moody ako

*Open forum sa room*

Classmate1: Naiinis ako kay angel

Ako: Wow

Classmate1: Moody kasi sya eh. Dati naman di sya ganyan

Classmate2: Sbi ko nga dati, ano…

Ako: *Nakikinig*

Classmate2: Di ko talaga mahuli kung ano yung ugali ni angel tska *tooot*

Ako: *Nagulat*

lahat naman sila alam ko na ugali, di ko alam kung bakit di ko mahuli yung sainyong dalawa.

Classmate3: Naiinis din ako kay angel

Ako: Wow. *Bumulong sa katabi ko* Im winning. :)

Classmate3: Parang ganun din. Moody kasi. Tapos di din kita maintindihan minsan, di ko din mahuli ugali mo. Dalawang taon na tayo naging mgkaklase pero ngayon ko lang masyado nakikita totoo mong ugali. Pero atleast naiintidihan ko na ngayon.

  • Mabilis akong mairita, lalo na kapag meron ako.
  • Madalas akong magtampo kasi gusto kong lambingin mo ako.
  • Sensitive ako kasi gusto kong malaman mo na hindi ko gusto yung ginawa o sinabi mo.
  • Nagseselos ako hindi para layuan mo sya. Nagseselos ako kasi mahalaga ka sakin, at ayokong mawala ka.
  • Nagpapamiss ako kasi gusto kong malaman kung mahalaga ba ako sayo o wala lang ako para sayo.
  • Demanding ako paminsan minsan kasi gusto kong makita kung gaano ka mage-exert ng effort para sakin.
  • Iyakin ako hindi dahil sa OA ako, gusto ko lang malaman mo na nasaktan ako.
  • Pa-hard to get o pa-chix ako kasi gusto kong malaman kung sincere ka ba at kaya mong panindigan mga sinasabi mo.
  • Sinasabi kong okay lang kahit hindi, para matuto kang makiramdam at maging sensitive sa nararamdaman ko.
  • Pasensya na kung moody ako, babae kasi ako eh.

I admit, I`m not a perfect girl and I will never be.

Yung mga babaeng simple lang manamit pero ang lakas ng dating. Yung mga babaeng tinititigan ng lahat kapag naglalakad sa hallway. Yung mga babaeng palaging nakangiti tsaka tumatawa. Yung mga babaeng ang gaganda, sexy, makikinis at matatangkad. Yung mga babaeng palaging nasasabihan ng mga good compliments. Mga babaeng palaging napapansin kahit hindi mag-effort. Yung mga babaeng talented, matalino at maraming kaibigan. Ugh. hindi ako yung babaeng ganyan. Yeah, i admit that im not a perfect girl. Hindi ako yung ideal woman na pinapangarap ng lahat. Ako yung babaeng moody, or should i say bipolar. Mas maraming oras na nakakairita yung paguugali ko. Mas maraming beses na maiinis ka sa mga kilos ko. May mga oras na masusungitan kita o kaya hindi kita kakausapin. Minsan mami-misinterpret mo pa yung mga sasabihin ko kahit hindi ko naman sinsadyang sabihin yung mga yun. Mas maraming pagkakataon na kung ano yung pinaniniwalaan ko, yun dapat yung tama. Ayoko yung may nagdidikta sa akin. Ayoko ng may nakikialam. Oo, napaka-unpredictable ko. Minsan mapapatawa kita, minsan maiinis kita. Pero kahit ganito ako gusto ko lang naman ng lalaking makakaintindi sa akin. Yung lalaking tanggap yung pagiging bipolar ko.. yung mga mood swings ko. Gusto ko lang naman ng lalaking hindi magsasawang pagtyagaan yung pagiging sumpungin ko. Well, konting lambing lang naman ay okay na okay na ako. Basta maramdaman ko lang na mahal nya talaga ako kung sino at ano ako, masaya na ako. Moody lang naman ako kasi ayokong nawawalan ng atensyon sa akin. Parang ito rin yung way ko para magpapansin.. para humingi ng oras.. para mas pahalagahan. Madali lang namang magbago yung mood ko depende sa halaga ng isang tao sa akin. Kung madalas kitang inaaway, ibig sabihin mahal kita. Hindi ko alam, pero ang hirap iexplain. Ang alam ko lang, kailangan maghanda ng matindi yung lalaking magmamahal sa akin. At kung mahal nya talaga ako, hindi lang yung positive and sweet side ko ang mamahalin nya.. mas mamahalin nya yung negative and down side ko.