nagf

Appreciate Pain kapag okay ka na.

Sa totoo lang? Yung lahat ng pain na nararamdaman niyo ngayon ‘yong magtuturo sa inyo how to reserve Love for the right people. Hindi naman kasi naituturo kung paano mo mamahalin ang isang tao sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro or kahit anong quotes na nababasa mo sa Internet.

Kailangan mo maranasan ang lahat ng sakit na dulot ng pag-ibig. Kailangan mo tibayan at huwag isipin na wala kang kwenta dahil iniwan ka. May silbi ka at 'yon ang dapat mong tandaan. Iniiwan ka minsan ng taong mahal mo dahil 'yon ang kailangan para mag grow ka. Lahat ng tao ay nangako sa taong mahal nila na hindi sila mawawala. Totoo lahat ng 'yon. Sinabi nila 'yon kasi mahal ka nila nung mga araw na 'yon.

Ang Love, nagfe-fade kapag napabayaan. Ang Love, nawawala kapag nagkakaroon ng kahati. Ang love ay mararamdaman mo lang kapag willing kayong magsakripisyo para sa isa’t isa. Tandaan na always give and take dapat ang lahat ng relasyon to work. Kapag nasaktan ka at iniwan ka nila, hindi mo kawalan 'yon. Kawalan nila 'yon. Tandaan mo lang na kailangan may matutunan ka sa lahat ng relasyon na papasukin mo. Importante 'yon.