mukha namin

Nakakaloka ang first day kahapon. Unang subject ko palang, trigo. Tapos yung prof? Jusko mga beks, di ko kinaya. Nananakot talaga siya kahapon, pero sobrang effective naman. Tumatawa siya dun sa harap kasi kitang-kita daw sa mga mukha namin yung kaba. Eh malamang. Ikaw ba naman ang masabihan ng “I’m too much for you.” “I’m the best math instructor that SLU can offer to you.” “I’m at my best when things are difficult.” Ganern. Oh diba taray ng english ni koya. Halos 25 years na daw siyang nagtuturo dito kaya wala kaming karapatan na magmagaling. Kahit na first time daw namin kunin ang trigo, kalimutan na daw dapat namin na magaling kami. Dahil yung best student niya last year na nagmagaling na ipeperfect niya daw mga quiz ni sir, ni isa wala siyang naiperfect. Paano nalang kami diba? Hingalo ganern? Jusko dai. Buti nalang talaga walang pasok bukas para wala kaming meeting. Char. Sa friday na ulit. Salamat miss universe candidates at pinagpahinga niyo ang kinakabahan kong puso charing.

Dami naghahanap ng trabaho ngayon pero ang arte arte naman. Magpapasa nga ng resume pero kapag tatawagan mo hindi sasagutin o hindi ka talaga sisiputin. Pota kung alam niyo lang kung gaano ka toxic sa HR tapos kahit ano pa sasabihin ng mga tao sa paligid mo. Mukha lang hayahay trabaho namin pero hindi, from scratch to scratch kami. Kami maghahanap ng mga applicants, mag p-phone interview, initial interview, mag p-process ng pre-employment requirements nila. Basta lahat lahat tapos sasabayan ka pa ng mga bullshit na tao. Ay ewan ko na lang, baka mabaliw ka jusko kaya nga ako pasuko na eh pero meh, trabaho ko yan at wala akong choice. Minsan lang talaga hindi ko maiwasan na hindi mapressure at siyempre mas-stressed ka talaga. May quota pa na kailangan, edi wow diba. Tho masaya naman siya kaso haha ge tama na nga. Pero gusto ko na mag resign at kinukuha ako ng supervisor ko noon sa concentrix yay saya saya mas malapit pa sa amin.

10:45pm na ng gabi tapos nasa Pinagbuhatan pa kami. Walking distance na lang sana sa bahay ko to eh, kaso delikado kaya binilisan namin takbo naming tatlo at nagg-“Good morning.” na kaming tatlo sa isa’t isa. XD May nantrip pa samin malapit sa palengke pero kami lakad lang ng lakad at ayun, hanggang sa nakarating kami ng palengke ng 11pm. Punuan pa naman sinasakyan ko, eh 1 na lang talaga tapos ang tagal. Akala ko nasa bahay na si Kuya at si ate, pero wala pa mga lolo’t lola niyo. Akala ko rin papagalitan ako, hindi naman pala. Pero ang saya kagabi kasi pansamantalang nawala lungkot ko kahit medyo low quality yung picture sa dilim. Ge.