murang

cambaganda  asked:

Hello po gusto ko lang itanong, ano pong maisa-suggest niyo na favorite niyong history books para sa mga interesadong ukilkilin ang kasaysayan? Salamat po!

Napapanahon ang tanong dahil ang Agosto ay Buwan ng Kasaysayan! Ito ang aking munting listahan. Sana ay makatulong! :)

Kung ikaw ay baguhan sa kasaysayan ng Pilipinas, iminumungkahi ko ang The History of the Filipino People ni Teodoro Agoncillo. Mababasa mo sa iisang librong ito ang kabuuang buod ng kasaysayan ng bansa pati na rin ang naratibong nagbibigay saysay sa mga pangyayari sa bawat yugto ng ating pagkabansa. Marami nga lang na mga historyador ang nagsasabing “outdated” na ang aklat na ito (sumasang ayon ako sa kanila), dahil marami na ring nagsilabasang mga librong sinama na ang mga kasalukuyang pag aaral. Ngunit ang akdang ito’y nananatiling “classic” sa kasaysayan dahil na rin siguro sa dali nitong basahin. Di ka magkakamali kay Agoncillo, na tinaguriang National Scientist at “pioneer” sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, kasama nina Nicolas Zafra, Encarnacion Alzona, Horacio de la Costa, at Gregorio Zaide. Ang aklat ring ito ay mabibili sa mga lokal na bookstores sa bansa.

Mayroon din namang mas maikling aklat na sumasaklaw sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Para sa inip at nagmamadali, ang pocket book na A History of the Philippines ni Samuel K. Tan, dating tagapangulo ng National Historical Commission of the Philippines, ay para sa kanila.

Makakatulong rin ang Readings in Philippine History ni Horacio de la Costa. Tinipon ni de la Costa ang ilang mga saligang babasahin, mga primaryang batis (primary sources) na galing mismo sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas, kasama ang kanyang sariling analysis at komentaryo. Ang mga komentaryo niya ay sumasalamin rin sa kanyang pananaw bilang isang Heswita, isa sa mga pananaw na bagamat hindi ako lubos na sang-ayon ay nagbibigay rin ng ibang anggulo sa pagtingin sa mga kaganapan ng nakaraan.

Para sa mas masinsing pag-aaral ng kasaysayan, ang 10-volume Kasaysayan: History of the Filipino People ay ang kaisa-isang “historical encyclopedia” tungkol sa Pilipinas. Ito’y inilathala ng Reader’s Digest sa pamamagitan ng Asia Publishing Company Ltd., at binubuo ng mga sanaysay at artikulo mula sa iba’t ibang mga kilala at mapagkakatiwalaang historyador sa bansa. Kasama na rin rito ang listahan ng mga pangkat etniko at iba’t ibang wika ng bansa. Dati, ito’y nagkakahalagang PhP 10,000.00 ngunit kamakailan, nagkaroon ng sale ang Fully Booked at mabibili na lamang ang buong bookset ng mga PhP 1,898.00 na lamang. Iyon nga lamang ay nagtatapos ang seryeng ito sa taong 1998, kung kailan ito ipinrinta at inilabas, sa sentenaryo ng proklamasyon ng kalayaan.

Sa mga talambuhay (biography) inirerekomenda ko ng walang humpay ang The First Filipino ni Leon Ma. Guerrero, isang kilalang embahador. Ika nga ni Guerrero, kung gusto mong malaman paano nagsimula ang pagkakakilanlan ng Pilipino, magsimula ka sa buhay ni Rizal, na siyang unang tumawag sa kanyang mga kababayan bilang “Filipino.” Groundbreaking rin ang akdang ito dahil si Guerrero ang tanging sumulat na si Rizal ang unang Protestante ng bansa, at dahil rito, hindi niya binawi ang kanyang isinulat (recant) bago siya pinatawan ng sentensyang kamatayan. Ang husay ng pagkakasulat nito kaya’t ‘di nakapagtatakang ito’y iginawad ng “First Prize” sa Rizal Biography Contest ng Jose Rizal National Centennial Commission noong 1961. 

Isa pang magandang talambuhay ang Mabini and the Philippine Revolution na inakda ni Cesar Adib Majul. Makikitang hindi basta bastang rebolusyonaryo si Mabini. Ginamit niya ang talino’t kaalaman bilang mambabatas para ipagtanggol ang Pilipinas habang ito’y nakikidigma sa mga Amerikano noong Philippine-American War. Ipinaliwanag ni Majul na si Mabini ang unang bumuo ng kaisipang pampulitikal at pilosopiya ng Unang Republika ng Pilipinas, na kaakibat ng kaunaunahang burukrasya ng unang pamahalaang pinamumunuan ng mga Pilipino.  

Kung ang interes mo naman ay ang Pilipinas bago dumating ang mga Kastila, isang librong di dapat palampasin ay ang Barangay: Sixteenth-Century Philippine Culture and History ni William Henry Scott. Ang may-akda ay isang Amerikanong antropologo at misyonero ng Simbahang Episkopalya na namalagi sa Sagada sa Hilagang Luzon. Siya rin ay kilalang historyador ng Prehispanic Philippines at kilalang nagpruwebang ang Code of Kalantiaw ay isang pekeng dokumento. Ang aklat na Barangay ay punung-puno ng ilustrasyon, mga pagsasalarawan ng pamumuhay ng mga Pilipino, at mga sinaunang kaugalian, kultura at pananalita, bago nanakop ang mga Kanluranin sa kapuluan. Lahat ito ay binase ng antropologo sa mga nahukay na artifacts, at mga nasulat ng mga unang Kastilang unang naka engkwentro ang Pilipino. Hinati ang libro sa kategorya ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa isa namang bihirang pagsusuri sa kasaysayan ng Islam sa Pilipinas, iminumungkahi kong basahin ang Muslims in the Philippines ni Cesar Adib Majul. Kahit na mas sikat ang may-akda sa pagsulat ng talambuhay ni Mabini, sa tingin ko, ito ang kanyang obra, dahil sa akdang ito malalaman mula sa mga primaryang batis paano naitatag ang mga sinaunang sultanato sa Mindanao mga ilang siglo bago pa dumating ang mga Kastila. Si Majul ay isang Muslim, at bagamat ito ang kanyang bias, makikita ang kanyang masusing pagtingin bilang isang historyador na walang pinapanigan kundi ang mga primaryang batis na kinilatis niya kanyang kapanahunan. Ang aklat ay nagbibigay diin sa pananaw na ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang kultura, wika at relihiyon, na may kani-kaniyang kontekstong pangkasaysayan.

Siyempre, hindi sapat ang malaman lamang ang mga impormasyon tungkol sa kasaysayan. Mahalaga ang interpretasyon, at ito’y ibinibigay ni Nick Joaquin sa kanyang Culture and History. Si Joaquin ay tinaguriang National Artist for Literature, at bagamat hindi siya historyador kundi isang malikhaing manunulat, ang nasabing aklat ay mga tinipong mga sanaysay niyang inilabas noon sa pahayagan patungkol sa kasaysayan, kultura at pagkakakilanlan. Isa sa mga natatanging sanaysay na inirerekomenda ko sa librong ito (kahit hindi ako sang-ayon rito) ay ang “Heritage of Smallness.”

Isa pang minumungkahi ko ay ang aklat ni Floro Quibuyen na pinamagatang A Nation Aborted: Rizal, American Hegemony and Philippine Nationalism. Sa aklat na ito, pinatunayan ni Quibuyen na hindi totoong labag si Rizal sa himagsikan nuong panahon ng Rebolusyon. Sinuportahan pa nga niya ito. Hindi rin totoong ang aspirasyon ni Rizal ay para lamang sa Ilustrado at di pang-masa. Ang nasabing negatibong pagtingin kay Rizal ayon kay Quibuyen ay dulot ng mga maka-Kaliwang iskolar na di lubos na nauunawaan si Rizal. Bagamat nakakapagpabagabag, hindi ka magsisisi sa librong ito. Hinahamon nito ang mambabasa na huwag lamang tanggapin ang sinasabi ng nakararaming iskolar kundi suriin mismo at unawaain ang mga naisulat ni Rizal.

At dahil napapanahon ang “historical revisionism” sa bansa na kailangang sagupain ng bawat historyador, huli kong inirerekomenda ang Marcos Martial Law: Never Again ni Raissa Robles, isang kilala at ginagalang na peryodista at mamamahayag. Marami nang libro ang naisulat patungkol sa panahon ng Martial Law (1972-1986) ngunit ang librong ito na inilabas lamang ngayong taon, ay nagbibigay ng buod sa madilim na yugtong ito ng kasaysayan. Isinama ni Robles sa aklat ang mga litrato, artikulo ng panahon, editorial cartoons, mga datos at graphs, mga sariling kuwento ng mga biktima ng dahas ng militar, pati na rin ang mga organizational chart at chain of command ni Pangulong Ferdinand Marcos. Makikita ang malinaw na sistematikong pagkitil sa kalayaan at karapatang pantao ng mamamayan noon, habang patuloy na nasadlak ang bansa sa utang at kahirapan. Hindi ko pa ito tapos basahin ngunit ito’y magandang panimula sa mga librong pangkasaysayan patungkol sa rehimeng Marcos. Mabibili ang Student Edition ng nasabing aklat sa murang halaga na PhP 300.00 sa National Bookstore.

Sana’y nakatulong ito kahit sa maliit na paraan. Happy book hunting!


*All photos of book covers belong to their respective owners. 

05122017 - 11:47pm

Dahil sobrang stress namin ni Sir Erron sa work nag aya kami na magkita kita ngayon gabi. Yung dapat sa murang fastfood, napunta sa hindi naman namin madalas kinakainan. Ang yayayaman na ng mga bes. Lol. Nawala lahat ng stress ko sa timekeeping this week dahil sa mga ‘to. Sa walang humpay na tawanan kasi wala, jologs ata talaga ako. Hahahahahahaha.

At dahil birth month namin ni Michelle nagkaroon ng biglaang plano sa birthday ko next week. Nakakaexcite pero huwag na muna. Hahahahaha. Sana next time kompleto na yung Team Recruitment. Soon..

PAANO MAGKUNWARING CONFIDENTLY BUSY SA TRABAHO WITH A HEART

1. Kapag aakyat ng hagdan o papasok sa elevator, umaktong parang nagmamadali para kunware may ‘sense of urgency’ at may deadline na kelangang tapusin.

2. Nasa folder ang tagumpay. Siguraduhing palaging may bitbit na folder kapag maglalakad sa hallway para hindi ka mahalatang nagpapacute lang sa guard. 

3. Medyo gulu-guluhin ang desk kung palihim kang sasideline ng pedicure at magtitinda ng turon sa mga kaopisina mo. 

4. Magpanggap na laging may sinusulat kahit wala naman. Kahit ang totoo, finFLAMES mo lang naman yung pangalan mo at yung kargador na nameet mo dun sa kanto.

5.  Kung tatambay ka lang sa desk mo, magpanggap na may iniisip na malalim. Mas epektib kapag may hawak na bolpen habang kinakagat yung dulo. Kahit ang totoo, pinagpapantasyahan mo lang naman yung latest DP ng crush mo.

6. Wag tumae sa bahay kung pwede mo naman yung gawin sa trabaho. Atleast dito, bayad yung oras mo. Therefore, bayad din ang pagtae mo.

8. Hawakan lagi ang mouse at keyboard kapag nakaupo. Para kapag biglang dumating ang boss mo, mega-dutdot pa more para marinig niyang nagttype ka. Kahit ang totoo, nagyu-Youtube ka lang ng mga past episodes ng “Pasion De Amor”.    

9. Maglunch sa sarili mong desk. Iisipin nilang sa sobrang busy mo sa trabaho wala ka ng time pumunta ng pantry. Pero ang totoo, nahihiya ka lang umorder ng extra rice kaya nagdala ka na lang ng sarili mong kaldero.

10. Kapag bawal mag-FB sa oras ng trabaho, ikwento na lang sa pader kung gaano kamiserable ang buhay pag-ibig mo. Tutal, wala namang may pake.

11. Magpanggap na madaming pinapa-photocopy. Kahit ang totoo, puro voucher lang naman yun ng mga murang masahehan na may extra service na may 50% promo. 

12. Kapag magpapanggap na may kausap sa telepono, dapat may katabing notebook din para kunwari may ka-business call. Kahit ang totoo, pinaplano mo lang naman yung pang-aura outfit mo ‘pag nag-Valkirie kayo mamaya.

13. Kapakapain ang mga kulangot na ipinahid mo sa ilalim ng desk mo at alamin ang significance ng bawat isa sa buhay mo. Maybe soon, you’ll find yourself.


And then, UWIAN NAAAA!!!!

"FRENCH FRIES IS PAG-IBIG"

Kapag may mga nagttxt sa'ken na mga promo promo, dedma lang yung inaabot nila sa'ken. Tulad ng 10% discount sa facial worth 300php pero kelangan mo munang magpadiamond peel at power peel worth 10k, murang condo sa Makati, house and lot sa Cavite, gumagawa ng sirang ref at celfone. Kulang na lang makatanggap ako ng txt na nagbebenta sila ng sariwang isda at gulay. Pero ibang usapan ito na talaga namang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

FRENCH FRIESSSSS jusko! Kuhang-kuha agad yung loob ko. Nalibugan agad ako sobra. Buong buhay ko ngayon lang ako pumatol sa text promo. Large french fries kasi ‘to tapos may drinks pa. Tapos konting tambling lang sa bahay namin yung Potato Corner. Mabasa ko pa lang yung 'free french fries’ naglaway na agad ako. Tapos di na magkaintindihan yung daliri ko sa pagreregister. Namental block na 'ko. Parang nahypnotized na ako ganyan. Wala akong pake dun sa iPhone 6. May chance chance pa silang nalalaman. Ang chance, binibigay lang yan sa mga taong deserving. Kanila na yung iPhone 6 basta ibigay lang nila sa'ken yung french fries ko. Iba kasi yung ligayang dulot kapag libre. Isipin mo yun, papetiks petiks lang ako habang nangungulangot tapos parang may lalagapak na lang na large french fries sa kinahihigaan ko. Parang mapapaisip ka na lang, “Ano bang ginawa kong maganda sa buhay ko para pagkalooban ako ng ganitong klaseng pagpapala." Saya nu? :)

Hanggang ngayon wala pa ring dumadating na reply. Kanina pa 'ko naghihintay. Malas na nga pag-ibig malas pa rin sa pagkain. Mundong kay lupit, bakit.

Siguro pag nakita o narinig mo yang lines na yan ay iisipin mo agad yung kanta ng The Script na The Man Who Can’t Be Moved pero hindi niyo ba alam na may ilang lalaki din ang nakakaranas niyan?

Yung lalaking nagmahal ng sobra sa isang babaeng sinaktan o iniwan lang siya. Tapos sa sobrang lungkot ng buhay niya dahil sa mga ngyari ay naghanap na lang siya ng pagmamahal mula sa iba. Minsan akala niyo malandi lang yung lalaki pero hindi niyo alam na nasasaktan talaga siya, kaya siya naghahanap ng pagmamahal mula sa isang babaeng kayang intindihin ang sitwasyon niya. Kaso madalas imbes na mahalin din siya eh siya pa yung niloloko, pinapaasa, iniiwan, ginagago at sinasaktan ng mga babaeng sumunod dun sa babaeng minahal niya ng sobra. Akala nung lalaki yung babaeng nagcocomfort sa kanya ay mamahalin din siya ang hindi niya alam minsan ginagawa lang siyang reserve, palipas oras at kalandian lang nung babae.


“Sabi nila mabilis mafall ang mga babae pero MAS mabilis kaming mafall sa totoo lang. Yung mga simpleng sweet words at effort lang ng isang babae sa amin ay mahuhulog na talaga kami lalo na kung broken hearted kami o nasa magulong sitwasyon sa buhay pag-ibig.”

“Takot kaming mga lalaki dumating sa point na kung saan wala kaming makakapitan sa oras ng mga problema. Oo, malakas at matapang kami pero may times na takot na takot kami sa mundo. Yung feeling ng mag isa lang kami sa buhay? Yung feeling walang nakakaintindi sa amin? Yung feeling na wala na kaming ginawang tama? at yung feeling na wala ng nagmamahal sa amin? Madaming pakiramdam ang ayaw naming maranasan mag isa.
Kaya nga kami naghahanap ng girlfriend eh, kasi kailangan namin ng makakasama sa buhay, kailangan namin ng makakaintindi sa amin, kailangan namin ng magsasabi ng tama at magtatama ng mga pagkakamali namin, at kailangan namin ng may magmamahal sa amin.”

“Bilang isang lalaki hirap na hirap kaming gumising kada umaga pag wasak ang puso namin. Akala ng iba masaya kami, hindi nila alam na bago kami matulog ay lumuluha o umiiyak kami ng dahil sa isang babae. Syiempre nagmahal kami eh, totoo at walang halong biro. Magaling lang kaming mag tago ng aming nararamdaman kaya hindi alam ng kahit sino kung gaano kami nasasaktan. Hindi man nakikita ng babaeng mahal namin yung sakit pero kitang kita namin yun kasi kami mismo ang nakakaramdam sa puso’t isipan namin.”

“May times na malandi kami lalo na pag sawi ang puso namin. Alam namin na mali ang maging malandi pero nagagawa namin yun dahil naghahanap kami ng pagmamahal mula sa iba. Kaya pati kami nagiging malandi minsan dahil takot na kaming muling magmahal ng sobra. Siguro dahil na din sa huling babaeng naging dahilan ng sakit sa aming mga puso. Takot kaming muling maramdaman yun. Pero sa totoo lang nararamdaman pa namin yung sakit eh. Niloloko nga lang namin yung sarili namin madalas kapag sinasabi namin na AYOS LANG AKO lines.”

“Ang hirap magmahal, nakaka gago, nakaka asar, nakaka tanga. Sorry sa mura, pero walang murang kayang mag explain ng sakit. Ang hirap mag move on sa taong minahal mo ng sobra. Yung sobrang sobra mo siyang mahal pero sobra sobra din yung sakit. Ang unfair kasi lagi na lang sinasabi na kaming mga lalaki yung mangloloko, paasa, mangiiwan at mang gagago. Pero sa totoo lang madami din naman babaeng gumagawa nun eh. Ang hirap talaga, sobra, sobra pa sa sobra. Minsan nga hindi ka na lang makagalaw sa sakit. Yung nasa isang tabi ka tapos nakikita mong masaya ang lahat pero lang sa isang tao at ikaw yun.”

Siguro sinasabi ng iba na nasisiraan na ako, pero sa totoo lang….


Lalaki ako, nagmahal, umasang mamahalin din, ngunit nasaktan lang. Mararamdaman at maiintindihan mo din ako at ang sakit na nararamdaman ko kapag nawala sayo yung taong minahal mo ng sobra pa sa sobra.


-Lalaking nagmahal

THE PAOLO VIDEONESS SEX SCANDAL

Kung napanuod mo na ang kumakalat na sex video ng isang lalaking host ( nasa tamang edad) kasama ang isang ‘da who’ na babae ( nasa tama ang edad ), congratulations! isa kang Certified Hayok-sa-laman.

At bilang baguhan at inosente sa mga ganitong bagay, ito ang ilan sa mga napansin kong nakapagpagulo sa aking murang pag-iisip.

  1. Ilang araw bago ipalabas ang trailer ng 50 Shades of Grey ay ang pagsiwalat ng nasabing sex video na ito. Nangangahulugan lamang na malapit ng magunaw ang mundo.
  2. Hindi naisip ni lalaking host na gumamit ng monopod habang nagvivideo.
  3. Ang pagpalo ni lalaking host sa pwet ni girl ‘da who’ at ang kanilang pag-indayog habang isinasagawa ang matinding orasyon ay synchronized at tumutugma sa kantang “Boom Panes”.
  4. May konting fats na medyo umaalon-alon sa parteng tiyan ni ate na dulot yata ng extra rice pero nadala naman ito ng kanyang diamond piercing sa pusod.
  5. Dalawang sexual position lang ang kanilang ginawa. Una dito ay ang “Basain-mo-ang-Tuyo-kong-Lumpia-Mode”. Ngunit hindi maikakailang naijustify ni ate ang pagbukaka ng kanyang legs habang siya ay nakaside view. “Gunting Mode” naman ang tawag sa paandar niyang ito.
  6. Kung izoozoom mong mabuti ang betlog ni lalaking host, mapapansin mong andun si Maja at nagsasayaw ng “Dahan-dahan Lang.” Mapapashit brix ka.
  7. Hindi madumi ang pusod, check! Walang putik ang talampakan, check! Pero ipinahid ang taho sa kumot. Anong sasabihin ng labandera ng kumot? “Boom Lagket!”
  8. Distracting masyado yung malaking relo ni ate. Bra at panty nga hindi nakalimutang hubarin, bakit yung relo andun pa rin? Isa ba itong premonition na nagsasabing, “Bilang na ang mga malalanding araw mo ghurl. Kakalat ang sex video na ito sa takdang panahon.”

At kung lumobo lang ang sipon mo dahil hindi ka nakarelate at hindi mo napanuod ang nasabing video, pagtiyagaan na lang ang sex video ni Mang Kanor at Wally Bayola.

Ama namin, sumasalangit Ka
sambahin ang ngalan Mo
mapa-sa amin ang kaharian Mo
sundin ang loob Mo
dito sa lupa para ng sa langit…

             But why do they do
             what they do not speak
             whenever they feel blessed.
             I doubt that that is the work
             of the Holiness.

Patawarin mo kaming makasalanan.

                                                            “E putanginang bata ka pala e,
                                                            madungis, salot, palaboy
                                                            huwag mo akong hawakan!”
                                                            the woman with a rosary said—
                     habang ang batang pulubi’y hindi na halos makatayo
                     nanghihingi ng limos sa ilalim ng tirik na tirik na araw
                     nagsusumamong mabigyang-laman ang tiyang kumukulo,
                     suot ang kwintas na krus sa paniniwalang isang araw—
                     ang panginoon ang siyang magsasalba sa kanya
                    mula sa mundo.

                               Sino ka para husgahan ako?
              Sino ka para sabihing ako ay mali at ikaw ay tama?
                     Sino ka para pangalanan akong kasalanan?
                          Sino ka para magpanggap na Diyos?

                                                  

Alas-tres ng hapon tuwing Sabado,
Mga boses’y magsisimulang magsumamo

(Na para bang mga musmos
na tupang nakatingala
sa kanilang pastol)
Sasabihin, lilimusin,
        “Patawarin mo ako,”
        “Patawarin mo ako.”
Anong klaseng kumpisal ito,

                        “Ako ho ay makasalanan.”
                        “Ako ho ay makasalanan.”
kung ang mismong mga kasalanan
ng boses na pinakikingan ko
ay siya ring mga pagkakamali ko?
Kumpisal pa ba ang itinatawag dito?
O, Diyos ko. Patawarin niyo rin ako.

(Isang taimtim na dasal mula sa isang kura paroko)

At ako ay lumuhod, at nakinig sa tinig ng mga Anghel
            na nag-aawitan sa kalangitan, at isinapuso ang
            mabuting balita, at kinabisado ang mga dasal,
            at tinanggap ang katawan at dugo ni Kristo,
            at nagbless pa kay Father bago matapos ang misa.

At ako ay uuwi sa bahay. Itatago ko ang aking kasiping habang wala pa si misis. At bubugbugin ko ang anak kong bayot sapagkat hindi siya katanggap-tanggap.At magagalit ako sa mga supporters ng RH Law at isusumpa ko silang masunog sa impiyerno.

Love thy sister. Love thy brother.
             We are all equal in His eyes.

                                                  Kung ano ang ginagawa mo sa iba,
                                              ay siya ring ginagawa mo sa akin.

                                                  “Lord, patawad,
                                                  ako ay isang
                                                  makasalanan,
                                                 makasalanang
                                                       nilalang.”

                                                -Lord Patawad ni
                                                          Basilio

E putangina naman. Bakit hindi mo pa sinagad ang paggawa mo ng kantang pagmumukain mong iaalay mo sa Kaniya. E ang kulang nalang e magkantutan kayo ng mga babaeng pinaghubad mo nalang sana sa music video mo e.

                                      At bakit? Ha? Kung magsusumamo ba ko’y
          mapapawi na kaunting agua bendita ang sakit ng kapatid mo,
      buti sana kung kasama ko kayong lumuluhod sa Quiapo tuwing linggo.

(Lumuhod at magkibit balikat sa mundong kumakaripas ng takbo).

Disinsana’y pinakinggan niyang lubos ang mga hinaing ko. Napakawalang-kwentang mga anak, buti’t binuhay ko pa kayo. Sana’y ibinalik ko na lang ang kaluluwa niyo sa Diyos.

(Walang kwenta ang isang bagay kung wala kang mahihita)

“Ina, patawarin mo ako.
Sa murang edad ay nabuntis ako–
ngunit pananagutan ko ho!
Ang sanggol sa sinapupuna’y
aalagaan at palalakihin—
paninidigan ang pasanin.”

I know that I have done something wrong
but I will stand up for my responsibilities,
and do what I believe is right for my family.

            “Ganyan! ‘Yan ang napapala mo kalalakwatsa,
            imbis na magsimba tuwing linggo’y
            kung san-san ka napupunta,
            naghahanap ng sariling paraiso,
            at ano ang nahanap mo?

           PERWISYO!

           Hindi ko tatanggapin ang batang iyan,
           h’wag bendisyunan ng agua bendita.
           Isa ‘yang gantimpala mula sa lupa,
           kaya’t ibalik kung saan nagmula!”

“Ina? Aborsyon?
Magagawa mo ito,
sa sarili mong apo?”

Is this what your Church
has thought to you?

            “Wala akong apong
            ipinaglihi sa demonyo.
            Hesus, Maria, Jose.
            Nawa’y patawarin ka ng panginoon

            sa bigat ng kasalanan mo!

            Alis! Alis. Ayokong mabahiran

            ng kasamaan itong pamamahay ko.”

With metal thongs
and sterilized instruments
that are unfamiliar with me,
my mom brought me
to an old motel room
somewhere in Recto.
The woman waiting for us
made me drink
Makabuhay
(How ironic isn’t it?
Something named
with life with the purpose
of killing life)
and everything turned
red — blood, pain, cries,
and a deformed figure.

I have always wanted
that baby to be alive.

But mom.

Mom.
I can hear the cries.

Can’t you hear it?
But how—anyway,
    if all you’ve heard are your prayers
        you offer to what you call God.

                                                   Mga dasal para sa sarili,
                                                   Pananampalataya
                                                   para sa magandang asawa,
                                                   sa mataas na grado,
                                                   sa magarang bahay,
                                                   sa maraming pera.

                                                   And the hell I care with them,
                                                   I am no saint to even be bothered
                                                   by all these fucking poor sinful people.

And all I’ve ever heard from you
    are complaints,
 that “why did you still even live?”
    “why have you been born from my womb?”

        “what wrong did I do?”

Mom. You never did anything right. Never said anything good.
        Just prayers, taken up as white lies.

Sana ina’y, isa na lamang akong dasal para mas maraming beses mong babanggitin ang pangalan ko. Sana ina’y, isa nalang akong rosaryo, para mas hahawakan mo pa ang mga beads ko. Sana ina’y, isa nalang akong istatwang poon, para mas iingatan mo sana ako, mas aalagaan, mas pagtutuunang pansin.

Bugtong bugtong,
    hindi dasal, hindi santo,
          kung lumuhod sa simbahan
                  mula umaga hanggang hapon
                                hawak ang bibliya’t rosaryo
                                      nakapikit ang mata, bumubulong,
                                                mga memoryadong dasal at awit,
                                                                      mga kahilinga’t pagsisisi.

                                                              Ngunit paglabas ng kapilya,
                                                              galit at poot ang bigat sa dibdib.
                                                              Nabuhay daw siya sa lipunang
                                                              makasalanan.

E ano kung isa siyang puta na naglalako ng laman gabi-gabi? Ano ang gagawin mo kung mayroon kang mga anak na papakainin. Ang masaklap pa nga, hindi niya ito mga anak. Mga inampon niya mula sa mga kapit-bahay sa iskwater sa Maynila. Ngayon, huhusgahan mo siyang makasalanan. Ikaw ba, ano ang nagawa mo para sa lipunan maliban sa pagkukunwaring nagdadasal at pag-iisip ng masama sa iyong kapuwa?

                                                         Your prayers are full
                                                             of stereotypes,
                                                           of discrimination.

At kung tawagin ang nagbulakbol na salot sa lipunan, parang kahirapan ay isang kasalanan.  Mali bang isakripisyo ang perang inilaang pampa-aral upang pakainin mga kapwa niyang nasa lansangan? Mabuti nga’y may pusong inialay, mabuti’y may mabuting intensyon. May damdamin. At kayong may mga panalangi’y hindi man lamang maisingit ni isang salitang “pakiusap,” upang tulungan ang mga nakahimlay sa lupa’t nagkakandarapa sa sakit at problema. Kayong panalangin lamang ang iniaalay ang siya pang nanunumbat ng isang, “Pagkukulang.”

                                                      Ang lahat ay nanggaling
                                                       sa alabok, at ang mga
                                                        nangamatay ay muling
                                                       magbabalik sa alabok
                                                    ngunit bakit kaming buhay
                                                    ay nilalamon na ng alabok
                                                      ng binaliw na lipunan.   

R.I.P.
for she was
judged, and
demonized
by the people.

We are judged.
We are judged.
Tayo ay hinuhusgahan
hindi sa kung ano
ang ating mga nagawa,
kundi sa kung ano
ang tinuturo ng iilan.

                        Like Mary Magdalene.
                        Like me. Like you.

                        Like everyone else
                        who does not
                        accept the religious norm,
                        the dogmas, the others.

                        We are othered.

-Iilang Dasal Para sa Kaluluwa, Bernardine Hinkle and Zakk Habitan