nag hihintay

anonymous asked:

Gusto ko malaman insight nyong mga lalaki about this. Bakit ang mga lalaki, kahit di na nila gusto ang isang tao gusto nila gusto padin sila. Get my point? Bakit?????

Para sakin kasi pag ganyan ano gusto lang namin ng assurance na kahit anong kaqaquhan ang gawin namin o ano may uuwean pa rin kami. Madalas kasi unfair kami gusto namin di kami maiwanan kaya pinipili namin na mahalin o gustuhin pa rin kami ng taong ayaw na namin. Para ba di kami mabakante ganon. Para pag walang bago meron pa rin kami. Yun siguro yung opinion ko to that. Pati ano kaya ganon kasi ano syempre may nakukuha kami sa tao di lang eto about sa sex if yun ang nasa isip mo. Pag aalaga pati ano may nag hihintay sa amin. Ganern.

Kung lalayo ka at sa paglayo mo naman eh patuloy ka namang aasa, umasa ka na lang. Sa tingin ko naman walang masama sa umasa eh, syempre pwede ka naman umasa habang nag hihintay din ng bago eh. Yung tipong tatanggapin mo sa sarili mo na medyo malabo na dun sa taong hinihintay o sabihin na nating “taong umaasa ka” habang naghihintay ka ng bagong taong darating sa buhay mo.

Ang mahirap kasi kapag umasa ka sa isang tao, nagbibigay ka ng sarili mong balakid sa buhay, tipong nag aassume ka na meron pa. Minsan dapat tinatanong mo ang sarili mo kung may binigay ba siyang motibo para umasa? O kaya naman kaya mo ba nasabi yun dahil sa mga effort na naibigay mo? Sa tingin mo ba talaga siya yung nagpapa-asa? O sadyang ikaw lang yung umaasa? Yung wala siyang ideya sa mga bagay na gusto mong mangyari. Minsan ganyan talaga ang buhay eh, minsan unfair, minsan fair. Pero dahil nga sa lagi kang umaasa, naiisip mo ang buhay eh madaya sayo.

Pero hindi mo namamalayan, na napakaraming dumarating sa buhay mo na magaganda na hindi mo napapansin dahil nga sa nakagapos ka sa salitang “umaasa ka pa sa isang tao”. Kaya kapag naisip mong lumayo sa taong inaasahan mo. Huwag ka ng lilingon sa nakaraan. Dirediretso lang at makikita mo rin ang kasiyahan na hinahanap mo. Ngiti lang :)Makakayanan mo rin ang lahat ng ‘yan.

Sa pagitan ng mga salita nandun ang panghihinayang na wala ka na sa buhay ko.

Sa pagitan ng bawat pag bitaw umaasa ako na muling iyong kakabigin pabalik sayong bisig.

Dahil sa pagitan ng mga pamama-alam nandun ako naiiwang luhaan, nag-hihintay na bawiin mo ang mga katagang iyong binitawan.

Mahal, sa pagitan nang pag-kapit ko sa mga pangako mo kahit nasasaktan ako di ko masambit ang mga salitang, ayaw ko na.

Kaya sana sa pagitan ng pagod ka nang unawain ako matagpuan mo muli yong unang dahilan kung bakit mo ako minahal.

Dahil mahal pagod at sugatan man ang puso ko ngayon ni minsan di nag hanap ng iba upang kalingain ang puso kong nangungulila.

Isang Araw.

Mataas ang sikat ng araw

Ingay ng mga dumaan na sasakyan ay umaalingaw-ngaw

Mula San sebastian hanggang Sta. Mesa ramdam ang init mula sa araw

Pero kahit gaano kainit ang paglalakbay

Ganun naman ka presko ang pakiramdam pag ikaw ang kasakay.

 

Na animo’y naglalakad ako sa isang paraiso..

Paraiso kung saan lumaya ang nakakulong kung nararamdaman na parang preso

Isang pakiramdam na nag aalab at nag hihintay na kumawala at lumaya

Mula sa pagkaka bihag mula sa nakaraan.

 

Ang mga daan na ating dinadaanan ay nagmistulang saksi….

Saksi  kung paanong sabay nating tinapak ang ating mga paa

Saksi  kung paano tayo nag uusap na parang walang SILA

Saksi  kung paano tumibok ang puso ko ng napakabilis

Saksi kung paano ang mga kandado dito sa nakakulong kong nararamdaman

Ay unti-unting naalis.

 

Kay sarap pakinggan na iyong mga tinig na parang nakikinig ng musika

Kay sarap pagmasdan ng dalawa mong mata kung saan nakikita ko ang sigla

Kay sarap manatili sa iyong tabi at ayaw lumisan kahit isang sandali

Kay sarap ng bawat sandali lalo na pag minamasdan ang matamis mong ngiti.

 

Ngunit sa kabila ng lahat ako’y napatanong sa aking sarili

Mali ba ang panahon? o hindi tama ang pagkakataon ?

Masaya pag kasama at nakikita ka ngunit sa kabila ng  saya

Lungkot ay nagbabadya

Na sa tuwing kasama kita may isang linya na nakatanim saakin

Ito ay “HINDI KA PWEDENG MAGING AKIN”.

Isang linya na parang patalim na sumasaksak saakin.

 

Pero hayaan mo tanggap ko ang sitwasyon

Sadyang may mga taong nagkasabay sa paglalakbay ngunit hindi parehas

ng destinasyon.


-edp/itsnostalgiclines

Yung tipong aamin sila sa taong gusto nila, sasabihin ng taong pinagsabihan nila na hindi pa sila handa, maaring nasasaktan pa daw sila sa nakaraan, o kaya naman eh wala pa ulit sa bokabularyo nila ang salitang “relasyon”. Edi ikaw naman tong naghihintay sa kanila, na umaasa na abutan mo yung araw na “maging handa” na siya. Ikaw tong patuloy na nagpaparamdam sa kanya, pinapakita mo sa kanya na sobrang mahal mo siya, na mahalaga siya sayo, na totoo lahat ng sinasabi mo. Pero sa huli, wala pa rin.

Hindi niya pormal na sinasabi na ayaw niya sayo. Kundi sinasabi niya lang na hindi pa lagi siya handa, hindi mo alam kung may tinatago ba o sobrang nababaitan lang rin niya sayo para saktan ka gamit ang kanyang mga salita. Kumbaga ayos lang naman sayo yun eh, nag hihintay ka ng sagot sa isang tanong na laging bumabagabag sa sarili mo. Yung mga katanungan sa sarili na ikaw rin mismo ang sumasagot. Tipong wala ka namang nakikitang naka link sa kanya kaya wala kang pangamba sa mga posibleng mangyari.

Tapos malalaman mo isang araw pagkatapos ng ilang araw mong hindi pagpaparamdam kasi naniniwala ka sa “baka ma miss niya yung ginagawa mong paglalambing at pag-aalala sa kanya”. Tapos sa huli makikita mo, in a relationship na sa iba. Akala mo ikaw yung kilig niya sa araw-araw. Kasi parati rin naman kayong nag uusap dati. Yun pala iba ang lahat ng dahilan, iba pala ang lahat ng iyon. Akala mo ikaw ang kasiyahan niya. Yun pala sa huli puro kalungkutan din pala ang mararamdaman mo sa kanya.

Wala kang magawa, hintay na lang ulit sa panibagong yugto ng buhay niya. Patuloy siyang hinihintay, patuloy na umaasa na hindi sila nung bago niya. Ganun talaga ang buhay. Kailangan mong mag tiyaga. Para makuha ang mga bagay na inaasam.

#4

Ikaapat

Sa loob ng apat na pader ng aking kwarto
Gabi-gabi akong nag hihintay sa tawag mo
Inaabangan ang tunog ng telepono
Sabay ang paglitaw ng pangalan mo

Sa ibabaw ng apat na paa ng aking kama
Ramdam ang sabik, kilig, tuwa at saya
Abutin man tayo ng madaling araw hanggang umaga
Basta’t ikaw ang kausap, pagtulog ay lilimutin ko na

—  100 Tula Para Sa Kanya
Mga uri ng relasyon.

Boy lang nag e-effort Relationship: Eto yung mga na taken for granted na lalake. Maaaring hindi ganung ka taken for granted pero malapit na dun. Sila yung gumagawa ng paraan para sa relasyon nila. Tipong sila na lang palagi. Eto yung mga “Boyfriend Material” at normal naman talaga dapat na ginagawa ng mga soon to be boyfriend na nagkalat sa kapaligiran. Eto yung mga lalakeng susunduin ka at ihahatid kapag magkasama kayong dalawa. Minsan may mga hinahatid at sundo na na mga girls pero wala lang sa kanila to know na pinapangarap din ito ng ibang babae na gawin ito ng boylet nila. Masasabi nating ang mga Boy lang nag eeffort relationship eh yung mga lalakeng sobrang under o kaya naman eh sobrang chicks ng GF. Takot mawala eh, so gagawin lahat para sa kanila. Tapos ang karelasyon eh yung mga matatapang at mapaparide na babae. Syempre. Alam na gustong gusto sila nung lalake. Edi magmamaganda sila.

Girl lang nag e-effort Relationship:  Syempre pwede ba namang lalake lang ang may problema? Syempre ang mga babae din! Eto yung mga babaeng napasubo. Ooops! Yung utak! Ibang napasubo ang ibig kong sabihin. Eto yung mga umamin tapos sakay naman agad itong si Boy. Pasok agad sa relasyon. Tapos lately lang nalaman na infatuation lang pala ito. Eto yung mga babaeng masarap isalba sa mga coupal na Lalake eh. Eto yung mga babaeng halos makagawa na ng nobela sa libro sa mga Social Networking Sites sa dami ng hinaing nila sa mga boylet nila. Alam niyo yung walang wala na pero umaasa pa rin sila na maaayos pa? Sila yung mga babaeng habol ng habol pero hindi nila alam na wala na silang hinahabol. Isang diretsong daan na walang finish line. Tipong sila yung anino at hinahabol nila eh yung sarili nila. Sila din yung mga babaeng wala ng ginawa kundi umiyak sa relasyon. At isang sorry lang ng boylet nila eh ok na ulit sila. Paano akala nila magiging ok na ulit lahat dun. Pero hindi nila alam good for some days lang ang lambing na iyon. Then back to the ball game ulit! Malungkot na ulit!

DOTA/LOL/HoN o AKO Relationship: Hah! Eto naman yung mga lalakeng puro DOTA ang ginawa at halos syotain na ang Computer habang nag hihintay ang girlfriend nila. At eto namang mga girlfriend eh patuloy na nagseselos sa DOTA kahit na hindi naman dapat pagselosan. Pero syempre ang selos na ito ay in a way na gusto lang naman nila makausap ang boylet nila. May mga ibang relasyon na swerte dahil parehas silang naglalaro at ayun ang past time nilang dalawa. Kumbaga ayun yung pinaka date nila as a couple. Pero paano nga naman kung hindi naglalaro si Girl? Paano na? Edi paranoid na lagi? Minsan may natanong akong babae na hindi naglalaro ng Computer Games pero sobrang maglaro ang Boyfriend niya. Ang sabi niya sakin “Ok na yun, kesa naman mambabae siya”. Kumbaga nasa tao na lang talaga paano niya iintindihin. As long siguro na kontrolado ng lalake ang oras niya walang problemang maglaro. Ganito lang ka simple yun eh. Kung gusto mo lagi maglaro ng Computer Games at wala kang oras sa relasyon mo. Then stay single. Hindi naman laruan ang babae na tska mo lang gagalawin kapag trip mo. Babae yan pre. Minamahal at Inaalagaan. Sige ka, kapag ayan na first blood ng iba. Ikaw den. 

Almost there kind of Relationship: Alam mo yung natatanaw mo na pero hindi mo maabot? Tulad ng Ulap. Napaka ganda diba? Parang gusto mong hawakan. Yun bang parang kaya mo itong abutin pero hindi mo naman talaga maaabot? Eto yung relasyon na parang panaginip. Eto yung relasyon na HINDI PA KAYO. Ok? HINDI PA KAYO. Ayan isa pa ulet. Eto yung halos nagawa niyo na lahat. Kaso trapped siya sa nakaraan niya. So hindi siya makapag decide kung babalik ba siya o ikaw ang pipiliin niya. Eto yung relasyon na hinihiling ng lahat “without the PAST Part” eto yung almost perfect na relasyon dahil nag eeffort yung lalake at yung babae.

Kaso syempre, magaling si GOD eh. Hindi pwedeng masaya palagi. Kailangan balanse. Kailangan may problema lagi para maging mas ok ang relasyon. Ang mahirap kasi sa ganitong relasyon. Anytime pwedeng mawala ang isa. Anytime pwedeng bumalik sa EX niya. Yun naman ang kinakatakot ng mga nasa ganitong klase ng relasyon eh. Pero astig kasi eh. Holding hands? Kiss? Yakap? San ka pa? Matatawag mo bang pagkakaibigan yun? Kumbaga andun na eh. Nasa tuktok na eh. Pero wala pa yung flag para malaman na nakarating na kayo dun. Parang Mutual Understanding ito na may twist eh. Kasi madalas ang Mutual Understanding eh wala ng involved na nakaraan eh. Kaso eto meron. So automatic sa ganitong sitwasyon may karibal ka. Eto yung mga hihilingin mo na sana kayo na agad eh. Tipong puno kayo ng pangarap pero wala eh. Anong magagawa niyo? Trapped yung isa eh? Kahit na anong gawin mong tulong. Matindi ang bakod na iniwan ng nakaraan. Kaya todo effort ang isa’t-isa. 

Praning Type of Relationship: Eto naman ang mag syotang bihira magtagal. Paano paranoid ang isa’t-isa. Like WTF? Nag relasyon pa kayo kung wala kayong tiwala sa isa’t-isa. Lahat na lang pinagselosan.

  • Hinawakan ang aso, Gusto kamay lang niya hinahawakan.
  • Tumawag na busy ang phone pero ang kausap mo magulang lang.
  • Kasama ang pinsan,.
  • Kasama ang mga kaibigan,
  • Kulang na lang pati kapatid pagselosan.

Yun bang kapag hindi ka nagreply agad eh kung ano na iisipin. Kunwari kumain ka. Tapos mga 15 minutes kang nawala. Tapos kung ano ano ng text ang matatanggap mo. Tipong sino kausap mo? Nakikipaglandian ka na naman sa iba?! O kaya naman eh ANDAMI MO NA NAMANG KATEXT!! Mga ganyang klase ng text for example.

Eh huwag mo din naman kasi hayaang ma paranoid. Gawin mo din ang part mo na magpaalam. Kung alam lang naman niya kasi agad ang ginawa mo edi hindi siya magdududa. Pero parang ang panget ng ganitong relasyon diba? Kaya kumakalas agad yung iba. Sino ba naman pumasok sa relasyon para ma stress? Mas mabuti na ngang tapusin kesa naman magtagal sa relasyon na puno ng pagdududa. 

Matanong kita.

Masasabi mo bang relasyon ang isang relasyon kung isa lang gumagawa ng paraan para maayos ito? Masasabi bang relasyon ang isang relasyon kung  isa lang ang nagmamahal? Palagi na lang may nagkakasakitan? Tulad nga ng sabi ko dati ang relasyon eh ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan. Pumasok kayo sa relasyon dahil gusto niyong i commit ang sarili niyo sa isa’t-isa. Hindi katulong yang mga yan. Hindi for hire. Hindi yan dumating sa buhay mo para pagsilbihan ka lang. Gawin mo rin part mo. Two sided dapat lagi. At never magiging one sided. Alagaan ang isa’t-isa. Tandaan na masarap magmahal. Sobrang sarap.

Tanga
— 
  • Yung pampalipas oras ka na nga lang pero okay lang sayo.
  • Yung nag hihintay ka sa taong alam namang hindi na babalik. 
  • Yung nag mamahal ka ng taong hindi ka naman mahal. 
  • Yung nag mamahal ka ng isang taong walang kwenta. 
  • Yung nag bubulagbulagan kahit alam naman ang totoo. 
  • Yung umabot ka nang ilang taon dahil umaasa kang babalik pa siya.
  • Yung ipigsisiksikan mo parin yung sarili mo sa taong ayaw naman sayo. 
  • Yung siya nakamove on na at lahat lahat pero nasa “sana may pagasa pa” stage ka pa rin.
  • Yung nagkukunwari kang masaya ka para sa kanila pero ang totoo nasasaktan kana talaga. 
  • Kahit may iba na siya feeling mo may pagasa pa rin.
  • Kahit ilang beses ka na niyang iniwan ay tatanggapin mo padin siya kapag bumalik siya. 
  • Kahit na pinagtatabuyan kana niya, pinipilit mo paring mag stay sa piling niya. 
  • Kahit alam mong hindi ka na niya mahal ay umaasa ka pa din. 
  • Yung mahal na mahal mo parin siya kahit na may iba na siya.
Bakit 'di ko kayang bumitaw.

Siguro nga ako na lang naman ang umaasa. Baka nga wala na talaga, akala ko lang meron pa. Pero sa totoo lang ayoko pa talagang bumitaw. Bakit? Kasi umaasa ako na pareho pa rin tayo ng nararamdaman. Baka nahihiya ka lang ipagtapat sakin o nag hihintay ka lang ng tamang pagkakataon. Baka kasi mahal mo rin ako, hindi mo lang sinasabi. Kaya nga siguro kahit na alam ko at dama ko namang malabo na talaga ang lahat, nananatili pa rin akong nakakapit. Hindi ko kayang bitawan. Ayoko. Natatakot ako na kapag binitawan ko, saka mo lang maisip na mahal mo rin ako. Natatakot ako na kung kailan naka move on na ko, bigla kang magpaparamdam at gugustuhin akong muli sa buhay mo.

Mga palamurang babae

Nakaka turn off ang mga babaeng palamura. 

Yan yung madalas kong naririnig sa ibang tao, kesyo napaka laswa daw pakinggan, ang pangit daw sa tenga at napaka unfeminine daw na gawain ng isang babae. For me hindi naman masyado, kasi first of all ito yung isang way ng mga babae para masabi nila kung gaano kasakit ang nararamdaman nila, kunyari nadapa sila, mura sila ng mura hanggang sa makatayo sila, isa din kasi itong scientifically proven fact na when you cuss daw it will ease the pain. Kaya nagmumura sila, second eto ang words nila online LANG, siguro sa socials madalas sila mag mura, sa chats, dm’s, tweets o snapchats ay palamura sila pero verbally hindi naman. Pangatlo, hindi naman porket nagmumura ang isang babae eh meaning nun balasubas, walang kwenta, malandi at kung ano ano ng panglalait, isa lang itong typical na bad words na nasambit dahil sa sobrang saya, pagpapasakit, lungkot, walang masabi, nababaliw, nasasarapan (ehem) pero still hindi naman talaga nakaka turn off ang pagmumura ng babae, depende na lang kung bawat sentence nya may mura. For example

“oy put*ng in* san tayo pupunta animal ka, hayop kanina pa ako nag hihintay dito gag* yung nanay ko hindi ako pinaghihintay inamo ka tarantado bilisan mo naiinip na ako t*ngina”

At kung ganun ang babaeng sinasabi mong palamura, wala potah nakaka turn off nga yata. Ang moral ng post na ito ay, hindi porket palamura ang isang babae ay pangit na ang kanyang ugali.

5

Malapit na ang Bagong taon at wala paring pagbabago. Patuloy paring may mga taong namamalimos para lang sila’y may makain, ngunit ang mga tao ay panay parin silang dinededma. Patuloy parin silang natutulog sa kalsada at mag hahanap ng masisilungan kapag umulan. Patuloy parin silang nag hihirap kahit sila ay meron paring pinapangarap. Tayong may mga may kaya, napaka swerte natin dahil napaka sarap ng ating buhay dahil meron tayong masisilungan na bahay at masasarap na pag kain sa lamesa. Habang sila ay nag hihintay lang ng biyaya galing sa langit para sila’y matulungan. Mga tao sa lansangan sana naman ay bigyang pansin at kahit papaano’y tulungan, para naman kahit papaano sila ay tumagal sa mundong ito at maging masaya sakanilang buhay. 

Photowalk in Monumento | 12/18/15

rae-mart  asked:

Anu ano mga nag hihintay pag dating ng college?

  1. Sa college, magiging kabuddy mo si German Moreno kasi walang tulugan. Yung tipong mas mahaba pa byahe mo kesa sa tulog mo. Yung wala ka na ngang tulog bagsak ka parin.
  2. Hindi ka makakakuha ng forever friends mo, bukod sa mahirap makahanap, iba-iba kaklase mo. Minsan, you are lucky na to know one person in your class.
  3. Naghihintay din yung mga ‘Monsters’ mong Professor, bukod sa mga nakakamatay na exams na ibibigay sayo, papatayin ka rin nila sa gulat bakit ganun nakuha mong grades.
  4. Hindi  na high grades ang hihilingin mo kundi makapasa ka na paparty ka na. Hindi mo na kailangan makipag-compete maka TOP 1 lang sa klase.
  5. Yung mga project mo nung highschool, seatwork na lang sa college.
  6. Hindi mo na kailangan mag-effort magsulat sa notebook, may camera ka lang sapat na yun.
  7. Pag-bumagyo, wag mo ng hilingin na masususpend klase mo, feeling kasi nila mga sirena tayo, Waterproof.
  8. Nandyan din yung mga subjects mo na feeling major.
  9. Kung sa highschool, 1 hour na nakalipas marami ng topics nalelecture, sa college, apat na oras na nakalipas di pa kayo makapagmove on sa isang topic minsan nagdedebate pa kayo.
  10. Sa college uso ang salitang “STRESS”.