na niya

PARA SAYO

Hindi porket mahal na mahal mo siya eh mahal na mahal ka na din niya.

Hindi porket ginagawa mo sakanya gagawin na din niya sayo.

Di ka pwede magexpect na maramdaman din niya yung nararamdaman mo para sakanya

Oo, masakit. Sobrang sakit.

Yung sakit na hindi mo malaman kung saan ka pa nagkulang. Yung sakit na halos ayaw mo na mabuhay. Yung masakit literal yung puso mo sa sobrang sakit.

Hindi nila maiintindihan yung sakit. Bakit? Kasi wala naman sila sa pwesto mo eh.

Pero yung pakiramdam na putangina, ang sakit sakit na! Gusto mong sumigaw sa sakit! Gusto mo itanong na baket ba ko nasasaktan ng ganito? BAKEEET?

Bago matulog, iiyak. Maalimpungatan, iiyak. Gigising, iiyak. Maghapon? Wala eh putangina iiyak padin eh?

At pag narealize mo na lahat don mas lalong masakit dahil alam mo sa sarili mong kahit ano mangyari hindi na maibabalik yung nakaraan.

Alak? Wala parin eh. Pansamantala lang yung nagsasayahan kayo ng mga kaibigan mo.

Ang pinaka masakit na parte pa don, eh yung paguwi mong nakainom ka. Hihiga ka sa kama mo tapos bigla ka nalang maiiyak.

Iiyak kana naman ng iiyak. Hanggang sa makatulog ka nalang sa kakaiyak mo.

Nakakabaliw ba?

Pero isang araw maiisip mo na hanggang kailan ba ko ganito? Hanggang kailan ko lulunurin yung sarili ko sa sakit?

Ilang inuman man ang dumating. Ilang iyakan man ang nagdaan. Pero aminin mo diba paonti-onti nagiging okay ka?


Araw, linggo, buwan o taon man ang lumipas. Atleast nalagpasan mo lahat. Kinaya mo kahit gano katagal.

Ang sarap sa feeling diba? Nakakangiti kana ulit ng totoong ngiti. Wala rin naman ibang makakatulong satin kundi sarili lang din natin eh.

Kailangan mo lang talaga pagkatiwalaan yung sarili mong kaya mo.

At pagtapos niyan, mauunti unti mo ng maibabalik ang sarili mong nasira.

Tapos, tatawanan mo nalang yung mga kagaguhang ka-emo-hang pinag gagagawa mo noon.

Hahaha! Nakakatawa diba? Maiisip mong mukha ka palang tanga.

ATLEAST…. natuto ka. Yun ang pinaka importante don. 🙂

Sobrang gago ng buhay noh? Pero na satin padin naman kung magpapagago tayo.

Originally posted by l-l-lickmyballs

“Jeremy…” sabi ni Michael. Malakas yung tugtog ng puso niya na parang pa ulit ulit na kidlat o kaya isang tanginang maingay na aso sa kalye. “Jeremy, may sasabihin ako sa ‘yo.”

“Ano?” mahinhin na hirit naman ni Jeremy. Kung halaman yung boses niya, siguro makahiya, charot.

“Ibig ko lang sabihin na–” at lumapit si Michael (in the backseat of your rover) kay Jeremy. Sobrang lapit. As in wala nang space for the holy spirit kind of lapit. Muntik na halikan na ni Michael si Jeremy, ngunit 'di niya 'to ginawa. Imbis na yun, sabi niya kay Jeremy, mukha na labis na seryoso, “Gago ka.”

ANG KONSEPTO NG CLOSURE AY HINDI PARA SA INIWAN AT NANG-IWAN

Sabi kasi nila, kelangan daw ng closure para tuluyan kang makapagmove-on. Kelangan mong malaman ang eksaktong dahilan kung bakit kayo naghiwalay para maging malinaw sa’yo ang lahat.  ‘Cos not knowing can be the worst feeling of all.

Pero kapag ba nasagot lahat ng tanong mo makakamove-on ka na nun? Maniniwala ka ba sa isasagot niya o may ineexpect kang sagot para sa kanya dahil naka-plot na sa utak mo yung mga gusto mong marinig? Di ka na ba masasaktan? Kung ganon din lang eh di sana ginawa na lang tableta o capsule yang closure na yan at ipinagbili na lang sa botika.

Ang closure ay isang malaking excuse lang para paulit-ulti mong sabihin sa sarili mo na mahirap magmove-on. Na dumedepende ka pa rin sa kapirasong salitang pwede mong marinig sa kanya para masabi mong okay ka na.

When one ends a relationship, that’s it! Tapos na. Wala ng Book 2. Wala ng Part 2. The End. Hindi ka na pwedeng humirit pa ng 4-hrs finale para mai-justify ang ending niyong dalawa. Wag mong idepende ang feelings mo sa taong iniwan ka na. 

No matter how it ended, kesyo bigla na lang hindi nagparamdam o nalaman mo na lang na may iba nang kinakalantari or nagkaroon kayo ng formal break-up sa harap ng 7eleven habang sinisimot ang tirang yelo ng Slurpee, yun na yon. You. Broke. Up. Ano pa bang closure ang kelangan? Hindi ka na niya mahal. Hindi pa ba sapat na closure yon?

Minsan kinakailangan mo lang ng closure dahil meron kang “ideal way” ng pakikipagbreak. May gusto kang paraan kung paano kayo maghihiwalay. Kase ang gusto natin ay yung breakup na hindi tayo masyadong masasaktan. Yung “medyo masakit na break-up” lang. Eh wala naman kasing ganun. Break-ups never happen the way we want them too. Unless may pa-eulogy pa kayo sa isa’t-isa habang kumakanta ang Madrigal Singers ng ‘Hindi Kita Malilimutan” or may pa-impromptu kayo habang lumalaklak ng beer. 

Ang konsepto ng closure ay hindi para sa iniwan at sa nang-iwan. It’s between you and yourself that you have to work things out. Wag mong ipaubaya sa “konsepto ng closure" yung kahihinatnan ng damdamin mo. Tamad mo magmove-on eh no? Sariling sikap tayo hoy. Ang issue dito ay hindi na tungkol sa’yo at sa kanya. Sa’yong sa’yo na ‘to. Ito yung kung paano mo tatanggapin sa sarili mo na tapos na ang lahat ng meron sa inyo at hindi na pwedeng ibalik pa.  ‘Cos a break-up alone is already a closure.

Case closed. Uwian na. Walang nanalo. Pareho kayong talo.

Lam mo yung ginagawa mo lahat para maging positive sa buhay pero hindi talaga kaya at sobrang nararamdaman mong pagod ka sa lahat ng nangyayari sa ‘yo? Yun bang ramdam mong pagod ka at ito yung klase ng pagod na hindi kaya ng pahinga. Minsan magsasawa ka na nasasaktan ka sa paulit-ulit na dahilan at dadating sa puntong wala ng lesson na nakukuha dahil 'yon na naman yung nangyari sa 'yo.

Minsan hindi mo alam kung may plano ba talaga sa 'yo eh. Hindi mo naman pinipilit at di mo hinahanap pero kapag sinubukan mong magkaroon ng pake sa mga dumating? Sa huli nakikita mo ang sarili mong hawak ulit nila. Tipong kahit gaano mo pinrotektahan ang sarili mo ay isusuko mo ito sa taong 'yon at magtitiwalang aalagaan nila ito kahit sobrang durog na.

Minsan di mo gets yung tadhana bakit gusto niya laging mag-isa ka at dadaanan lang ng mga tao na habang hinahanap din 'yong taong para sa kanila. Ayaw mong sanayin ang sarili mo sa kanila pero habang tumatagal ay nagiging paborito mo siya. Parang gusto mo palaging marinig ang boses niya o magkaroon man lang ng tiyansa na mahawakan ang kamay niya dahil doon mo mararamdamang pwede pa rin pala sumaya, na umiikot pa rin pala ang mundo, na gumagalaw ka rin pala.

Pero habang tumatagal bigla na lang sila lumalamig kapag nagiging okay na sila. Para bang sarangola na papaliparin ka ng mataas at bigla nilang puputulin ang tali para di ka na makabalik sa kanila. Tulad ng sarangolang nasa itaas na walang tali. Magiging malaya ka pansamantala, pero babagsak ka pa rin sa lupa. At di ka na ulit makakatayo at kailangan mo ng bagong tao na makakapulot at magpapalipad sa 'yo. Minsan, mapapahinga ka na lang nang malalim at maluluha na lang bigla kapag nakita mo ang sarili mo sa salamin. Naaawa ka sa taong nakikita mo. Isang taong repleksyon ng kalungkutan. Isang taong nais lumaban pero hindi hinahayaan. Isang taong nais lang din mahalin tulad ng ginagawa niya madalas. Mapapatanong ka na lang talaga kung bakit ang dali mong tiisin at iwan? Ano bang mali? Kung ang palagi mo lang ginagawa ay tama.

Para ito sa mga babaeng biglang iniwan ng mga lalake at hindi biglang nagparamdam, sa mga babaeng patuloy na pinapaasa ng mga lalake pero patuloy pa ring naghihintay. Para ito sa mga nagsasabing mahal ka nila pero hindi niya pa rin kayang pumasok sa relasyon.  May mga makasariling mga lalake, nagkakataon na ang isang babae napupunta sa iisang klase ng lalake kaya ang mga babaeng nakakaranas nun ay hindi na rin masisisi. Pero dapat iniisip pa rin niya na buksan pa rin ang puso niya para sa mga deserving na dadating. May mga lalakeng gusto lang yung mga benefits na nakukuha kapag magkasama kayo. Yung mga bagay na tinitaken for granted niya sa inyo. Yung tipong kahit hindi pa kayo e naibibigay mo na agad ang gusto niya. Huwag kasi ganun girls. Lalo na kung hindi pa malinaw kung ano ang meron kayo. Huwag agad magtitiwala, basta tandaan mo tong sasabihin ko “Huwag mo ibibigay lahat, lalo na yan” gets? Di ko na kailangan I elaborate pa. Tulad nga ng sabi ko dati “ Madaling magsabi ng salitang “Mahal kita, Kahit sino pwede magsabi niyan. Pero magpatunay, minsan nga wala pa. Lahat ng magagandang salita sasabihin niyan makuha lang ang tiwala mo. Kaso ang problema nga dito is nagsisinungaling siya. So paano mo malalaman? Kinukuha niya ang kahinaan mo. Nagiging peke siya sa sarili niya dahil ang pinapakita niyang tao e yung bagay na gusto mo. Syempre, yun ang target niya dahil yun ang gusto mo eh. Pero minsan ang katotohanan e roleplay lang ang lahat. Maaring nandyan siya palagi sayo. Pero parang kalokohan yung sobrang sweet niyo na, yung halos kayo na. Pero hindi ka pa rin niya kayang panindigan? Kumbaga yung pangangailangan niya muna bago yung pangangailangan mo. Laging ganun na lang lagi. Tipong bago mo maranasan ang isang bagay, kelangan siya muna ang unang makakaranas nun. Best example na dun is yung kasiyahan. Enjoyin mo ang buhay mo neng. Babae ka. Napakaraming pwedeng gawin kung iisipin. Huwag ka muna mag focus sa mga bagay na yan. Kung gusto mo ng relasyon, huwag mo I-tie up ang sarili mo sa mga lalakeng sinasaktan ka lang. Bakit ka mag-titiis? May iba pa dyang handang ibigay ang lahat. Pansinin mo lang. At kapag gusto mo manatiling single, edi go lang. Mas ok yan, bata ka pa naman eh. Enjoyin mo ang buhay. Minsan ka lang magiging dalaga. Huwag mo madaliin ang buhay. Bottom line is huwag kang umasa sa isang bagay na wala naman talagang pupuntahan.

Hindi naman kasi lahat ng lalaki pare-pareho. Sadyang napunta ka lang sa bolero at manloloko.

7 Signs Na May Kabet Siya

Kahit naman gaano na katagal ang isang relasyon, ang pinaka una at tipikal talagang magiging problema niya is mabobored ka na sa partner mo. At minsan kapag bored ang isang tao or natural talaga itong malandi, susubok yan ng ibang ulam. At nandito ang aking listahan ng senyales kung niloloko ka na ba ng iyong kasintahan:

Number #1: Cold na siya sayo. Ganito lang yan kasimple, guys. Kapag nafefeel mong nagiging malamig na sayo ang boyfriend/girlfriend mo, una mong alamin is ANO/SINO ANG NAGPAPAINIT SAKANYA? Emotionally distant na siya sayo. Yung dating pagiging clingy niya sayo, hindi na madalas at talaga nga namang nawalan na siya ng interest sayo.

Number #2: Yung partner mong malumanay at sweet sayo dati, aba nagiging aburido at magagalitin this few weeks? Yun ay dahil nawalan na nga siya ng interest sayo, bawat galaw or hingiin mo sakanya ay pinapalitan niya ng galit, kawalan ng pasensya at simpleng jokes mo ay napipikon na po siya. Yung tipong kahit anong gawin mong comfort sakanya or gawin mo lahat para sakanya still, unhappy parin siya. Kase nga yung happiness niya hindi na ikaw ang source, iba na.

Number #3: Nagkakaroon na kayo ng issue sa privacy na dati wala namang ganoon. Dati naaaccess mo yung Facebook niya. Ngayon nagpalit na siya ng password at bawat puna mo sakanya na kung ano ang password niya, sasabihin niya nasasakal na siya kase masyado ka na daw controlling at nawawalan na siya ng privacy sa relasyon niyo. ANONG PRIVACY PINAGSASABI MO, EH DATI NAAACCESS KO YANG FB MO? Sabay nagpalit ka kase FEELING MO controlling na ako? Wag ako. Ayaw mo lang makita yung mga kabulukan mo sa inbox.

Number #4: Ito po talaga ang pinaka favorite kong kasinungalingan sa lahat, ‘BUSY AKO!’. 8 hours lang po ang trabaho natin sa isang araw at 1 hour doon ay 15 minute break at 45 minutes na lunch. Tapos idadahilan niya sayo na buasy siya kase nagtatrabaho daw po siya at may overtime pa. Aba matinde? Nag lunch at coffee break ka na at lahat hindi mo man lang nahugot ang cellphone mo para magtext at update? Ibang klase to. Hindi ka busy. Iba lang talaga ang pirority mo. Sabihin mo nalang. Trabaho mo mukha mo.

Number #6: All of a sudden naging fitness instructor siya bigla at fashion designer! Pinupush ka na niyang magpapayat, gandahan mo daw ang pananamit mo at concern na din siya sa taba mo. Kase nga kinucompare ka na niya sa kabet niya or sa ka fling niya. 

Number #7: Defensive sa lahat ng bagay. Yung tipong mag tatamang hinala ka tapos susunud sunurin ka niya ng blaming game tapos “Ikaw nga ehhh … blah blah blah”

Maging mapagmatyag po kayo at maging mapangahas sa obserbasyon. Hindi lahat ng nakikita ng mata mo ay totoo. #OkaTokatHashtagBeh

anonymous asked:

KAQIQIL MAPEH TEACHER NAMIN I CANT. ANG MEMA NIYA D NA NAKAKATUWA. His so-called 'jokes' have gotten so offensive that I want to screech in the middle of class. Idagdag mo pa yung pride niya. NAKAKAINIS. Sorry po talaga. Need ko lang talagang ilabas 'to.

bes sabihin mo sa tropa mo at promise pare-parehas kayo ng inis dyan sa mapeh teacher nyo XD

9

TSAMU 2017 May 25, 2017

So early bird again me. Arrived at approximately 11 am I guess? Whutever! Namataan ko nanaman si schoolmate @babaengplywood ako daw ang una! Also met @lovelettersfromthedead hi. Met also @koyish finally nagkita din tayo kahit di sa katip at yun pinapasok niya na muna ko dahil mainit magintay sa labas, panira ng getup hahahah. While waiting sa loob ayun isa rin sa early bird si @definitelyhandsome na nakita ko rin nun sa TSEMU hi there naiwan na kita sorry nung dumating friends ko
Tanaw ako ng tanaw sa labas baka may darating naman na mej kilala ko, ayun nga dumating si @the-contemplation na nagskip pa ng classes, umalis, pero bumalik din together with @medyo-gaga @pleasesmilewheneveryoureadthis @imyoursweetestrevenge kasama din nila si @bunny-in-neverland hi cute mo!

So hi hello ang ganapan lagi,
“Hello ano po url mo? Ahhh ikaw pala yun” (end of conversation)
Hello pala sa mga ibang nakatable ko este nakagroup nalang pala hahaaha Hi Group 1 @nagtataengbolpen @tammyhiddenfeelings @singko-girl @paaambihira @whereisred @estranghera iba pa

Sa uulitin po. My TSAMU experience has always been nice, enjoy, fun and ofcourse memorable

May ituturo ako sa inyo. Medyo na-realize ko lang lately. Alam niyo ba kung bakit hindi kayo napipili at nananatiling option ng mga taong mahal niyo? Kasi kahit yung isa na yung pinili niya ay nandiyan ka pa rin para sa kanya. Hindi dapat ganoon. Huwag mo ibigay ang benefit na meron ka sa buhay niya. Nawala ka sa buhay niya means wala ka na dapat talaga. Hindi ka dapat multong para nasa purgatoryong hindi makawala sa buhay niya. Iparamdam mong nawala ka. Tama na dapat ang pagpaparamdam at putulin mo na ang lahat ng meron kayong dalawa. Hindi pwedeng ikaw na ‘yong sinaktan ikaw pa 'yong nakikisama.

Anxiety lang ang mararamdaman mo diyan. Wala namang mali sa 'yo eh. Sila ang mali umpisa pa lang kaya no need to blame yourself sa mga nangyayari. Once na na-realize mo 'yan? 'Yong self worth na tinatawag ay mararamdaman mo at malalaman mong hindi ka isang shit na pagpipilian lang basta. Magsama ang mga mang-aagaw at manloloko. Maniwala ka sa karma. Kasi totoo 'yon. Sa huli ikaw ang magiging masaya dahil ikaw ang may mabuting puso.

Sana nakatulong at maging masaya na sana ulit ang buhay niyong malulungkot.

Crush mo ‘yong isang tao dahil sa personality.

May ganito pa ba ngayon? ‘Yong sobrang nagugustuhan ‘yong tao dahil sa ugali niya o kaya dahil sobrang bilib siya sa ginagawa ng taong ‘yon? Like magaling magsulat, kumanta, mag-drawin

Nagkacrush ka na ba sa isang tao na hindi tumingin sa itsura? Kasi mostly ‘di ba sa itsura tumitingin ‘yong tao ngayon pag dating sa crush? 

 Gwapo, maganda, cute, etc. Pero ayon, nagka-crush ka na ba sa isang tao dahil sa ugali nya? Sa talent o skill niya? O dahil sa minsan mo siyang nakitang gumawa ng isang bagay na para sa ‘yo ay sobrang remarkable? Eh di ayon na nga nagka-crush ka hindi dahil sa pang pisikal nyang itsura. Tapos sa pagdating ng mga araw eh nade-develop na lalo yung feelings mo para sa kanya, ‘yong dating plain na hitsura ay lalong gumagwapo o gumaganda habang lumilipas ang mga araw. 

Minsan mapapasabi ka na lang na  "Ang cute pala ng dimples nya / ang ganda pala lalo ng mata niya kapag nakangiti sya / pantay at maganda pala ngipin nya, etc. At yung dating simpleng crush lang nauwi na talaga sa totoong love. Para sa akin kasi ang ganda kapag ganito nagsimula yung pagkagusto mo sa isang tao, unrequited love man yan o hindi. 

Iba kasi kapag sa personality ka na-fall sa isang tao. Hindi dahil malaki katawan, sexy, swagger, famous sa Social Media. Tipong magiging bonus lang lahat ng makukuha mo once na tinanggap ka niya. Feel ko ‘yon yung type of love na kaya mo ipaliwanag kasi sobrang naa-amaze ka sa taong ‘yon. Maipapaliwanag mo kung bakit mo siya gusto at isa pa ‘yong way para lalo niyang galingan kasi malay mo gusto ka rin niya? Madalas kasi ganon, kapag nakaka receive ng compliment sa tao ‘yong mga artists. Lalo nilang ginagalingan kasi alam nilang may nakatingin sa kanila. 

Ayon ‘yong mga klase ng Love na hanggang sa pagtanda na talaga. Kapag binalewala niyo ang itsura ng isa’t isa at nagsimulang tumingin sa mismong pagkatao nila. Men, never na magfe-fade ‘yon. For keeps na ang ganung mga tao at huwag mo nang pakakawalan. Ako more on personality kasi. Kapag medyo boyish ka at mahilig ka sa laro at ang strong ng personality ang sarap mong mahalin kasi alam mo ‘yong feeling na ang tapang niya tapos pagdating sa ‘yo ang lambot-lambot niya. Haha!

Sana hindi pa nawawala ‘yong mga taong ganito. Yung bumilib o napamahal dahil sa skills and talent or personality. Hindi ‘yong walang mahanap kasi puro pang display ang gusto. Kaya maraming nasasaktan at hindi nagtatagal. Kaya tinitiis kahit ginagago na. 

- Infelice and Rhadson Thoughts. 

okay, sa totoo lang, ginagamitan ko ng classical conditioning (pavlov) itong crush ko sa office. kaya i consider myself as a weird one kasi kahit anu-ano mga pinaggagagawa ko (or pwede ring i’m just being smart lol). so here it goes, trial and error lang naman talaga to kasi nga hassle gamitan ng psychology ang isang tao. sa una nag try lang ako mag dala ng breakfast na gusto niya since nag suggest siya minsan na gusto daw niya ng ganto at ganyan. edi nagdala na nga ako, tapos tuwang tuwa siya at nag thank you siya. kinabukasan nagdala ulit ako pero ibang pagkain naman, edi makikita mo talaga na natutuwa siya at naulit ng naulit (2 weeks ko to ginawa, okay?) til one day, tinigil ko, nagtataka siya bakit daw hindi na ako nagdadala ng breakfast (i stopped not because naisip ko na parang pg na siya at parang abusado na siya kasi trust me, spoiled din ako doon) gusto ko lang talaga makita yung reaction niya or yung resulta ng plano ko at doon ko naisip na, “ah okay, tumalab nga yung ginagawa ko”. kitang-kita ko yung reaction niya eh. hindi siya sanay kaya tinatawanan ko siya at inaasar. ayun, nag stop na talaga ako sa breakfast thingy at buti naman kahit papano gumana plano ko diba? though sa ibang bagay ko naman ginagawa ngayon like pag after pay day dapat automatic na yayayain ko siya para kumain and vice versa. ayun, lagi rin kami tabi kumain lalo na pag lunch kaya hindi siya sanay na hindi ko siya tinatabihan. haha ang kyot kyot lang at ang bottomline neto, ganto talaga ako mag-isip. mukha lang akong gago pero atleast, i can apply some of the learnings that i acquire from my degree or program. gege good morning :)

ps: medyo risky lang kasi psychology graduate din siya kaya pwedeng alam niya mga pinaggagagawa ko o sadyang manhid lang siya hehez

PAANO MO SABIHIN SA KASAMA MO NA BAD BREATH SIYA IN A MEDYO GOOD WAY?

Isipin mo to ha, araw-araw kang pumapasok sa trabaho para mapaganda ang kinabukasan mo pero yung hininga ng katrabaho mo amoy nakalipas. Daig mo pa dinidelubyo everytime na kinakausap ka niya. Yung tipong dahan-dahang minomolestiya ang bawat hibla ng buhok sa ilong mo habang unti-unting nagdidilim ang paningin mo. Ganung katindi. Tapos ilang beses ka ng nag-alok ng chewing gum pero lagi na lang tinatanggihan.

At ang malala pa, ang hilig pang bumulong.

And you were like,

Kaya ang ending ikaw pa ‘tong nagkaosteoporosis.

At dahil sukdulan na ang paghihirap mo at hindi mo na kayang itago ang pagka-badass bitch mo, kinausap mo na lang siya sa paraang hindi siya maooffend.

#1.

Bes. Ang boring no. Tara toothbrushan kita?”

#2.

Biglang magheadset.

You: “Amoy nabubulok na bagang!!!

Bes: “Excuse me?!”

You: “Ah. lyrics ‘yun sa dito sa kanta bes. Nag-rarap ako. Nadala ka?”

#3.

“Wait. Uminom ka ba ng kanal?” 

#4.

You: “Ang baho ng utot!!!”

Bes: “Ha?!”

You: “Ay hindi ba. Sorryyy baka hininga mo lang yon.”

#5.

“Bes. Try mo ding wag umasa sa V-Fresh ha.”

#6.

You: “Ang baho ng hininga mo.”

Bes: “What?!”

You: “Bes hindi ikaw. Yung kausap ko sa phone. Pero pwede din sa’yo.”

#7.

“Bes. tae ba toothpaste mo?”

#8.

“Oo alam kong nasaktan ka. Alam kong niloko ka. Pero hindi sapat yun para hindi ka magtoothbrush. Wag ganon.”

#9.

“Bes aware ka ba na naimbento na ang toothbrush?”

#10.

“Bes tara! Kain tayo toothpaste.”

#11.

You: “Good morning bes.”

Bes: “Gabi na ah”

You: “Ayy. Akala ko umaga pa. Amoy bagong gising ka kasi.”

#12.

“Kumain ka na naman ng panis?”

#13.

“Bes. Remind ko lang. Sa pwet tayo umuutot hindi sa bibig ha.”

Pero siyempre may 3 bagay na dapat tandaan bago isagawa ang plano.

1. Dapat walang ibang tao. Para hindi niya maramdaman na nahuhumiliate siya.

2. Dapat pa-joke. Para hindi masyadong masakit.

3. Dapat hindi ka din bad breath. Para hindi ka masabihan ng, “OMG. It’s a tie!”

Pero kung wala ka talagang lakas ng loob sabihin sa kanya,  

Idaan sa OOTD.


Or  i-airbend mo na lang yung hininga niya pabalik sa ilong niya. Namemersonal na eh.

Isa sa napaka interesting kay Rizal eh mga relationships niya.

1. SEGUNDA KATIGBAK
-batangueña, 14 yrs old nung lumandi kay Rizal, batang bata, fresh na fresh
-maagang lumandi kaya na engaged kay Manuel Luz

2. MISS L
-nilarawan ni Rizal as “fair with seductive and attractive eyes” kaya feeling ko mas matanda kay Rizal. Di pinangalan ni Rizal.
-di rin sila nagkatuluyan kasi ayaw ng pudra ni Rizal ang family ni Miss L at di pa gaanong naka move on kay Segunda babylove. First cut is the deepest daw.

3. LEONOR VALENZUELA
-kapitbahay niya sa boarding house niya
-sent her love notes written in invisible ink. Taray ni gurl!
-wala talagang forever.

4. LEONOR RIVERA
-another leonor, coincidence kaya?
-daughter of his landlord-uncle, yahhh PINSAN niya at anak ng landlord niya.
-described her as a frail, pretty girl tender as a budding flower with kindly wistful eyes.
-naging engaged sila for a long time pero ipinakasal siya ni Mother dear sa isang Englishman kasi ayaw ni mudra si Rizal as son-in-law.

5. VICENTA YBARDOLAZA
-pretty girl colegiala and played harp at Regalado home. The typical it-girl.
-infatuation lang daw kasi si leonor parin. Ikaw lang bebeko.

6. CONSUELO ORTIGA y PEREZ
-gumawa pa ng poem si Rizal entitled A La Señorita C.O.y P. para magpasikat. Kilig na kilig naman so gurl
-pero di ulit natuloy kasi di parin niya nalilimutan si Leonor at type siya ng friend ni Rizal, si Eduardo de Lete

7. SEIKO USUI (O-SEI-SAN)
-panakip butas kay Rivera
-NBSB si gurl
-naging tourist guide siya, binigay na ang lahat pero iniwan parin

8. GETRUDE BECKETT
-mandaragit talaga si Rizal ng mga anak ng landlord niya kaya nahuli niya si Getti
-brown hair at blue eyes kasi siya
-tawagan nila eh Gettie at Pettie. Cute hahah
-rizal suddenly realized that he could not marry her kasi inang bayan must come first

9. PETITE JACOBY
-again, a pretty niece of his landlady
-short but sweet relationship

10. NELLIE BOUSTEAD
-tinuhog si Rizal after Antonio Luna pero payag si Luna na pakasalan niya si Rizal
-pero di natuloy ang kasalan kasi gusto ni gurl maging Protestant si Rizal at ayaw din ng mudrabels ni girlalu
-friends parin naman “daw”

11. JOSEPHINE BRACKEN
-slender, chesnut blond at blue eyes
-nagpakasal sila after one month na mag on. Ura urada. Wag ng pakawalan hahah
-married themselves kasi ayaw sila ikasal ni Father Obach
-nagka anak sila pero namatay din after 3 hrs. of birth
-his last ♡

Bakit ang nang-iiwan ang palaging mali? Bakit ang mga naiwan, yun ang tama? Ganun ba? Paano kapag napagod? Paano kapag sobra na? Paano kapag hindi na kaya? Dun ba papasok ang sinasabing “Kung mahal mo, kakayanin mo?” Ganun ba? Magtitiis kahit masakit? Idadahilan na hindi mahal dahil hindi kaya ipaglaban? Paano kapag ikaw lang naman ang lumalaban at yung isa sumuko na? Paano kapag gusto niya naman talagang hiwalayan ka at naghihintay na lang siya, para sa mata ng tao, ikaw ang mali. Dahil ikaw ang susuko. Hindi naman siguro lahat ng nang-iiwan, meron ng nakareserba, pinlano, o hindi na mahal. Yung iba, may rason na malabo lang talaga nating maintindihan.

Madaling sabihin na acceptance ang solusyon para sa lahat. But the process para matanggap mo lahat ‘yung nagpapahirap. Tipong tatanungin mo sarili mo kung saan ka ba talaga magsisimula. Tatanungin mo sarili mo kung kaya mo na ba talagang mabuhay ng wala siya? Hindi na ba siya ang nakikita mo sa future? Handa ka na bang makita siyang hawak ng iba? It’s the fear that cause you to hold on e. Takot ka kaya dun ka sa easiest path pero walang kasiguraduhan. Doon ka sa akala mong madali pero palagi kang nasasaktan.

Kahit ako minsan nagtataka na majority sa taong iniwan at sinaktan e sila pa ang naghahabol. In the first place sila ang ginawan ng kasalanan. Bakit sila pa ang magmamakaawa? You don’t beg for love. Kapag hindi na niya kayang ibigay then it’s the end of the line. Yes guys, masakit na katotohanan pero take it as a challenge para mas maging mabuting tao pa. Gawin mo itong inspiration para patunayan na hindi ka worth it saktan at iwan ng ganoon lang. Trust me, dadami kaibigan mo at taong makaka appreciate sa 'yo. Swerte ka pa rin. Promise, swerte ka pa rin.