mukha ko!!

3

9:00 PM
Lumabas akong pad dumerecho sa malapit na convenience store lowkey hoping na may soju because meyn simula nung nalaman kong may rooftop pala dito parang gusto kong matry mag soju sa rooftop ganern! Tsaka last march ko pa gusto matry ang soju. Nakadalawang convenience store nako wala. Wala. Pota ang layo ng 7/11 kailangan ko pang magjeep pero dahil ewan ko anong pumasok sa isip ko gago push ko na to.

9:15 PM
Nakasakay nakong jeep. Nakapambahay lang meyn pero nakahoodie ganun tsaka mukha pa kong sabog kaya pwede nako mapagkamalang snatcher. Pwede pwede. Mej mahaba habang byahe. Nays din naman kasi parang nag roroadtrip na rin ako in love na naman ako sa city lights. Sana labs din ako ng city lights para mutual.

10:00 PM
Sa daming hanash ng jeep 10:00 PM nako napatouchdown 7/11 nakatsinelas lang sus pake ko tas derecho sa ref. Sorry kuyang nagma-mop bawi ako next time. Ayun may nakita na rin pero nakalimutan ko alin sa dalawa yung lang epek (meron daw) hell i care yung blue nalang kinuha ko tas kuha na rin chichirya. Labas. Hintay jeep. Pota sketchy nung lugar na yun di ko pa kabisado muntik nakong mapataxi pero no tipid tayo self tipid. Mabuti nalang wala akong dalang cellphone perang sakto lang kaya keribels fight me chz. Pero seryoso kinakabahan ako nun HAHAHAHA uso snatch dun baka masnatch nila pUs0 ko CHARAT.

10:46 PM
Nakadouble ride ako peste exagg na sa pamasahe ha pero sige ginusto ko to papanindigan ko to. Nakadating na rin sa pad mamen. Syempre dinamay ko na roomie kong inom lord talaga. Nakatatlong shot lang sya umayaw na kasi ang strongk daw ano ba yan pero sige ako nalang uubos kasi pinaggastuhan ko to, lumabas pa ko and shit tas di ko uubusin?!

11:00 PM
Mabuti nalang pinababa nako ni roomie at sa kwarto nalang tinuloy yung pagdidiwang charat tas gago i agree. Ang strongk nya. Di ako pala-inom tas ako pa umubos sino hilo? Yep. Yours truly. Kahit san nako nababangga pero ayos naman pala kasi wala akong maramdaman namanhid pala. Eto malala dumerecho ulo ko sa wall pero tumawa lang ako. Peste lalala na pagiging buang ko nito.

11:30 PM
Pinagtetext ko na yung mga tropa kong napagkwentuhan ko na gusto kong matry ang soju grabe sa typo. Di na kinaya nung isa kong tropa tinawagan nalang ako di ko pa masagot agad kasi nahuhulog na yung cellphone sa mukha ko HAHAHAHA grabi. Ihing ihi pa ko nun pero di ko kayang tumayo because ikot ikot lang sabi ni sarah g.

6:00 AM
Nagising. Pero nakatulog ulit.

9:00 AM
Nagising na talaga as in si roomie masakit tyan ako amen alleluia di nahilo and shit. HAHAHAHAHA namula lang pero i’m good mameyn. Pero yes finally alam ko na ano lasa ng soju. Tao nako saranghae oppa. *finger heart*

  • <p> <b><p></b> <b></b> I have this certain attitude na kapag gustong gusto ko makuha/maexperience yung isang bagay gagawin ko ang lahat para makuha yun pero pag dumating yung situation na parang substitute sa bagay na gusto ko makuha/maexperince bigla na lang akong nawawalan ng gana sa pinaka bagay/experience na gusto ko makuha kahit sobrang engaged na ako dun. In short, sala sa init at sala sa lamig ako<p/></p><p/></p>
HINDI TOTOONG MAPAPA-ENGLISH KA NA LANG KAPAG GALIT ver. 2.0

Mood: Naglalatag ng sariling red carpet tapos binuhusan ang sarili ng rainbow colored confetti while doing Fetty Wap Challenge.

Dahil ito na ata ang pinakamakasaysayang araw at pinakainaabangang ‘Achievement Unlocked’ ng buhay ko. Antagal ko ‘tong kinimkim sa puso ko. Antagal kong nagtimpi pero sa wakas nagawa ko din. Para akong umutot ng sobrang baho saloob ng elevator ng walang kahit anong pagsisisi. Yung kahit madaming nakaamoy, proud na proud pa ako kase tangina nilang lahat with feelings!

Inaway ko lang naman yung isa kong katrabaho. At sobrang saya ko bes.

Sa trabaho ko kase ako yung ipinakabata, pinaka-less experience at pinakabago. Isama ko na din yung pinakamaalindog. At ako lang yung Pinoy. The rest puro ibang lahi na. Halos lahat naman sila kaibigan ko. Pero may iilan pa rin na sobrang aabusuhin ang kabaitan mo. Level of abuse: laspag levels. Ganyan. Porket hindi ka nagagalit at palagi ka lang nakangiti feeling nila okay lang sa’yo lahat. Kung tratuhin ka parang napakahina mo.

So eto nga. Meron akong isang katrabahong Pakistani na hindi naman kami close pero kung makapag-joke kala mo mag-bes kami. Kinukuha yung gamit ko ng walang paalam. Ipinamimigay ang inorder kong pagkain sa iba na parang may pa-charity works. Tapos siya pa yung barubal. Tagal na siyang ganyan sa’kin pero pinapalampas ko lang kase ang palaging mindset ko, “Magpakabait ka lang kahit hindi sila mabait sa’yo. Ang mahalaga malambot ang unan mo at nakakatulog ka ng mahimbing sa gabi.” Iniisip ko na lang,

“Siguro nakulangan sa chicken curry at biryani.”

O kaya, “Siguro hindi pinagbigyan ng asawa kagabi kase amoy nakaraan.”

O di naman kaya, “Siguro crush niya ‘ko. Naaalindugan kaya papansin.”

Tagal ko ag gumagawa ng excuse para hindi magalit sa kanya pero talagang sinusubok ang pasensya ko. Hanggang sa nitong huli, hindi na naman siya nagpaalam nung kinuha niya yung ‘gas defender’ ko. Hanap ako ng hanap buong araw kung nasaan pero nasa kanya lang pala. Ok lang naman yun sakin. Sanay na. Pero nung ibalik niya, siya pa yung may ganang itapon na lang basta sa harap ko. Napakabastos. Tapos nakangiti pa ang hayup, itim itim naman ng gilagid. Tumaas ang hi-blood ko bes. Eh di bigla akong napatayo sa kinauupuan ko at tiningnan siya ng masama sabay bagsak ko yung hard hat sa harap. Ramdam ko yung pagkakaisa ng mga atay, balunbalunan at buong kalamnan ko habang chinicheer nila ako ng, “Go bes. Labaannnn!!”

“Hoy! What’s your problem tangina ka?! Pareho lang tayo ng trabaho dito kaya wala kang karapatang ganyanin ako ha. Hindi mo ako pinapalamon!”

Nakatingin lang siya. Tapos nakalimutan ko, nag-tagalog pala ako kaya hindi niya naintindihan. Ewan ko ba. Sabi kase kapag galit na galit ka bigla ka na lang mapapa-English pero bakit parang hindi naman tumalab sa’ken! So inulit ko yung sinabi ko pero in English na.

“You’re nothing…But a second rate…Trying hard…Copycat!!!” Pero sa halip na tapunan ko ng tubig sa mukha, dinuraan ko na lang. Para classic.

Pero siyempre charot lang.

Pero ganito talaga yung sinabi ko akshwally.

“Hey ( sinabi ko buong pangalan), I don’t owe you anything. I don’t care if I lose my job or what. But next time you insult and disrespect me again in that way, babalatan kita ng buhay at ibibilad kita sa likod ng ref namin!” basta ganyan. Hindi ko na din naintindihan yung mga pinagsasabi ko pero feeling ko na-gets naman niya. Nagwalk-out eh. Struggle yung English ko nun ampota pero nairaos ko yung gusto kong sabihin kahit mautal-utal na ako. Hindi makapaniwala yung mga kasama ko na nagawa ko yun kase nasanay sila na tahimik lang ako palagi. Pero seriously, sobrang malaking accomplishment na yan para sa tulad kong palaging takot maka-offend ng ibang tao. That time, wapakels na ako to the max. No regrets, just pakingshets.

Ang sa’kin lang, hindi naman talaga kelangang paabutin lagi sa ganito. Nagpakabalahura lang ako kase, dami kong time. Pero kase, kapag hinayaan mo na lang na palagi kang hamakin ng isa, kayang-kaya din yang gawin sa’yo ng iba. Ng kahit sino. Know your worth. Kapag alam mong sobrang mali na, gawin mo yung alam mong tama na hindi kelangang macompromise yung pagkatao mo. Dahil kapag palagi mo na lang pinalampas, anong pinagkaiba mo sa aparador at sandok at kaldero sa bahay niyo? Hindi ka naman gamit. Walang magtatanggol sa sarili mo kundi ikaw lang mismo. At the end of the day, mga 11:59 P.M, sarili mo lang ang meron ka. Kung di mo alam ang sukat ng halaga mo, sino pang makakaalam ng worth mo? Ang pride hindi kelangang palaging nilulunok. Isinasantabi yan sa gilid ng lalamunan para kung sakaling may mang-agrabyado sa’yo, nakareserba yung pride mo para idura sa mukha niya, yung tagos!

pwede bang wag na ako mag shower and dritso tulog na. hays kapagod na magbihis. tas maglalagay pa ako ng mga serum, moisturizer, at ibang ka ekekan sa mukha. jusmeyo ang arte ko di naman gumanda. puunyeta

yournumberonefan  asked:

Once you get this you have to say five things you like about yourself, publicly. Then you have to send this to ten of your favourite followers ( non-negotiable, positivity is cool ☺)

1. Kapag nagmahal ako, kahit sino yang punyetang Adonis na ‘yan sa harap ko, wa epek. Ganern. HAHAHAHA #Bh0sxcz_M4pagm4h4lL!! HAHAHAHA.


2. Uhm, mapagbigay ako? Kapag sa mga kapatid ko kahit na gustong gusto ko or need ko ng pera, ibibigay ko pa rin kahit walang matira sa'kin basta mapagbigyan lang haha.


3. Galante ako. I don’t want to thrift-spend on anything. I know marami nagsasabing not a good trait pero honestly, sinasanay ko lang na iniispoil yung sarili ko so when the right time comes, di na ko magpapadala sa mga material things na “just aesthetically pleasing.”

4. Maganda ako. Ano ba, di na kailangan i-explain.

5. Yung mukha ko, hindi ako tinatagyawat. Walang make-up madalas. Kahit polbo wala. Lipstick lang, on special occasions pero aside from that wala na. :)


Thank you, Teppy!!! Good Morning! ❤️ Ingat ja maulan pa naman!

nakaka intimidate din pala pag malaki boobs. pwede bang dritso niyo yung tingin sa mukha ko? maganda naman ako hahaha jk only, mga gago kala nila di ko napapansin mga mata amp

faceless-man  asked:

I want to know your personality

Hirap naman neto.


I laugh at the most screwed up jokes, including dark humor

Can’t keep too many relationships. Nakakasakal pag demanding na

tamad af

Malibog (sino bang hindi, tanginang yan)

Ayoko ng happy endings (lalo na sa films or books)

Madalas akong walang reaksyon o emosyon sa mukha, kasi ganon lang talaga ako. Di ko na kasalanan kung ganto mukha ko.

Gusto kong nagsusulat tungkol sa malulungkot na bagay

introvert


Labyu <3

I never thought na I would come to this point na sobrang mapapaisip ako sa mga bagay bagay. Na sana kung hindi ako masyado nagpetiks nung lower years ko eh graduating na sana ako this academic year. I myself, tanggap ko naman na because I know it’s my fault and I’m the one to blame. I just can’t imagine how disappointed my parents are and all the people around me, especially sa side ng dad ko. They’re all successful, and here I am, delayed ng one year from graduation. Hindi ko kayang isipin kung gaano kalungkot yung mukha ng lola ko when I told her that I’m not graduating on time. I just wanted to cry in front of her and tell her how sorry I am. And I know for a fucking fact na paguusapan ako saamin, sa dami ba naman ng chismosa eh tangina. I know na people would go na hey it’s okay it’s not the end ganon. But iba kasi kapag sa’yo mismo nangyayari, and I appreciate naman yung nagccomfort sakin. People often think na I’m always happy lol bitch I’m not, ayaw ko lang ipakita sa iba because I don’t want to contribute pa sa drama ng buhay ng iba. Okay, dami kong hanash I just have to let this out.

3:01 PM

Mabilis ang oras. Ayaw paawat. Ready nako bumalik sa black hole tangina nyong lahat basta di ako makakapayag na tutunganga lang ako lalo na pag gabi (except kung laundry night) kasi ayokong malungkot. Totropahin ko si Christian pakyu. Totropahin ko kapatid nya. May pa-mural tangina kakapalan ko na mukha ko’t sasama ako kasi ayokong tumunganga lang. Gusto kong maging busy lang always. OT? Game lakompake atleast may pera ako pangwalwal.

Basta ayokong tumunganga lang. Gagawin ko na yung dare ko sa sarili ko, pag ako nakatambay sa book store, sa tambayan ko, sa mall, o kahit dun sa mini library di ako lalabas na wala akong nakakachikang stranger. Ena nyo malaki ang mundo di ako dapat mastuck sa isang shit lang dahil pag yan nawala ano na? Nganga? No. Yoko maulit ang nangyari sakin 3 years ago never again. Kaya eto g na.

Nanaginip ako kanina.

Mayroong isang lalaki don, na di ko kakilala pero kitang kita ko yung features ng mukha nya pero nakalimutan ko na kung paano ide-describe. Kasama nya sa isang kwarto yung isa sa kakilala ko dito sa tumblr, gusto kong sumama kaso ayaw nung guy.
Meron naman isa, yung kasama ko manood ng sine nung christmas last year, kasama din yung isa sa kakilala ko sa tumblr pero ibang tao naman. May something daw sa kanila, ang pinagtataka ko noon bakit hindi ganon yung ending namin, na magkakaroon kami ng mutual feelings pero pagdating sa bagong kakilala nya ay meron, samantalang parehas kaming lalaki. (panaginip lang ito ha) O baka kaya ka lumabas sa panaginip ko dahil miss lang talaga kita.

Ang point siguro ng panaginip ko ay, walang magkakagusto sa akin kasi laging merong much better person kesa sakin. Better version of me that I haven’t seen.

Isa... Dalawa... Tatlo

Isa, dalawa, tatlo
Sa ‘di inaasahang pagkakataon
Tatlong segundo tumigil ang aking mundo
Nang masilayan ko ang mukha mo

Isa, dalawa, tatlo
Nahulog na ang ating puso
Ang dating ubos ay napuno
At ang sira ay nabuo

Isa, dalawa, tatlo,
Ganoon kabilis
Akala ko'y walang hanggan
Ngunit bakit ka nandyan?

Isa, dalawa, tatlo
Hindi nagbago
Nandito parin ako
Nakakapit sa'yo

Isa… Dalawa… Tatlo…
Binibilang ko ang bawat hakbang mo
Ang dahan-dahang paglapit mo
Sa akin, dito sa altar, kung saan tayo mangangako