minsan ang pag ibig

Pag-ibig pa nga ba?

Minsan ang lungkot. Madalas ang saya. Minsan mahirap. Madalas madali pag kasama ka. Minsan maingay. Madalas tumatahimik kapag galit na. Minsan pagod na. Madalas pinaglalaban pa. Minsan magulo. Madalas maayos kapag nandyan ka. Minsan kaya pa. Madalas pagod na. Minsan sabik sayo. Madalas sawa na. Minsan ikaw pa. Madalas may gusto nang iba. Minsan nakangiti pa. Madalas nasasaktan na pala. Minsan naaayos pa. Madalas hindi na. Minsan sayo pa. Madalas pag mamay ari na ng iba. Minsan naiisip ka. Madalas siya na. Minsan may pag asa pa. Madalas wala na. Minsan tanggap na. Madalas sobrang sakit pa. Minsan naging tayo. Madalas tapos na. Tinapos na. Napagod na.

Minsan gusto ko na lang sukuan ang pag-ibig. Para kasing hindi ako nagiging enough everytime. I somehow wanted someone na tatanggapin ako kung sino ako. Yes, alam ko na tiwala lang sa tamang panahon. Pero minsan kasi ang hirap alagaan ng puso. You meet someone at akala mo siya na and you end up being brokenhearted again kasi wala din. Minsan naman, balik ka ng balik sa past mo, na parang tanga lang.

Kaya tara na at sabayan niyo ako sa aking pagsuko sa pag-ibig. Hintay na lang muna hangga’t kaya pa. Titingin na lang ako sa langit baka sakaling may makapansin sa pagluha ng aking puso.

Basta doon tayo sa taong palaging ikaw ang pipiliin.

12 PA-DEEP THOUGHTS WHEN MAKING SAKAY SA JEEPNEY

I. Wala yan sa tagal ng trapik, nasa soundtrip yan ni Manong. Parang pag-ibig. Wala yan sa tagal ng relasyon, nasa lalim yan at saya ng pinagsamahan.

II. Ang pag-ibig ay parang pagsakay sa jeep. Tipong gusto mong sumakay sa harapan pero doon ka lang talaga sa likod. #FriendzonedLevel99.

III. Kapag sinabi ni manong na “Barya-barya lang po sa umaga”, hindi legs mong puro peklat ang tinutukoy niya. Kahit gaano kalaki ng ibinigay mo, minsan, kailangan pa ring ibalik dahil hindi na kayang suklian. Parang pag-ibig.

IV. Minsan, kelangan mo talagang sabihin ang mga katagang, “Makikiurong na lang po” para lang makaupo. Okay lang makipagsiksikan basta alam mo sa sarili mong hindi ka masasaktan. #TingaMode

V. Ang pagsakay sa jeep ay parang pride, Kelangan mong yumuko kapag sasakay ka. Baka mauntog ka. #TangaKaPaNaman

VI. May mga taong kakasakay lang pero maya-maya bababa na din agad. Minsan, yun lang talaga ang purpose nila. Para maramdaman mong hindi ka nag-iisa habang nasa biyahe ka. #LandiLandiDinParaHindiBoring

VII. Para tayong pamasahe sa jeep, marami kang madadaanan at makikilala bago ka makarating sa tunay na nagmamay-ari sa’yo. Mahuhulog ka pero may pupulot at pupulot sa’yo. Kahit gaano ka kalandi, dun pa rin ang punta mo sa taong talagang seseryoso sa'yo. #BoomLaspag

VIII. Kung kelan nagmamadali ka, saka maiisip ni manong na magpagasolina hanggang sa abutan ka ng matinding trapik. Parang pag-ibig. Darating din yan. it’s either nalate lang siya or atat ka lang. 

IX. Kahit hindi ka si Maja, learn how to say, “Manong. Dahan-dahan lang po.” Madalas nasasaktan kapag lalong nagmamadali. Ang love ay may sariling timeline at timezone.

X. Ang pag-ibig ay parang paghihintay ng jeep. Lalampasan ka lang kapag pumara ka dahil puno na. Pero palagi mong isipin na marami pang pumapasada, #ParaLangNgPara. 

XI. Nakakapagod maghold-on kung palagi na lang nakasabit. Mahirap humanap ng space sa isang bagay na hindi lang ikaw ang laman. 

XII. At minsan kelangan mo ng sumigaw ng, “Manonggg!!!! Parrrraa!!!!!” dahil sadyang hanggang dun na lang talaga. Know when to stop kapag alam mong mali na. #BoomLampas

HINDI 'YAN ANG TUNAY NA PAG-IBIG.

Kung ang kailangan mo lang ay ang atensyon mula sa kanya.
Kung kailangan mo lang ng papuri at may magsabi sayo araw-araw ng maganda ka.
Kung kailangan mo lang ng makakasama dahil natatakot kang mag-isa.
Kung kailangan mo lang makisabay sa mga kaibigan mong may syota na.
Kung kailangan mo lang siya dahil naiinip kana, at
Kung kailangan mo lang siya dahil nalilibugan ka.

Gusto ko lang ipaalala sayo na hindi ‘yan ang tunay na pag-ibig.

Minsan nalilito lang tayo, akala natin pagmamahal na ‘yung nararamdaman natin sa isang tao pero ‘yung totoo hindi pala. Masyado lang tayong nabulag sa hiwaga ng pag-ibig, masyado lang tayong nadala sa saya na dulot nito at hindi na natin alam kung tunay na pag-ibig pa ba ang nararamdaman mo.

Marahil masaya ka sa kanya oo, pero naisip mo ba na masaya ka dahil mahal mo siya? O dahil nagagawa lang niya 'yung mga bagay na gusto mong mangyari sa relasyon niyong dalawa?

Ang tunay na pag-ibig ay walang hinahanap na kapalit. Magmahal ka kung magmamahal ka na walang iniisip na maiibalik ang pagmahahal na ibinigay mo sa kanya.

Ang tunay na pag-ibig ay kayang tumanggap. Kahit ano pang pagkatao ang meron siya. Tanggapin mo rin ang mga pangit at hindi lamang ang mga magagandang katangiang nakita mo sa kanya.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng atensyon at oras, kung hindi sa nabubuong pagmamahal at pang-unawa sa pagitan niyong dalawa.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi namimili. Darating ang hindi mo inaasahang tao sa hindi inaasahang pagkakataon. Sa ayaw mo man o sa gusto wala ka nang magagawa kapag tinamaan ka na nito.

Ang tunay na pag-ibig ay kayang magsakripisyo. Handa mong ibigay ang sarili mo ng buong buo para lang sa taong mahal mo.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi selfish. Hindi lang kasiyahaan mo ang dapat iniisip mo kung hindi pati ang kaligayahan niya mismo.

Ang tunay na pag-ibig ay tumatagal. Kahit subukin pa kayo ng tadhana, dumating man ang maraming tukso at problema hinding hindi kayo bibitaw sa isa’t-isa dahil ang tunay na pag-ibig ay pangmatagalan at walang hangganan.

Tapos.
Hindi masamang sumubok ulet, hindi lahat ng kape ay mapaet. At hindi porket nakatikim ka ng mapaet na kape dati eh mapaet na ang lahat ng klase ng kape. Parang pag-ibig, minsan kailangan mong sumubok ulet, sumugal ka kung kinakailangan. Hindi mo malalaman ang lasa ng isang bagay kung hindi mo susubukang tikman. Huwag kang matakot sumubok hanggat hindi mo natatagpuan ang kapeng sa-swak sa panlasa mo.
Kaya mo ‘yan.

May mga pagkakataon na pakiramdam mong hindi mo malalagpasan ang problema sa pag-ibig na ‘yan. Para bang lahat ng dapat mong ikatampo sa mundo ay sinalo mo na. Palagi mong sasabihin sa sarili mo na lahat na lang ng taong minahal mo ay sinaktan ka. May mga pangyayari pang napapangiti ka na lang rin kapag may nakikita kang masaya at sinasabi sa sarili mong “mabuti pa sila”.

Madalas mong itanong sa sarili mo kung ano ang bagay na nagawa mo at bakit hinahayaan ka ni God malungkot. Minsan, di mo alam na kailangan lang pala gawin ni God ‘yun para may matutunan ka na hindi lahat ng bagay na akala mong ‘yun na ay hindi pa pala. Oo, maaaring nagawa mo na ang lahat, pero dapat na naiisip mo na ginawa mo ‘yun kasi gusto mo. Gusto mo siyang mapasaya, gusto mo siyang paglingkuran at iparamdam kung ano ba talaga ang tunay na pagmahahal.

Look at the brighter side kung bakit ka nasasaktan. Nasasaktan ka kasi nagmahal ka, nasasaktan ka kasi buo ang pag-ibig na ibinigay mo, nasasaktan ka kasi minsan sa buhay ay natuto kang mangarap na sana siya na ang taong makakasama mo. At kung hindi siya ‘yung taong para sa ‘yo? Edi… pilitin mong tanggapin, kasi andyan na ‘yan e, wala ka ng magagawa kahit na ano pang gawin mo. Sumigaw? Umiyak? Lumuhod? Magmakaawa? Walang magagawa ang lahat ng ‘yan kung ayaw na niya talaga.

All you have to do is pray and hope for the best. Masaya magdasal at ibigay at isuko mo lahat kay God. May kakaibang inner strength siyang ibibigay sa ‘yo kapag nakausap mo siya. Ayos lang umiyak, bawasan mo ang bagaheng dinadala mo. Hayaan mong dalhin ng luha ang mga alaala. Kaya mo ‘yan. H’wag kang susuko.

Nahuli kang nangongopya sa exams. Anong gagawin mo?

PALUSOT #1: #MedyoMMK

Teacher: At bakit ka may kodigo sa panyo?

Estudyante: Mam. Hindi yan kodigo. Mga natuyong luha ko lang yan na naconvert sa formulas dahil sa sobrang hirap ng exam niyo.

PALUSOT #2: #MedyoAlagadNgPagibig

Teacher: At ano to??

Estudyante: Mam. Mas mabuti ng dito ako magcheat, kesa sa susunod kong relationship.

PALUSOT #3: #MedyoBanal

Teacher: At ano to??

Estudyante: Prayer ko po ma'am

Teacher: Eh bakit answer ang nakasulat??

Estudyante: Rak na itu! sinagot na ang prayer ku!!

PALUSOT #4: #MedyoConcern

Teacher: At ano ito?

Estudyante: Mam. Hindi ako nanunulad. Tinitingnan ko lang kung tama yung sagot ko para hindi na kayo mahirapang magcheck.

PALUSOT #5: #MedyoSailorMoon

Teacher: At ano to??

Estudyante: Mam. Ang papel na ito ay naglalaman ng sumpa. Ang sinumang magbukas niyan ay tatandang dalaga. Kayo wag niyo ng tangkain pa dahil parurusahan ko kayo sa ngalan ng buwan!

PALUSOT #6: #MedyoSoapOpera

Teacher: At ano na naman ito?

Estudyante: Sige lang po. Kunin niyo na ang papel ko. Para bagsak na ako. Para di ako makatapos ng pag-aaral. Para hindi na kami makaahon sa kahirapan. Para hihithit na lang ako ng katol diyan sa kanto. Para magkakalkal na lang ako ng tirang Jollibee sa basurahan. Para tuluyan ng masira ang buhay ko.

PALUSOT #7: #MedyoPapaJack

Teacher; At ano ito?

Estudyante: Mam. Ang exam ay parang pag-ibig din. Minsan oras ang kalaban mo. Minsan ibang tao. Minsan kayo. Kaya wag niyo akong pipigilan sa gagawin ko.

PALUSOT #8: #MedyoDisabled

Teacher; At ano ito?

Estudyante: Hindi ko din po alam eh. Medyo malabo po kasi ang mata ko. 

PALUSOT #9: #MedyoLaspag

Teacher; At ano yang nakasulat sa boobs mo?

Estudyante: Mam soriiiii. Hindi kodigo yan. Fingerprint lang yan ni boyfie. hihi.

PALUSOT #10: #MedyoBasilioCrispin

Teacher: At ano ito?

Estudyante: Oo nga! At ano itong ginagawa ko! Bakit ako nanunulad?! Bakit hindi ako nag-aral kagabi? Hindi ko ba alam na bawal ito?! Bagsak na ako sa exam na ito!! See you na lang sa akin sa finals!! Maaari na akong lumabas ng classroom ngayon din!!!

Handa ka bang lumaban?

Naranasan mo na bang lumaban para sa itinitibok ng puso mo. para sa isinisigaw ng isip mo. sa binubulong ng damdamin mo. Nasubukan mo na bang lumaban para sa pagmamahal. isang laban na kahit alam mong masasaktan ka gagawin mo kasi mahal mo ang isang tao.

sabe ng lola ko, kapag nagmahal ka nga daw, lahat daw ay gagawin masunod lamang. handa ka dapat lumaban hindi lang para sa ikaliligaya mo pero para sa taong mahal mo. para sa taong handang ibigay ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Minsan hindi mo na maiisip kung tama ba o mali basta kung ano ang sigaw ng puso mo yung ang susundin mo. pero minsan isipin din natin “Is that love worth fighting for” kasi kung hindi rin naman, mas maganda na ding sumuko na lang tayo kesa masaktan pa.

© dakilang-doodlero

Wag mong ibigay ang lahat. Magtira ka para sa sarili mo. Kahit pa sabihin nating mahal na mahal nyo ang isa’t-isa ngayon, wala pa ring kasiguraduhan kung hanggang kailan kayo. Wag mong kalimutan ang sarili mo. Magbigay ka lang ng sapat at kung ano ang dapat mong ibigay, hindi yung binibigay mo ang lahat hanggang sa wala nang natira para sayo.

Maging handa ka. Kasabay ng pagtanggap mo sa love ang pagtanggap mo sa sakit. Kasi minsan sa pag-ibig, mas marami pa ang sakit kaysa sa saya. Parang gulong lang din yan. Minsan sobrang saya nyo minsan naman iiyak kayo. Kaya maging open ka sa lahat ng pwedeng mangyari.

Maging loyal ka. Total nagmahal ka na, dun ka na sa isa. Wag kang mangolekta. Hindi yan paramihan. Iparamdam mong sya lang at wala nang iba. Pag pumasok ka na sa relasyon, dapat committed ka na talaga. Stick to one kumbaga.

Wag mong kalimutan ang mga kaibigan mo. At the end of the day, sila pa rin yung lalapit sayo pag iniwan ka. Hindi porke’t may syota ka, kakalimutan mo na yung iba. Kasi pag may problema kayo ng syota mo, kaibigan pa rin yung hahanapin mo.

Maging tapat ka. Sabihin mo lahat sa kanya. Wag kang magsikreto ng kahit na ano. Minsan kasi yan ang pagmumulan ng away. Pag may problema ka, sabihin mo. Pag may gusto ka, sabihin mo.

Panatilihin mo ang spark. Pagnagmahal, hindi yan laro na habang tumatagal, napapagod at kalauna'y ihihinto. Panatilihin mo yung sigla ng pagmamahalan nyo. Siguraduhin mong masaya pa rin kayo sa paglipas ng ilang linggo, buwan, o taon. Wag tanggalin ang komunikasyon. Pero nyong masyadong dalasan. Yung sakto lang na nakakapagusap. Baka kasi magkasawaan.

Wag kang masyadong mahigpit. Tao ka! Hindi ka tali! Wag mo syang tanggalan ng karapatang gumalaw at gawin yung gusto nya. Wag kang masyadong mahigpit. Magtiwala ka sa kanya. Hindi ka nyan iiwan kung mahal ka talaga.

Wag patagalin ang away. Lunukin mo ang pride na yan! Mapabareta man o powder, di mo yan kailangan. Wag mong hayaang matapos ang araw na may tampuhan kayo. Mahal mo dba? Pwes magbati kayo! Wag nyo nang hintayin kung sino gagawa ng first move para makapagsorry. Common sense na yun!

Yan lang naman ang pumasok sa isip ko. Pero kung may maidagdag, hala! Reblog at magsulat kayo ng pwedeng idagdag. MWA!

Sa relasyon hindi sapat na mahal mo lang. Kailangan pala matindi ang pang unawa mo at yung faith mo sa inyong dalawa. Faith sa mga pinanghawakan niyang mga salita, at yung tiwala na lagi niyang sinasabi sayo para gumaan ang pakiramdam mo.

Kumbaga sa gera, hindi pwedeng may dala ka lang baril at bala at basta na lang susugod at pagbabarilin ang lahat ng nakikita mo. Kailangan mo munang isipin angmga dapat mong gawin, kailangan pag-aralan dahil nasa paligid ang lahat ng kalaban. One wrong move ay tigok ka. 

Parang sa relasyon. Hindi mo pwedeng sabihin na mahal mo lang ang isang tao kaya gusto mo siya maka relasyon. Pumasok ka sa relasyon kaya alam mo dapat ang mga posibleng mangyari dito. Hindi pwedeng porket mahal mo eh papasok ka sa relasyon at magmamahal ka lang. Ang realidad kapag nasa relasyon ka? Matindi. Hindi biro ang pumasok dito. Marami kang isasakripisyo at isa na dun ang kasiyahan mo sa oras na hindi okay ang lahat.

Kaya minsan, nagtataka ako sa mga bata na gustong gusto na agad pumasok sa relasyon. Hindi nila naiintindihan yung pinaka core na idea na hindi biro ang pumasok dito. Dahil ba nakita nila sa TV na ang sweet magmahal? Dahil ba nakita sa isang pelikula na nakakakilig? Minsan, ang pag-ibig ang wawasak sayo.

For me, kailangan talaga mutual kayong dalawa. Tipong kapag pumasok kayo, hindi lang isa ang nagmamahal. Kailangan dalawa kayo handang lumaban, dapat yung isa hindi hahayaang malungkot ka. At kapag mahina siya? Andun ka naman para saluhin siya. Masayang magkaroon ng relasyon kapag willing kayong gawin yan.

Kaya sa lahat ng nagmamahal at mahal ng taong mahal nila? Congrats sa inyo. Congrats sa atin 

Relax, It’s just PAG-IBIG

Wait teka, iniisipkopa Game eto na.



Yung babaeng tsinituh, yung ang kyut ng pisngeeeee, yung babaeng kulangsacherifer. Sila yung tipo ng mga babaeng gusto ko. Pero bonus nalang ang mga yan kung ganyan magiging partner ko. HAHA. Kala mo kung sinong gwapo para mag-stand ng standards. :))

Pero ano nga ba maganda sa babae? Yung tipong thenotquitegirlfriend na maituturing.

Minsan ang babae kapag ipinagpalit halos gumuho ang mundo. Kasi kapag sila seryoso sa partner nila sila yung tipo ng babaengwalangpakialam sa mundo. Wala silang pake basta sila ang clingygirlfriendd sa boyfriend nila. Umay man sa paningin ng iba dahil PDA daw. Pero swerte ka kasi hindi siya awkward sayo, magmukha mang siyang babaengcrazy go pa din sila. Kulang na nga lang ipagsigawan nila na mahalkoboyprenko !! Hahahaha. Nakakahiya pero sweet.

Pero may mga babae pa din na bigosapagibig. Sila yung mga babaeng walangbae. Yung mga babaeng humihiling ng crushsanaakonalang sayonalangakopls!! Mga prinsesangumaasa or babaeng nagiintayngsparksss. Ang hirap nga naman kasi para sa side ng babae na sila pa yung magtapat ng mahalkitaseryoso kasi takot sila sa rejection. Minsan naman nangingitizoned nalang ng mga boys at nauuwi sa title na “Ang prinsesangbinespren“ Hahahaaay. Kaya minsan tulala nalang sila sa isang tabi. Yung babaengwalasasarili at nagpapantasya nalang sa mga crush nila. Tapos mananaginip ng gising at nikkikilig nalang bigla bigla. Oha, simplengbaliwww lang ang dating. Sila yung tipo ng babaengloyal sa crush. Loyal kahit hindi naman sila. Kasi patuloy na naasa. That the burden of thegirlwhoisnotseenbyeveryone.

Eto naman kaming mga lalaki, takot magtapat ng feelings kasi takot kaming matawag yung sarili naming boysablay. Kasi hindi din namin alam pano yung diskarteng gagawin para makapagpapansin sa pinakamagandangdyosa para sa amin. Di namin alam kung gagawin ba namin na makipagkaibigan hanggang sa maging magbestfriend tapos sa bandang huli kapag nagtapat na kami yung lalakengbinibestfriend lang pala sa paningin nila at kapag nakakuha ng chance na maging manlilygaww, wala din. Sa bandang huli lalakinginiiwan pa din kasi hindi worth para sa ganda nila. Wow.! Kundi naman, ang matitipuhan namin na babae eh yung tipo ng babaengwalangpakialam. Aray lang.

Pero kapag nahanap mo na ang katapat mo. Swerte mo! Yung kahit na mukalangmataray, hindichinita pero maicagandahan, palaginghyper pero palagingtulogx din, mukhang chixnamayitlog o prinsesang-maton na may bigotilyaa, at angpinakamaganda ay yung sadistanggirlfriend na di tipo ng babaengkinakalimutan. Kasi that’s justnotyourordinarygirl. Kaya dapat magpaka dakilangboyyfriend din tayo guys na sila yung babaengbipolarbear.

Haaay. mahirapintindihin ang pag-ibig. Minsan maygustongbalikan minsan may ayaw ng balikan. Masaktan man tayo, don’t give up because there’s a failures-n-chances when you try. At you try diba. Masaktan ka man you will be strongerthanyesterdaybutcolder nga lang. Kasi NATUTO ka na. Meron mang lalakingmadrama there’s a girlwithathousand-thoughts too. Basta maniwala ka lang na mayforeverr !! Pero wag dibdib masyado madamipangkakainingkanin ang mga batang tulad natin at baka magkaroon pa tayo ng saiichology problems kapag nabaliw tayo sa pag-ibig. Basta panatilihin nating na meron tayong matabangpusooo. (wink)

P.S.

Sorry sa mga hindi ko naisama. dikokabisado kasi lahat ng mga pinafollow ko eh. Wala naman kasi akong matabangutak kaya yun. Kung close tayo tapos di ko naisama dito URL mo eto lang masasabi ko bigtinafriend !! HAHAHAHA Dejk lang. Mahirap ipasok sa kwento ang URL ng iba eh :p Hehehe.

Mahal kita, Oo ikaw nga. Minsan lang ako magmahal at kapag nagmahal ako siguradong todo at walang preno. Siguradong ikaw lang. Walang ibang hahanapin. Walang ibang titignan at walang ibang makikisali at makikihati sa pagmamahal na ibibigay ko sayo. Lahat ng atensyon ko sayong sayo lang. Mamahalin kita ng sobra pa sa inaakala mo. Kaya sana huwag mong sasayangin ang pagmamahal na kaya kong ibigay sayo. Dahil tinitiyak ko sayo na ang pag-ibig ko na minsan lang ay pwedeng hanggang magpakailanman. Kaya please, ingatan mo at suklian ng buong buo.

Pag mahal mo ipaglaban mo, pero pag nagawa mo na ang lahat pero wala pa din? magisip isip ka. Paano kung ikaw na lang yung lumalaban paano kung ginawa mo na ang lahat pero wala pa din, paglalaban mo pa ba? Minsan kasi dapat isipin mo din yung sarili mo, kung ayaw na niya hayaan mo na siya, ganun lang kasimple madami ka pa namang ibang taong makikilala jan na mamahalin ka at hindi babaliwalain ang pagibig mo. Ang pag ibig parang pagpapapayat lang yan minsan kahit ginawa mo na ang lahat pero wala pa din.

Nakakatuwang isipin na sa isang iglap, maaring magbago ang lahat. Na yung taong pinakapinahalagahan mo noon ay maging isa na lamang normal na tao sa paningin mo ngayon. Na yung taong minsan mong kausap hanggang mag-umaga, inalayan at inawitan ng kanta, pinagbuhusan ng oras, panahon, effort at tiyaga, sinuyo sa gitna ng malakas na ulan, sinamahan sa oras ng pinakakailangan. inintindi hanggang dulo at minahal ng buong puso, ay isa na lamang palakad-lakad na estranghero sa mundo mo. Para bang hindi magkakilala at nawalan ng memorya, nakalimutan ang bawat alaala at pinagsaluhang saya. Ang minsan pinangakuan ng pag-ibig na wagas ay nauwi rin.. sa wakas.

Nakakatuwang isipin na sa isang iglap, maaring magbago ang lahat. Na yung taong pinakapinahalagahan mo noon ay maging isa na lamang normal na tao sa paningin mo ngayon. Na yung taong minsan mong kausap hanggang mag-umaga, inalayan at inawitan ng kanta, pinagbuhusan ng oras, panahon, effort at tiyaga, sinuyo sa gitna ng malakas na ulan, sinamahan sa oras ng pinakakailangan. inintindi hanggang dulo at minahal ng buong puso, ay isa na lamang palakad-lakad na estranghero sa mundo mo. Para bang hindi magkakilala at nawalan ng memorya, nakalimutan ang bawat alaala at pinagsaluhang saya. Ang minsan pinangakuan ng pag-ibig na wagas ay nauwi rin.. sa wakas.