micosanda

BIG HERO 6

Done watching this movie yesterday at SM North Edsa with Mico. Sikreto lang pero umiyak si Mico habang pinapanuod ‘tong movie. Hehe. Napaiyak pa sya sa Big Hero 6 kesa nung nanuod kami ng TFIOS. Haha. Sobrang ganda lang kasi nung kwento. Sobrang kulet ni Baymax. Really worth watching. Hindi dapat kami matutuloy kasi nag-away kami before nyan pero I’m glad na tinuloy namin kasi sobrang ganda nung movie.

5

SISIG HOORAY

Dahil sawa na kami sa Jollibee at bigla akong nag-crave sa sisig. Hahaha. Best sisig in town. Really a must try. Favorite ko na toh since college pa. Ngayon ko na lang ulet natikman. Nasunog na kasi yung stall nila sa Grand Central sa Monumento kung san ako palaging bumibili. Hoho. Mico and me at SM Megamall kagabi. :)

5

DAIRY QUEEN - TRINOMA

Nung dumating si Mico kanina (galing kasi syang work), pasara na yung mall. Marami ng stores sa loob ang nagco-close. Buti na lang naabutan pa naming bukas yung DQ at isa kami sa mga huling naka-order. Haha. Gusto daw nyang tikman lahat ng flavors ng blizzard kaya nag-iba sya ng order. Ako yun pa rin, my usual strawberry banana. Hehe. Tumambay lang kami saglit sa labas ng DQ para magkwentuhan tapos umalis na din kasi maaga pa sya bukas. Nakakabitin bonding time namin ngayon pero okay na rin kasi masaya ako na nakasama ko sya tonight. :)

HAPPY 21st BIRTHDAY MICO!!! 

It’s your day today! Yey! Alam ko may pasok ka ngayon dahil hindi uso ang birthday leave sa work mo but I hope you enjoy your birthday today! Debut mo na! So hindi ako papayag na hindi ka manlilibre. Movie or dinner treat would do to me. I’m just a text away you know. Wahahaha. 

I just want to tell you that I’m very blessed to have a friend like you. Hindi ko lubos maisip na magiging ganito tayo ka-close. Parang dati sobrang snob lang natin sa isa’t-isa but now, I’m grateful na naging magkaibigan na tayo.

Thanks for always being there for me lately lalo na sa panahon na kelangan ko ng karamay at makakausap. Sobrang thankful ako kasi nakakapag-open up na ako sayo ng mga bagay-bagay at ganun ka din sa akin. 

Maraming salamat sa walang humpay na kwentuhan, tsibugan, tawanan at kulitan natin this past few months. Isa ka sa mga dahilan kung bakit masaya ako ngayon at kung bakit nakakaya ko ang pinagdadaanan ko ngayong hirap at sakit. Wew.

Thank you talaga! I just wish you all the best things in life! Lalo na syempre sa lovelife. Ayie. Haha. Basta Mico, I’m always here for you. Alam mo naman yan. Happy Birthday ulet! Ingat ka palagi! God Bless! :D

2

SUNDAY MORNING

Nagulat na lang ako kaninang umaga kasi biglang dumating si Mico sa working place ko. Galing kasi sya sa mga barkada nya sa Marikina tapos dumaan sya sa store para sabay na lang daw kaming umuwi. Alam nya kasing graveyard shift ako. Hehe. Nakakatuwa lang kasi wala talaga akong idea na dadaanan nya ako. Malamang sa malamang, iniisip ng mga staff ko na boyfriend ko si Mico at dumalaw sya sa store para lang sunduin ako. Hahaha. Damn.