naalala mo pa

Akala ko kasi…

Hindi ko alam kung bakit pa ako bumalik sa lugar na ito; kung bakit ba ako dinala ng mga pagal kong paa sa lugar na naging saksi halos ng lahat. Lahat ng nangyari sa atin. Mula sa mga masasayang alaalang baon ko pa rin ngayon hanggang sa mga tagpong halos pumutol sa mga litid ng aking katawan na naibaon ko na ngayon.

Pero ang galing, noh? Naalala pa rin pala ng mga paa ko ang daang ito. Sabagay, dati pala eh kahit nakapikit ako’y mararating ko ‘to. Dati. Ang bigat pala sa pakiramdam bigkasin.

Bakit nga ba ako nandito? Sa dinami rami ng araw na pwede akong mapunta dito eh, bakit ngayon pa? Sa loob ng napakahabang panahon eh bakit ngayon pa ako dinala ng mga paa ko dito? Hindi ko maipaliwanag pero, parang may kung anong humila sa akin dito.

Ang tagal na rin pala noh? Sampung taon nang mahigit pero alam mo ba, naaala pa rin kita. Iba ka eh. Iba yung tayo dati. You were my greatest love. You were, and I guess will always be.

At kasabay ng papasok mo sa isip ko ay ang pag-ihip ng napakalamig na hangin. Doon ko napagtanto na unang araw na pala ng disyempre ngayon. Tila ba mas malamig siya nung nakaraang taon. Pero magbago man ata ang antas ng kanyang lamig ay di mawawala ang dala nitong bigat sa loob. Ah, kaya pala. Unang araw ng disyembre. Araw pala natin ngayon noh?. Nalimutan ko na rin. Pasensya na ha? May ibang araw na kasi akong inaalala.

Kasal na pala ako. Gusto sana kitang imbitahin pero di kita mahanap. Wala na rin akong balita simula nung araw na yun. Kamusta ka na kaya? Masaya ka na kaya?

Weird, pero alam mo ba? Nung araw ng kasal ko, pakiramdam ko nandun ka. Nanonood. Ewan ko ba. Ang weird talaga nung feeling pero pakiramdam ko andun ka sa may bandang likuran ng simbahan. Pero alam ko naman imposible eh. Bakit mo naman ako papanoorin eh ipinagtabuyan mo nga ako nun eh, di ba? Hehe. Ang daldal ko nanaman. Sorry ha? Namiss kong magkwento sa’yo. Hindi naman sa hindi siya nakikinig pero iba pa rin pag sa’yo ako nagsasabi.

Aalis na sana ako nang biglang may kamay na pumigil sa akin.

“Zy, Andrea ito. Yung ate ni Zach, naalala mo pa ba ako?”, bungad ni Ate Andrea.

“Ate Aaaaaan! Oo naman po! Ikaw pa ba? Wala ka pa ring ipinagbago.(: Ang ganda mo pa rin. Kamusta ka na? Kayo? Namiss kita, Ate. Ang tagal din nating di nagkita ha.”, puno ng saya kong sagot kay ate sabay akap sa kanya nang mahigpit.

Parang pinag-isipan muna ni Ate yung sasabihin niya. Tila ba saglit na nagtalo ang isip at puso niya.

“Medyo kinakaya naman ang lungkot. Ahm, nagbakasali lang akong makikita kita dito. Yun kasi ang sabi ni Zach, na baka daw pumunta ka dito. Heto, naswertehan naman. Tama nga siya.”

Ngumiti si ate.

“Ahm, may ibibigay pala sana ako”

“Ha? Ate, wait lang.” Bigla tuloy akong inulan ng tanong sa isip ko. Lungkot?

“Ate, anong meron?”

“Zy, wala na siya.”

Pinilit ngumiti ni ate pero di maitago ng ngiting yun ang lungkot sa mata niya. Pagkatapos ay iniabot niya ang isang sobre. May mga sinabi pa si ate noon pero di ko na ata narinig dahil nakatuon na lang ang pansin ko sa liham habang sa isip ay paulit-ulit ang mga salitang “wala na siya.”

Halos mapaupo ako sa narinig ko. At para akong wala sa sariling binuksan ang bigay ni ate.


Baby,

Hi! Kamusta ka na? Miss na miss na miss na miss na miss na kita. ): Sobra. Ooops, oo ngapala, wala akong right. Sorry ha? Alam kong wala na akong karapatang kamustahin ka pero di ko mapigilan. ): Naexcite lang akong sulatan ka. Yung parang dati. I just remember how you loved getting love letters – those long handwritten love letters? Iba yung excitement mop ag nakakatanggap ka eh. Haha! Those days. Haaaaaaay.

To start everything with, I wanna tell you that I LIED.

I lied when I said I don’t love you. How will that happen when you mean the world to me? Kaya hindi totoong hindi kita mahal. Alam kong it’s too late na para bawiin lahat nung sinabi ko at para sabihin to pero from then until this moment, I still feel the same for you. You are still that only star I only see whenever the sky cries. You are still the comfort I long to seek whenever I am sick, sad, and hurt. You are my sunshine, the one who lifts my spirit high when I feel so down. You are everything I have asked for – my answered prayer. (:

If I don’t love you, then why do I have plans of marrying you? Why do I see you as someone I see myself growing old with? Without worries of how bad I look with my messy hair, and with how foul I smell with my morning breath and dried sweat.

With you, I can be who I am. I can always be who I am.

With you, though it wouldn’t be perfect, I will be contented, but genuinely happy.

With you, my flaws don’t matter like the way they do with other people.

So, if I don’t love you, then why do I end up crying every time I remember you, and the way US has been?

God knows I love you more than myself.  If money makes the world go round, then you are my one million bill.

But…..sometimes, we are faced with decisions that need sacrifices. We need to make “the choice” knowing it is the right thing to do even if it would mean dyin. I needed to do it. I needed to make you feel that I don’t love you. Torture sa akin yung makitang malungkot yung babaeng bumubuo ng araw ko. Na kahit anong sakit at pagod eh mawawala basta makita ko lang siyang masaya. Nakangiti. Sobrang okay na ako dun. Alam mo ba, nung araw na yun? Halos isumpa ko ang sarili ko habang pinapanood kang umiyak. Shet ang sakit. Ang sakit makita yung mahal mong masaktan. Pero alam mo yung pinaka masakit na part? Yung pinapanood mo siya at alam mong ikaw yung dahilan.

“Go if that’s what you want. I’m tired of you; of this and all of your shits. Leave if you want to. I don’t mind; I don’t care. Nakakasawa na rin. ”

These are not the words I want to say. These are the words I needed to say.

I had to choose between you being happy or you being miserable. ‘By, you know that I will always go on everything that will make you happy, right? Always.

Why did I do that?

‘by, I am dying.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa’yo. Those times na you felt like I was starting to drift away from you eh yun yung mga araw na iniisip ko kung paano ka na kapag wala na ako. Kung paano na tayo. Baby, sa dinadami rami ng pangarap at mga planong nabuo natin, tingin mo ganun ko lang siya basta bastang maitatapon? How can I throw something away when my heart has been intertwined on those plans and dreams? Hindi ko maimagine ang buhay ko kung wala ka. Kaya kong mabuhay pero is it even worth it?  

So I came to the idea that maybe it is best to let you go. Dahil kapag sinabi ko sa’yo, itatali mo ang buhay mo sa akin. Sa pag-aalaga sa akin. Buburuin mo ang napakaganda mong buhay para lang hintayin akong mamatay. It was the most difficult decision I had to make. It was a battle between my happiness and yours. At alam na alam mong lagi kong pipiliin ang maging masaya ka. I needed to break your heart to make sure that you’ll choose to live; that you’ll find a new reason to breathe.

Sorry. I love you so much that I want a future for you. I want you fulfill your dreams. I want you to be there to hear the first laugh of your first, second and third babies. I wanna see a stage mom in you. I want to see you happy, even if it would mean me not being a part of it.

Today, I realized that it is the best time to write you this letter. I told myself that today, I will tell you everything – the thing I should have done way back. I know regrets can never bring you back. It’s clear as crystal to me. But I don’t wanna regret because I know, this ‘me leaving you’ will lead you to something wonderful. Tsaka I felt na I can no longer write you this letter kapag pinagpaliban ko pa. My body’s getting weaker every day. I am losing all the strength I have. Sorry pero baka bukas o sa susunod eh di na ako makabalik sa mga espesyal na lugar para sa atin. I can really feel my knees getting weaker. Kaya I hope makaabot ka sa part na ‘to.

Sorry, sorry, sorry, sorry, sorry sorry. Alam kong di mahihilom nung mga sorry ko yung natamo mong sugat dahil sa kagaguhan ko. Pero gusto ko pa ring magsorry. Sorry for not being strong enough to live longer just to be by your side. Sorry kasi pinangakuan kita ng mga bagay bagay na hindi ko na matutupad. Sorry sa forever na di ko na mapapatunayan. Pero out of all those sorries, isa lang ang hindi ko ihihingi ng sorry. Yun ay ang minahal kita. Kasi loving you made me something I never saw myself becoming. It gave me these precious memories that are gving me reasons to smile despite of the pain, laugh despite of the sadness. It gave me life. You gave me life. And I thank you for that.

P.S.

Favor naman baby oh. Pwede bang pakihug mo ako sa mga future babies mo? Tapos pakibulong na ang swerte nilang ikaw ang naging mommy nila. (: Hindi ko na hihilingin na ikwento mo pa ako sa kanila. Alam ko namang you wouldn’t want me to be part of your new life na eh. And I understand that. (: Pero gusto ko lang malaman nila yung worth mo. Malaman nilang how blessed they are because you happened to them.  

To the girl who’s made my life worth living, I love you. I really do. And I will keep on loving you until I breathe my last breath. Mag-ingat ka lagi ha?

I love you, goodbye. Until we meet again.

Loving you so much,

Zach


“Hindi ka niya kinalimutan Zy. Hindi niya kaya. Araw-araw siyang pumupunta dito, nagbabaka sakaling makita ka. Araw araw yun. Umulan, umaraw, makulimlim man ang kalangitan o maaliwalas, nandito siya. Naghihintay. Kahit di na kinakaya ng katawan niya. Kahit ikasama pa ng pakiramdam niya. Ikaw kasi yun eh. Ikaw yung nagsilbi niyang rason para mabuhay pa. Para bumangon sa umaga kahit di na siya hinahayaan ng sakit niya. Hanggang sa tuluyan ng bumigay yung katawan niya at hindi na siya nakapunta.”

Kaya pala.

Kaya palaaa.

Haaaaaaay.

Kaya pala kahit sabihin mong tama na, alam kong may mali. Na may iba kang gusto sabihin. Your ‘go’ must have mean ‘stay’ and I was a fool to not know that. Na kahit ilang ulit mo akong ipagtulakan palayo ay hindi ko maramdamang di mo na ako mahal. Ang daya mo. Ang daya-daya mo. Sabi mo, for better and for worst tayo. Saan na napunta yun? Haaaaay. Zach naman eeeeeh, hindi ko alam ang iisipin ko. ): Bakit ang daya mo? Bakiiiit? ):


…..



“Ate Zy?”

Para akong hinila mula sa napakalalim na pag-iisip. Napatingin ako sa direksyon nung tumawag sa pangalan ko.

“Ako po si Hannah. Kamag anak po ni kuya Vin.”

“Oh, Hannah. Ano yun?”

“Hindi ko po alam kung dapat ko pa po bang sabihin sa inyo ‘to. Pero pakiramdam ko po kasi now’s the time eh.”

“Oh, ano yun? May problem ba?”

“It happened during your wedding day kasi, ate. I was at the back. I was trying to capture you while walking down the aisle. Then, there was this guy who caught my attention. He was staring at you. He was studying every bit of you with his sad eyes. He started crying when you finally reached kuya Vin’s hand. Then after seeing that, he went out of the church. Pinilit kong sundan siya sa tingin pero bigla na lang siyang nawala.”

“Naalala mo ba ang mukha niya, Hannah?”

“Yes, ate. And the weird part is, my third eye is open. I have been seeing ghosts since I was a kid. And the man I saw, was one of them.

Ate, eto siya oh.

Pinakita niya sa akin ang isang larawang kuha mula sa cellphone niya.

By any chance, do you know him?”

Ilang bote ba ng alak ang kailangan ko
bago makalimutan ka?

Isa
Ganito pala kapait ang umpisa
Hindi ko gusto ang lasa
pero susundan ko pa

Dalawa
Natatakot ako para sa atay ko
pero hindi ko naman siguro
ikamamatay ‘to

Tatlo
Hindi na ata kaya ng budget
May pasok pa mamaya
Tumawag si mama
Manghuhuli pa ko ng ipis sa kusina
Makikipagtagpo sa mga alien
Mag-aartista
Lahat na ata ng palusot sinabi ko
para maiwasang umabot sa

Apat
Kung ginagawa ko to
para limutin ka
bakit ikaw ang pinag-uusapan namin
kanina pa?

Lima
Tangina ka pala e!
Hayup kang gago ka!
Mamatay ka na sana!
Masagasaan ka ng rumaragasang titi
sa EDSA!
Mabuntis ka!
Manganak ka ng Balyena!
Sinusumpa kita
hanggang sa mga apo mo sa ingrown!

Anim
Ikaw yung tipo ng taong
mabango ang mga salita
pero nakakasulasok ang amoy ng bunganga
Naliligo pero hindi lumilinis
dahil kahit magbuhos ka ng tubig
galing sa mga kerubin sa harap ng simbahan
hindi mabubura ang iyong mga kasinungalingan
Nakakaakit ang panlabas mong itsura
pero ang puso mo'y parang nabubulok na basura
Sinusubukan kong papangitin ka
sa aking alaala
pero minamahal pa rin kita

Pito
Sinusumpa kita
Sinusumpa kita at ang mga sumpa mong
pawang kasinungalingan lang pala
mga pangakong napako
mga araw at gabi na tayo dapat ang magkasama
Hinahagka'y labi mo sana
Ang yakap ay ikaw sana

Walo
Naaalala mo ba noong ipagtapat natin
ang nararamdaman para sa isa’t-isa?
Hindi ba’t mahigpit mong hinawakan ang aking kamay
at nangakong hindi na bibitiw pa?
Naalala mo ba noong una tayong nag-away?
Isinigaw mong hindi mo kayang mabuhay
kung ako sayo'y mawawalay.
Naaalala mo ba-
ako?
Naalala mo ba ako
o ako na lang ang mag-isang nagdurusa?

Siyam
Nakakapagod din pala

Sampu

Naalala mo pa ba yung mga panahong hinaharana kita? Gagawin ko ulit yon, pero sa ibang babae na.
—  upon breaking my heart 12 times,
Poem 6: Kinalimutang Ala-Ala

Sana, sa bawat pagkakataon,

Mapaumaga, tanghali, gabi, o hapon,

Maalala mo ang mga ala-ala natin,

Isang pag-ibig na naglaho rin.


Naalala mo pa ba noong nag-bike tayo?

Palagi kang nahulog, pero palaging may sumalo sa’yo.

Pinangako ko sa’yo na “I’ll always be there.”

Pero ngayon, napunta tayo sa nowhere.


Mahal kita, pero minahal lang ako sa’yo.

Palagi akong nasa isip mo, pero hindi mo ako pinapasok sa puso.

Kaya kahit gusto kong baunin mo ang mga ala-ala natin,

Huwag na lang, maghanap ka na ng tunay namamahalin.


|| m.x.t. ||

07.26.2017


HOWMAYGASH YES first Filipino poem up (^.^) this is inspired by Filipino spoken poetry and let me tell you:

(1) This was one hell of a challenge; and

(2) I should do this more often

The title means “Forgotten Memories” so let me know if you snowflakes want an English version

2

Naalala mo pa ba yung mga araw na meron pa “tayo” sa ating dalawa? Naalala mo pa ba yung mga binitawan natin na mga salita. Naalala mo pa ba yung mga panahon na kuntento na tayo sa isa’t isa. 

Sabi mo noon masaya na ako sayo” “andito lang ako palagi sa tuwing kailangan mo ako” “ikaw lang ang mahal ko” “hindi ako katulad nila” mag tatagal tayo” hindi kita i-iwan”. Sobrang sarap sa pakiramdam na mag karoon ng taong katulad mo na para bang, ako na ang pinaka swerte na tao na makaramdam ng pag mamahal na ganon. 

Pero isang araw, nag bago ang ihip ng tadhana sa ating dalawa. Bigla nalang nag bago ang nasa isip mo. Bigla mo akong iniwan at sinabi mo nalang na Ayoko na” Pagod na ako” Hanggang dito nalang tayo” “Tapos na tayo”

Biglang gumuho ang sarili ko sa mga narinig ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang mga ‘to. Dahil akala ko ikaw na, ikaw na ang tao na makapag papatunay saken na hindi ka katulad nila. Pero nag ka-mali ako, katulad ka rin pala nila. 

Akala ko sapat na kung ano meron sa ating dalawa, pero may kulang pa pala. Akala ko ako lang talaga, pero nag hahanap kapa pala ng iba, Akala ko mag ta-tagal tayo, pero pansamantala lang pala. Akala ko hindi mo ako iiwan dahil sabi mo mahal mo ako. Pero ang sabi mo, hanggang dito nalang tayo patawad, mahal ko.

2

Bakit bigla kang nagbago?

Naalala mo pa ba yung mga panahong nginingitian natin yung isa`t isa kapag nagkakasalubong tayo sa daan. Naalala mo ba yung mga panahong nahihiya tayong dalawa na magusap o tumingin sa mata ng isa`t isa. Naalala ko pa nga yung mga panahong walang sawa ka kung magpapansin at magpacute sa akin. Natatawa pa rin ako hanggang ngayon kapag naalala ko yung mga jokes mong napakacorny. Tanda mo pa ba yung mga oras na gusto ko palagi kong hawak ang kamay mo. Yung mga oras na niyayakap kita ng mahigpit, nakakamiss talaga yun. Hinding hindi ko makakalimutan yung unang beses na hinalikan mo ako, napakasaya natin nun. Naalala mo pa ba yung bawat gabi na maguusap tayo sa telepono at hindi mamamalayan ang oras, hanggang sa pareho na nating naisip na puyat na naman tayo. Yung halos palagi naman tayong nakakapagusap pero hindi tayo nauubusan ng kwento. Alam mo ba na lahat ng binigay mo sakin, nakatago pa at iniingatan ko ng sobra. Namimiss ko na yung presensya mo.. yung boses mo.. yung mga kilos at galaw mo.. yung tawa mo.. yung amoy mo.. lahat ng tungkol sayo, namimiss ko. Namimiss ko na talaga yung mga panahong ako pa yung mahal mo. Kung pwede lang kasing ibalik ang nakaraan. Kung pwede lang na sana tayo na lang ulit. Kung okay lang sana na ako na lang ulit. Bakit ka kasi nagbago. Bakit kasi naglaho yung pagmamahal mo. Bakit mo ako iniwan. Bakit mo ako sinaktan.

Pre! Naalala mo pa yung babaeng niloko mo?

Ayun! Takot ng mag-mahal ulit, takot ng masaktan, takot ng umiyak. Kahit anung pilit ng ibang lalaki na ligawan siya, wala talaga. Unang una. Wag na wag kang manliligaw kung lolokohin mo lang din naman. Ma-konsensya ka naman. Akala mo ba ikinagwapo mo na yang pagiging play boy mo? Ang mga babae minamahal, at hindi sinasaktan.