda at Boy Abunda. Sumikat ang Top 20 Names, halos lahat e nakisawsaw. Sinabi lang na “type Amen”, halos lahat e nag-type nga ng “Amen”. Nag-trending si Duterte, halos lahat e gusto syang iboto. At madami pang iba. Madaming madami pa. Ganyan kabulag ang karamihan sa mga Pilipino. May mag-trending lang, magsisigaya na ang halos lahat. Parang mga robot na walang sariling utak. Tapos ngayon, sinisisi nyo ang gobyerno kung bakit ganito pa din ang Pinas? E sino ba kasi ang bumoto sa presidente natin na namatayan lang ng magulang at nag-trending lang ng ilang araw? Hindi ba’t kayo din naman? Pagbabago. Isinigaw nyo na yan noon. Isisigaw nyo pa din ba hanggang ngayon? Oo, may trending na namang kandidato ngayon. Gustong gusto nyo sya. Bakit? Kasi para mawala na yung mga masasamang tao? 3 to 6 months, yan ang pangako nya, diba? Pero isipin nyo to… Pagkatapos nyang mapatay lahat ng masasamang tao, pagkatapos nyang ubusin lahat ng pagala-galang aso, anong kasunod nun? Anong mangyayari sa Pinas kapag patay na lahat ng mga “masasamang tao” (na pwede sanang magbago)? Sya nga ba talaga ang sagot para maging disiplinado ang isang tao? O baka naman kasi kaya talaga nating magbago pero dahil may bagong trending na nangangandidato, sa kanya agad ang inyong boto? Madaming nagsasabi na wala daw mangyayari kung si Miriam ang iboboto. Mababa daw kasi sa survey. E ano naman ngayon? At least, alam ko na kung si MDS ang iboboto ko, hindi ako magsisisi, manalo man o matalo. Dahil alam ko na yung taong binoto ko ay malinis, magaling, at makatao. Alam ko na kahit may sakit na sya, kapakanan pa din ng mga Pilipinong walang may pake sa kanya ang iniisip nya. At kahit saan ako pumunta, maipagmamalaki ko sya. Dahil hindi lang milyon-milyong mga Pilipino ang natulungan nyo, kundi pati na rin ang mga banyaga. Proud ako na isa ako sa 3% na sumusuporta sa kanya. Proud ako dahil hindi nakikiuso ang 3% na yun. Proud ako dahil hindi sunud-sunuran kaming nasa 3%. Proud ako dahil alam kong hindi lang utak ang ginagamit ng sinusuportahan ko, gumagamit din sya ng puso. Maliit lang ang 3%. Pero aanhin mo ang boto ng napakaraming mga Pilipino kung hindi naman nila alam ang goal mo bilang isang Pangulo? Aanhin mo ang boto ng napakaraming mga Pilipino kung sumunod lang naman sila uso? Aanhin mo ang boto ng napakaraming Pilipino kung inutusan lang naman sila ng leader ng relihiyon nila para ikaw ay iboto? Para sa akin, mas mahalaga pa din yung ibinoto ka ng mga tao dahil naniniwala sila sayo. 6 years from now, kung hindi nanalo si MDS, asensado na kaya ang Pinas? O baka lugmok pa din tayo? Sana lang, after 6 years, kung malakas pa siya, sana hindi nya pa tayo kinalimutan. Sana hindi nya pa tayo pinagsawaan. Sana hindi nya pa tayo tinalikuran. Dahil aminin nyo man o hindi, sya pa din naman ang hinahanap at hahanapin nyo para maging maayos ang bansang ito. Sadyang ayaw nyo lang syang iboto dahil sunod kayo sa uso.

© Kenneth Aquino