multo

The White Lady is a specific kind of Multo, or ghost. Most multo tend to be family members who come back to certain relatives to take care of unfinished business but the White Lady is unique in that she doesn’t appear to only her relatives or even to specific people she knew when alive. Many sightings have reported her in empty buildings, near forests and on cliffs. However, she is most commonly reported seen along Balete Drive in Quezon City. She was a young lady who was raped and killed by two Japanese soldiers during WWII. While there haven’t been stories of the White Lady being a purposefully malicious being, she has been the reported as the cause of more than a few car accidents by drivers who look in their rearview mirror and see a young lady in the backseat wearing a white dress. Sure, some strange, unknown lady sitting in your backseat is bad enough but the White Lady is also said to have no face or a face covered in blood.

Eto na siguro yung pinaka nakuha ng prof yung atensyon ko para makinig hahaha. Yung topic kasi eh tungkol sa mga multo ganoinz edi napakwento siya sa mga kwento-kwento lalo na dito sa school namin. Don’t pray a memorized prayer daw mga ganoinz tapos may time daw na may theatre play sa school tas yung isang character na kailangang mag costume change eh mag-isang pumunta dun sa room ng pagpapalitan kasi yung mga make up artists etc. nagpunta daw sa ibang floor ganern. Tas habang nakaharap siya sa salamin at inaayos sarili niya bigla daw may matanda na nag appear sa likod niya tapos edi pumikit siya agad at nagpray nung our father as habang binabanggit niya yun at minulat niya mga mata niya, yung matanda daw eh galit at sinasabayan yung pagsabi niya nung prayer horishet natakot talaga ko nun as in nung kinwento ni maam. Hahaha tapos may mga kilala si maam na bukas yung third eye tas bigla nalang daw magrereact na parang ewan kahit na wala namang nangyari. Eh nakasakay sila nun sa taxi. Di umiimik yung nag react tas bigla niya sinabi na may matanda nalang daw na biglang sumandal dun sa taxi tas nakaharap sa kanila hays. Siguro sa sala nalang ako tutulog mamayang gabi kasama yung isa kong kapatid hahahahaha

12:35MN

Ganito yung mga oras na nagdadrama yung karamiha eh tapos umuulan-ulan pa. Tamang emote lang with background music. Ito din yung time na yung iba natatakot kasi labasan na daw ng mga multo ng ganitong oras. Samantalang yung iba sinasamantala yung ganitong oras kasi madami na ang tulog magagawa na nila yung gusto nilang gawin. Ahahaha. At ako naman tang ina hating gabi na dalawang stick na lang ng yosi ang meron ako at namomroblema kung saan ako makakabili. Ayaw ko naman mag vape kasi ang panget ng juice na meron ko. Marlboro red na 12mg. Guhit na guhit sa lalamunan. Ahahah I kenat! Magdamag pa naman akong gising. Hays..

Grade 1 ako nang ipalabas sa HBO ang The Ring
Pinanood ko ito kasama ang buong pamilya
Paano ko naman kasi maiisip na papaiyakin ako
Tatakutin at gigisingin sa madaling araw diba?
Sinira ako ni Sadako magmula noon

Kaya takot ako sa multo
Pakiramdam ko hahatakin ako sa paa kung ‘di ko kinumutan
Hahatakin ako’t dadalhin sa kadiliman

Takot ako sa multo
Gigising ako, alas tres pa lang
Nakatingin ata ang multo, nakatingin
Alas tres, yun ang una kong iisipin

Takot ako sa multo
Nakikita ko na
Nakatawa siya, nakangiti ng abot langit
Sisindakin ng tingin, papatayin niya ako
Sasaksakin ng kutsilyo, iiwanang dugo-dugo

Takot ako sa multo
Pakiramdam ko hihilahin ako at itataas
Nang itataas nang itataas nang itataas
At iiwan niya lang ako sa ere
Hahayaang malaglag ng basta

Takot ako sa multo
Makita ko lang ito nang minsan
Ng kulang pa sa isang segundo
Wala pa siyang ginawa
Makita ko lang nang minsan
Hanggang pagtulog ito'y nasa isipan

Takot ako sa multo
Kay Sadako, kay Chuckie, kay Annabelle, kay Diana
Kahit pangalan lang ang banggitin
Matagal ko nang iisipin
At tatakutin ang aking damdamin

Takot ako sa multo, oo
Pero, parang mas takot ako sa'yo

Wag mo sanang masamain
Itsura mo'y di ko ibig lokohin
Basta kahit anong takot ko sa multo
Alam kong mas takot pa din ako sa'yo

Takot ako sa multo
Pero mas takot ako sa'yo
Gigising ako, alas tres pa lang
Gising ka din kaya?
Alas tres, ikaw ang una kong naiisip

Takot ako sa multo
Pero mas takot ako sa'yo
Makikita kita
Nakatawa ka, kundiman nakangiti
Sisindakin mo ako ng tingin
Mamamatay ako sa kilig, iiwanan mo akong nabaliw

Takot ako sa multo
Pero mas takot ako sa'yo
Hihilahin mo ako sa iyong ngiti
Itataas gamit ang mabubulaklak mong salita
Itataas nang itataas nang itataas
At iiwanan na lang sa ere
Hahayaang mahulog sa'yo

Takot ako sa multo
Pero mas takot ako sa'yo
Makita lang kita ng minsan
Ng kulang pa sa isang segundo
Wala ka mang ginagawa
Makita lang kita ng minsan
Hanggang sa pagtulog, ika'y mapapanaginipan

Takot ako sa multo
Kahit hindi naman daw ito totoo
Walang ebidensya nandito sa mundo

Takot ako sa multo
Pero mas takot ako sayo
Kahit alam kong hindi ito totoo
Kahit alam kong wala namang tayo

Takot ako sa multo
Pero mas takot ako sayo
Pakiramdam ko'y nilaglag na ako sa balon
Hirap na hirap nang makaahon
Lunod na lunod na sa ngiti mo
Sa tawa mo
Sa mga sinasabi mo

Takot ako sa multo
Pero mas takot ako sayo
Grade 11 nang ika'y unang makita ko
Tinignan kita at nahulog na sa'yo
Paano ko naman kasi maiisip na papaiyakin ako
Tatakutin at gigisingin sa madaling araw diba?

Lumabas man sa telebisyon si Sadako
Saksakin man ako ni Chucky ng kutsilyo
Makita ko man si Annabelle, ng nakaharap o nakatalikod
Gawin mang tahanan ni Diana ang isipan ko
Basta ang alam ko, walang papantay sa takot ko sa'yo

— 

Takot Ako Sa Multo, Pero Mas Takot Ako Sa’Yo, km (& jh, last line)

Just a little update, I performed this for the club’s culminating activity today! I don’t really do spoken word, mostly because I feel a certain cringe from knowing my works are being heard by other people and because of my voice. Here’s my first attempt on spoken word. I have yet to know if there’s a video of my performance, but here’s the transcript of it!

Ako budoy

Nakaka uto manuod ng MGB ngayon. May mga sinasapian na actual footage pa, tae na may master master pa. Tapos showbiz pa yung magkapatid kanina na natatakot daw sila, malamang eh multo yung hinahanap nila.

Talagang matindi pa rin ang faith kong wala talagang mga tulad na ganun dito, kanya kanyang paniniwala, lalo na yung mga nakikita sa video at images, pareho kami ng perception nung graphic designer kanina na sa pagkaka convert lang yun ng video kaya lumabas yung mga mukha na yun. 

Malay mo hindi mukha yun, maaring dumi, fog, na maari mong isipin na multo, yung tipong niloloko at pinagtritripan mo yung sarili mo ng hindi mo alam.

Pinipilit kasi natin magkaroon ng isang nakakatakot na imahe sa nananahimik na bagay, kaya ayun, nauso yung mga ganyan.

Basta ok na rin siguro yung palabas ngayon, para aware rin, di naman nila sinabing papatunayan nilang may multo, yung mga pangyayari lang sa ibat-ibang lugar na maaring nakakarelate sa multo at sa episode nila ngayon.

Mas matakot kayo sa grades niyo kapag bumagsak kayo, mas nakakatakot sa multo ang nagagalit na magulang.

Meiday x Mamasun!

Manuel Nicolas Alvero and Selena Salang, aka Slow Hello, kicking ass with their band, Ang Bandang Shirley.

Mike from Outerhope, Manuel Nicolas Alvero, and Multo

Outerhope, Modulogeek, and Multo

Slow Hello!

Class photo: Francis Cabal of the Treblinka Love Scene, Manuel Nicolas Alvero, Modulogeek, Outerhope, Kathy Gener of Attraction! Reaction!, and Multo

okay now it gets weirder. kanina dapat pupunta ako sa up fair kaso di na ko natuloy kasi di ko mahanap yung access key ko sa office. balak ko sanang dumiretso na dun after ng fair.

binaligtad ko na lahat ng gamit dito sa bahay pero wala pa rin. alam ko nakita ko pa kanina dito sa bahay yung access key at di ko siya dinala nung nagpunta ako sa MOA.

ngayon after kong maglinis inadjust ko yung electricfan then mamaya nagspark sya.

trinay ko uli na paandarin biglang umusok na sya at ayaw na talagang bumukas.

mukhang binabantayan din ako ng multo ah. mukhang sinadya nyang wag akong umalis kasi nga kung di ko na check yung electricfan sigurong nasunog na kami. nakalagay kasi yung fan malapit sa mga gamit na madaling mag liyab.

thank you ghost pero sana ibalik mo pa rin yung access key ko.

Multo Sa Office

May kaopisina si Daddy na natanggal sa trabaho tapos namatay. Bago mamatay may galit siya doon sa dalawang naging kaopisina nya. Kaninang umaga minuulto sa office yung dalawang kaopisina ni Daddy. Nagloko pareho yung laptop nila sabay kung anu-anong windows ang umaappear sa desktop at gumagalaw ng kusa yung cursor at madaming lumabas ng cursor. Ginawa ng dalawang kaopisina ni Daddy ay tinanggal sa Skype yung namatay tapos bigla silang inaadd ulit sa Skype nung namatay na kaopisina nila.