misslovelust

Happy Move-On Day + Heart-to-Heart-talk + Libreng inom sa Padi's Point!

Medyo late na tong post na to pero I shall declare March 16, 2013 as my Moving-On Day. Kung hindi dahil sa inuman namin kagabe ng mga tropa ko, di ako maliliwanagan at matatauhan sa ILANG TAON KO NANG PAGIGING BITTER SA ISANG BABAE hihi..

Salamat kila Glenn at lalung-lalo na kay Gagno sa madramang heart-to-heart talk namin kagabe, sarap ng inuman natin! Ang sarap ng libre! ANG SARAP TAKBUHAN NUNG BILL NATIN PATI NUNG BOUNCER BWAHAHAHA! FEELING KO NASA PELIKULA AKO NG INDIANA JONES.

And last but not the least, congratulations Ily sa bago mong lovelife, alam kong mababasa mo to balang araw, at pag nakita mo to panigurado tatawanan mo ko. Gusto ko lang malaman mo na sobrang minahal kita, hanggang ngayon pa din naman, pero naisip kong mas maiging tropa nalang tayo. Mas magiging maasaya yun ♥

Someday we'd meet again ♪♫♪

Ang sarap palang kiligin no? Ang saya ko kase pinaranas ulet saken ni God kung pano ma-inlove ulet – kahit saglit lang.

Nakakamiss yung paluan at pangungurot ko sa braso mo. Nakakamiss yung foodtrip, yung tawanan, yung mga non-sense na asaran, yung picture-picture, yung mga walkathon sa festi, yung pagsha-shopping, yung paghuhugas ng plato, yung Chicken at yung DQ. Nakakamiss lahat. Nakakamiss ka..

Di mo alam kung pano mo ko binago. Nung nagkakilala tayo, bitter pa ko nung mga panahong yun. Bitter pa ko kila Ily at sa bago niyang boyfriend. I hate to name names pero totoo yun eh wahaha! Pero ewan ko ba? Tinuruan mo kong mag-move on. 

Na-fall na ata ako eh? Pero kahit di na tayo magkita pa ulet, masaya ako sa memories natin.. Malay natin, baka bukas? or next month? or next year? pwede din namang after 5 or 10 years? Baka bigla nalang tayong magkasalubong.. We’ll never know. 

Pano ba yan Ritz, hanggang dito nalang tayo. Sa ngayon, hanggang dito nalang muna tayo..

Bonding moments..

Me and Ily (Misslovelust) went to Festival Mall last May 16, 2012. Naisipan naming sabay umuwi tutal naman, parehas kameng nagwowork sa Alabang.. Kwentuhan, window shopping, tapos onting miryenda.. Nilibre ko siya ng DQ – buti nalang may dala akong pera nung mga oras na yun bwahaha! Anyway, ililibre niya ko next-week pagkakuha niya ng first salary niya hihi..

Ang taray ni kuya diba? Sabi ko sa kanya, "Kuya handa ka na bang sumikat? Pipicture-an kita.. Ipopost ko sa Tumblr!“.. Kaya ayan ohh, nag-pose siya wahaha!

At siyempre, hindi pwedeng si kuya lang ang may picture.. Kame rin dapat. Ang cuuuuute namin diba diba? 

Anyway, binigyan ako ni Ily ng California Maki.. MY FAVOOOOORITE.. nakakatuwa kase wala namang okasyon, tapos hindi ko naman birthday wahaha! Ang sweet lang. Thanks ulet ILY!.. See you soon.

An unsent message..

January 16, 2017 – So, you turned 25 Ily. Belated Happy Birthday though.. At dahil diyan, isang appreciation post ang dinededicate ko para sayo.

So this was my first attempt to draw you as a comic sketch way back in 2012. Failed birthday gift na hindi na nasend sayo. Ilang taon na rin ang lumipas, ang dami nang nangyare, at nakalimuntan narin naman natin ang isa’t isa. 

Pero kahit na ganun pa man ang mga nangyare, salamat Ily sa masasayang memories ko kasama ka. Kung wala ka sa buhay ko, malamang wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Malamang wala akong Tumblr, at boring siguro ng buhay ko.

Kagaya ng napag usapan natin noong mga college tayo, tandang tanda ko pa na 12 midnight bago ka mag 23 years old, kapag single ka at single pa ako, magiging tayo nalang. Magiging 1 year na mag syota, magiging engaged pagtungtong ng 24, at ikakasal pagdating natin parehas ng 25. Ginawa natin yung deal na yun dahil sa takot mo sa fortune teller na sinabing tatanda kang dalaga.

Hindi na ako pumunta. Alam ko namang masaya ka na. At tignan mo ngayon, may boyfriend ka nang bago at deserving at alam kong di ka lolokohin. Alam kong magiging masaya ka at magiging successful kayong dalawa lalo na’t engaged na kayo. Atleast natupad ang pangarap mong maging engaged ng 24 years old hihi. 

Wala na akong ibang mahihiling pa para sayo. God bless! Dan dreams always!

A not so planned slash unexpected gift for ILY.

Out of the blue, bigla ko lang naisip na bigyan ng gift si ILY para sa birthday niya. Sa totoo lang, wala akong planong mamigay ng gift kase nagtitipid ako. May pinag-iipunan ako at ayokong gumastos hangga’t maaari. Eh kaso ewan ko ba?

Mga bandang 4pm kahapon, bigla akong lumusob ng SM dasma para maghanap ng gift. SHET, kahit anung murang item na lang, bahala na..

At nagtingin-tingin ako sa mga stalls kaso wala akong natripan.

FAIL.

So I decided to buy her an earring – trip ko lang yung earrings kase cute. Medyo mahal siya, pero okay lang.

Anyways, nilagay ko yung earrings sa loob ng isang malaking box at pinuno ko ng post-it-notes. Lahat yun may drawings at sulat. Feel ko ang korni ng ginawa ko, pero sana natuwa siya.

PS: Alam niyo ba na andun ako sa gilid ng entrance ng SM nagsulat at nagdrawing?

DEFINE NAKAKAHIYA. lahat ng mga taong pumapasok sa SM, saken muna tumitingin. Kahit yung guard ng SM nakatingin saken at nakangiti. Nilapitan pa ko at nagtanong..

GUARD: “BOSS, anu yan?”

ME: “ay, greeting cards ho ito. may isusurprise lang akong babae”

GUARD: “ah ganun ba? goodluck sa inyo ng girlfriend mo :)” – with matching smiley na mukhang mas kinikilig pa ata saken.

ME: “HAHAHAHAHA” – tumawa lang ako. tumawa din siya..

Nakakatawa lang yung conversation namin. Pero grabe yun. Feel ko nga, naging artista ako for a day.

HAPPY BIRTHDAY ILY!

I know this is a super duper late post kase January 14 ko pa dapat ginawa to.. Eh busy kase ako kaya ayun! Anyways, kung napapansin niyo guys yung blog ko, eversince puro si Ily lang ang laman. Siya kase ang dahilan kumbaket napadpad ako sa Tumblr.

At sa sobrang dami ng posts ko about sa kanya, pwede na nga atang pagpalitin ang mga Tumblr account namin.. hahahaha!

So heto, I’m dedicating this post for “HER” ulet. Isa kase siya sa mga pinaka-special na nilalang sa buhay ko. YEEEEEESSSS!

Hindi “kame” walang “kame”. Special lang talaga..

Ayan, sorry at nag-grab ako ng photo mo. Hindi na ko magpapaalam hahahaha!

HAPPY BIRTHDAY ILY! I wish you all the best. May God bless you more and more and more. 

Eat with no regrets. Pray without ceasing. Laugh like there's no tomorrow. Love and love harder. ♥