nakakakilig!!

5

Sobrang kinikilig ako sa love story nilang dalawa ahhhh 😍 eh kasi naman, 9 years sila tas ngayon kasal na sila. Grabe sobrang perfect couples na sila. Ang sweet ni Drew sobra grabeee. ☺️ Nakakainggit. Yung ang sweet nung mga pinag gagagagawa nila miski yung mga post ni Drew sobrang nakakakilig e!!!! Azaaar gusto ko rin ng gantong relationship in my own version… Hihi asa pa kong magkaron. Sana… 🙈

  • Siguro yung iba, hindi naabutan yung famous couples sa Tumblr na kapag nakikita mong nagpo-post sila, nakakakilig na.
  • Siguro yung iba, hindi naabutan yung KADA era na halos lahat ng bloggers, may KADA na sinasalihan. May initiation rites pa.
  • Siguro yung iba, hindi naabutan yung mga “artistang” bloggers. Mala-Gyno, Byen, Ysh, Kirby, Rhadson, atbp. Yung laging present sa meet-up tapos iba yung feeling kapag nakikita mo hindi lang sa dash, kundi pati sa personal.
  • Siguro yung iba, hindi naabutan yung mga issue sa dash. Mga parinigan ng mga sikat. Parinigan ng mga simple. Parinigan ng barkadahan. And people would just be like: *penge popcorn
  • Siguro yung iba, hindi naabutan yung parang magkakakilala lahat ng bloggers. Yung tipong pagka-log in mo, mapa-famous o normal bloggers, may interactions. Tapos flood yung dashboard ng mga TA na nakakatawa, mga tipong hindi pa-famous lang.

Asan sila ngayon, yung mga nakaabot niyan?

Nasa Twitter. Nag-iingay. Sabay sabay nawala sa Tumblr pero sama-sama parin. May sari-sarili nang meet-up, yung tipong hindi na dapat i-announce para sa mga sasama. Gala lang.

Iba kasi ang buhay Tumblr, yung Tumblr noon. Na-build na yung strong foundation na hanggang ngayon, kahit parents, kilala yung co-bloggers ng anak nila. Sleepover, inuman, gala, bar, love life. Lahat anchored sa Tumblr.

Pero ngayon, nakakalungkot na pagka-open ko, di ko na kilala ang mga nasa dashboard ko. May mga magkakabarkadahan na. Yung tipong sila na yung “bagong famous”.

Well, parang sa tunay na buhay yan, mawawala at mawawala ang dati, at papalitan ng bago.

At yung ibang dating famous, alamat nalang. At masaya akong nabuhay ako sa panahong nabuhay ang mga alamat na ito.

You deserve a good and better guy.

Girls, wag kayong mag-settlled sa lalaking hindi naman kayo pinapahalagahan. Please. Wag na kayong ma-in-love sa lalaking alam nyo na walang balak na saluhin kayo. Mas gusto mo ba na ikaw yung gumagawa ng paraan para malaman nyang gusto mo sya? Di ba mas masarap na yung lalaki yung nag-eeffort para patunayan na mahal ka nya? Mas gusto mo ba na ikaw yung panay text sa kanya tapos sya kahit kailan hindi ka nya tinext at kung minsan pa sinasadya nyang tagalan yung pagreply sayo? Di bas mas masaya kapag yung lalaki yung panay text sayo kahit na minsan ikaw yung hindi nakakapagreply agad sa kanya? Mas gusto mo ba na ikaw pa yung lumalapit sa kanya para lang mapansin ka nya? Di ba mas masarap sa pakiramdam kapag yung lalaki yung lalapit sayo para mapansin mo sya? Mas gusto mo ba yung lalaki na ipinapakita sayo na maraming nagkakagusto sa kanya na magiging dahilan para masaktan ka at matakot na mawala sya? Di ba mas nakakakilig kapag ipinapakita sayo ng lalaki na wala ng ibang babae sa buhay nya kasi ikaw lang yung gusto nya at natatakot sya na mawala ka? Mas gusto mo ba yung lalaking sweet ngayon tapos bukas hindi na? Pina-paconfused ka lang nya para hindi mo talaga maiisip kung ano ka sa kanya. Di ba mas okay yung lalaking ipapaalam sayo kung ano ka sa buhay nya at magiging consisted sa pagtrato nya sayo para hindi ka mag-alinlangan na isipin kung ano ka ba sa buhay nya? Mas gusto mo ba yung lalaki na gagawin ang lahat para ma-inlove ka lalo sa kanya at kapag na-inlove ka na wala na syang pakialam na magiging dahilan para hanap-hanapin mo sya? Di ba mas nakakatouch kapag yung lalaki yung lalaking sincere na mapa-inlove ka at once na nahulog ka na, sasaluhin ka nya at hinding hindi bibitawan?

Tandaan mo na mas deserve mo yung lalaking magmamahal sayo ng sobra. Kaya wag kang makuntento sa lalaking sinasaktan ka lang. Marami pang iba dyan. Wag kang matakot na talikuran yung lalaking hindi ka naman pinapahagalahan. Wala pa bang nagsasabi sayo na deserve mong mahalin ng sobra? Kaya kung nasasaktan ka lang sa lalaking mahal mo ngayon, bitawan mo na. Kasi for sure, may darating na mas better kaysa sa kanya. Always remember you deserve more than that.


Don’t delete this: Please read my wattpad story: Our Unexpected Happy Ending

#HoldOnAndStayPositive

Tweets: 108.8K Following: 75 Followers: 3.107

Wow. Famous.

Yan yung unang iisipin ng kahit na sinong tao kapag napadpad sa twitter account ko.

“View more photos.”

Pictures after pictures. Ayy. Fangirl.

That would be the conclusion when people try to check a little bit of my timeline.

“View more Tweets.”

In a mili-second may bagong tweet. Julie-Elmo-ish tweets. JuliElmo Faney.

Kilala na ako bigla ng tao. That is as far as they could get. By simple reading tweets.

Reading is a food for soul. Kaya nga nauso din yung think before you click. Reputation mo yung nakataya.

Being a JuliElmo faney.

Matindi pa sa roller-coaster ride. Unang-una, nakaka-proud. Ikaw ba naman laging nasa-twitter trending list eh. Pangalawa, nakakakilig. Yung mga magdikit lang yung siko nila, iba na yung epekto sayo eh. Third, nakaka-inis. Hindi naman bago sa inyo na lagi na lang, lagi na lang tayo ang masama. Bakit nga ba?

Teka, sasagutin ko yan dito.

Una kong naiisip, kase madami tayo. Yung ang dami natin na sumasalungat sakanila. Pero, ano ba namang magagawa ng quantity if they’ve got the power? Wala di ba? Nganga na lang forever. On the second thought, masyado kasi tayong mareklamo. Konting-kibot, himagsikan. Jeskelerd. Nakakasawa. Bakit hindi pa tayo masanay? Gusto ko lang malaman ng lahat na hindi mali ang magreklamo, pero sana alam natin yung salitang preno. Masakit din sa mata na mabasa na lagi na lang nega yung dating ng lahat ng bagay sa inyo. Yung tipong mali na lang lagi ang nakikita niyo. Kelan ba yung araw na wala yung bitterness sa katawan niyo?

Naiinis ako. Oo. Hindi ko nilalahat, pero, sa karamihan. Tama na yung pagiging bashers, you can do better than that. Tama na yung panglalait, it will do you no good. Tama na sa paninita ng mali ng tao, it may backfire on you. Tama na yung pagiging selosang faney na konting ma-partner lang kay ganito, issue na agad. Tama na. Please lang.

Pros and cons.

With those things being raised, wala akong makitang pros. Puro pangit lang din ang napapansin ko. Sinong nagmumukhang masama? JuliElmo fans. Sinong kinaiinisan ng marami? JuliElmo fans. Sinong laging laman ng pangit na balita? Ito yung masakit eh. Si Julie. Sino yung kawawa? Si Julie.

Elmo Magalona – related issues.

Never akong nagalit sakanya. Never akong nainis. As in never. Sabihan niyo na akong ipokrita or what. Pero, never talaga. By simply looking at his pretty face, kinikilig na ulit ako. By hearing his voice with his conyo acts, minamahal ko na ulit siya. By seeing him and Julie together, feeling ko in love na naman ako. Medyo sanay na ako kay Elmo. Ganito na rin naman siya dati. Nasasaktan lang ako na mismong fans niya, sinasabihan siya ng hindi magaganda. Well, I can’t blame you guys. Pero, sabi ko nga, konting preno. If you don’t support him on this, be it. Hayaan niyo na lang. Wag na lang pag-usapan. Maging sensitive naman tayo para sakanya. Elmo yan eh, mahal mo yan.

Julie Anne “More Matured” San Jose.

I’m proud of this girl. Kahit parang sobra na, sobrang tough pa rin niya to face all those, kahit na lagi na lang siyang dinadamay sa mga intrigang labas na dapat siya. Kaso lang, may mali pa rin tayo. Hindi kase tayo marunong mag-ingat. Wag na rin maging over-protective faney. Not all the time, kinakawawa si Julie, not all the time. In today’s industry, hindi lang si Julie yung sinusuri, pati na rin yung fans niya. Idol mo siya di ba? Why not be like her? Yung mas matured. Yung mas matured para maintindihan ang tama sa mali. Yung mas matured na hindi tatapatan ng mali ang isa pang mali. Be matured and wise enough not just for Julie but most importantly is for yourself. With Julie, lagi naman tayong nagiging proud eh, make Julie proud too. All the love and respect, Julie.

Okay. Tama na rin ako sa puro reklamo ko sa inyo. Kasi, una sa lahat, proud ako sa lahat sa inyo. For staying. For choosing to stay even if it hurts.

The Fangirling Journey.

This is not new to me. Meeting new faces and having them as friends is not new to me. I was a fangirl all my life. But, being a JuliElmo fangirl means a lot to me.

You go places. Ang saya pala fumaney ng malayo. Yung may overnight pa. Sobrang kakaiba yung feeling. Yung wala ka sa lugar na kinasanayan pero dahil sakanila, dadayo ka pa. You owe this to Julie and Elmo, nonetheless.

Being friends with friends. Yung kabit-kabit na pagkakaibigan. Sobrang cute. It’s like you’re part of this team and you became one of this team, pero with that, in the end of the day, isa lang kayong lahat. Team JuliElmo.

Having multiple emotion at once. Yung alam mong inis ka pero bigla mag-iiba kase kikiligin ka na lang bigla tapos matatawa ka and babalikan mo the other day, parang naiiyak ka na. Yung ganon, yung pati ikaw confuse na sa sarili mo. You only feel that with JuliElmo.

You gotta experience being a fan of a fan. Yung sa loob ng fandom may sarili kang idol. Most of them are the fanfiction writers. Sobrang gagaling nila na tipong ang tataba ng utak. Yung kaya nilang paglaruan yung emosyon mo tapos sa end ng isang chapter maiinis ka kasi bitin. Wow. Just wow. There were bloggers too. They let you fall in love with their words and see what is within. Yung ipapakita nila sayo yung hindi nakikita ng mga mata mo. Maraming ganyan sa atin. Some can sing, and others can dance. Just like Julie and Elmo, JuliElmoes are talented kids too.

You’ll surprise yourself that you are good at it. Yung bigla ka na lang nagiging instant writer. Yung dahil sa JuliElmo magugulat ka na magaling ka pala sa bagay na ganito. Yung tipong magugulat ka na lang na kaya mo na palang gawin ‘to. Dahil yan sa JuliElmo.

Instant collector. Yung tipong magugulat ka, pwede ka na palang magtayo ng magazine stand sa dami ng nabili mong magazine na feature silang dalawa, hiwalay man o magkasama. Pwede ka na ring manalo sa Guinness sa pinakamaraming nabiling self-titled album ni Julie. Meron pa nga diyan na araw-araw naka-FMCC. Yung dati mong favorite color di mo na napapansin, kase blue at orange na lang ang mahalaga sayo. Yung gusto mo nung gamit na meron sila. Yung kakain ka ng Oishi product, gagamit ka ng Black Beauty at Rexona, at bibili ka ng Smart sim kahit na Globe ka naman talaga. Iba. Iba pagna-adik ka na sakanila. Kay Julie at Elmo.

Gaining true-classy-amazing-wonderful friends is the best thing on earth. Not in my imagination, but being a JuliElmo fangirl, I’ll meet them.

May nakilala akong faney sa Party Pilipinas studio. Nakita niya yung camera na gamit ko, tinanong niya kung may picture ako nina Julie at Elmo. Nahihiya pa ako, pero, sabi ko, oo. Sabi niya, idol niya daw ako. Tinawag niya akong Madam and everything went fine. Hanggang sa nalaman kong hindi niya alam ang kaliwa’t kanan.

Nagkaroon ako ng travel-food-movie buddy. She could be too good to be true. Pero totoong mahinahon siya sa lahat ng pagkakataon. Pinagulong niya ako sa kama the first time I met her, sobra yung kilig ko non. Hanggang sa nalaman kong para siyang construction worker kung kumain.

Ilan lang naman sila sa sobrang pinagpapasalamat ko na isa akong JuliElmo faney.

Being the JuliElmo Perfect Faney.

Katuwaan lang ang lahat. Being the natural me, I self-proclaimed. But, I don’t have any intentions at all. Joke lang yon, biruan. But, yeah, madali lang maging perfect faney. Sumuporta ka, manatili kang positive at mag-stay ka. You’ll be consider as one. Pwede kang mang-asar, send them JuliElmo pictures na sweet na sweet but never use profane words, at gumamit ka ng sarili mong mukha as DP, wala ring name either ni Julie or Elmo sa username mo. Ako? Gusto ko, masaya lang. Pwede naman yon di ba. At alam ko sa sarili kong choice kong maging masaya. Kaya bakit ko sasayangin ang oras ko sa mga bagay na in the first place magbibigay ng wrinckles sa akin. I-enjoy natin ang mga bagay-bagay hangga’t nandiyan. Maliit man yan o malaki.

Di kagaya ni Mich, na may iniwang “This too shall pass.” wala akong akong ganon, may nabasa lang ako sa twitter na gusto niya daw marinig ang say ko dito, so ito na nga.

Hold On and Stay Positive.

I will. I promise. Its Julie saying, kapit lang, tiwala lang. Hangga’t JuliElmo ka, babalik at babalik sila. Hintayin mo lang. Wag kang magsawa. Para rin naman sayo 'to di ba? Sabi nga nila, go after your happiness. If Julie and Elmo being together will make you happy, then, stay.

I would be glad if I’ll you at the finish line. Hintayin natin yung sinasabi kong finals together ha?

Kase, alam kong …

..’, fAnZ nUä fAnX kHa d!Ñ n9 jUl!3LmÓ..’:)))

Warning: Mga Paalala Bago Manood ng Diary Ng Panget The Movie
  • Sa umaga ng pagnood ng DNP, wag kang magkape. Hindi sya nakakakalma.
  • Wag mag-order ng softdrinks. Baka maihi sa kilig.
  • Wag tumapat sa aircon. Baka maihi ka rin sa kilig.
  • Wag magdala ng popcorn, hindi mo rin makakain.
  • Maganda kung kaunti lang ang tao na makakasama mo sa buong sinehan habang nanonood ka ng DNP. Pero mas maganda kung marami kayo, tipong puno ang buong sinehan. Kasi laptrip na yung pelikula, laptrip pa yung audience.
  • Okay ang na maingay yung audience, kesa ikaw lang mag-isa ang magwala soon.
  • Kung matindi ang Eyoss feels mo, pakalmahin mo bago ka pumasok ng sinehan. Kundi, sasakit ang puso mo paglabas mo. Ang. Tindi.
  • Wag mo basahin ang libro bago ka pumasok.Mas maganda kung kunwari unpredictable ang storya.
  • Wag umasang ang kalahatan ng libro ay isasapelikula. May ilang parteng BINITIN NILA AKO AT NAKAKAIYAK YON.
  • Hindi sya corny. I  swear.
  • Mabilis ang mga pangyayari sa simula.
  • Nakakakilig ang Eyoss. Hindi nga lang sobra.
  • SI IAN SYA HINDI SI MEMO
  • ANG CUTE NI NADINE LUSTRE
  • Nakakakilig ang Eyoss.
  • ANG KULIT NI CANDY PANGILINAN
  • ANG CUTE NI ANDRE PARAS
  • ANG GALING NI YASSI PRESSMAN
  • NAKAKAKILIG ANG EYOSS!!! <3
  • Mabantot ang mixed name ni Chad at Lory. Yeah. LORHAD. Pero bagay sila. Ily.
  • Sa kalagitnaan ng pelikula, isigaw mong “PANGIT AKO!!!” Malay mo, nasa loob lang pala ng movie house ang Cross ng buhay mo.
  • Lumayo sa dingding. Baka maghead bang ka sa kilig.
  • Pigilan ang sariling tumili pag nakita ang katawan ni James Reid. Mga 10x syang nag-expose. Warning.
  • WAG UMASANG MAKAKABODY HEAT SI JAMES REID.
  • Slang ni Jeyms. Ang. Sexy. Whaaaaah.
  • Inhale, exhale, sit back and relax. Mahirap na, walang medics sa sinehan.
  • Wag nang umasang may totoong Cross.
  • PERO HINDI MASAMANG IPAGNOVENA YON
  • And finally, WORTH IT ANG BINAYAD MO!!! <3

Minsan kailangan mong gisingin yung sarili mo sa katotohanan. Tandaan mo na ang buhay pag-ibig ay hindi kagaya sa nababasang libro na may mga happy endings, hindi rin sa mga nakakakilig na lovestory sa wattpad at hindi rin sa mga romantic movies o koreanovela. Minsan kasi hindi mo dapat ibase yung sarili mong storya sa mga makamundong bagay, ikaw mismo, ikaw mismo yung gagawa at magsasabuhay ng sarili mong love story na inilaan sayo ni God. 

Minsan may mga bagay na biglang mawawala at magbabago.
Parang sa pag-ibig, darating ang araw na magbabago ang lahat.
Yung mga I love you niya na sobrang dami sa isang araw, ngayon isang beses na lang minsan wala pa.

Yung mahahaba niyang texts sa umaga ngayon hindi na umaabot ng 1 sentence.
Yung mga reply niya, ”Ah” “Sige” at “Okay” na lang ang matatanggap mo.
Yung palagi niyang pinapaalala na “Ingat ka pag-uwi ha, I love you”, minsan “Ge, ingat! Labyu” mali pa ang spelling.
Yung mga banat niya na nakakakilig, ngayon mga banat na lang na nakakasakit.
Yung mga araw na sobrang clingy niya sayo, hahanap-hanapin mo.

Minsan kasi matuto kang pahalagahan yung mga taong palaging nandiyan para sayo. Hindi naman palaging magiging sweet sila sa lahat ng pagkakataon. Napapagod at natatauhan din sila. Oo, masakit pero sana kung anong meron ka, i-appreciate mo yon, iparamdam mo habang nasayo pa dahil di mo alam kung hanggang kailan siya mananatili sayo. Sabi nga nila wag mong pakawalan yung mga tao na ayaw mong makitang pinapahalagahan at pinapasaya ng iba.

Kaninang uwian, nagyosi kami kina kuya arnold. At tangina. TANGINA. May pogi na nakatambay dun. Nagssmoke sya ng vape nya. Dun pa lang na-astigan na ko eh. Nagulat naman ako kasi sobrang bait nya! As in parang close kami! Ayun, konting kwentuhan kasi ang daldal nya. Pero nung pauwi na sya, di pa sya nakuntento… PINATRY NYA PA SAKIN YUNG VAPE NYA. Nung una pakeme pa ko eh. Kunwari nahihiya.. Pero. Sinubukan ko na rin. Di ko na ikukuwento yung mismong experience ng pagsmoke sa vape. Kasi hindi naman pala yun ang cool kundi si kuyang pogi! Nakakakilig lang kasi yung thought na.. We’re both stanger but he lets me try his personal cool smoking thing or whatever it’s called. At hindi lang yun ha. Green minded sya pero yung tipong hindi nakakaoffend ah. Ewan ko ba! Basta nakakakilig sya! Jusmiyomarimar!!! Hay. Kaya lang may syota na daw eh. Dibale. Sana magkita ulit kami. 😭 Bastat hindi kasama yung syota nya.