mong girl

kapag ang lalake nagselos...
  • GIRL: Ano?! Bakit ka ba nagagalit?!!
  • BOY: Hindi ako nagagalit. Nagtatampo lang ako. Iba 'yun.
  • GIRL: Bakit nga?!
  • BOY: Hindi na tayo nagkakasabay umuwi, kumain. Hindi na tayo nakakapag-text kahit isang oras lang. Nawawalan ka na ng oras sa'kin.
  • GIRL: 'Yan na naman 'yang self-pity mo. Ano ba?! Alam mo naman na busy ako, eh!
  • BOY: Alam ko naman 'yun. Ang akin lang...
  • GIRL: Ano?! Iniisip mo na dahil wala akong oras sa'yo eh baka iwan kita? Ano ba!
  • BOY: You want the truth, then? Oo. Nagseselos, nagtatampo, nagagalit, at natatakot ako all at the same time. Nagseselos ako kasi buti pa sa kanila, may oras ka. Nagtatampo ako kasi konting minuto lang naman yung hiling ko, madalas ayaw mo pa. Bakit? Kasi nga busy ka sa kanila. Nagagalit ako kasi alam kong nagagalit ka rin. Hindi sa gusto kong sabayan ang galit mo para hindi tayo magkasundo, I just can't help it. Natatakot ako kasi nanggaling na mismo sa'yo, baka iwan mo ako.
  • GIRL: Alam mong malabo yan. Akala ko ba may tiwala ka sa'kin? Where is this trust now?
  • BOY: Maniwala ka man o hindi, oo may tiwala ako sa'yo. Pero sa mga babaeng makikita at makikilala mo habang wala ako, sa kanila ako walang tiwala. Habang tumatagal 'yung mga oras na magkahiwalay tayo, 'yung lamat ng relasyon natin palaki din ng palaki. Lumalawak 'yung posibilidad na isang araw magising ka na lang na hindi mo na pala ako kailangan. May tiwala ako sa bawat desisyon na gagawin mo. Pero hindi mo ako pwedeng sisihin sa nararamdaman kong 'to. Sorry ha? Sorry kung sobrang attached ako sa'yo. Sorry kung ayaw kong maagaw ka ng iba sa'kin. Sorry kung nakakasakal na. Sorry sobrang mahal kita.