mitchipics

2

JGH.

Hayyyy salamat. nakauwi rin sa wakas. next week tsaka next next week. 3-11 ulit duty namin. :(( kakapagod. pero carry lang. nagawa ko pang mag pa-cute sa cam kahit medyo inaantok na. hayy.life :))

Narealize ko lang. masarap talaga pag yung mga classmate mong lalake eh ka-close mo. yung tipong parang “kuya” na turing mo sa kanila. katulad nalang kanina. hindi nila ko masasamahan sa pag uwi kasi mag iinuman sila ngayon. eh iba namin kasi way papunta sa bahay namin. kaya di ko sila kasabay. pero bago sila umalis, naghabilin muna sila na mag ingat daw ako sa pag uwi sabay hawak sa buhok na tipong panganay na kapatid na naghahabilin sakanyang bunsong kapatid. masarap lang talaga sa pakiramdam kasi feeling mo talaga pag sila lahat ang kasama mo, walang mangyayaring masama. kasi proprotektahan ka talaga nila. :)

# nakita ko lang sa bag ko kanina yang lanyard na nabili ko pa sa POC. nadala ko pala pag punta ko kanina sa hospital. lels. :))

anonymous asked:

POSER!

huhuhuhuhu T_T

Ayyyy wait! di masyadong kita nakasulat..

Ayan! ay, wait lang. magpapa-cute lang ako ah.

O sige anon ah, Goodnight. monthsary kasi namin ngayon ng mahal ko. magpapaka busy muna ako sa kanya. :) Bye! :))

6

Everyone has a destiny. You are mine.

Hi babe! Belated HAPPY MONTHSARY! sensya na kung ngayon lang tong bati ko, pero binati naman kita nung monthsary talaga natin diba? 9th Monthsary (May 22, 2012) na siyang Birthday din ni mommy, Double celeb kumbaga. :)

Ayun, sensya na mahal, ngayon ko lang kasi talaga na-perfect yung pag gawa nito. ang hirap pala. lechugas! hahaha. gumamit pa ko ng calculator sa pag crop! di ko kasi talaga alam kung pano to gawin, chamba lang ginawa ko. haha.

Hmmm, Babe? alam mo? Mahal na mahal kita. wala lang, sinabi ko lang ulit kahit na alam kong alam na alam mo na yan. hehe. 9 months na kasi akong masaya dahil sayo eh. Kung ihihintulot ni God, gusto ko sanang Ikaw na talaga makasama ko habang nandito ako sa mundong to, hanggang dun sa kabilang mundo pa. hahaha (Good luck nalang sayo babe, kung sa impyerno ako bumagsak, pero syempre, mabait naman baby mo eh. kaya sa langit talaga ako. hehehe. pero sa kabilang banda, Good luck nalang din sakin, kung ikaw yung sa impyerno, nako! yaan mo mahal, di naman ako maarte. kakayanin natin yan mahal! haha. pero syempre joke lang, mabait din naman baby ko eh. Langit ka din syempre! HAHAHAHAHA)

Ayun, pero seryoso na. hmmmm Mahal? Sorry sa pagiging pasaway ko minsan sayo ha? tsaka maraming salamat din sa pag-intindi and laging pagpapaalala sakin ng mga kailangan kong gawin. (Pero babe, actually, kahit wag na kasi alam ko naman po. pero Sige na nga, mamaya nyan magalit ka pa sakin. tsaka babe. teka! naalala ko lang, Ikaw Lester Lee ah! sumosobra na ata yang pagpapagalit mo sakin ah. kahit konting kasalanan lang, papagalitan mo agad ako. sumosobra ka na. Gusto mong sapakin kita dyan? ha? hmp!) pero ayun, kahit ganun ka babe, Mahal na mahal talaga kita, sobra. hehe :)

Battered girlfriend here. :( HAHAHA

Ako: taas taas mo pa babe.

Ako: urong mo pa sa dulo, sa may right side..

Ako: Sa may right side nga sabi eh!

Ako: Sige pa taas pa.

Ako: oh, sumobra naman, baba baba ng onti.

Ako: Yaaaaannnn! Good. wait printscreen ko na.

Siya: Baby? matagal pa ba? nangangawit na po ko.

Ako: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHA

–  –  –  –  –  –  –  –  –  –  –  –  

HAHAHA. Hi baby, Dahil nga 2 days ang family outing niyo, wala na munang magbabantay sakin matulog and wala na muna akong babantayan matulog, :( ayun, parang ang haba ng 2 days eh. haha, MISS NA KITA AGAD MAHAL. pero ayun, enjoy kayo dyan nila mommy. Kiss mo nalang ako sa kanila ha. I love you. Enjoy ang baby ko. Behave lang lagi. :* :* :*

P.S:

Galing ko na mag-edit noh!!!! Bilib nanaman sakin baby ko nyan eh. HAHAHAHAHAHAHAHA. Alam ko, etong picture ang gusto mong ipost ko, Kaya nga di ko sinabay dito baby eh, (http://umaasaparin.tumblr.com/post/22381356404/hi-i-love-you-so-much) gusto ko kasi pagandahin yung pangjojombag mo sakin. CHAROT. =))

Ang ganda naman nitong araw na to! ANG SAYA KO. SOBRA! \:D/

Kagabi, nagtext yung isang close friend ko..

Siya: Sis! what time pasok mo bukas?

Ako: 8am sis, Why?

Siya: Dalhan kita ng breakfast tomorrow! Anong gusto mong food? and what time ka aalis bukas?

Ako: Ay bongga! seryoso? hmm mga 7:30 sis alis ko. Osige. gusto ko ng Ice cream, blueberry cheesecake, Mcdo Fries, Chicken, Spag. HAHAHAHAHA. Joke lang! Kahit ano sis, Ikaw na bahala. hmmmm Grabe. seryoso talaga? Shocks! Ang sweet mo sis!! Geh ikaw naaaa!! haha

Siya: Osige, lahat yan dadalhin ko bukas. hmmmm. Okay lang bang ma-late ka bukas? maghahanap pa kasi ako ng blueberry cheesecake, di pa kasi ata bukas yung pastry shop ng ganong oras.

Ako: Ngee!! Hoy, joke lang noh! kahit ano lang. ikaw na bahala. hahaha

Siya: Wag na! Yun na yung order mo, yun na yung bibilhin ko, matagal tagal nanaman kasi tayong di magkikita sis. Punta ko ng Manila after ng birthday ko. Dun na ko mag-aaral.

Ako: Awwwww :( Lechugas ka!!!!!! Kainis ka talaga!! Eh di mas lalo kitang mamimiss niyan sis! huhuhuhu. After ng birthday mo? Eh di ngayong buwan na yun! :(

Siya: Korek! ngayong buwan na nga! wag ka na ma-sad. after ng board eh di punta ka na din manila..

——

*Tapos kaninang umaga, nagtext agad siya, mga 7am.*

Siya: Sis, malapit na ko sa Mcdo, bibili lang ako ng foods, tsaka check ko kung makakabili ako ng blueberry cheesecake. wait mo lang ako okay?

Ako: OMG!!! Sis, wag naaaaaaa. kahit ano lang noh. Geh, Ikaw na sweet!! hahaha. maliligo na rin muna ako, wait nalang kita sa bahay.

*Tapos dumating siya ng 8am.. na-late siya, kasi naghanap talaga siya ng cheesecake. Grabehan sa ka-sweetan si teh! haha, kaso wala nga talaga siyang nabili. Kaya, pagpunta niya sa bahay, Eto dala niyang food..*

— Musta naman yung breakfast ko, PARA NA KONG BIBITAYIN. Di nakunteto sa isa, tatlo tatlo pang binili! Hahaha. at ang sweet lang kasi may kasabay pang fresh na fresh na mga rosas! Kabog lang si teh! haha. Ang sweet ng sister sisteran ko. So pagpunta niya sa bahay, tamang tama kakatapos ko lang maligo and magbihis. So, syempre, di naman ako papayag na wala kaming picture. hahaha

– – – – – – – – – – –

Sobrang nagpapasalamat lang talaga ako kay Lord, kasi bibihira nalang magkaron ng ganyang kaibigan sa panahon ngayon, Yung kaibigan na gigising ng maaga para lang dalhan ka ng breakfast mo, yung kaibigan na lahat ng sabihin mo, sinusunod, Dadamayan ka kahit anong oras, Yung kaibigan na hinding hindi hahayaang masira ang respeto at tiwala mo sa kanya. 

Lord, Thank you, kasi binigay mo tong sisterette ko sakin, Na meron akong isang kaibigan na kagaya niya. Grabe!!! :)

Pansin ko lang, ANG SWERTE KO LANG TALAGA SA MGA KAIBIGAN KO. (Yung ibang kaibigan ko, pati yung bestfriend ko, ganyan din sila ka-sweet! pare-pareho sila, seryoso) Mga kaibigan na tinuturing ko na ring pamilya at totoong mga kapatid ko. :)