mine: bittersweet symphony

youtube

I’ll take you down the only road I’ve ever been down
You know the one that takes you to the places
where all the things meet yeah

My bittersweet symphony

Anong gagawin mo kapag huli na ang lahat at ‘yong taong nagmamahal sa iyo ay napagod na? Nang sabihin mong “ikaw ay sapat na” at ang taong yaon ay wala na. Paano mo idadahilan na siya ang napili mo nang ipinaramdam mong may napili kang iba habang sinusuyo ka niya? Ano pa’t pinaghintay mo nang kay tagal-tagal at pinaikot-ikot mo…hanggang siya'y mahilo’t nagsabing “ako sa iyo'y suko na!”


Sana malaman mong ganoon ang aking pakiramdam. Tinaggalan mo ako ng pag-asa. Isinantabi ang aking puso na wala man lang pag-aatubiling “pangako’t tayong dal'wa sa dulo.” 'Wag mong ipagmamaangmaangan na wala kang kasalanan dahil ikaw ang unang nagsenyas ng halikan mo ako sa labi sa pantry. 'Wag mo ring isisi sa akin na ako ang may sala dahil sumuko ako. Tandaan mong ang lahat ng bagay ay may hangganan at yaon ang pag-ibig ko sa'yo sinta.