modelong

Say Something (3/3)

“Are you okay, Jul?”

“Huh?”

Mage-eight months na kami ni Darren. Isa sya sa pinakamabait na mga taong nakilala ko. Magkaibigan ang papa ko at ang papa nya, at kahit kailang hindi ipinaramdam sa akin ni Darren na hindi ako espesyal. Nagdadalawang isip ako nun kung papayag akong ligawa nya ako, pero hindi ko alam kung bakit isang araw, nagising ako at naramdamang kaya ko nang buksan ulit ang puso ko sa ibang tao, sa kanya.

Sa buong panahong magkasama kami ni Darren, walang pagkakataong naging malungkot ako. Lagi nya akong pinapatawa at lagi nya akong inaalagaan. Kapag may mga mood ako na hindi nya naiintindihan, tahimik lang sya. At ginagawa nya ang lahat para mapagaan ang pakiramdam ko. Guwapo, matalino, mabait at puno ng mga pangarap. At sa napakaraming babaeng nagkakagusto sa kanya, ako ang pinili nya. 

“Okay lang.” Nasa isang pizza house kami at inaya nya akong magmiryenda. Ngumiti ako at alam kong sapat na iyon para maniwala sya.

“Order lang ako ah.”

Habang nakapila sya sa may counter, hindi ko mapigilang panoorin sya at maalala lahat ng mga bagay na pinagsamahan namin. At hindi na ako nagulat sa sarili ko nang biglang pumasok sa isip ko si Elmo. 

Biglang sumikip at dibdib ko at nainis ako sa sarili sa pagkakataong iyon. Paano ko nagawang isipin si Elmo habang kasama ko si Darren. Habang nakatingin ako kay Darren ay para bang gustong mabasag ng puso ko. At alam ko kukng bakit. Alam na alam ko kung bakit.

Isang linggo na nang bumalik si Elmo at ni minsan ay hindi nya iniwan ang isip ko. Sa loob ng apat na taon, napakarami nang nagbago, kasama na ang dati kong nararamdaman sa kanya. Pero hindi pa rin ako sigurado kung tuluyan na nga bang nawala o namiss ko lang sya nang husto kaya pakiramdam ko mahal ko pa dun sya.

Pero paano si Darren? Hindi ko sya kayang saktan. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na sa pagbabalik ng unang lalaking minahal ko, magulo na naman ang isip ko, ang puso ko. Kapag naaalala ko si Elmo, wala akong ibang nakikita kundi ang nakaraan. Kapag tinitignan ko si Darren, nakikita ko ang hinaharap na kasama pa rin sya.

Ngumiti ako ulit pagbalik nya sa lamesa namin.

“Sure ka bang okay ka lang?” tanong nya.

“Oo naman.”

Huminga sya nang malalim at saka tumitig nang mabuti sa akin. “Bumalik na pala sya, ‘no?”

“Sino?” Alam kong nabanggit ko na si Elmo sa kanya dati pero hindi minsan lang iyon, at hindi ko ikinuwento kay Darren ang lahat.

“Iyong first love mo.”

Hindi ako makaiwas ng tingin. Nakangiti si Darren pero iba ang nakikita ko sa mga mata nya. Paano nya nalaman? At bakit nya biglang nabanggit? Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Gusto kong hawakan ang mga kamay nya sa mga oras na iyon pero hindi ako nakagalaw.

“Paano mo… paano mo nalaman?”

“Sinabi sa akin ng papa mo.”

“Oh.” Si papa. Bakit pa sinabi ni papa? Alam na alam nila ni mama ang lungkot na pinagdaanan ko nang umalis si Elmo, bakit kailan pa nilang ibalik din ang alaalang iyon? Ayokong malaman iyon ni Darren dahil gusto kong magsimula nang masaya kasama sya. Pero huli na pala. Alam na nya, kilala na nya si Elmo, alam na nya kung sino ito sa buhay ko.

“Oo. Last week lang ata sya dumating.” Sinubukan kong maging normal ang reaksyon at kilos ko. 

“Ah.” Lihim akong nakahinga nang maluwang nang hindi na sya nagtanong. Pero nang hinatid na sa amin ang inorder nyang pizza, tinignan nya ako ulit.

“Gaano mo ba sya…minahal nun?”

Bakit? Bakit ganon pa ang tanong nya. Napatingin ako sa kanya. “Ha? Bakit mo tinatanong?”

“Curious lang.”

“Ano ka ba, mga bata pa kami nun. Isa pa, hindi na rin naman iyon importante.” Laking pasasalamat ko nang hindi na nya nagtanong pa.

Nagsimula ako ng bagong topic at naging masaya ang usapan namin sa buong hapong iyon. At saglit kong nakalimutan si Elmo. At hindi iyon tama. Ang tama ay ang sabihing, nakalimutan ko na talaga sya.

Pero paano ba iyong gawin? Ang kalimutan ang taong una mong minahal? Ang taong matagal mong hinintay? Ang taong kahit na sinaktan ka, ginusto mo pa rin syang bumalik at makita ulit? Ang taong nagturo at nagparamdam sa iyo kung paano umibig at mahalin sa unang pagkakataon?

Malapit nang maggabi nang ihatid ako ni Darren sa bahay. Magkahawak-kamay kami at nagtatawanan habang pinaguusapan namin ang ate nya at ang asawa nito. Si ate Gabby at ang modelong asawa nito na si kuya Lloyd.

Tumigil kami sa harap ng bahay namin at hinawakan ni Darren ang dalawa kong kamay. “Hindi ka nna ba papasok?”

“Hindi na. Dadaanan ko pa si mama sa may shop nya.”

“Okay. Salamat sa miryenda ah.”

“Bukas ulit?” Nakangiti akong tumango sa kanya. “Oo nga pala, ano nang plano mo dun sa balak nating application?” Hindi ko sinasadyang bawiin ang mga ngiti ko. Halos makalimutan ko na ang application na iyon. After graduation, pinagusapan naming dalawa na mag-apply sa isang television network at hindi ko pa naibibigay kay Darren ang final decision ko.

“Oo nga pala. Sige, aayusin ko na yung resume ko bukas. Sa food house mo na lang ako daanan bukas ha, magbabantay kasi ako.”

“Okay. Huwag kang magpuyat ah.” Pagkatapos nun ay hinalikan nya ako sa pisngi at yumakap ako sa kanya nang mahigpit. Naisip ko nun, si Darren ang taong hindi ko kayang bitawan.

Hinintay ko pang mawala sa paningin ko ang kotse nya bago ko naisipang pumasok na sa loob ng bahay. Nakatalikod na ako’t bubuksan ko na sana ang gate nang may biglang tumawa sa akin.

“Julie.” At isangdaang boses man ang kasabay ng tawag na iyon, alam ko kung sino sya. Humarap ako at muling naramdaman ang kirot sa puso ko. Simula nang umalis sya hanggang sa mga pagkakataong iyon, iyon na lang lagi ang nangyayari sa puso ko. Nasasaktan at nalulungkot.

“Bakit?”

Nakasakay sya sa bike nya. Katulad pa rin sya ng dati. Ang pananamit nya, ang istilo ng buhok nya, ang mukha nya, walang ipinagbago. Sya pa rin ang Elmo ko. “Alam mo ba kung anon'g araw ngayon?” Nakangiti sya sa akin.

Iyon ang pangalawang beses na sinikap nya akong lapitan at kausapin simula nang dumating sya. Dahil sa loob ng isang linggo'y umiwas ako at ginusto kong laging makasama si Darren. Pero sa ginawa kong iyon, ay lalo ko lang syang na-miss. Ang lalaking nasa harapan ko.

“Martes.”

“Huling araw ng buwan.” Dalawang bagay ang naalala ko. Ang farm at ang mga alitaptap. Hindi ako sumagot at tumalikod ako sa kanya. Wala akong panahon para kausapin sya’t sariwain ang mga bagay na ginawa namin dati. Papasok na ako sa gate nang bigla nyang hawakan ang braso ko’t muli akong napaharap sa kanya. Mabilis syang nakababa sa bike nya’t nalapitan ako.

“Ano ba!”

Binatawa nya ako pero ang mga mata nya nakatingin pa rin sa 'kin. “Julie.”

“Pagod ako, Elmo. Umuwi ka na.” Kahit pangalawang beses pa lang iyon na nagkausap kami, pakiramda ko pagod na pagod na akong maging masungit at maging matigas sa kanya. Pagod na akong isipin pa sya. Pagod na ang puso. Gusto ko na syang bitawan. Gusto ko na syang maalis sa sistema ko. Gusto ko nang tumigil umikot ang mundong kong sa amin lang dalawa. Ang mundong binuo namin noon na hanggang sa pagkakataong iyo'y naroon pa rin.

“Julie, please. I just want to talk to you.”

“Nag-usap na tayo-”

“No, marami pa akong hindi nasabi. Sige na naman ako. Kahit sandali lang. Just hear me out, you don’t have to talk or say anything. Ayokong maging ganito tayo.”

“Maging ganito? Bakit ano ba tayo ngayon?” Wala akong ideya kung ano ang sagot sa tanong ko na iyon kaya tinanong ko sa kanya. Pero hindi sya agad sumagot. Nakatitig lang sya sa akin. Nagbaba sya ng tingin, saka sya huminga nang malalim at tumingin ulit sa akin.

“I don’t want us to end it like this.”

That was just one of the several things I’ve told her that I shouldn’t have said. It felt like I just broke her heart once again. Sana sinabi ko na, I want to make it up to you, I want us to start over again, I know that may boyfriend ka na ngayon pero it doesn’t mean we can’t start over, as friends. Even if it will kill me everyday thinking you’re already in love with someone else. At least I should’ve said something like that, diba? Pero napakalaki kong tanga, napakalaki kong gago.

Hindi ko na dinamdam pa ang sinabi na iyon ni Elmo pero alam kong sa isang parte ng puso ko, namatay na ang pag-asang tinatago ko pa rin. Doon ako nakakita ng chance na tapusin na rin ang lahat ng sinimulan naming dalawa. Naisip kong panahon na para tumigil na ang pag-ikot ng mundo namin sa isa’t isa. Alam kong hindi iyon magiging madali pero kailangan nang mag-umpisa.

“Papayag ako na kausapin ka, sa isang kundisyon.”

“Ano iyon?”

Huminga ako nang malalim. Bago ko sabihin sa kanya, kinumbinsi ko muna ang sarili ko na iyon ang kailangan naming dalawa at iyon ang dapat naming gawin. “Pagkatapos ng araw na 'to….tapos na. Tapos na tayo. Hahayaan na natin ang isa’t isa, hahayaan mo na ako. At….magiging masaya na tayo para sa isa’t isa. Okay?”

No. I didn’t want that. I wanted to disagree with her. I wanted to say no. I don’t want to let her go, I don’t want her to let go of me. We should start over. It’s supposed to be like this: she will forgive me and she will leave Darren and I will spend the rest of my life making it up to her. That’s how it’s supposed to be. But I was the one who ruined everything, ako lang ang may kasalanan kung bakit nauwi kami sa ganon. And I had no choice. Just thinking of it, it was slowly killing me inside. That’s the only way, the only chance I got. She will talk to me and after that, I have to let her go.

Sumama ako sa kanya. Sumakay ako sa likod ng bisikleta nya at kahiot ayaw ko'y pilit ko na lang na ininda ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang nakahawak ako sa baywang nya. Papunta kami sa farm pata panoorin ang mga aliptaptap. 

Pagkatpos ng halos dalawampung minuto, nakarating din kami sa farm. Hindi ko sinabi kay Elmo na hindi na ako ulit pumunta roon pagkatapos nyang umalis at mawala noon.

Pero nalaman pa rin nya,

“When was last time you were here?” tanong nya sa akin. Nakaupo kami sa lumang bench na naroon. Nakita kong naroon pa rin ang mga pangalan namin na inukit namin noon. Pilit ko na lang na hindi pansinin. Dahil makitid lang ang bench ay nakaupo kami na napakalapit sa isa’t isa. 

“Nung huling beses na andito tayo.” Sinagot ko sya. Pumayag ako na makipag-usap sa kanya at iyon na ang magiging huli. Naisip kong mas maganda kung sabihin na namin ang mga dapat sabihin.

I looked away. Suddenly I asked myself, am I really ready to hear her every answer? Everything that she could tell me? I would just feel how brokenhearted she was and I didn’t want that, but I had to know. I had to know everything. We stayed quiet for a long time. The fireflies weren’t there yet when I finally decided to start talking.

“You know where I stayed all those years? I was in Spain. I stayed there for four years.”

Napatingin ako sa kanya. At nakatingin sya sa malayo. Tinitigan ko sya nang matagal. At hindi ko mapigilang isigaw sa isip ko na Moe, miss na miss na miss kita. Miss na miss kita. “Sa iisang lugar ka lang nag-stay?”

Tumango sya. “Yeah. I met a group of backpackers in China, and I decided to go with them and see the world. Kaya lang, the day we’re supposed to meet at the airport, I didn’t show up. I let them leave without me and I ended up going to Spain and stay there.”

“Bakit?”

Muling nagtama ang mga mata namin. “I couldn’t do it. I can’t go and travel alone and think of you. My plan was us to see the world together, remember? Ayokong gawin iyon nang mag-isa.”

“Bakit mo kasi ako iniwan?”

“I’ve told you why?”

“Bakit di ka nagpaalam?”

“I can’t say good-bye to you. You know what.”

“Pero bakit umalis ka pa?” Halata sa boses ko ang galit at sakit pero wala akong magawa. Hindi ko kayang kontrolin ang nararamdaman ko. “Sana kasi hindi ka na lang umalis. Pero ginawa mo pa rin. Iniwan mo 'ko.”

“Dahil hindi ko na kayang bumalik, sa mama’t papa ko. I felt like that was the chance I’ve been waiting for. I was finally free and I told my self there’s no turning back this time.”

“Saka mo ko iniwan.”

“Leaving you wasn’t a part of the plan, trust me. I was supposed to take you with me, Julie. Pero hindi ko kaya. God knows how much I cried when I was at the plane. I wanted to go back and drag you with me, pero hindi ko kayang maging selfish sa pamilya mo, sa mga pangarap mo. I chose to be selfish at myself and it hurt me so much.” Hindi tinanggal ni Elmo ang mga tingin nya sa akin. At ako? Kaunti na lang at maiiyak na ako. “I chose to leave you and leave my heart here with you because it would be easier for me. Julie, walang araw na hindi ako nagsisisi at walang araw din na hindi kita iniisip. I tried my best to be brave and strong and selfish every single day. For four years, I had my freedom, I got all the time in the world to do everything I want, to go anywhere, to be everything I wanted to be, pero hindi ako masaya. I was never completely happy. I stayed in Spain, I worked there, nakapagipon ako para makapag-aral. I became friends with people who made me hold on to everything I wanted to let go. I wrote these.” Saka nya inilabas ang naparaming sulat na nakatali na iitnago nya sa jacket nya. “I wrote a letter for you every day.” Ibinigay nya ang mga sulat sa akin. “I didn’t have the courage to send them all to you. In fact, I didn’t have all the courage I wanted in all those years. Hindi ko alam kung bakit takot na takot akong bumalik. Hindi ko alam kung bakit takot na takot akong gawin lahat ng mga pinlano ko. Takot na takot akong isipin ka dahil alam ko… nasaktan ka nang husto.

Tahimik kong pinunasan ang mukha ko, hindi ko na nagawang kontrolin ang luha ko. Mahigpit kong hinawakan ang mga sulat at hindi ko sya tinignan. "Bakit ka pa umalis?” Hindi nya pa nasasagot ang tanong ko.

“Dahil gago ako.”

Napapaikit ako saka ko sya tinignan. “Oo! Gago ka talaga! Napakasama ng ugali mo! Napaka-selfish mo! Wala kang kuwenta!” sigaw ko sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin at tinatanggap lahat ng galit ko. “Mahal na mahal kita nun, Moe. Handa akong sumama sa iyo kahit saan. Kung yayayain mo kong magpakasala nun, o-oo ako sa iyo. Pero nagawa mo pa din akong iwan. Mas mahal mo ang sarili mo. Wala kang ibang minahal kundi ang sarili mo.” Saka ako tumayo. 

Aalis na sana ako at iiwan na sya nang,

“I’m sorry! But you’re wrong, Julie.” Humarap ako sa kanya. Nakatayo na sya’t wala akong ibang makita sa mukha nya kundi lungkot, pagod at sakit. “I used to be like that, self-centered, I cared only about myself. But that changed when you became a part me, a part of all of me. If there’s something or someone I’ve loved more than anything, more than myself, it was you. It is you. Hindi ko lang iyon naipakita sa paraang dapat. And I’m so sorry for that.  At gusto mo talagang malaman ang dahilan?I left and I stayed away from everyone, from you, for four years because I needed it. I was a mess. I was broken. I wasn’t capable of being the person you need, the right person for you. I love you and I wanted to be with you, pero I wasn’t that guy. I was still the guy who wanted to runaway, to get away from everything, the selfish guy you’ve known since we were kids. I was in love with you, and God knows that, but I’m not the one who should be with you. Kaya tiniis ko na umalis na di ka kasama, tiniis kong mag-isa, tiniis kong mamuhay sa paraang matagal ko nang ginusto dahil alam ko, I’ll eventually find myself. I’ll eventually fix myself. And I did. When I felt I was finally okay, I had to come back. Not for me, Not even for my family. But for you. Dahil sa ginawa kong pag-alis ikaw ang pinaka-nasaktan ko." 

Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga nang maayos. Parang mabilis na umiikot ang mundo at napakabigat ng pakiramdam ko. Hindi ako tumigil sa pag-iyak. Hindi ko alam kung ano ang mararmdaman ko sa mga oras na iyon, kung ano'ng dapat kong sabihin, kung ano'ng dapat kong gawin. Hanggang sa dahan-dahan na syang lumapit sa akin. hanggang sa maramdaman ko na ang paghinga nya sa mukha ko, ang mga kamay nya sa mga braso ko ang noo nya sa noo ko. Saka ako pumikit habang napakalapit nya sa akin. Ang lalaking pinaka-una kong minahal.

"Mahal na mahal kita.” Pabulong syang nagsalitang muli. “Every part of me still loves you and I could live the rest of my life showing you how sorry I am, how much I regret leaving you, how angry at myself for breaking your heart, your heart that used to be mine. I’m sorry, Julie. I’m so sorry.” Saka nya dahan-dahang iniangat ang mukha ko gamit ang kamay nya. Nakita ko ang mga luha nya at sa mga pagkakataong iyon, lumabas na ang mga alitaptap.

“I’m sorry.” sambit nya ulit. “I love you.” At hindi ko na nagawang iwasan pa ang mga labi nya. 

I kissed her, and she was kissing me back. I’ve ran out of words to say to her and I just wanted to make her feel and believe that my heart is still hers, that all of me still wanted all of her, that I never stopped loving her.

I didn’t let her go even if she was finally trying to push me away. I kept on kissing her hoping that somehow, it would take her every pain away. God, I missed her so much. When I came back, all I wanted is to hold her close to me and live every single day making a promise to her that I will never leave again. 

But that kiss was not a sign of a new beginning, of starting over; it was a sign that something is about to end. It was bittersweet and as Julie’s heart was finally starting to be whole again, mine was completely broken. 

Soon as our lips part, I touched her face with my two hands and our foreheads remained kissing. “This is where I first kissed you, remember?”

Napangiti ako, saka ako tumango. Doon nangyari ang first kiss ko, sa farm. Sa kaparehong pagkakataon. Naghihintay kami sa mga alitaptap, at nang pumaligid na sila sa amin, hinawakan ni Elmo ang mukha ko at hinalikan ako. Sandali lang ang halik na iyon pero kahi kailan hindi ko makakalimutan.

“Dito mo rin unang sinabi na-”

“That I’m in love with you.” Katulad ko, naaalala pa ni Elmo ang lahat. Ang lahat-lahat.

I remember everything. Every memory I have with Julie, every moment I spent with her, every smile, every laugh, every kiss (yes, I’ve kissed her a few times more) and every dream we made.

As we stood there, close to one another, time suddenly went backwards and memories flashed inside our heads.

The first time I climbed up to her room  and bought her napkins because she can’t ask her father to buy it for her and her mother wasn’t around, and she was locked inside the house. Her room’s windowsill became our favorite spot. And everytime she has her period, I will always make it a point she will eat and have everything she wants, na para bang naglilihhi sya. The first time I fell asleep in her bed and my arms were around her, it was the most comfortable thing ever. She was having a fever that time and she wanted me to stay. The first time I asked her father that I would take her on a date, a real date, and that was a couple of nights after the prom night. Pagkatpos ng prom, my life has changed. Araw-araw ko na syang pinupuntahan at sinasamahan ko rin sya kapag nagtu-tutor sya. Everyone started thinking were boyfriend-girlfriend but we couldn’t be at that time, ayaw ng parents nya na magka-boyfriend sya until she turns eighteen. So we couldn’t make it official.

Pumapasok kami sa school nun nang magkasabay at walang araw na hindi nya ako hinihintay para magsabay kami sa pag-uwi. Natutuo na syang kausapin ang mga kaibigan ko, ang ibang tao, at hindi ako makapaniwala noon nang bigyan nya ako ng bulaklak sa harap ng lahat. Naalala ko din nung unang beses na makapasok ako sa kuwarto nya at tinuruan nya akong maglaro ng video games, Nung ikinuwento nya na dahil sa lolo nya kaya nagkaroon din sya ng pangarap na umalis at magpunta sa iba’t ibang lugar at makita ang mundo sa mga mata ng isang taong malaya, ganun din kasi ang lolo nya noon. Naaalala ko din nun nang ipinagluto nya ako, nang tinutulungan nya akong mamalengke, at magbantay sa food house ni papa. Wala ring araw na hindi nya ako tinatawagan kahit magkatapat lang ang bahay namin. At tuwing Biyernes ay nagde-date kami at nagpi-picnic kami sa farm tuwing huling araw ng buwan. 

On her seventeenth birthday, I asked her parents to help me prepare a surprise birthday party for her. It was almost summer and I made her go to my uncle’s beach house and there waited a beach party for her.

At nung 17th birthday naman nya, simple lang ang ginawa ko. Binilhan ko sya ng mga mapa, libro at DVDs ng mga documentaries tungkol sa mga lugar at mga taong makakatulong sa kanya sa oras na magkaroon na sya ng pagkakataong umalis at hanapin ang mundo nya. Doon ko naramdamang gusto kong maging bahagi ng mundong iyon.

She was already a part of my world even before I knew it. On my seventeenth birthday, she showed me how supportive she was of my plans and my dreams and she set a small party for me in our garden. She said it was just a plain and simple gift, but for me it was big. It was something I will always remember no matter what.

Naglagay sya ng mga ilaw sa daan papunta sa farm. Nandun pa rin ang mga iyon hanggang ngayon.

I bought her a bicycle that is very similar to mine. She kept it and never used it since I left. She made me a scrapbook for future memories.

We graduated high school and celebrated together.

The more I thought of all those memories we had, the more I felt that the time has finally come. Time to let go.

I looked at her and smiled and stepped backward to give her a space to breath. “Thank you for this, Julie.”

Sa isang bahagi ng puso ko, hiniling ko na sana muli nyang subukan na kunin ulit ang mga kamay ko at sabihing magsimula kami ulit. Pagkatapos ng halik na iyon at pagkatapos naming maalala lahat ng mga bagay na ginawa namin sa isa’t isa at nang magkasama, naramdaman kong mahal ko pa rin talaga sya.

Pero siguro nga hindi kami ang para sa isa’t isa. At iyon ang bagay na napakasakit at napakahirap tanggapin.

Ngumiti ako sa kanya saka ako tumango. Pagkatapos nun, umalis na kami sa farm. Tuluyan na rin akong nagpaalam sa lugar na iyon, Lugar namin iyon ni ELmo at ngayong maghihiwalay na kami nang tuluyan, kailangan ko na rin iyong kalimutan.

Paghatid nya sa akin sa harap ng bahay namin, hinawakan nya ulit ang kamay ko. Naisip ko nun, iyon na malamang ang huling pagkakataong mahahawakan namin ang kamay ng isa’t isa. Alam kong nakatira lang kami sa isang lugar pero pakiramdam ko, tuluyan nang hihiwalay ang mundo ko sa mundo nya.

“I understand if you still can’t forgive me but I hope one day, mawawala na rin ang lahat ng sakit na binigay ko sa pag-iwan ko sa iyo. I hope one day, you would look at me and smile at me not feeling angry anymore. I hope-”

“Okay na.” Hindi ko na kailangan pang marinig ang gusto nyang sabihin. Sa oras na iyon, mas magaan na ang loob ko, mas naintidihan ko na, mas malinaw na ang lahat. “Okay na tayo.”

“Really?” Ngumiti ako saka tumango. “Good night na.”

“I’ll see you around, then.”

Julie’s smile felt like a goodbye. And soon as she’s already inside their house, I let myself fall on my knees and sat at the curb. I put my palms on my face and then, I cried. 

I’ve given up. Just like that. And I know that I can’t take it back. It’s over, she and I were over. And it felt like dying over and over again.

Sana nagsalita pa sya, sana hinayaan ko sya. Sana sinubukan nya ulit, baka pumayag rin ako. Sana niyakap nya ako at hinalikan at nagmakaawa na bumalik ako sa kanya. Sana binigyan ko pa sya ng isang pagkakataon. Sana binigyan pa namin ng chance ang isa’t isa. Baka sakaling sa pagkakataong 'to, maitama na ang lahat, Buo na sya para mahalin ako at huwag nang umalis at ako pa rin ang may hawak ng puso nya. Sana-

Pero paano na si Darren? Paano na ang mga planong desidido na akong gawin? Paano na ang mga bagay na kailangan na naming gawin nang hindi kami magkasama ni Elmo? Kung noon, okay lang sa amin na sa aming dalawa lang umiikot ang lahat, ngayon hindi na. At mas importante ang ngayon at bukas kesa sa kahapon.

Pagakyat ko sa kuwarto ko, lumapit ako’t sumilip sa may bintana. Dati kapag ginagawa ko iyon, lagi syang nandon na para bang naramdaman ng puso ko na andun sya. Pero hindi ko na inasahan iyon. nugnit nang paghawi ko ng kurtina, nakita ko sya. Nakasakay sa bisikleta at saka kumaway. Kumaway din ako. At pagkatapos ng ilang segundo, umalis na sya. 

At doon ko naramdaman na tuluyan na nga kaming nagpaalam sa isa’t isa.

,,,,,,,,,,,,,,,

Two weeks after that, the night when Julie and I finally fixed everything between us, she left. 

I heard my parents talking about it. Julie left with Darren and a couple of friends to attend a seminar in Cebu and after that, magsisimula na sila sa trabaho nila sa isang NEtwork company and they will be sent to Japan for training and eventually for a permanent work.

We were eating lunch and I was so quiet. I knew mama and papa noticed but they didn’t want to talk to me about it in front of Meg, she doesn’t need to hear it.

“Papa, magkakaroon po ba ako ng bagong tutor? Wala na si ate Julie e.” I stopped eating and looked at my sister who seemed heartbroken like me. 

“Yes, baby. Don’t worry, yung next tutor mo magiging kasing-bait ni ate Julie.” Mama told her while smiling. And her smile disappeared when she turned to me. I knew what it meant.

I was in my room fixing my things when someone knocked on the door, and in that instant, alam ko na si papa iyon.

“Son.” He sat on my study chair while watching me putting my things to my suitcase. Since I came back and since Julie left, he and I had not talked about anything yet. But that moment, I think he felt that I needed him, I needed a dad. And that’s what I love about papa. He knows when it’s time to talk.

“So, you sure you want to do this?”

“Yeah.” I turned to look at him. “Don’t worry, I’m not going to runaway again.”

“I know.” And then he stood up and walked towards the window. He was facing the outside world while talking to me. “You know, son, you should’ve said something.” And then, I couldn’t continue what I was doing. I just stood there, me and papa facing opposite directions. And I just listened. “The day you left, four years ago, the very first thing Julie did she came to my office to find me. Nung makita nya ako, lumapit sya, she hugged me and cried. And then I knew. That’s when I also realized…it’s real. And what you had was real. Young love is very rare son, hindi lahat ng mga taong naiinlove sa batang edad nakakaramdam ng tunay na pagmamahal. But you and Julie,” Papa turned to me as I’ve already turned to him first. I saw his sad smile. “you were soulmates.”

I didn’t expect him to say that. How could he say that? Julie’s already gone and I’m about to continue my life in college and go to law school. We’re already in our separate ways, our separate lives. How could he say something that will just cause the regrets, the what-ifs, the might-have-beens. How could he say something that will just on breaking my heart?

“She’s gone.” I told her.

“You could’ve made her stay.”

“She won’t stay.”

“What if she will?”

Papa walked towards me and patted my shoulder. “She never let you go, Moe. I don’t want you to forget that. You let her go. You left her, and you let her go. I’m telling you this so that one day, when you can love again, you will finally do it right. You have to say something, do something and never let the person you love go.”

I couldn’t speak so I just wrapped my arms around my father. He hugged me tighter when he heard me crying. I never cried in front of him but that moment, his hug is the place best to cry. My father doesn’t usually say so many things, but once he talks, even it’s just a couple of sentences, he says enough. And then I realized, after everything, I still want to be just like him.

That day, I left. Just like what I’ve always wanted, I left everyone, everything. But not to make myself a part of the world I never saw, but to continue my life. When was I younger I thought, leaving is the bravest thing a person could do when after everything that had happened I realized it’s what coward person does. 

You don’t runaway from family and the life you’re blessed with. You don’t go out there and look for something you’re not sure if you really want it. You don’t leave the person you love behind. You don’t throw away every single chance you got to live a better life.

I’m not saying I had the wrong dreams, it’s just that, I understood everything the way I shouldn’t have. I regret all of those decisions, those mistakes that I didn’t know they are, those’t said words I didn’t mean to say and everything I didn’t say and do. I didn’t lose my family’s, I didn’t lose myself, I didn’t lose my chances to live a better life, but I lost something bigger than any of those. 

I lost her. The only girl I’ve ever loved. The girl I wanted to share my future with. The girl I will never have again.

But life, as they say, must go on.

I finally got into college and if God forbids, I will go to law school and make my parents proud, it’s time that I’d do something for them. I could say I’m a changed man, with so much lessons in his pockets.

I’m 24 now and so far, I’m enjoying the world as I see it. I just used to ignore it before. And I know that this time, I will do it right, just like papa told me.

Life continued for me. And I’m grateful.

And Julie?

I still love her.

I will always love her.

And I will always remember her. 

………..END