mikimarfil

Grades don't measure intelligence.

Marami sa atin ang natutuwa kapag sobrang taas ng grads natin. Ipinagmamayabang natin yan sa mga kaklase nating mababa at sakto lang ang grades para ikaw ang bida-bida. Ikaw na! Feeling mo nyan matalino ka na, feeling mo ipinaglihi ka kay Einstein.

May dalawang klase ng taong matalino eh. Yung isa, likas na matalino, yung isa naman matalino kuno dahil sa sipag mag-aral. May pagkakaiba ang dalawa at di ko na ieexplain dahil alam kong likas na matalino ka kaya kaya mong intindihin ‘to, kung hindi naman, bilib ako sa sipag mo kumopya ng notes at paglamayan ang inaaral mo.

May mga high grades na bunga ng kasipagan. Sipag sa pagmememorize, pangongopya ng notes sa blackboard, sipag magreview. Alam nyo yan. Pero kapag ganoon ba masasabing matalino ka na? Eh paano kung OA lang gumana ang short-term memory mo kaya nasasagutan mo nang tama ang exams mo kapag nagreview ka? Masyado mo namang pinapagod ang neurons mo nyan.

Minsan may mga matatalino talaga na nakakakuha din ng mababang marka, may mga kilala akong ganyan pero di hamak na mas malawak ang nalalaman kesa sa mga taong masisipag mag-aral. Inuulit ko, masisipag mag-aral.  So anong gusto nyong palabasin, kapag tamad yung taong matalino talaga bobo na? Tanga na? Gano'n? Tanga ka pala eh. Eh di ikaw na, the best ka eh! Kahit kelan wala tayong karapatang sabihang tanga ang ibang tao dahil lang mababa ang grades nila. Eh malay natin mas mataas pa ang IQ nila kesa sa'tin? Malay natin tinamad lang sila mag-aral, gusto nila ng papetiks-petiks lang at umay na umay na sila sa straight A’s. 

Marami kang hinakot na awards? Marami kang medals? Ate, kuya, di ka beauty queen na kapag nanalo eh kailangan suot nila ang sash at korona kapag may motorcade at may guestings. Di mo naman madadala yan sa trabaho mo. Sa tingin mo kailangan mong isuot yang medalyon mo kapag mag-aapply ka sa trabaho? Magkakaalaman kung sino ang mas magaling pagdating sa trabaho. Naniniwala kasi akong di naman kailangan maging mataas ang grades para umasenso. Ang kailangan galing, diskarte at determinasyon.

Reflections

Sometimes, God breaks our spirit to save our soul.

Sometimes, He breaks our heart to make us whole.

Sometimes, He sends us pain so we can be stronger.

Sometimes, He sends us failure so we can be humble.

Sometimes, He sends us illness so we can take better care of ourselves.

Sometimes, He takes everything away from us so we can learn the value of everything we have.