mulate's

4

New Orleans with kids has been one of our favorite activities.  Lynn’s sister’ family joined us for a couple of nights exploring the city.  Dancing at the cajun music restaurant Mulate’s is a must.  Only downside with kids is that live music does’t start until 7pm, so snack first!  Great place for an early bite in the French Quarter is The Camellia Grill’s newest location.  Another favorite is Mandina’s away from the Quarter on Canal.  While waiting for a table, Maddy (the 3 yr old) announces, “There’s Lola from my class!”  Even Bunkie preschooler’s know the best places to eat in New Orleans.

The Audubon Zoo’s Insectarium is a must with kids.  If you are brave try one of the “bug dishes” prepared by top New Orleans chefs.

Most elmegyek és megkérdezem anyámat, hogy hogy is volt az a hatvanas évek végén, amikor ő már büszke tinilány volt, tényleg a Syrius együttes “Így mulat egy beates magyar úr” című számára csúsztak-e le a bugyik.

Maaari bang sumilip
sa payapa mong panaginip
Tatabihan ka ng tahimik
lihim na hahalik

Sayong pag idlip
hahagkan kang muli
Aakuin ang sakit
yayakapin kang mahigpit

Ibubulong bawat alaala
kakamustahin ka
Tatlong pikit ng mata
sampung buntong-hininga

Limang patak ng luha
isang libong kasunod pa
Sigarilyong paubos na
kasabay ng alak na tinimpla

Lasing man o matino
mapagpanggap o totoo
Nadudurog man patago
ngingiti pag mulat mo

Paalam na halik sa noo
walumpung hakbang palayo
Milyong tulang inalay para sayo
mahal, ika-huli na ‘to

By Yancs Mendoza

Submitted via Twitter @BetsinsOfficial

6

Thank you sa lahat ng organizer, sa tumblr meet up and ticket :) Thank you Kuya Jake, Kuya Albert and lahat ng organizer ng meet up.

Ang happy. Kahit iniwan ako ni Lerry at mas pinili niyang sumama dun sa dalawa niyang boylet (Hahaha Straight po si Sir John, don’t worry girls), okay lang. Sanay naman akong mag isa eh. Hindi rin nakasama sila PERIN. So, alone forvs. Pero hello sa mga new tumblr fren-ny! Nice to meet you :) Hihihi

Gusto ko sanang tapusin eh. Kaya lang 2 am na hindi pa rin tapos! Hindi na pwede. May pasok pa ko. So tired. Ang sakit na rin ng likod ko. Pag uwi ko eh, nag hilamos, kumain ng onti, sabay higa pag mulat ko 7am na. (Late na ko! Pero late din naman yong instructor. So okay lang.)


All in all. Part 3 of infinity of healing process.

Maaari bang sumilip
sa payapa mong panaginip
Tatabihan ka ng tahimik
lihim na hahalik
Sayong pag idlip
hahagkan kang muli
Aakuin ang sakit
yayakapin kang mahigpit
Ibubulong bawat alaala
kakamustahin ka
Tatlong pikit ng mata
sampung buntong-hininga
Limang patak ng luha
isang libong kasunod pa
Sigarilyong paubos na
kasabay ng alak na tinimpla
Lasing man o matino
mapagpanggap o totoo
Nadudurog man patago
ngingiti pag mulat mo
Paalam na halik sa noo
walumpung hakbang palayo
Milyong tulang inalay para sayo
mahal, ika-huli na ’to
—  Yancs Mendoza via Betsin-artparasites

Dear Tay (Someone you don’t talk to as much as you’d like to),

Sobrang ikli nito kumpara sa iba pero for me kahit na minsan nakakabwisit na po kayo kasi kami yung sinisisi mo tuwing nahihirapan si nanay pero ikaw din naman isa sa mga rason, ikaw pa din ang the best. Alam ko pong nagkakailangan tayo because mangmang pa lang ako nakita na kitang humarot ng kaunti sa dati nating cebuanong katulong. Alam ko pong dapat ko na yon kalimutan pero ang saya po kasing maging detective na tipong gusto ko kayong video-han at ipakita kay nanay (hindi ito sex para sa mga madudumi ang utak kung may nagbabasa, ibang situation pero hindi malala). Salamat sa lahat ng jokes at sa pagiipon niyo po sa amin para sa kinabukasan. Sobrang hindi po ako showy sa inyo dahil alam ko pong hindi kapani-paniwala pag naging sweet ako. Wala pa akong boyfriend tay, maging proud ka naman ng nbsb ako to naman ginagabi lang ng uwi meron agad? Mulat na po ako sa mga gago’t manloloko wag po kayong magalala marunong mo akong mambayag. Ayon tay, kahit hindi tayo yung tipong kwento dito kwento jan proud po ako sainyo. Iyak na kio. Dejoke sobrang proud po ako na tatay ko kayo kasi bukod sa mahal na mahal niyo po kami at si nanay, parehas po tayong magmahal. Hindi nagpapahalata kaya po alam na alam ko kung paano kayo dumadamoves kay nanay pero hindi na lang ako naimik. Hehe

01.28.16 // Gary The Snail with +50

So kanina nga quiz namin sa hum at integ. E sa hum quiz bee yung style pero groupings kaya kumbaga yun na yung quiz namin. Medyo ok naman yung resulta kahit na kagabi nanunuod ako sa youtube ng dota tapos napapikit lang ako saglit pag mulat ko 6:30 na tangina wala akong nareview Hahahahaha Balak ko pa naman hindi matulog at magreview e.

Pagdating ng 9 quiz naman sa integ. Mga 10mins na wala pa yung prof namen kaya medyo napapangiti na kami. Mya mya pumasok yung sub na prof kingina Hahahaha Sa sobrang wala nakong masagot dnrawingan ko na ng kung ano ano yung likod ng papel ko. Akala ko ako lang nagd'drawing ng ganon puta dumaan yung kaklase ko sa harap ko magpapasa na ng papel bigla kong nakita may nakadrawing din sa likod Hahahaha Nakadrawing si Gary yung snail ni spongebob puta HAHAHAHA Kalahati nung likod ng papel nya sakop nung snail e Hahaha

Edi ang aga kami dinismiss kasi nga sub lang tas quiz lang. Halos dalawang oras kaming nakatambay sa room at nag uuno tangina Hahahaha Next sub namin stat. Nagreport mga kaklase ko tas naubos nila yung isang oras ng tatlong oras naming stat. Pagkatapos nung reporting talagang antok na antok nako, tas nagpaseatwork yung prof namin. E mya mya pumasok yung prof naman namin sa integ, kelangan daw yung room. Biglang dinismiss agad kami puta assignment na daw. Talaga namang yung antok ko biglang naglaho e HAHAHAHA Hanggang sa nagkayayaan ng wag pumasok ng last subj gawa baka magcheck lang gawa last meeting namin nagquiz lang kami. Kaya ayon diretso dota na Hahahaha

E kaso naudlot laro namin, nagkaron ng pustahan, tas sumali yung isa naming kabarkada kaya pumusta kame. Sabi din kasi ni intsek sure win daw e. Edi nung una medyo nadisappoint pako kase di nga din kami nakalaro, pero nung hule tuwang tuwa ako kase naka sikwenta pako HAHAHAHA Tanginang yan +50 pa nga wooo Hahahahaha Ang nakakatawa lang yung mismong kabarkada naming naglaro di pumusta, parang kaming tatlong kasama nya pumusta para sa kanya Hahahahaha

At ayon hindi din natupad yung araw araw kong entry HAHAHAHA Ngayon lang ulit sinipag amputa hahahaha

Tulad mo

Nakita ko yung mga sulat ko para sa’yo. Ngayon ko lang nakita kung gaano ako katapang na harapin yung katotohanang di ka na yung lalaking natutunan kong mahalin. Na nagbago ka.. Siguro kasi sobra akong natakot pero hindi, ikaw yung natakot sa pwedeng mangyari. Ako lang siguro yung naglakas loob na imulat yung mga mata natin at sabihing panaginip lang siguro lahat ng iyon. Habang binabasa ko yung sulat ko para sa’yo, di maiwasan ng puso kong kumirot. Na sa isang sandali, meron palang taong hinamak buohin ang gutay gutay kong puso. Na may isang taong naghamak na paniwalain muli ako sa pag-ibig. Na may isang taong tulad mo. Siguro nga mali ako, wala naman kasi talagang happy ending. Nanaginip ako gising. Mulat sa katotohanang kahit anong minuto pwede mong lisanin ang pwesto mo rito sa puso ko kasi hindi mo na kaya. Hindi lang pala ikaw ang nagbago, pati ako. Ginusto kong maging iba tayo, mabuting iba. Hindi pwedeng ikumpara o itulad sa iba. Gusto kong maiba tayo. Pero ayaw mo, gusto mo yung normal. Yung normal sa paningin ng ibang tao. Hindi na nagtatagpo ang mga gusto natin pero nanatili tayong magkahawak kamay. Hanggang sa nagtagal.. Nakita ko na lang na hindi na ganoon kahigpit ang pagkapit mo sa mga kamay ko. Na hindi na lang ganoon ka lalim ang tingin mo sa mga mata ko; sa kaluluwa ko. Na hindi ka na ganoon katulad ng dati. Ang tanga tanga ko no? Hindi ko naisip na pwede ka palang magbago. Mas hinigpitan ko ang hawak ko. Mas pinaramdam ko yung pagmamahal ko sa’yo. Pero hindi, hindi mo na naramdaman. Unti unti ka ng tumigil. Hanggang sa isang araw, tinanggal mo ang paghawak ko sa mga kamay mo; tinanggal mo ko sa buhay mo. Hinabol kita pero parang kahit anong gawin ko walang pag-usad sa mga paa ko hanggang sa di na kita nakita maski ang anino mo. Hindi mo alam kung gaano kasakit, na parang pinunit mo ko na parang isang papel. Ganon ba kadali? Na lisanin ang puso kong inosente? Pero nga pala, iba ka na pala. Ginusto ko ngang magiba tayo, pero tinahak mo yun ng magisa. Kaya ayoko na, ayoko na ituloy ‘to. Kasi habang tumatagal, lalo lang sumasakit ang mga tahi ng gutay gutay kong puso. Ay, wala na nga pala akong puso.

Tagahanga

Ang hirap magmahal ng isang taong humahanga. Ang hirap mag alay ng pagmamahal sa isang tagahanga. Ang magmahal ay ang pagbibigay ng sarili ng mulat ang mata, ang magmahal ay ang magalay ng walang hanggan ng di inaalintana, ang magmahal ay ang mawalan ng hindi nanghihinayang, ang magmahal ay ang magalit kung hindi makaalala, ang magmahal ay mahirap lalo na sa isang tagahanga. Dahil ang isang tagahanga sa iisa lang nakatingin, ang isang tagahanga malalim kung manalangin ngunit mababaw kung tutuusin, ang tagahanga ay walang ibang naririnig kundi ang sigaw ng damdamin, tagahanga ay walang nakikita kundi ang tinitingalang bituin. Kapag dumating ang panahon ika’y kailangan mamili sana’y ang mata, tenga, damdamin ay mabuksan upang ang isang tagahanga ay mahawa. Mahawa gamit ang isang pagmamahal na inalay mula sa piraso ng pusong dinurog. Dahil ang taong natutong magmahal una munang lumuhod, umiyak, binasag ang puso, at muling lumuhod. Sana’y balang araw ay iwanan ang paghanga at matutong umibig na dahil kung papipiliin kahit nasasaktan ang taong umiibig patuloy na iibig.

Kung pwede lang, Pero hwag na lang pala

Kung pwede lang ikaw at ako na lang
Kaso hindi e.
Meron nang nauna sa akin sa iyo,
Meron na din akong gusto ngunit hindi mapapasakin.
Kung pwede lang patulan ang bawat yakap mo
Pero ako'y gising pa sa katotohanang may nagmamay ari na sayo
Mulat pa ang isipan ko sa tama at mali
At tamang makontento na lang ako sa ganito
Aasang mawawala ang tuwa at kilig
Aasang hindi na iisipin ang bawat haplos at yakap at matatamis na salita
Aasahang darating ang araw na di ako aasa at mahuhulog sayo
Dahil hindi ito dapat, maling mali.
Maging masaya ka na lang sa piling nya,
At ako'y magpapatuloy sa pagmove on mula sa lalaking hinding hinding mapapasakin.
Mabuti na laang at hanggang ganito pa lang tayo.
Huwag na lang maging ako at ikaw.

2 buwan na lamang. 2 buwan pa.

Ang bilis ng panahon. Matatapos na ang lahat ng paghihirap na ating ikinakaharap at tutungo na tayo sa panibagong yugto ng ating buhay. Biruin niyo, parang kahapon lang tayong mga musmos na walang alam sa mundo pero ngayon mulat na mulat na tayo. Parang kahapon lang tayo naghahanda ng mga requirements na ipinapadala ni Ginang Manzano sa General Science pero ngayon nababaliw na tayo sa breadboard. Parang kahapon lang tayo naghanda para sa proyekto natin na sabayang pagbigkas sa Filipino pero ngayon itong talumpati na. Parang kahapon lang tayo umiiyak sa una nating AP pero ngayon umiiyak na tayo sa tuwa dahil Physical Science ang bagsak natin at hindi Pre-Calculus. Parang kahapon lang tayo nagsisisi at nanghihinayang sa mga section natin pero ngayon hindi na natin maiwanan. Parang kahapon lang tayo humahanga pero ngayon tayo na ang hinahangaan. Parang kahapon lang tayo nang-aasar ng Endless Summer kay Hillary pero ngayon dalawang buwan na lang, 2 buwan pa, bakasyon na naman; ayoko na, ayoko pa.

Sa halos apat na taon kong pamamalagi sa paaralang ito, gusto kong magpasalamat sa mga naging kaklase ko ng apat na taon, tatlong taon, dalawang taon, isang taon at walang taon. Salamat sa pagiging parte ng araw-araw na buhay sa kalsay mula sa paggawa ng mga gawain hanggang sa pagtawa sa mga presentasyon. Gusto ko ring pasalamatan ang aking mga magulang at guro na walang sawang sumoporta at sumusoporta sa akin. Salamat sa lahat ng pasensya at pagmamahal. Kung wala kayo, wala ako dito sa aking kinalalagyan. Gusto ko ring magpasalamat sa mga staff ng eskwelahang ito; Ate Sally, Ate Tonyang, Ate April, Kuya Jet, Kuya Ryan at marami pang iba. Salamat sa pag-aasikaso sa amin at pagbili ng kung ano mang kailangan namin sa tuwing nakakaligtaan. Gusto kong pasalamatan ang volleyball team; Ginoong Angelo Cabic at Binibining Ruth Quiban; Denice Bernardino, Jasmine Revestir, Madelaine Pura, Jan Marie Tejada, Crisha Delos Reyes, Jhaynhell Fidelino, Adriane Kapangyarihan, Arjunel Pulvida, Rea Repollo, at marami pang iba. Salamat sa pagkakaibigang nabuo hindi lamang sa loob ng court kung hindi pati na rin sa labas na kasama si Eric De Jesus. Gusto kong magpasalamat sa Teatro Kalsayenyo na kahit sa unang pagkakataon kong makasali ay naramdaman kong nabibilang ako rito. Salamat ate Ella Castro, Binibining Raysie Seidel at ang nga miyembrong nakasama ko sa entablado at sa baba nito. Gusto kong pasalamatan ang aking matatalik na kaibigan na sina Nicole Thinne Torres, Ma. Sofia Cortez, Charissa May Sta. Maria, Jazmine Francheska Mirasol, Jasziel Gulay, at Joe Hannah Marie Mesina. Pati na rin sina Aliya Vanessa Gomez, at Ericka-Ann Santos. Ang ate ko, Chiz Quiros. Salamat sa inyon lahat. Salamat sa pagpaparamdam sa ‘king hindi ako nag-iisa.

At siyempre, makakalimutan ko ba ang nagbuod ng pinakamasaya at pinakahindi malilimutang memorya ng ang aking buhay hayskul? Ang 10-Einstein. Mula sa aming gurong tagapayo, Binibining Marilou Nalo na nagsabing hindi niya kami bibitawan kahit anong mangyari. Maraming-maraming salamat po. Kahit po ang dami-dami naming kasalanan, hindi pa rin po kayo nagsawa at pinili niyo pa pong mas mahalin kami. Sa aming presidente, Aliya Gomez, salamat. Sa pamumuno sa amin sa ating pagdadasal, sa pagpapaalala ng mga kailangang gawin, sa pagiging mabait pero may awtoridad na ate, salamat. Naging epektibo ka at napakagaling mo. Hanga ako sayo. Sa mga kaklase ko, wala akong masabi. Paano ko ba sisimulan? Mula sa Endless Summer ni Hillary, sa bawat banat ni Andre at ibang mga kalalakihan sa mga corny na jokes, sa bawat pagsigaw ng roasted kapag babanat si Blanche, sa mga straight to the point facts ni Lance na nakakapagoooohhhhh sa buong klase, sa bawat pagbati kay Thinne na “pabida” at “sira ang body clock”, sa bawat pagbati sa aming B.E.S.T., sa bawat pagsusungit ni Joe at pag-aaway nila nina Sydney at Zairon, sa bawat banat ni Patrick ng “asawa ni?” Pati na rin yung “types of eating” niya, sa bawat pagtulog ni Lance na laging pinaglalamayan, sa bawat pang-aasar kay Gemuel na ewan ko ba, kay Ralph na mahilig sa manok, kay Andrei na perfect Cell, sa sand dunes ni Mackay, sa pagigining binukot ni Jazmine at ang “Lumi Terra” niyang forever na, sa bawat palakpak at whip ni Rupert pati na rin yung science display nung science month at potentiometer niya nung English month, sa bawat hampas ni Kiarro sa beat box, pagpihit ni Adrian sa gitara at, pagpindot ni Jeidi sa Piano na kadalasang kinaiinisan ng marami, sa bawat pagsalampak sa sahig namin nila Ericka, Jairah, Margaret, Jazmine, Lei at Thinne, sa bawat kalokohan ng mga kalalakihan; basketbol pa, sa bawat salo-salo tuwing katapusan ng buwan, sa bawat paglilead ni Hillary na kahit maubusan na siya ng boses, tuloy pa rin, sa sama-samang pambabash sa mga umaaway sa kahit sinong Einstein, sa porkchop, sa bawat rant ni Faith na kapag nagsama sila ni Ericka, wag ka ng lumaban pa, sa bawat panalo at pagkatalong ating pinagsaluhan, sa bawat hawak-kamay sa tuwing nagdarasal, sa bawat dam dam dararadam, sa paghahanda sa kidebut ni Binibining Nalo, sa bawat kanta ng mga kalalakihan, sa bawat group activities kasama sina Judaeo, Andre, Adrien, Jester, Clark, Rupert at Thinne na sobrang nakakatuwa, sa hindi paglilinis ng Wednesday cleaners, sa bawat kaarawan na may pagkain na laging nauuna ang mga lalake tapos sila ang makakarami, sa bawat isyu sa mga drayber, sa cornatarch na hindi na natanggal, sa pagpasa ni Clarizze sa areneo, sa bawat sigaw na sama-sama, sa bawat EINSTEIN MOMENTS; salamat. Salamat dahil sama-sama tayong humarap sa mga problema. Salamat at iisa tayo. Salamat sa “one for all, all for one” type of scheme. Salamat at walang nang-iiwan. Masasabi ko ng may Forever. Sabi nga ni Hillary “Einstein Today, Einstein Tomorrow, Einstein Forever.

Sa loob ng apat na taon, masasabi kong maraming nagbago, marami akong natutunan, marami akong natuklasan at marami akong napagtanto. Bilang mag-aaral ng Kalsay este mag-aaral na nagtapos sa Kalsay, gusto kong ibahagi ang ilan sa mga natutunan ko. Una, ang respeto’t disiplina ay lagi dapat kasama, Pangalawa, ang mga grado ay hindi sapat na sukatan na ikaw ay may natutunan kung hindi ito ang nagpapatunay na mababa ka man o mataas, ang dapat na pinahahalagahan ay ang mga aral na iyong isinaisip at isinapuso. Pangatlo, bigyang halaga ang pagkakaibigan. Hindi lamang sa iyong mga kaklase kung hindi pati na rin sa inyong mga guro, at staff ng eskwelahan. Minsan lang sa ating buhay na makakakilala tayo ng mga taong katulad nila. Pang-apat, h'wag mong hahayaan na sabihin ng iba kung maging ano ka. Ang panghuli pero ang pinakaimportante ay maging masaya sa kung ano ang iyong ginagawa.

Minsan lang maging hayskul. Sulitin mo ha? Ako, kami, 2 buwan na lang. 2 buwan pa. Kung ako ang tatanungin, ayoko ng matapos ang kabanatang ito. Ayoko pa. Pero kahit anong gawin ko, kahit ano ang sabihin ko, kahit maglupasay pa ako sa harap ng maraming tao, magtatapos at magtatapos ito.

Jam Manuele, signing off.