nagyayabang ako

4

The “yes, ga-graduate ako” feeling. (syempre kunwari lang yung pag-iyak jan)

Pero kani-kanina lang, nagssoundtrip ako sa phone tas nung napakinggan ko na naman yung Today My Life Begins ni Bruno Mars, aba eto na ang aking mga luha. Nag-bagsakan na! HAHAHAHA! Di ko alam pero simula nitong mag-4th year ako, naiiyak ako kapag napapakinggan ko yun dahil narin kasi siguro sa ga-graduate na ako. Finally! And yes, ga-graduate ako on time. Di ako nagyayabang, masaya lang ako kasi gagraduate ako ng hindi ko gaanong napahirapan sila mama at papa kasi natapos ko sa loob ng 4 na taon yung kurso ko kasi sa tuition palang, alam kong hirap na sila kaya dapat naman talaga na makatapos ako on time. Pero I have nothing against other students na hindi naka-graduate/makaka-graduate on time ah. Walang masama dun. 

So ayun na nga, balik tayo sa kwento ko.. lately, naiiyak ako everytime na maririnig ko nga yung 2 songs na yun kasi siguro finifeel ko talaga yung message ng lyrics. hahaha lalo na yung part na “A whole new world is waiting it’s mine for the taking. I know I can make it” saka “Life’s too short to have regrets. So I’m learning now to leave it in the past and try to forget. Only have one life to live so you better make the best of it” 

Graduation song namin to nung 4th year highschool pero ngayon ko lang na-feel yung kanta, siguro dahil sa message na sobrang sakto sakin ngayon kasi eto na nga, parating na nga yung pinakahinihintay ng bawat estudyanteng katulad ko…ang makapagtapos ng kolehiyo. Naks! 

Thank you, Lord! Without You, this would not have been possible.

Malimban, Michelle Angela R.

Bachelor of Arts in Psychology

De La Salle University - Dasmariñas

College of Liberal Arts & Communication

Third year na ang NCAE ngayon.

Haha. Bakit kaya? Ang weird nga e, to think na career assessment yun. Okeneren. Para before they reach fourth year may target course na nila :P

Magtetake kasi ang kapatid ko bukas e. HAHA. Goodluck sa kaniya! :)

Kailangan niyang lamangan ang record na ‘to sa pamilya namin. Ako ang nasa top1, malamang, ako palang naman ang nakapagtake =)) HAHAHAHA.

Panget POV (Girl):
Ang hirap namang maging panget. Ang hirap maging tampulan ng pang-aasar, kesyo mataba at hindi biniyayaan ng ganda. Ang hirap gumising sa umaga ng pagharap sa salamin eh hindi agad maganda nakikita ko. Ang hirap kasi ginawang tirahan na ng tigyawat ang mukha ko. Nakakababa kaya ng confidence yung ganito. Nakakahiyang humarap sa mga tao. Madalas nga, naka-earphone na lang ako para hindi ko marinig yung mga panglalait nila sa akin maging yung naiisip nila, ayoko ng isipin pa. Kaya madalas, nakatingin sa baba at iniisip bakit naging panget ako. Kapag nagkakagusto ako, palagi na lang paasa, nanggamit o nangloloko. Palibhasa kasi pangit lang ako, madalas pinaglalaruan at pinagtitripan. Ano kayang pakiramdam ng maganda? Siguro masarap kasi madami kang kaibigan at sentro ka ng atensyon. Ano kaya pakiramdam na nilalapitan ka ng tao at madalas tinitingala dahil sa ganda? Siguro masaya kasi madaming tao sa paligid mo na humahanga sa taglay mong ganda. Ano kaya feeling na maraming nanliligaw at hinahabol ng crush ko? Ano kayang pakiramdam na may isang taong proud na proud sa akin? Hay. Sana maging maganda ako. Nakakasawa na kasing maging pangit eh. Sana naging maganda na lang ako.


Maganda POV (Girl):
Ang hirap namang maging maganda. Hindi sa nagyayabang ako, pero mahirap talaga eh. Ang hirap kasi nakatingin silang lahat sayo. Bawat ginagawa ko, may nasasabi sila. Mapa-mabuti man o masama. Bawat kilos ko, minaman-manan, bawat taong kasama ko, kinukwestyon. Bawat pagkakamali ko, grabe ang panghuhusga. Kesyo bobo daw ako at puro paganda lang ang alam. Oo nga masaya dahil maraming taong nasa paligid ko pero hindi rin eh, sa dami nila hindi ko na alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan. Karamihan kasi sa kanila, may gusto lang makuha sa akin. Hindi ko na alam kung sino yung pakitang tao o yung totoong kaibigan ko. Ang hirap. Nakatingin nga silang lahat sayo pero bawat ginagawa mo, hinuhusgahan ka nila. Ayoko na ng ganito, ang hirap maging tampulan ng atensyon at hinahabol ng tao. Oo nga masaya kasi maraming may gusto sayo pero mahirap kasi karamihan sa kanila, hindi seryoso. Proud nga kasi maganda lang, hindi dahil sa pagmamahal. Ano kayang pakiramdam ng wala masyadong pumapansin sayo? Siguro, masaya kasi kahit magkamali ka, parang wala lang. Ano kayang pakiramdam na hindi ka sentro ng atensyon? Siguro, masaya rin kasi hindi ka nila huhusgahan base lamang sa pagkakamali o sa pisikal na anyo. Ano kayang feeling na wala masyadong nanliligaw? Siguro okay din kasi doon mo malalaman kung sino talaga ang seryoso sa hindi at doon mo mapapatunayan na sa dinami-raming magandang babae eh ikaw ang napili. Hay. Ayoko na ng ganitong buhay. Sana naging panget na lang ako.