misundestood

youtube

It challenges the essence of my soul, and leaves me in a state of disconnection. As I navigate the maze of self control playing a lion being led to a cage, I turn from a thief to a beggar, from a God to God save me.

Manghusga bago makilala.

Ang pangit pakinggan no? Parang sobrang sama ng taong gumagawa ng ganito. Yung mga taong, dahil nakita nila na ganito, ganyan ka, WOW! Kung makapagsabi ng mga kung ano, akala mo kung sino. Akala mo kilala ka nila to the bones. Akala nila alam nila yung totoo mong kwento. Akala nila alam nila kung ano pinagdadaanan mo.

Pero yung totoo, kilala mo ba talaga? Ni minsan ba kinausap mo siya? O ni minsan kinausap ka ba niya tungkol  sa storya niya? Oh, wait. Hindi. Hindi dahil inuna mo yung judgement mo. Dahil ang nakita mo sakanya maarte, malandi at kung anong hinayupak na description.. You didn’t even bother to really get through the story. Binase mo lang yung pagkatao niya gamit yung mga chismis na napupulot mo at yung nakita mo. Nakita. Nakikita ba ang personality? Hindi naman diba?