mga malalandi

funny ng mga taong galit sa mga taong malalandi hahahaha dahil siguro iniiwan kayo, walang pumapatol sa inyo o sobrang inggit lang talaga kayong mga damuho kayo. come on, parang hindi rin naman kayo lumandi? tapos magpopost pa ng “hindi dating site tong tumblr” anak ng pucha kainin niyo yang mga sinasabi niyo ah. napakahipokrito hahahaha tatanga talaga.

anonymous asked:

ayaw ko sa mga malalandi at gago pero napupunta sila sakin tsk :(

aww, everything happens for a reason. malay mo kaya sila yung napupunta sayo kasi ikaw lang yung makakapagpatino sa kanila. basta kapag hindi na kaya, tigil at pahinga din ha.

Kapag yung taong mahal mo kasi eh may kausap na iba, ewan ko kung bakit crab mentality ng mga tao eh nilalandi agad ito. Siguro yung assumption mo na nag seselos ka kasi nag uusap sila sa oras na hindi ka niya kinakausap. Get my point? Kaya siguro ayun, minsan naiisip mo na “Naks, buti pa sila, nag-uusap.”

Tapos aakyat yung bigat ng damdamin mo, yung bigat ng selos, tapos wala kang magawa kundi magalit sa mga taong malalandi kahit nag-uusap lang naman sila. Iba kasi takbo ng isip natin kapag nag seselos eh. Expect mo na yan, magagawa mo at masasabi mo yung mga salitang hindi mo nasasabi kapag ok ang mood mo, kapag kalmado ka.

Yung galit, dahil sa sobrang gusto mo yung tao, na sobrang gusto mong alagaan eh napapasaya ng iba… na… nayayamot ka sa sarili mo dahil yun ang hindi mo magawa.

hateblogph

Disclaimer: Tahimik na blogger lang talaga ako rito sa Tumblr at hindi ko ugaling pumatol sa kung anu-anong issues lalo pa’t di naman ako involved dahil actually ayoko ring napapakialaman ang mga diskarte ko at ang buhay ko. Pero I think this is too much. Masyado nang hitting below the belt.

First observation, yung hate blogs ng ibang bansa tungkol sa mga social issues nila like racism, gender discrimination, women abuse, etc. Ano 'tong emote ng hate blog natin pakiexplain pls. Haha. Pero seryoso, ano bang purpose ng blog na 'to? Magshoutout forever sa kung sinu-sinong blogger at manira ng reputasyon nila? Ediwow.

Second and what I really want to emphasize is the transition from the first paragrapah. Ano ba talagang ipinaglalaban ng blog na 'to? Osige, kahit hindi na yung mismong gumawa ng blog eh. Ano na lang ipinaglalaban ng mga anon na pumapatol at nagpapadala ng mga hate messages dito?

Ayoko talaga nung napakaraming ipinaglalaban pero puro pasaring lang. Yung puro pagtatago lang sa likod ng anonymous na yan. Oo, sabihin na nating pwedeng makatulong sa ibang bloggers na makakabasa yung mga ipinagpopopost niyong TA lalo yung tungkol sa mga warnings at pagbebeware sa certain bloggers na itina-tag pa pero you could do it in a nice way. You could confront them. Harap-harapan. Lalo na kung alam niyo namang nasa tama kayo. Bakit kayo magtatago sa likod ng anon? Anong sense? Kung hindi niyo kayang iconfront, at least don’t anonhate them. Huwag ninyong isampal nang bongga sa mga mukha nila yung mga chuchu niyong malalandi sila, creepy, user friendly, etc. Kasi puta naman, alam niyo ba yung mga pinagsasasabi niyo? May limit ang hatred pls lang. If I know nagrereblog kayo diyan ng mga posts regarding psychological disorders, feelings of a suicidal, atbp pero anong ginagawa niyo? Hindi niyo ba kinakapa na baka may mga sari-sariling problema lang din ang mga bloggers na ihine-hate messages niyo tapos ganyan pa kayo? Impokrituhan pala tayo rito eh. Hindi niyo ba naisip, sa isang anonhate message ninyo, baka may blogger diyan na may mababang emotional quotient, tapos hindi niyo na namalayan nagpakamatay na pala (sana naman po wala, what if lang ito) dahil sa mga nabasa nila? Konsiderasyon din naman Tumblristas. Hindi yung puro sarili lang. Maging sensitive din sa feelings ng iba. Oo may ipinaglalaban kayo pero sana sa tamang paraan idinadaan ha.

Third na kadugtong pa rin ng second point, ano bang issues ninyo sa mga famous bloggers o pa-famous bloggers na hindi nagfa-followback o hindi masyadong nakaka-interact sa inyo? Mga normal na bloggers lang din sila. May kanya-kanyang set of friends. Kung hindi kayo kinakausap o hindi ganun ka-enthusiastic sa pagrereply sa inyo, bakit ba ipagpipilitan ang sarili? Oo masakit yung feeling ng rejection pero pls lang wag tanga ha. Marami pang ibang bloggers diyan na pwede kausapin, wag masyadong makitid ang utak. Hindi nila kasalanan na hindi ka nila feel kausap, may mga ganun talagang instances. Hindi nila kasalanan kung ayaw nilang magfollowback kasi choice ng bawat isang blogger dito ang lalamanin ng dash niya. Wag din issue ang paga-unfollow okay? Nagbabago ang taste ng tao. Nagbabago ang isip. Bakit ba big deal ‘tong mga 'to? Ganito ba ka-famewhore at ka-pathetic ang mga Pilipino? Malapit na talaga akong mawalang ng faith sa humanity neto. Hahajk.

Fourth, sa mga nagsa-shoutout diyan tungkol sa mga pagpapaasa ng ibang mga bloggers sa inyo at pang-iiwan na brokenhearted, wag kayong inam makamura at makasumpa sa kanila, ha. Aminin niyo man o hindi, choice niyo rin ang nangyari. Once na pumasok sa relationship o kahit magdecide na mainlove, ma-fall, dapat lagi nang ready masaktan kasi wala namang permanente dito sa mundo lalo pa’t sus, eto eh internet lang. Para kasing timang. Hindi ko kayo sinisisi kasi syempre gusto niyo lang naman eh magmahal at mahalin din pabalik pero minsan, kailangan din talaga gamitin ang utak saka kapag nabrokenhearted naman, pwedeng magmove on okaay. Mahirap daw oo pero hindi imposibleng malagpasan. Nasa tamang mindset lang yan.

Fifth, tangina nung magpopost pa na kung non-sense naman pala ang blog na yan eh bakit pa nagtTA diyan, aba eh paano ipapaalam sa iba na non-sense yan kung hindi rin diretso sa blog mismo aapela. Para lang yang pang-aakusa sa mga gumagamit ng internet para patalsikin ang imperyalistang US na binabash ng iba na non-sense magpost sa internet ng mga pagkontra sa US kasi dun nanggaling yung internet na kesyo kung tutol pala sa imperyalismo, bakit gumagamit ng internet. Tanga eh kung gustong matigil yun, syempre yun yung iooptimize mo kasi yun yung ginagamit ng mga tao eh. Yun yung may malawak na reach sa mga gusto mong pagpahayagan ng saloobin mo. Common sense naman aynako.

Disclaimer 2: Actually marami pa akong naiisip pero masyado na yata mahaba ang post na ito. Ready na ako sa mga anonhate niyo kung marami mang tatamaan sa post na ito pero sana kahit paano may mga magsink-in sa mga utak ninyo. Hindi ako nagmamagaling o kung ano kaya ako nagpost nito. Hindi rin ako pasikat, masyado na lang talagang nakakairita yung mga issues. Wag ninyo akong masabi-sabihan na i-unfollow ang mga nakakairitang nakikita ko kasi puta ang gusto ko lang makapagmulat sa inyo na may mali sa ginagawa niyo. Kung patuloy lang na itotolerate, walang mangyayari ganun.

P.S. hateblogph baka gusto mo po i-reblog. Baka lang. Hindi naman ako namimilit. Baka maharass ka eh, ayoko mangyari yun hoho.

P.P.S. Spread love not hate. I, thank you. Chos. Hahahaha.

anonymous asked:

Ano po gamot sa mga malalandi?

Ano bang cause ng pagiging kalandian ng isang tao? Diba usually, loneliness? O kaya they seek attention and love kasi kulang sila nun? Ang problema nga lang, sa maling lugar sila naghahanap nun. Dun sila napupunta sa mga taken na o kaya unavailable kaya natatawag silang malalandi. And another thing, hindi mo agad masasabihan ng “tama na” ang taong malandi na talaga noon pa man, it’s hard not to judge them kasi nakakairita minsan, pero ang hindi mo alam sila pala ung mga malulungkot talaga deep inside. Walang nakakaintindi sa kanila kaya ganun ung nagagawa nila. Hindi naman sa kinakampihan ko sila ha, I’m just saying na just because they are labeled as malalandi, eh lost people na sila, nagkataon lang na “wrong direction” ung napuntahan nila. So ano ung solusyon? Right love from right people. Ung kind of love na mawawala ung pagcrave na iba pang love or attention from others :)

(Pero ung iba, sadyang makakati lang talaga.)

2
  • Sa Tumblr nailalabas mo lahat ng sama ng loob mo. Pwede mong i-post kung bakit ka malungkot, pwede mong i-kwento lahat ng mga problema mo, pwede mong i-post lahat ng mga hinanakit mo sa mga magulang mo, pwede mong murahin lahat ng mga taong nagpapahirap sa buhay mo. Blog mo yan eh, pwede mong isulat lahat ng gusto mong i-blog. Wala namang pakialam ang mga tao dito kasi ramdam ka nila at naiintindihan ka nila.
  • Mga taong hindi mo naman kilala sa totoong buhay pero sobra kung mag-alala sayo. Kapag nakikita ka nilang malungkot, magtatanong sila. Bibigyan ka ng mga payo. Patatawanin ka nila at pasasayahin. Minsan nga mas nakakapag-open ka pa sa mga taong ‘to kesa sa mga kaibigan mo. Mas ramdam mo pa yung pagmamahal nila kesa sa mga taong nakakasalamuha mo araw-araw.
  • Hindi plastic yung mga tao dito. Hindi sila nag bblog para magpa-impress at manghakot ng followers. Tsaka napaka open-minded na tao, tanggap nila na may mga taong malalandi, makati, hindi na virgin, malibog, etc. Open sila sa mga possibilities. Tsaka nirerespeto nila yung opinion ng ibang bloggers tungkol sa same sex marriage, etc. Siguro nga minsan may mga nag-aaway away yung iba dito, pero misunderstanding lang naman yun. Magkapatid nga nag-aaway, dalawang tao pa kayang dito lang nagkakilala?
  • Horror gifs, food porn, porn dash, mga gwapong lalaki, #TeamJesus, nandito yan sa Tumblr! Ang saya sa dash lalo na kung maghalo yung mga ‘to sa dash! Yung iba magrereklamo, yung iba makikisabay sa pagrereblog/pagpo-post ng kung ano mang uso sa dash. Minsan naman may mga TTH, minsan naman magrereblog ng mga nakakadiring bilog bilog! Minsan may mga nag-aaway! Magulo pero masaya! It’s more fun in Tumblr ika nga nila.
  • Nakakakuha ka ng mga inspirasyon. Yung mga tao kasi dito sobrang mababait at napaka-talented pa. Yung iba sobrang galing magsulat, yung iba naman sobrang galing kumanta at sumayaw, yung iba naman sobrang galing mag drawing at mag doodle, yung iba naman sobrang galing magbigay ng payo. Yung kapag nabasa mo yung payo nila, hindi man ikaw yung may problema pero ia-apply mo yung sinabi niya sa buhay mo. Babaunin mo yun hanggang sa dumating yung time na magamit mo yung natutunan mo sa blogger na yun.
TUMBLR ALA-EH MEET-UP 11

Dahil naging sobrang sucessful ng nakaraang TAEMU10, napagtripan ng 11 nagagandahan, naggagwapuhan, nag uumapaw sa sex appeal at naglalandiang tumbloggers na mag organize ng panibagong meet-up, ang TAEMU11. Dahil naniniwala kami na pagkatapos ng 10 ay 11 naman. Yung parang Christmas Party/ Year-ender Meet-up para sa mga Ala-Eh Bloggers. At eto na nga yun. =)

Halos sabay sabay nagdatingan ang mga bloggers suot ang kanilang cute hats at nagsimula ang program at exactly 2:01pm.

Pero meron talagang mga pasaway na hindi nagdala ng kanilang cute hats at ako pa talaga ang pinapagproblema kagaya na lamang ng mga malalanding nilalang na nasa itaas na larawan. Kaya wag na wag silang gagayahin, utang na loob. 

As usual, marami na naman akong nakitang mga bagong mukha o di ko alam kung makakalimutan lang talaga ako pero nakakatuwa lang dahil kapag nagbabatian at nagpipicturan kami parang ang tagal tagal na naming magkakakilala. O feeling close lang talaga siguro ako. Ewan. hihi =)

At siyempre hindi hindi mawawala yung mga close friends mo na palagi mong kasama kahit saang meet-up na puntahan mo. Yung tipong sila pa yung pahirapang mapasama dahil sadyang mga pa-chix lang. :3

Isa sa pinaka naging highlight ng program ay mga games. At dahil puro bata ang mga attendees at malalandi ang mga organizers, sinadya naming maging as wholesome as possible ang mga laro. Kagaya na lamang ng GAME #1, “Suck and Blow”. Isa lang yung sinisigaw ng puso ko ng mga oras na yon, “Sana ako na lang yung baraha huhuhu!” #SuperHarotToInfinityAndBeyond

GAME#2 :“Viva La Vida Brocha” o “Kainan mo Mani ko ohhh!" 

Halatang halata sa mga larawan kung sino ang mga nasarapan ng sobra.. sa Nagaraya. At kung sino ang matagal ng tigang kung ibabase natin sa facial expression. Hashtag batangmilo

GAME#3: "Iputok mo sa Akin” ( The Balloon Kadyot ).

Kung andun ka ng mga oras na yun, malalaman ko kung sino sa kanila ang hindi makaputok dahil (1) sadyang weak or (2) Dahil sa kapwa lalaki gustong iputok. Charot lang.

Meron ding mga raffles na sponsored ng mga organizers at ibang bloggers. As usual, hindi na naman ako nabunot pero sakto din lang dahil masarap pa rin yung feeling kapag ikaw yung nagshashare. =)

At sila yung mga nanalo kasama yung sponsors. =)

GAME#4:  "Trip to Heaven" o “Upuan mo ang Naghuhumindig kong Talong Sige na Please”. Kayo na lamang ang humusga base sa mga larawang nasa ibaba. 

At siyempre, hindi mawawala ang kainan dahil andito talaga yung “The 250 pesos” Salamat kina marckbolero at porchipor sa pagsponsor ng spaghetti at pansit bilang sila yung mga December birthday celebrant na nagkusang magdonate. Hindi ko na napicturan yung ibang food kase gutom na ako.

Sa larawang ito, Inyo pong nasaksihan kung sino yung mga sinusulit ang 250 pesos dahil galing pa sa malayong lugar. LOL

After “magkainan, literally and figuratively, nagstart na ang magic show ni mahikerongtorpe

Lahat nag-enjoy pero halos malulungkot pa rin yung mga single ngayong pasko dahil walang lumabas na tunay at wagas na pagmamahal sa loob ng magic hat. Better next time na lang okay?

Si @jhomartadeja at si hanydej ang tinaguriang Male and Female Headturner.

At si @batangmilo at @mahatmajandi ang tinaguriang Ms. and Ms. Congeniality. Walang Mr. Congeniality. Aba teka.

Ito yung first time kong sumama sa pag oorganize ng isang meet-up. Ganito pala yung pakiramdam kapag kitang kita mo na tuwang tuwa at nag eenjoy yung lahat ng umattend. Sobra akong nagpapasalamat sa mga co-organizers ko lalo na kay beben-eleben na sobrang nagbigay ng oras para maging masaya ang meet-up na ito. ( Parang speech sa entablado lang hihi ) 

At sa lahat ng mga bloggers na nagpunta, Ala-eh Bloggers man or bloggers outside Batangas lalo na sa mga kaibigan namin na nag effort talagang pumunta dito kahit sobrang layo at hirap ng biyahe from Manila, Laguna hanggang dito, Maraming maraming salamat. Hindi lang to basta nagmeet-up lang tayo or ano. Kase hangga’t may mga ganito, patuloy nating pinapatunayan na nag eexist pa din ang tumblr, na blogger pa rin tayo active man tayo o hindi na at iba pa rin kapag kasama mo yung mga kaibigan mong sa tumblr mo unang nakilala. Drama ko ryt? :3

Thank youuuuu!!. See you sa TAEMU12? sa EK naman? =)

MY PRINCE-SS CHARMING

Chapter 20

Nakauwi na sila sa bahay ni Julie at masaya silang nagkkwentuhan na dalawa habang nanunuod ng movie.

“Alam mo ba, pati si Thor nadepressed nung wala ka. He missed you kaya.” sabi ni Julie. Napangiti si Elmo at saka kinalong ang aso ni Julie.

“Really? You missed me buddy?” tanong niya sa aso at kumahol naman ito at dinilaan siya sa mukha.

“Hey! That’s mine, Thor!” saway ni Julie sa alagang aso tsaka pa mahinang pinalo ang nguso nito.

“H, grabe ka.” sabi ni Elmo kay Julie habang nagpipigil ng tawa.

“Aba. Kung ikaw bawal sayo na lumapit ako sa ibang guys, bawal ka din no. Kahit aso ko pa yan. Akin lang yan!” she said as she points his face.

“Possessive ha?”

“Wow! Nagsalita ang hindi! Gusto mo refresh ko sayo lahat ng sinabi mo saken kanina? Ha?” pang-aasar ni Julie sa kanya.

“Hahaha. Sabi ko nga possessive din ako eh. Ikaw naman di mabiro.” sabi ni Elmo. Binaba niya si Thor sa sahig at saka niyakap si Julie at pinupog ng halik sa mukha.

“Yuck, Elmo! Amoy aso ka!” reklamo ni Julie. Tumigil si Elmo sa paghalik sa kanya at saka siya tinignan ng nakakaloko.

“Amoy aso pala ha?!” sabi niya saka na hiniga si Julie at kiniliti. “Sinong amoy aso?! Sino?!” asar niya habang patuloy na kinikiliti ang dalaga.

“Hahahahahaha. Shit. Elmo stop! Hahahahahahaha. H-hindi na ko makahinga!” tumatawang sambit ni Julie habang pinipigilan ang mga kamay ni Elmo na kumikiliti sa kanya.

“Ano munang amoy ko?!” asar pa rin ni Elmo.

“Hahahahahahaha! Mabango na. Di ka na a-amoy aso. J-just stop! Hahahahaha.”

Tumigil na si Elmo sa pangingiliti tsaka tinulungan si Julie umupo ng maayos.

“Good. Akala ko mag-iinarte ka pa eh.” sabi ni Elmo.

“Kadiri naman kasi. Dinilaan ni Thor yung pagmumukha mo tapos manghahalik ka?” sagot ni Julie.

“Haha. Eh kasalanan ko bang nababakla si Thor sa akin?” sabi naman ni Elmo. Tinignan siya ng masama ni Julie at tinaasan pa ng isang kilay.

“Anong sabi mo?” tanong ng dalaga sa kanya. “Hinawa mo naman yung aso ko sayo. Hahaha.”

“Aba’t!” akmang kikilitiin nanaman sana niya si Julie nang salubungin siya nito ng halik. Nagulat siya kaya natawa ang dalaga.

“Hahahaha. Whattaface, H. First kiss lang ang peg?” asar naman ni Julie.

“Nagnanakaw ka ng halik. Alam mo bang pwede kitang ipakulong sa ginawa mo? Ha?” banta niya.

“Pakulong mo. May pang-bail ako.” ani niya.

“Ah ganun ha!” sabi ni Elmo. Kinulong niya sa mga bisig niya si Julie at saka niya hiniga ang mga katawan nila sa sofa. Humahagikgik naman si Julie saka na sinuklian ang yakap niya.

“Dito ba ko makukulong?” Julie asked. Tinitigan niya ang dalaga at saka ito nginitian. “Kasi kung dito ako makukulong di bale nang mabulok sa kulungan. Basta sa mga yakap mo lang ako makukulong.” sabi niya.

“Ganun? Kahit di ka na magtrabaho ayos lang? Kahit di na tayo umalis dito okay lang sayo?” tanong niya. Tumango ang dalaga saka siya nginitian.

“Basta ikaw kasama ko, ikaw ang katabi ko, ikaw ang kayakap ko, ayos na ayos na ko. Feeling ko ako na pinakamayamang tao sa balat ng lupa.” she said. Napangiti naman si Elmo at saka siya hinalikan sa noo.

“Ako din. Yung moment na tinanggap mo kung sino at ano ako, I felt like I’m the richest guy on Earth. Parang mas mayaman pa ko kay Prince William, Oprah, Ellen, Manny Pacquiao, Pres. Obama in one. Kasi sila, they have all the money in the world. Pero wala naman silang Julie Anne San Jose sa buhay nila.” sabi naman niya.

“I love you baby.” Julie said and snuggled up to him saka pa nito hinalikan ang jaw niya. “Mahal na mahal kita.”

“I love you too, H. Mahal na mahal na mahal din kita.” sabi naman ni Elmo.

“Julietaaaaa! Pakape kami ni Marie Frencheska M— Ayy!!” napapitlag silang dalawa nang makita si Sef na nakatayo sa likod ng sofa na hinihigaan nila. Mataray itong nakatingin sa kanila habang ang isang kamay ay nakapatong sa dibdib niya na akala mo ay gulat na gulat sa nadatnan. “Sabi sayo Maq eh! May mga pusang naglalampungan sa bubong!” sabi nito sabay higit kay Maqui na papasok pa lang ng bahay.

“Sef?”/ “Maq?” sabay na sabi ng dalawa.

“Ay kaloka. Rehearsed lang sa pagkakasabay.” sabi ni Sef. Tumingin naman si Maqui sa kanila at napangiti.

“Hahahaha. Tama ka nga, bakla. May mga pusang malalandi nga. And baka naistorbo natin sila. Dun na lang tayo sa bahay.” sabi naman ni Maqui habang tumatawang hinahatak si Sef palabas.

“Eeeeeh!! Ayaw ko dun. Ditey tayiz sa baler ni Julieta. Aba babaita, hahayaan mo lang sila alone?! What if makabuo sila over here and andun tayo over there sa inyo? Friend, hindi pa ready maging ninang ang lola mo.” sabi ni Sef kay Maqui.

“Hahaha. Sef, matatanda na sila. Right age na kaya sila to have a baby. Tsaka teka nga. Kakasagot lang naman ni Julie sa pinsan ko. Ang advance mo mag-isip bakla ka!” sabi naman ni Maqui.

“Uhm… Magkakape ba kayo? Tara dun tayo sa kitchen.” istorbo naman ni Julie sa dalawang kaibigan. Tumingin sina Maqui at Sef sa kanila.

“Ay! Alam mo bff, sa lahat ng sinabi mo, yan ang pinakabet ko. Tarabels!” sabi ni Sef tsaka na sila naglakad na apat papuntang kusina.

*****

Nakaupo na silang apat sa bar counter habang nagkakape. Tinitignan pa rin sila nina Maqui at Sef.

“What?” tanong ni Elmo nang mapansing di sila tatantanan ng dalawa sa mga nakakalokong titig nila.

“Wala naman, Moe. Natutuwa lang ako kasi finally bati na kayo and kayo na.” sagot ni Maqui.

“Ako, wit akiz happy shalala sa inyo.” sabi naman ni Sef.

“John Paul Joseph!” sabay na sabi nina Maqui at Julie.

“Oh. Ikaw ba naman makitang more more pa sa lampungan mula elevator hanggang office at aba friend di pinalagpas ang bahay?! Sinetch ang matutuwa? Wit akiz nakapagkape on time alamoyun?!” angal niya. “Mga malalanding to. Di makapagpigil?!” tanong niya sa kanilang dalawa ni Elmo.

“Hahaha. Bakla ang OA mo.” sabi ni Julie sa kaniya.

“OA ka diyan?! Di ah. Kalokang to.” irap naman ni Sef.

“Teka nga. Bakit ba dito niyo naisipan makikape? Iniwan ka namin sa office nagkakape ka. Tapos makikikape ka nanaman dito sa bahay?” pagtataka ni Julie habang nakatingin kay Sef.

“Hahahaha. Nagkwento kasi tong si Sef saken kanina. Sabi niya nga may malalanding pusa daw siyang nawitness sa elevator ng office building niyo. Ang bakla, nagrereklamo kasi di nga daw siya nakameryenda on time at baka daw pumanget ang lola niyo. Tapos nung nagmeet kami kanina after ko sa resto, ayan. Nagyaya dito at may masamang kutob daw siya. Hahahahaha.” kwento ni Maqui.

“Oh bakit? Kung wit akiz nagyaya ditey baka may nangyaring kababalaghan na no?” sabi ni Sef.

“Hahahaha. Sef, wala naman kasing nangyayari. Para kang tanga diyan.” sabi ni Elmo na kanina pa nagpipigil ng tawa sa inaasta ng bestfriend ni Julie.

“Elmo, wala PA! May emphasis sa PA. Eh kung di kami dumating? Mamaya niyan…” he trailed off.

“Hahaha. Bakla, sasabihan naman kita kapag magddo kami ni Elmo.” asar naman ni Julie sa kanya.

“Yuuuuck! Save it, bff. Eww ka ha?” nandidiri kunyaring sabi niya.

“Hahahaha. Ang overprotective mo naman kasi kay Julie, bakla. Kasama yan sa relationship no. Pavirgin ka pa eh.” sabi ni Maqui sa kanya.

“Maqui, di pa nga kasi akiz ready.” sabi niya.

Tumawa silang tatlo sa kanya.

“Bakla, di naman ikaw ang bubuntisin. Ako naman. Tagabili ka lang ng pagkain ng magiging baby namin. Hahahahahaha.”

“Oh see?! Maqui! Gagawin akiz yaya ng junakis ni Julieta. My gosh! My beautiful being?! Sa ganda kong to, yaya lang ako ng junaknak mo? No way!”

“Ang arte!” sabi ni Maqui sabay binatukan si Sef.

“Hahaha. Sef, kapag naman nabuntis ko si Julie, sisiguraduhin ko namang hindi kayo masstress. Syempre ako mag-aalaga sa kanila ng baby namin.” sabi ni Elmo.

“Ay. Dramahan na ditey. Joke lang kasi yun! Hahahahaha. Elmo, kahit isang dosena pa anak niyo, keriboomboom ko no. Willing akiz maging ninang ng mga bata. Spoiled pa saken yan.”

“Grabe ka sa isang dosena! Masaya na ko sa isa, Sef.” ani Julie.

“H, isa lang?!” protesta ni Elmo.

“Oh bakit?”

“Gawin naman nating 2.”

“Ay. Nakakapagod manganak kaya. Napapanuod ko sa tv kapag nanganganak akala mo ikamamatay eh. Tsaka magiging losyang ako!”

“Hahaha. Di ka naman lolosyang, Jules. Sa ganda mong yan?” sabi naman ni Maqui.

“Friend, wag na choosy. Pag nagustuhan mo naman hahanap-hanapin mo din. Pavirgin ampota!” sabi ni Sef. Hinampas naman siya ni Julie at saka pa kinurot.

“Gago ka!”

“Oh bakit? Bet mo ikwento ko kay Elmo yung cry me a river moment mo nung nagpunta ka sa condo? Hahahahaha.”

“Ano yun?” pagtataka nina Maqui at Elmo. Nanlaki ang mata ni Julie saka na pinasakan ng tinapay ang bibig ni Sef.

“Wala yun! Niloloko lang kayo ni Sef. Hahaha.” sabi niya. Pinanlakihan niya ng mata si Sef na kasalukuyang ngumunguya ng pagkain. “Diba, Sef?”

“Oo. Waley ever yun. Umiyak lang naman kasi siya kasi nga binitin mo daw gago ka.”

“SEF!!!” sigaw ni Julie. Tumawa sina Sef, Elmo at Maqui. “Pakshet ka!”

“Hahahaha. H, gusto mo ituloy natin ngayon?” sabi naman ni Elmo.

“Ay! Aaction na sila, Maq. Gorabels na tayiz!” sabi ni Sef saka na hinatak si Maqui paalis. “Byers na!”