nakarma

I will always be this guy na maghihintay sa tamang panahon kasi yung taong gusto ko, wala dito sa panahon natin; Nasa tamang panahon sya.

Lahat ng bagay na natutunan ko from the past, Ibubuhos at gagawin ko sa’yo pero yung mga bagay na nagawa ko sa nakaraan, hinding hindi ko na uulitin pa at mas lalo namang hindi ko gagawin sa’yo. Ayoko na magkamali. Takot na ako, natrauma na kasi ako, natuto na rin. Hindi pa kita kilala pero takot na agad akong mawala ka. Hindi ako obsessed, nagpapakatotoo lang ako. Marami narin akong nagawa para lang sa mga maling tao, marami akong naibuhos para lang sakanila, sa’yo pa kaya? Marami na kong napagdaanang mga bagay na talaga namang nagturo sakin ng napakaraming bagay pero iisa lang yun masasabi ko, Walang mali sa kanila o dun sa mga tao na ngayon eh parte nalang ng nakaraan ko, nasa akin yung mali. Kahit sila pa yung tanungin mo, ayan at ayan rin yung sasabihin nila sa’yo. Nakarma na ako, ayoko na makarma ulit. At sana pag nakilala kita, sapat na yung karmang natanggap ko, ayokong pati ikaw mismo, maging karma sa akin. Aalagaan naman kita; seseryosohin. Hindi na kita sasaktan. Ayoko na manakit. Akala ko cool eh, Hindi pala. Akala ko mas okay yung ako yung mananakit kaysa masaktan, hindi pala, pagtagal ng panahon, dun sa mga pananakit kong yun, ako at ako lang rin yung nasasaktan. Muli, Natuto na ako. At gagawin ko ang lahat mapatunayan ko lang yun sa’yo. See you soon, future girl! x -supermakhtan.