mo ding

WHY 👏🏾 ARE 👏🏾 YALL 👏🏾 STILL 👏🏾 DE👏🏾FEN👏🏾DING 👏🏾 CHRIS 👏🏾 MO👏🏾THER👏🏾FUCK👏🏾IN 👏🏾 BROWN 👏🏾

Minsan akala natin gumagalaw na tayo. Tapos sa pag galaw na yun wala tayong direksyon. Basta galaw lang tayo ng galaw. At sa bawat galaw natin may humaharang na akala natin nasa kanila yung tama na daan. Edi sasama at sasabay tayo sa ruta kung saan sila papunta habang ikaw ay papalayo sa daan na binabalak mong daanan. Pero sa huli.. Yung taong sinamahan mo eh may sasabayan ding iba. Bali ikaw maiiwan sa daan na dinaanan niya at hindi mo na alam ang daan pabalik sa ruta na dapat eh nilalakaran mo ngayon.

Alam mo yun? Yung lakad ka ng lakad. Pero wala ka namang napupuntahan. Yung pagod hindi worth sa mga nararanasan mo. Akala kasi natin porket may nakikisabay sa atin eh dun din ang punta nila sa gusto mo. Yun pala, nakikisabay lang din sila para hindi sila mainip sa pupuntahan nila at iiwan ka nila kapag nakita na nila yung dapat eh kasabay talaga nila.

Napaka ironic.. Maglakad ng akala mo sobrang layo na pero walang progress dahil may mga taong humahadlang dito. Mga taong akala natin sila na. Pero hindi eh. Napakahirap ibalik ang daan dahil hindi mo na ito napansin dahil busy ka sa daan na tinatahak niyong dalawa.

Gademit.

Sampung utos ng Hokage (Mga Katangiang dapat taglayin ng Isang Hokage).

Ngayong gabi, ituturo ko sa mga magigiting kong mga mag-aaral ang mga katangian na dapat taglayin ng isang Hokage na maari ninyong magamit sa pagdating ng araw.

  1. Mapagkumbaba. Isa sa napakahalagang ugali na dapat taglayin ng isang Hokage ay ang pagiging mapagkumbaba upang maiwasan natin ang pagganti ng mga taong pilit tayong ibinababa. Dapat matutunan mong bumaba din minsan,wag puro sa taas ka lang. Hindi yung siya lang lagi ang bumababa sayo. Hindi lang dapat ang panty niya ang matutunan mong ibaba. Bumaba ka din pag may pagkakataon. Gets? #PantyDown #KaininMokoSaBaba #IbabaMoNaBaby #BabaKaNa #Lower
  2. Ma-ingat. Kailangang maging maingat at di padalos-dalos sa mga gagawing pagpapasya na hindi ka nakakapanakit ng kapwa. Dapat kapag sinabi niyang masakit o’ nasasaktan siya eh itigil mo muna. At ulitin ito muli ng dahan-dahan lang na hindi siya nasasaktan, dapat maging ma-ingat ka sa kanya. At dapat ingatan mo ding hindi mo siya mabuntis. Gets? #DahanDahanLang #IngatBaby #SlowMotionBaby #HandleMeWithCare #KeepSlowly  #CautionSlipperyWhenWet
  3. Masipag. Tunay nga na mahalaga na taglayin ng isang Hokage ang kasipagan sapagkat ito ang suso este ito ang susi sa magandang kinabukasan. Ang pagiging masipag ay magbubunga ng mas maraming bata este biyaya sa mga Hokageng nagtataglay ng ganitong katangian. Kagaya na lang ng sipag mo na yayain siya sa kwarto, napapadalas na. Sa sobrang sipag mo eh inaraw-araw mo na siya. Sa sobrang sipag mo eh tinulungan mo na siya sa paghubad ng kanyang damit. Ganyan dapat, wag kang tamad. Ipagpatuloy mo yang kasipagan mo, kayod lang ng kayod sa buhay. #KayodinMoKoBaby #SipagBumayo
  4. Matiyaga. Kakambal ng pagiging Masipag ang pagiging Matiyaga. Kailangang maging pasensyoso ang isang Hokage. Kailangan niyang pagtiyagaan ang isang bagay bago niya ito makuha. Dapat matiyaga kang antayin siya kung malapit na ba siya sa rurok ng tagumpay, kung matagal pa eh dapat antayin mo siya, habaan mo yung pasensya mo, wag kang atat gagu! Wag kang selfish! #AntayinKitaBaby #SabaySabayTayo #MalapitNaBaYou #WaitForMeAkingMahal 
  5. Maging Multi Tasker. Ang multitasking ay isang abilidad ng isang Hokage na gumawa ng lampas sa isang gawain o’ gumawa ng maraming bagay ng sabay sabay. Pwede mong pindutin ang keypad (ng cellphone) niya habang sinusubuan mo siya ng pagkaen. Pwede ka din magtumblr habang kinakaen ka niya o’ pwede ka magsampay ng damit o’ maglaba habang niyayakap mo siya sa likod ng walang saplot. Ganun! #TheMoreTheMerrier #WorkaholicBaby
  6. Mapagbigay. Isang kagandahang loob na dapat taglayin ng isang Hokage at dapat bahagi na ng iyong buhay. Maging mapagbigay ka sa mga taong nangangailangan ng tulong. Kapag hiningi niya ang katawan mo, wag kang maramot, pagbigyan mo na! Kapag sinabi niya sayo na sisirin mo siya, sisirin mo siya, pagbigyan mo siya. At kapag sinabi niyang “ISA PA”, pagbigyan mo! wag ka ng mag rason na “PAGOD NA AKO”, wag kang makasarili tandaan mo yan. #IsaPaIsaPangChickenJoy
  7. PAGIGING RELIHIYOSO. Ang isang Hokage ay dapat madasalin. Marunong lumuhod at yumuko sa harapan ng kapwa niya. Kailangan mong matutunan na lumuhod sa kanya, kaya luhuran mo siya sa abot ng makakaya mo, wag kang tumingala sa kanya hanggat hindi mo pa natatapos ang dasal na ginagawa mo. #LuhuranMoKoBaby 
  8. Pagkukusang loob. Isa sa napakahalagang ugali na dapat taglayin ng isang Hokage ay ang pagkukusang loob. Ito yung mga bagay na ginagawa natin na galing sa ating puso na may pagkukusa, yung hindi ka na naghihintay na utusan o’ gawin ang isang bagay. Kagaya na lang ng pagkukusa mo na hubaran siya ng damit pantaas at pambaba. Kusang loob mong ginawa yun, hindi ka na naghintay na sabihan ka niyang “Hubaran mo ko baby”. Isang senyales yun ng pagiging isang Hokage. Good Job! #LetMeBeTheOne
  9. Mahinahon magsalita. Isang ugali na dapat taglayin ng isang Hokage. Kapag ang isang tao ay mahinahon, napakasarap niyang kasama. Kailangan mong matutunang magsalita nang dahan-dahan, hindi yung puro sigaw ka na lang lalo pa’t may tao sa kabilang kwarto, mahirap na kapag mahuli kayo. #QuietPlease #SilentPlease #IsangBulongKaLang
  10. Marunong magpasalamat. Isa sa napakahalagang ugali na dapat taglayin ng isang Hokage, kapag marunong kang magpasalamat mayroon kang tinatawag na “Attitude of Gratitude”. Ito ay isang katangiang maipagmamalaki mo kapag marunong kang magpasalamat sa malalaki at maliliit na (dibdib) bagay, kung ano ang ibinigay at ipinatikim niya sayo kasama na ang katawan niya. Kung gusto mong maging masaya ang buhay mo, matutong magpa­salamat. Pasalamatan mo siya pagkatapos mong makaraos, sabihin mong “THANK YOU HA, ANSARAP MO, NEXT TIME ULET HA”. Ganyan dapat. Be thankful. #ThanksToYou #SalamatNextTimeUletHa? #ThankYouSarapMo

Yan ang Sampung utos ng Hokage. Nawa’y taglayin niyo ang mga ugaling ito para maging isang Magiting, Kagila-gilalas at Dakilang Ganap na Hokage kayo sa darating na mga araw. Ako po si Mikel, ang Hokage Master ng Tumblr. Enrollment is now ongoing (Limited slots available per class). 10% discount for full year tuition fees. Available until May 31, 2016. 

(FOR NEW HOKAGE STUDENTS) Please email the following requirements:   mikelmasterhokage@gmail.com Thanks!

1 pc 2 x 2 Nude Photo (Half Body) with white background
1 pc 1x 1  Nude Photo (whole body) with white background

Nakakatuwang isipin na may nag papasaya sa araw mo. Yung tipong pag gising mo sa umaga may matatanggap kang goodmorning text galing sa special someone mo. Syempre umaga pa lang buo na yung araw mo dahil sa simpleng, “Goodmorning babe! Wake up na. Male-late ka na niyan sa school. Sige ka. Ingat ka sa pag pasok sa school huh? Kumain ka bago umalis. At tsaka papasok na pala ako sa school. Text kita mamaya pag may free time ako. Okay? Iloveyou! ;*.” At pagkatapos mo basahin, andun sa labi mo yung bakas ng kasiyahan dahil alam mong may taong nakakaalala sayo. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung makatanggap ka ng mga text na ganun di ba? Tapos pag dating ng hapon susunduin ka or makikipagkita siya sayo. Yung hindi niya hahayaan na matapos yung araw na hindi ka man lang niya makakasama. Yung kasama ka niya sa paglalakad papuntang sea side para manood ng sunset kasama siya.

Pero hanggang kelan yang ka'sweetan niyo? I mean hanggang kelan yung makakatanggap ka ng mga goodmorning text or mga sweet message? Pano pag dumating na yung pagsubok ng tadhana para sa inyo? Kakayanin niyo ba? Minsan may time na halos mag kasama na nga kayo nagagawa pa ng partner mo na lokohin ka. Ano? Uso third party? May time naman na nauubusan na siya ng panahon or yung isa sa inyo eh wala ng time para sa isa’t isa. O kaya nagkakasawaan na dahil sa paulit ulit na mali na ginagawa ng partner mo sayo. Yung ganon? Tapos PRIDE na mas mataas pa sa Eiffel tower at hindi kayang lunukin. Akala mo naman malalason pag nilunok niya. Basta ang daming reason na pwedeng makasira sa relasyon at wala tayong magagawa pag yan ang pagsubok na binigay sayo ng tadhana. Tandaan mo, wala kang kawala. Pero kung totoong mahal mo yung partner mo hindi mo hahayaang mawala yung taong mahal mo, hindi mo hahayaang may mga bagay na makasira sa relasyon niyo. Lahat naman ng bagay napag uusapan e. Kung pag bigyan ka ng chance? Then go! Gawin mong worth it yun, bumawi ka sa anumang pagkukulang mo. 

At kung wala na talaga? Edi wala na. Move on nalang. Siguro hanggang dun nalang yon. Kelangan mag move on ka para sa sarili mo. Hindi lang naman siya yung tao sa mundo eh. Madami pa jan na mas hihigit pa na kaya kang ipaglaban. Yung di ka niya hahayaang mawala sa buhay niya. Kaya wag mong paikutin yung buhay mo sa isang tao na wala na. Natural lang yan. Keep fighting lang. Wag kang magmukmok sa napakahabang panahon. Okay lang ang umiyak. Nature na yan ng cycle of love. Nagmahal ka kaya asahan mo na ding masasaktan ka. Learn to accept the fact na wala na siya at hindi pa pala siya yung taong para sa'yo. Ang importante natuto ka kung pano maging matatag at pano ka lumaban.

SUGGESTED CANDIDATES FOR THE NEXT ‘DARNA’ ROLE

Dahil hindi na daw matutuloy ang pagganap ni Angel Locsin bilang Darna dahil sa di umano’y health reasons, napabalitang marami daw artista ang gustong mag-audition para sa nasabing role.

What if si Kris Aquino,

 “OMGG!! Nakakaloka! Make abot the bato!! DARNA!!!!” 

 What if si Darla

“Ding! Ang bato! DAR… DARLAAA!!! 

 What if si Angelica Panganiban,

“Tangina Ding! Ang bato! DARNA!!!” 

 What if si Kim Chiu

“Ding! Ang bato!”

 “Wait.” 

“Parang ito na ata ang icing sa ibabaw ng cupcake ko.” 

What if si Vice Ganda

“Ding! Salamat sa Real and Organic na Bato. DARNA!” 

What if si Gretchen Barreto

“Ding. Where’s the swarovski?!?

What if si Jolina Magdangal,

Chuva Chuchu chuva chuchu. DARNA!!!

What if si Ryan Rems

 Ryan: “Ding! Ang bato.” 

 Ding: < gives shabu >

What if si Anne Curtis

 Anne: “Ding! Ang bato!” 

 Ding: “Ayaw.” 

 Anne: “I can buy you. Your friends and that bato!” 

What if si Tito Boy

 "Kaibigang Ding, ang bato. Now naaaaaaaaa" 

What if si Ate Charo

“Dear Ding,

Ang bato. 

Nagmamahal… 

….Darna.“ 

What if si Donnalyn Bartolome

Donna: “Ding! Ang bato!” 

Ding: ( throws the bato ) 

Donna: “HA-HA-HA-HA-PPY BREAK-UP SURPRISE!” 

What if si Ella Cruz

 Ella: “Ding! Ang bato!” 

 Ding: “Twerk muna!! Twerk muna!” 

 What if si Korina Sanchez

 Korina: “Ding! Ang tsinelas!” 

 Ding: “?!?” 

What if si Pastillas Girl,

Pastillas: “Ding. Ang bato!”

Ding: “Tangina mo. Mabulunan ka sana.” 

What if si Yaya Dub,

Yaya: …

What if si Lola Nidora

 Lola: “Ding! Ang chiwibol! 

 Ding: < throws the chiwibol. >

 Lola: Hindi pa ngayon. Sa #TamangPanahon.

blogbitterness-blog  asked:

Suggest blog please :)

Hello sayo :D Thank you sa TA. Yan po yung mga active na bloggers na pwede mo ding makausap anytime at hindi snob. Halos lahat ng nandiyan nakausap ko nadin. :> Magagaling na bloggers yan, ikaw na bahalang tumingin. Thank you ulit.

aamazonangiyaken

ablogbygorgeous

akosiiceprincess

amordelirianervosaa

anglakwatserangbaliw

ann-chorxx

anntralala

asdfjayce

awesomemarvs

babablackstar

babaengclingy

babaengkinakalimutan

batangwallflower

batangyagitatyourservice

bebangpo

bossjenry

brikitdownjoy

ceeceeleeyah

dakilangboyyfriend

dakilanggerlpren

damseltodistress

datingacthegreat

diaryngbabaengbroken

dibagaysakinpangalanko

donesraph

dsnyqueen

dumadalandan

dyosangmaestra

everybodylovesahero

extrmawsmness

foreverawezome

ginniemouse

gotopariswithme

handwrittenscars

heisthegoodguy

highlyproductive

hyka0810

iamforeverphotographer

iamjpevangelista

iamtheoceanprincess

idiotmeh

imrenceee

insertmagandangurlhere

jamtamad

janlangsatabitabi

jazzonce

jepoycastle

joreeng

juankulangot

juankulot

karlareturns

lalakinghardtoget

lalakinginvisible

lalaking-nafriendzoned

lhoy

littlemiss-mich

littlemissnutellaxx

lurathoughts

marcelosantosiii

marrycrazymary

masayahingprinsesa

meandmyfluffycheeks

medyohipster

melabyoo

meowchiichii

missteriousbanana

misterdreamboy

mister-yosa

msbiancake

mysteryosangreyna

naligawsaneverland

neverthegoodguy

ngitizoned

onewordenglish

orangejeuz

ozzumera

pengengcherifer

pinakamagandangdyosa

pramisnamadeinchina

prinsesangmanunulat

rareriroseann

rnnjwlprl

romeoandpizza

secret-walangclue

shecantstoptalking

sigirlkismet

sikolohistang-baliw

skyisthe-langit

smokarrr

sociallyawkwardpersonnn

soundofbreakinghearts

starsandrocketsss

stuckinfrail

supladongtunay

surlabeach

the-anguished-one

thebitterana

thekamekazee

themissingserenity

thinkmestranger

unseendimple

urknightisademigod

writerfromneverland

xandivirginizedmind

xbllx

youreunreachable

Sa mga nakalimutan ko, sorry po. Ang dami din kasing mga iba pa na nakakalimutan ko. At sa mga maglalike nalang din po pa follow sila. 

Mahirap magpanggap na okay ka lang, na kaya mo ng ipagpatuloy yung buhay mo kahit iniwan ka na ng tayong mahal mo. Sa umaga, una mong hinahanap at tinitingnan yung cellphone mo kung may text ba galing sa kanya, nakakapagod bumangon sa kama, nakakatamad pumasok, nakakawalang gana mag-aral. Sa school, ang daming bagay na nagpapaalala sayo sa kanya. Wala ng magti-text sayo na gumising kana kasi late ka na, wala ng makulit, wala ng maghahatid-sundo sayo, wala ka ng kasama kapag may vacant time ka. Nakakamiss na nakakainis, inaalala mo siya kasi namimiss mo siya pero maiiyak ka nalang din sa katotohanan na hindi ka na niya mahal. Tapos sa gabi naman, ang bagal ng takbo ng oras. Gusto mo ng matulog para tapos na yung isang araw pero hindi ka naman dinadalaw ng antok, hindi ka makatulog sa gabi sa kaiisip kung naaalala ka din ba niya, kung saan ka nagkulang, kung paano kaya kung kayo pa hanggang ngayon. Nakakamiss yung mga panahong nanjan pa siya, ang saya-saya mo, marerealize mo nalang din na sobrang moody mo pala talaga at sobrang nagpapasalamat ka sa kanya kasi natiis niya yun. Pero wala eh, sumuko na siya. Paulit-ulit mo nalang ding tinatanong sa sarili mo kung hanggang kailan ba ganito, hanggang kailan ka magiging malungkot. Tapos bukas magpapanggap ka na naman na okay ka lang, na kaya mo ng mag-isa pero ang totoo sobrang namimiss mo na siya.

Newest Tagalog Quotes (April 21, 2014)

Newest Tagalog Quotes (April 21, 2014)

Maging masaya ka sa mga bagay na kung anong meron ka ngayon. Kahit minsan akala mo hindi ito sapat.

Kapag nagmahal ka hindi mo kailangan ng rason, kapag kaya mong ipaliwanag kung bakit mo mahal ang isang tao, hindi yan pagmamahal.

Minsan kailangan mo ring itigil ang pag-iisip sa nakaraan at magsimulang planuhin ang hinaharap.

Mahulog ka sa taong deserving hindi sa taong pinaglalaruan ka lang tapos hindi ka naman pala sasaluhin.

Mahirap kalimutan yung taong kasama mong bumuo ng mga bagay bagay sa buhay mo.

Sana balang araw ay magkaroon ng feeding program para sa mga taong nagugutom sa pagmamahal.

It pays enough to have a friend na malalapitan kapag feel mo walang nagmamahal sayo.

Kung ayaw mong masaktan sa susunod alam mo ang dapat mong gawin?
Simple lang, Sundin mo ang utak mo ‘wag ang puso mo.

Newest Tagalog Quotes

Kung pagod ka na, BITAWAN mo na, hindi ung nagpapakatanga ka eh madami pa namang ibang mas BETTER sa kanya

Kahit sabihin sayo ng lalaki na seryoso siya pero hindi mo naman nararamdaman, wala ding point yon.

Makipagkaibigan­ agad sa crush para madevelop bago matapos ang sem. Mabuti yung mauna kesa maunahan ng iba.

Malaki ang problema mo? Tingin ka sa itaas. Siya lang ang makakatulong sayo.

Mas importante ang pagiging masaya kesa pagiging perpekto.

Kapag hindi nagiging better ang pagkatao mo sa isang relasyon, isang magandang senyales yan na dapat ka ng kumalas.

Kalimutan mo lahat ng bagay kung bakit hindi yan magwowork at magfocus ka sa isang bagay kung bakit dapat magwork ang isang relasyon.

Kapag pumasok ka sa isang relasyon, huwag mong kalimutan ang mga kaibigan mo dahil sila hinding-hindi ka nila iiwan kailanman.

Long Distance Relationship
Distansya, tukso, oras at ang mga nakapaligid sa kanya ang kalaban mo. Mahirap pumasok sa isang relasyon na walang kasiguraduhan kung seryoso ba o lokohan lang. Yung sa monitor mo lang nakikita. Minsan hindi pa, puro chat puro text lang. Kapag nasa ganyan na relationship ka, tiwala lang ang panghahawakan mo.

Tiwala na dadating ang araw na hindi na sa chat o text mo masasabi mga gusto mo sabihin kundi sa personal na, harap harapan mo babangitin sa kanya yung mga katagang “Mahal na mahal kita.” With kiss pa.

Tiwala na imbis sa monitor mo lang sya nakikita o picture nya e, dadating yung araw na mahahawakan mo na yung pisngi nya. Matitigan mo na ng totoo yun mata nya, mararamdaman mo na ang presensya nya.

Tiwala na dadating din yun panahon na lahat stable na. Lahat maayos na, wala ng sagabal. Wala ng tutol. Lahat ba sangayon sa inyo. Pati oras mahihiya na paghiwalayin kayo.

Pero kung mahina loob mo, tapos mahinalang tao ka at walang tiwala wag mo na asahan na pumasok pa sa ganyan na relationship. Tapos dagdag mo pa na mainiping tao ka. Sa tingin mo? Tatagal ka? Hindi diba? Naglokohan lang kayo. Niloko mo lang sarili mo. Nakapanakit ka pa ng tao.

Bilib ako sa mga taong ganyan ang relasyon ngayon, yung sobrang layo nila sa isa’t isa pero loyal naman sila sa bawat isa. Kasi sa panahon ngayon, kahit ba nasa tabi mo na nahahawakan mo araw-araw. Nakakasama mo, nakakausap mo nagagawa ka pa ding lokohin i-timer.

Onting tiis lang. Magkakasama din kayo. Tiwala lang.

Pa-fall ba talaga siya? O naging pa-fall lang siya kasi hindi ka niya sinalo. Alam kong alam mo kung ano yung pinapahiwatig ko. Aware ka naman sa nararamdaman mo sa kanya, pero pinili mo pa ding tumalon kahit walang kasiguraduhan ang lahat. At ngayon na hindi ka niya sinalo magagalit ka at sasabihin mong pa-fall siya? Bago mo isisi sa iba kung bakit nasasaktan ka, tanungin mo muna yung sarili mo kung may ginawa ka ba para protektahan ang sarili mo.
PARA SA AKING FUTURE 'ME'

5 years from now, kung wala ka pang amnesia, maaalala mo na sinulat mo ang blogpost na ito. Ito na yung tinatawag mong ‘future me’. Ito na yung “5 years after” na sinasabi mo. 

Tanda mo pa ba nung sinusulat mo 'to? Kagagaling mo lang nun sa trabaho, 12 hours duty ka nun. Halos mag-isa ka sa field. Yung mga kagrupo mo may kanya-kanya ding trabaho. Akyat-baba ka ng hagdan. Punta dito, punta doon. Area Monitoring. Magsusulat ng logsheet. Sampling every 2 hours. Magkakarga pa ng additives sa 5th floor. Daig mo pa kargador. Yung pinapaisolate na valve, ipapaline-up din mamaya. May tatawag na naman sa radyo mo at no choice ka kundi sumagot ng, “Copy”, “Roger po.”

Tanda mo ba nung nagchacharge ka ng additives? Ang init-init dun tapos naka charging suit ka. Halos masinghot mo lahat ng alikabok at kemikal sa loob kahit naka respirator ka. Ni pagpapahid nga ng pawis hindi mo magawa dahil ang dumi-dumi ng kamay mo. Pinagkaitan ka ng karapatang magpahid ng pawis. Kelangan mo pang bilisan yung kilos mo dahil may oras silang hinahabol. Yung pawis mo sa noo tumutulo na sa mata mo. Ang hapdi tangina. Halos wala ka ng makita. Ni hindi mo mapunasan yung tumutulong sipon mo na halos kumayat na sa pisngi at leeg mo. Tapos may magraradyo, “Okay na ba kayo sa charging?” At sasagot ka lang ng, “Roger po.” Yung tipong parang di ka napagod. Maghuhubad ka ng charging suit na parang naligo sa pawis. Walang simile, methapor o kahit anong figure of speech dun. Naligo ka talaga sa pawis.  Literal mong pinipiga yung towel at brip mo dahil wala ka ng ibang gagamitin. Para ka ng nasa langit pag nakainom ka ng malamig na tubig. Yung lunch mong pang 11:30AM naging 3:30PM. Gustong gusto mong umabsent kinabukasan dahil sa sobrang pagod at sakit ng katawan pero hindi pwede. Tang-ina. Hindi pwede.

Gustong gusto mo ng sumuko di ba? Tanda ko pa nga, nakaupo ka dun sa hagdan ng extruder, naghihintay kung kelan kukuha ng sample, akala mo pawis pa rin yung tumutulo sa mata mo, luha na pala. Pagod na pagod ka na kasi. Pero hindi mo pa rin magawang punasan dahil andumi ng gloves mo. Kaya hinayaan mo na lang tumulo. Kahit kelan naman walang nakaalam ng pagkakaiba ng luha sa pawis kapag tumulo na. Para sa kanila at para sa iba, simpleng tubig lang yun na inilabas ng katawan. Hindi lang nila alam ang katumbas na hirap nun bago tumulo yun.

Pero andiyan ka na ngayon, binabasa itong blogpost na ginawa mo 5 years ago. Hindi ko alam kung nasaan ka na, kung narating mo ba yung gusto mong marating o ano. Pero isa lang ang alam ko, masaya ka ngayon sa kung anong meron ka. =)

“Paano mo icecelebrate ang Valentines kung single ka!!

isang karaniwang problema “daw” ng mga single ang February 14, Valentines Day… pero para sa akin, hindi to problema… saya kaya maging single, eh paano mo nga ba dapat icelebrate ang Valentines kung single ka…

  1. PARTY!! - siguro hindi lang naman ikaw ang mag-isa sa kaibigan mong single, for sure naman may makakasama kang gumimik, magparty-party… gala-gala, saya-saya din pag magtime ampanget kapag Valentines tapos anlungkot mo.
  2. Magtumblr ka na lang - gawin mo na lang pangkaraniwang araw ang Valentines Day, idate mo yung computer mo… kaholding-hands mo yung mouse tapos ka-eye-to-eye mo yung monitor… diba how sweet!
  3. Magsimba ka na lang - Well Valentines Day is all about love, kaya pwedeng Love of God ang ipadama mo sa araw na iyon. bago ka gumala, punta ka simbahan at magdasal ka… magthank you sa mga blessings, pwede mo ding iwish na makita mo na ang the one.
  4. Regaluhan ang sarili - kung walang magbibigay sayo ng flowers o kaya chocolate, edi ikaw ang bumili para sa sarili mo. kung ayaw nila edi love yourself na lang.
  5. Ikaw ang magregalo - kung may gusto ka, edi ikaw ang gumawa ng move, para next Valentines may kalandian ka na…
  6. Family Day - gala kayo with the Family, well Valentines is all about love afterall… Pamilya yan pa din ang mga pinakamahalagang taong dapat mong mahalin… hart hart.
  7. Singhot ka ng katol - wala lang may magawa lang, iwas lamok pa. yung lavander scent para sosyal.
  8. IKAIN MO YAN BAYBEH!! - kain ka ng pizza, fries, burger, chicken joy, lechon, leche flan, bulalo, kupnudels, siomai, kikiam, isaw, fishball, suka, toyo, kawali, bintana… lahat na kainin mo… sarap kayang kadate ang pagkain. busog ka pa!!

Well, Ang Valentines hindi kailangan ng may kalandian at kadate, basta ba nacelebrate mo ng puno ng pagmamahal!! ENJOYIN ANG PAGIGING SINGLE!! ipadama ang pagmamahal sa lahat ng taong mahalaga sayo sa araw na ito… kung may love problems ka o kung ano pa man TA mo lang ako!! here

Isang linya ng mga taong may minamahal pero komplikado ang estado sa relasyon. Isang linyang akala mo ordinaryo pero ang totoo, sa likod ng bawat letratang nakikita mo ay may katumbas na isang baldeng luha at masakit na nararamdaman dahil sa nagsimulang magulong pagkakaugnayan. Simple lang mahal mo siya, mahal ka niya pero hindi kayo. Pwede ding mahal mo siya pero hindi ka niya mahal. Ang sakit nu?

Isa sa masakit na pwedeng mangyari sa buhay mo, sa puso mo ang makaramdaman ng pagmamahal sa isang taong kailanman hindi pwedeng maging kayo. Gusto niyo man ang isa'tisa pero ang kapalaran ang sadyang ayaw sa inyo, dahil sa una palang hindi pala talaga kayo para isa’t-isa. Ayaw kasi hindi pwede. Hindi pwede kasi, may masasaktan, may pwedeng magsakripisyo, may pwedeng malayo, at isa sa pinakamasakit may mahal siyang iba. Ay may isa pa, hindi pa tamang panahon.

Pero gayun pa man. Isa ito sa linya ng mga taong sawi dahil sa hinahangad niyang pagmamahal na matagal ng inaasam. Matagal ng pinakahihintay hintay, pinakamatagal ng pinapangarap at pinagdadasal ay darating sa makatotohanang panahon ang sabihin hindi “kayo”.