mukhang unggoy

Ano nga ba ang mag-MU? Ito ay isang MALANDING UGNAYAN.

Panoorin niyo muna to bago basahin: LC LEARNS #26 - Mahal mo ba ko, yung totoo?: http://www.youtube.com/watch?v=9QSoFIecVxM&feature=g-all-u

I HATE “M.U.” :) 

Para sakin:

Ang MU, dapat INAANOUNCE NIYO yan. Hindi yung iisipin mong magisa na MU kayo. Yun pala eh siya, walang pake sayo habang ikaw iniisip mong MU kayo. Kalalabasan niyan, magiging TANGA ka. UMASA SA WALA. Kaya rule 1, BAWAL MAG ASSUME. At in the first place, ang stage ng MU ay parang ligawan stage. Mahal niyo, or should I say GUSTO niyo ang isa’t isa pero kelangan muna dumaan sa ligawan for various reasons habang MU kayo(not all ganito). Pero ang tatandaan, WALA KANG KARAPATAN KAPAG MAG MU LANG. Kasi kahit mag-MU kayo, HINDI NIYO PAGMAMAYARI ANG ISA’T ISA. (Bawal mong pagbawalan siya, magreklamo pag nagseselos, utus-utusan ng ganito.) Tsaka sa mag-asawa lang ang “pagmamay ari”. Gumagaya lang talaga ang mga mag-on or yung may commitment. Ang MU kasi, landian lang yan. Gusto niyo ang isa’t isa pero no commitment. Ayaw matali. 

Ganito yan eh..

SWEET kayo, kaya nadevelop yung “LIKE” mo sa kanya. Then all of a sudden, gusto ka rin niya. PERO.. hindi pwede maging kayo, or ayaw niyong/mong maging kayo. Sabi nga sa video, kadalasan eh sa mag-best friend nangyayari to. Not all pero kadalasan nga. Hindi lang mag best friend, yung sobrang ka-close mo.

Pero ang maganda diyan, pwede kayong maging SWEET. yun nga lang, you’ll both face the consequence na madaming magsasabing “ang landi”.

SORRY SA NAPAKAHABANG SPEECH. Gusto ko lang iparating sa inyo yan. Yan po ay PERSONAL OPINION ko lamang. No hates. No debating.

At Sorry din kung meron mang matamaan. HINDI KO SINASADYA. I just want to share my OPINION.

Please take note of the first part. “Ang MU, dapat INAANOUNCE NIYO yan.” INAANOUNCE po. Hindi itinatago, otherwise sasabihan ng malandi. KAYA KAPAG SINASABING HINDI MU, EH HINDI TALAGA! 

Isa pa, iba ang MAG-MU sa MU.

MU= Mutual Understanding. Pareho ng nararamdaman.

MAG-MU= mayroong tinatawag na “relasyon”