nakanganga

Simula 2nd year highschool hanggang 2nd year college, lagi akong may extra panyo sa bulsa ko. Sa pagpasok man sa school, pagpunta sa mall, at iba pang mga lakad. For a long time, I made myself believe na “romantic movie” scenes do exist. Na may isang babae akong makikita. Umiiyak dahil sa kung anumang reason. Ibibigay ko sa kanya yung panyo. Magiging magkaibigan kami. Magkakaroon ng spark, and boom! Magkakaroon ng forever.

Hahaha, yeah. Sobrang corny at nakakatawa. I was a believer of destiny. Pero nagising naman ako sa reyalidad na walang mangyayari kung nakanganga ka lang sa isantabi at maghihintay. “Forever” doesn’t even exist. Pero pwede kang makatagpo ng “Lifetime”.

A lifetime partner, lifetime buddy, lifetime bestfriend, lifetime everything kung sisimulan mong lumabas sa lungga mo. 

Kung sisimulan mong makipagkaibigan sa mundo, at isulat ang sariling lovestory mo.

Bakit nga ba? Minsan, tinatanong ko ang sarili ko, “Bakit nga ba?” Bakit nga ba hanggang ngayon, ‘eto pa rin ako. Ganito pa rin ako. Nakikita ko pa rin ang sarili ko na mag-isa, sa gitna ng pagkarami-raming taong nakakasalamuha at nakapaligid sa'kin sa araw-araw. Ano nga bang kulang? Saan nga ba ako nagkulang? Ano nga ba'ng mga hindi ko nagawa? Ano nga bang dapat kong ginawa? Hindi ko na alam. Hindi ko na talaga alam. Hanggang kailan kaya ako magiging ganito? Kailan kaya matatapos 'to? Let’s just say, I’m living in a couples world. Malas ko naman, maling universe ata ang napuntahan ko. Pero bakit ganun 'no? May mga tao talagang swerte, meron din naman hindi masyadong swerte, at isa na nga ata ako sa mga 'yon. I’ve told my friend once, na at this moment of my life, hindi ko na alam kung what it feels to love and to be loved back. Paano na nga ba ulit 'yon? Ayokong itanong sa ibang tao o kahit man lang sa sarili ko kung ano nga bang mali sa'kin. Kung ano nga bang wala ako na meron sa ibang tao, masasaktan lang ako sa totoo lang. Well, truth hurts, 'ika nga. Pero 'di bale, hindi naman pagiging insecure kung ikukumpara ko ang sarili ko sa isang tao. Gusto ko lang malaman kung ano nga bang dahilan kung bakit siya ang nagustuhan at hindi ako. Pero, bakit nga ba? Hanggang 'yang simpleng tanong na 'yan, hindi ko pa rin masagot. Hindi ko pa rin mahanapan ng sagot. Minsan talaga, ang hirap ma-in love. Ang gulo ma-in love. Kaya minsan, naiisip ko rin na okay na rin 'yong ganito. But, it would be nice to matter to someone again. It would be nice to love and to be loved back again. Ayoko namang hanggang wish na lang ako palagi. Sana naman kahit minsan, maging fair ang love sa'kin. Hindi naman ako masamang tao. Nagmamahal lang naman ako. Minsan natatawa na lang ako. Nasanay na ako. Nasanay na ako sa palaging ganito. Nasanay na ako na palaging talo. Hay, ewan ko nga ba. Ewan ko.

Ewan ko nga ba. 'Yan na lang din minsan ang palaging nasasabi ko. Ewan. Ewan ko. Kung kailan, kung saan, kung paano, kung sino. Hindi ko naman kasi talaga alam. Wala naman talaga akong alam. Ayoko nang pumili. Ayoko nang maghintay. Ayoko nang maghanap. Nakakapagod na 'yong paulit-ulit na mali. Paulit-ulit na, hay. Andyan 'yong makakakilala ka ng someone, mafo-fall ka, mai-in love ka, pero sa bandang huli, sasabihin mo lang sa sarili mo na, no. Hindi naman sa pagiging duwag at sa hindi pagte-take ng risks, pero why bother to do it kung alam mo naman na ang magiging outcome, 'di ba? Sayang lang 'yong effort. Sayang lang 'yong pagod. Manhid naman siya. Hindi naman ikaw 'yong gusto niya. At ang malala pa dyan, wala ka lang talaga sa kanya. It sucks to be in a circle or in a crowd na alam mong they’re happy 'cause they found their better halves or special someones. Habang ikaw, nagpapakahirap na maghanap. Na mahanap. Pero minsan, okay rin naman 'yon. Kasi I look to it as an inspiration. Na parang gusto kong sabihin sa kanila, “Wait lang kayo. In time, ako rin. Makakahap din ako. Mahahanap niya rin ako.” Pero at the back of my mind, andun pa rin 'yong apat na tanong, “Kailan? Saan? Paano? Sino?” Ang hirap talaga. Kung alam ko lang na ganito pala kahirap ma-in love sa isang tao, naging robot na lang sana ako. Walang pakiramdam. Walang puso. Pero hindi nga ako naging ganun. So that means, kailangan ko talagang maramdaman 'yon. Kailangan kong maranasan 'yon. Kailangan kong ma-in love, masaktan, ma-in love ulit, masaktan ulit, and so on, and so forth. Kahit minsan sumusuko ka na. Kahit minsan, ayaw mo na. Parang dalawa lang naman ata ang status sa love, “Be happy or be miserable.” Syempre gusto ko rin namang maging masaya, 'no. Sino ba namang may ayaw? Pero gusto nga ba ng love na maging masaya ako? Ang sagot ko? Ayan na naman tayo sa, “Ewan ko.” Sana ganun lang talaga kadali ang magkagusto sa isang tao, 'no? 'Di wala nang problema. Wala nang mag-iisa or makakaramdam na mag-isa siya. Ang daya. Ang unfair. Buti pa 'yong ibang tao, nanloko na’t lahat, sila pa 'tong swerte pagdating dito. Pero 'yong mga nagmamahal ng totoo, 'eto nakanganga, katulad ko. Hay, bahala na nga. Ganun talaga, eh.

Bahala na nga. Minsan, ipinapasa-Diyos ko na lang. Idinadasal ko sa kanya na sana dumating na siya. Na sana, ipagkaloob na sa'kin siya. Pero sabi nga nila, “Hindi ibibigay sa'yo ng Diyos ang isang bagay kung alam niyang hindi pa 'yon ang oras para mapasa'iyo 'yon.” Siguro nga tama ang Diyos. Madalas, nagkakagusto ako sa mga hindi ko naman talaga dapat magustuhan. Kung hindi taken, hindi siya pwede, o simpleng hindi lang talaga ako ang gusto. Pero kailan nga ba talaga 'yong sinasabing, “In God’s time.”? Ang tagal naman 'nun. Sana the next time na I will fall in love again, 'yong tama na. 'Yon na. Ayoko nang magkamali sa susunod. Gusto ko, tuloy-tuloy na. Gusto ko, totoo na. Nahuhuli na ako. Baka kapag tumagal-tagal pa, hindi na ako makahabol. Hindi na ako makasunod. Ayoko namang dumating 'yong panahon na kapag titingnan ko ang mga tao sa paligid ko, ay makikita kong may kasama sila, samantalang ako, nag-iisa. Palagi kong hinihiling na sana this time, maging fair naman ang love sa'kin. Na mahanap ko na siya, at mahanap na rin niya ako. I know, somewhere out there, may isang tao rin na katulad ko. Na nararamdaman din kung ano'ng nararamdaman ko. Na nararanasan din kung ano'ng nararanasan ko. Na gusto lang magmahal at mahalin din pabalik. Gusto ko lang naman maging masaya. Mahirap ba 'yon? Gusto ko lang naman maramdamang mahalaga ako. Mahirap ba 'yon? Pero siguro sa ngayon, ganito na muna. Maghihintay at maghahanap, hanggang sa oras na dumating siya. 'Yong oras na pareho na naming hinintay hanggang sa mahanap na namin ang isa’t isa. Pero sana, 'wag nang patagalin pa. Pwede bang bukas na? o kahit mamaya na? Nakakainis talaga minsan ang love. Ang daya. Magmamahal ka, dun pa sa akala mong siya na. Kaya tuloy sa bandang huli, masasaktan ka. Pero sabi nga nila, everything happens for a reason. Hay, pero bakit nga ba?

Ang hirap namang ma-in love sa'yo. Bakit nga ba? Ewan ko ba. Bahala na nga.