mga kalokohan

kapag patulog na ako tapos nanunuod ako ng porn dapat sinisigurado ko na sarado na pintuan ng kwarto ko. pano ba naman eh ilang beses na ako nakakatulog habang nanuod. tapos baka mamaya makita ni mama edi nakakahiya (tho alam naman niya mga kalokohan ko) pero kahit na. tapos buti kasi kung nanunuod lang ako eh hawak ko rin yung ano ko. hay ang baboy pero sherep kese eh aha.

nakakatawang isipin na yung mga taong pinangakuan ka na lagi silang nandyan para sayo, na hinding hindi ka nila iiwan, na hinding hindi ka nila sasaktan ay unti unti na nawawala mula sa pagkakahawak mo sakanila, yung mga taong niyakap mo, pinatahan mo, yung ikaw na laging nandyan para sakanila kahit anong mangyare, yung mga taong kasama mo sa tawanan, sa mga kalokohan unti unti nalang nawawala ng parang bula at ngayong kailangan mo ng may hahakgan sayo at sasabihan ka na ‘’tahan na, andito lang ako’’, tila naglaho na silang lahat at ikaw, nagiisa nalang sa laban na tinatahak mo ngayon. 

One night stand

Hindi ito isang kwento patungkol sa pagtatalik
Kung saan ang pagiging hubad ay hindi nangangahulugang walang saplot
Ito, ay isang kwento nang dalawang taong pinagtagpo
Nagsimula sa isang pagbati at nadugtungan ng maraming kwento
Nagsimula sa isang ngiti hanggang sa nagkapalagayan ng loob
Unang gabi, subalit parang matagal nang magkakilala
Benta ang jokes ng bawat isa
Nagsalitan ng mga kwento simula noong bata pa
Mga kwentong kahihiyan, kalokohan, kasawain, katangahan
At mga kwentong hindi malilimutan
Hindi namalayan na kapwa hubad na
Wala nang tinatago, wala nang ikinakaila
Wala nang hiya-hiya
Kita ang bawat sulok, marka sa balat, mga peklat
Damang-dama ang init ng buong pagkatao
Hindi inakala na may makikinig pa pala
Sa mga kwentong paulit-ulit at tila ba hindi nagsasawang ikwento
Ayaw na matapos ang gabing ito
Sana ay palagi kang nandito
Sana ay palaging ganito
Sana bukas paggising ko
Ikaw pa rin ang kasama ko
Ikaw ang unang makikita sa pagmulat ng mga matang ito
Mga matang nakakita ng liwanag sa mga mata mo
Mga matang nasilaw sa mga ngiti mo
Mga matang naniniwala sayo
Ayoko nang matapos ang gabing ito
Gabing naging kumportable sa piling mo
Hindi man ito kwento ng pagtatalik
Subalit nasasabik sa iyong mga halik
Hindi ko alam kumbakit mas pinili mong manatili
Kaysa gawin ang nakasanayan mong gawi
Paano kung hindi na masaya?
Paano kung hindi na kita napapatawa?
Iiwanan mo na rin ba?
Kung ano pa man ang dahilan maraming salamat sa gabing ito
At sana hindi lang ito hanggang dito
Ayokong sumama ka sa kanila at maging kaisa nila
Silang nakaalam ng mga sikreto
Mga nakakita ng maulap na kalangitan sa buhay ko
Mga takot sa bagyo at nagpasyang lumayo
Hindi sana ito maging isang gabi
Kung saan natuwa ka lang sa atensyong binibigay ko
Mga atensyon na para lang sayo
At araw-araw mong matatamo kung mananatili ka rito
Umaaasa at nananalangin ako
Na sa bawat darating na bukas
Ikaw pa rin ang kapiling ko
At hindi lang sa gabing ito.

Get to know more about these two tumblr blogmates!

Pinanganak si Shaina sa China ng kanyang pinay na ina. Koreano ang kanyang ama. Bakit sila nasa china? Itanong mo sa parents nya. Nung sya ay naglimang taon ay umuwi na sya sa Pilipinas para mag aral at pinili ng kanyang mga magulang na manatili sa China upang magtrabaho. Nag iisang anak lamang sya kaya sunod ang luho nya. Nahirapan syang magadjust ng umuwi sya sa Pilipinas dahil nga hindi sya marunong magtagalog. Nabully sya ng kanyang mga kalaro kaya kinausap nya ang kanyang magulang na bumalik nalang sa China pero hindi ito pumayag

Hanggang sa nakapag aral sya at unti unting nakapagadjust sa bagong mundo nya. Nagkaroon ng madaming kaibigan. Nagkaroon ng madaming manliligaw si Shaina dahil sa taglay nyang ganda, lingid sakanilang kaalaman marami syang kuto at balakubak. Tamad maligo si Shaina, hindi naman halata dahil sa gamit nyang mamahaling pabango na pinapadala ng magulang nya. Nagkaron sya ng madaming boyfriends, malandi eh. Dala na rin ng impluwensya ng barkada, natuto syang magbulakbol, mag inom, manigarilyo at magdrugs.

Sa di inaasahang pangyayari nabuntis sya sa edad na 16. Hindi naman sya mapanagutan dahil hindi nya alam kung sino ang ama, madilim daw kasi non. Natakot sya na baka malaman ng parents nya kaya ipinalaglag nya ang bata sa sinapupunan nya pero nalaman pa rin ng parents nya dahil sa mga kaklase nyang chismosa.

Napagdesisyunan ng kanyang magulang na patigilin muna sya sa pag aaral kaya hindi na sya nakatapos ng highschool. Sa bahay sya palagi kaharap ang computer kaya nya nakilala ang tumblr.

Si Robin ay anak ng nanay at tatay nya. Meron syang limang kapatid at sya ang panganay. Maagang namulat si Robin sa kahirapan kaya nagsumikap sy para sakanyang pamilya. Sa edad na sampu dahil nga may kahinaan ang kanyang ulo palagi syang umuulit sa grade one pero proud parin ang kanyang nanay sakanya dahil sya ang pinakamagaling sa klase at naging president pa ito sa klase nung pang apat na beses na nya sa grade one. Sa kabutihang palad nalampasan nya ang elementary sa tulong ng matalino nyang katabi. Pasalamat na din sya na di nya naabutan ang K12.

Lumaking pilyo itong si Robin, madalas mapatawag ang kanyang magulang dahil sa kanyang mga kalokohan sa eskwelahan. Madalas syang kumain ng chewing gum at pagkatapos ay ididikit sa buhok ng kanyang kaklaseng babae pero tinatanggal nya din naman at muling kakainin. Nilalagyan din nya ng stick ang bawat upuan ng kaklase nya upang pag upo nito ay matutusok ang kanilang pwet. Minsan narin nyang nilagyan ng pusa ang bag ng kanyang teacher dahil nainis sya nang hindi sya nakasagot sa tanong nito. Madalas din nyang taasan ng palda ang mga kaklase nyang babae o di kaya naman eh bigla nalang nyang hihipuan. Wala naman sakanya ang ganong bagay, walang malisya.

Ilan taon din syang nanatili sa higschool at dahil mas maisip na itong si Robin ay nakaisip sya ng paraan para makatapos. Nakipagrelasyon sya sa kanyang matandang dalagang teacher nya para magawa nya lahat ng projects at assignment nya dahilan para makatapos sya. Sa tuwa ng kanyang magulang ay binilhan sya ng laptop at dahil na din sa walang password na wifi ng kapitbahay ay nakilala nya ang tumblr.

Doon tayo sa mga taong ngumingiti sa mga simpleng sulyap natin.
Doon tayo sa mga taong natatawa sa mga kalokohan natin.
Doon tayo sa mga taong napapasaya natin kahit na wala namang ibang dahilan kundi yung presensya lang natin.
Manatili tayong buhay para sa kanila.


‘Wag don sa mga taong may inis o naiinis sa’tin
nang hindi naman natin alam kung bakit;
hindi natin malaman kasi nga
hindi naman sinasabi sa’tin.


© 09/24/2017 |

Feeling Positively Alive and Kicking

5 YEARS FROM NOW GANITO PA RIN KAYA TAYO?

Sabi nga ni Popoy kay Basha,  “Bash, five years! Itatapon mo lang lahat?!”

Kung andun ako sa eksenang yun, tatampalin ko silang dalawa dahil ang aarte nila. Tapos eepal ako, “Pinagsasasabi mo! Bakit ko itatapon eh wala naman akong balak iwan?! Blog lang ng blog!!”

Akalain mong limang taon na pala akong naghahasik ng kawalanghiyaan at mga walang kakwenta-kwentang bagay gamit ang blog ko? At kung isa ka sa mga nabiktima nito, kawawa ka naman. Nadamay ka tuloy sa mga kalokohan ko. lol.

3,903 blog posts. Sobrang saya ko talaga pag may naiiblog ako. Pakiramdam ko kumpleto yung araw ko. Dahil kapag may naikwento ako, ibig sabihin nun may nangyari sa buhay ko. Malungkot man yun, masaya o parang wala lang, atleast ‘may nangyari’. May significance. Naidokumento ko yung buhay at emosyon ko sa sa lengguwaheng alam ko.

459 drafts. Madaling ikwento kung bakit ka masaya pero kapag malungkot ka, parang feeling mo hindi pa naiimbento yung eksaktong salitang makakapagpaliwanag ng lungkot na nararamdaman mo. Kaya minsan, nananatili na lang sa drafts. Unpublished. Bakit mo pa ipopost ang kalungkutan mo kung pwede mo namang paniwalaan na bukas hindi lang luluhod ang mga tala, kekendeng kendeng pa? Loneliness is panandalian lang.

2,996,015 page views. Kung icoconvert yan sa peso, tangina milyonaryo na ako. Hindi ko na kelangang magtrabaho pa dito sa Doha. Pero hindi ako pumayag na imonetize yung blog ko. Kahit anong click, refresh at ilang page views pa ang gawin mo, kahit isang singkong duling wala akong kikitain diyan Sabi pa, kung pumayag man lang daw sana ako eh di sana may napala ako sa pagbblog ko. Pero hindi nila alam na higit pa jan yung ginawa ng blog ko sa buhay ko. Sapat na sa’kin yung sumasaya ako kapag nakakapagblog ako. Hindi pa ba malaking bagay yun?

781 pahina.  Sa 781 pahina ng blog ko, never akong nagbackread. Never kong binasa yung mga naisulat ko na. Blog lang ako ng blog. Iniukit ko kase sa itlog ko na susubukan ko lang basahin ang kabuuan ng blog ko kapag dumating ako sa puntong hindi ko na kayang paniwalaan ang tunay na kahulugan ng happiness. Kaya pasalamat na lang ako ngayon dahil hindi ko pa naiisipang magbackread. :)

30,269 followers. Alam kong hindi basehan yung dami ng followers para masabi mong magaling na blogger ka. Pero hindi yan yun ang punto ko. Kahit paano naging interesado ka sa buhay ko at sa mga sinusulat ko dito. Napansin mo ‘ko. Naglaan ka ng oras para kilalanin ako sa pamamagitan ng blog ko at nirespeto mo kung ano ako pati na yung mga opinyon ko. At dahil dito, maraming maraming salamat ha?

—-

Ako pa rin ito, si israelmekaniko. Yung ordinaryong blogger na nakilala mo 5 years ago. At magbblog pa din ako dahil masaya pa ako sa ginagawa ko. :)

Stranded sa Campus

I’m thinking kung paano magwo-work kapag modern Mabinaldo set in UST. Diba naka wheelchair si Pole? Pano pag bumaha? Bibitbitin siya ni Miong? E pano kapag mataas yung tubig? Uyyyy stranded sa campus overnight kasi sa baha AU na ‘to.

HAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAA POTA!!! XD

So nirecord ko ung practice session ko kanina then lahat ng mga kalokohan at mali sinama ko na xD. Sinadya ko talaga ung natural light para less kahihiyan HAHAHAHHAA!!! Bukas ko ipopost sa page ko dahil ito talaga ung next snippet ko, wala munang routines, just plain dumbness xD

Title: The One

Mabinaldo A/B/O AU

RATED SPG parang  awa niyo na. ‘Lam na kung bakit. @durch-artist Nandito na. Almost 5,000 words na oneshot.

Patawad, sobrang mais ng title. Mga haliparot kong mga kapatid sa mga panahong ito ay dapat mayroon na kayong Holy Water para pampaligo o panglaklak. Kung wala ay pagkatapos magbasa pumunta sa pinakamalapit na simbahan para mangumpisal. Sabay-sabay din tayong manalangin na sana hindi tayo bibisitahin ng ating mga bayani ngayong darating na undas. Yun lang.

[Also, beware the historical inconsistencies. Lubos-lubosin na nating AU na ‘to. Chos.]


One of the great things about the culture of the natives of the Philippine Islands is its great respect for the Omegas. The people have a culture of understanding the importance of the Omegas in the home, the basic social institution and the foundation of the future generations.

Every Omega in a family would be greatly protected by Alpha family members, who often make sure that the Alphas who would dare show interest would be worthy of his or her hand and would cherish their beloved Omega as a proper mate would. The Alpha then would have to do a series of tasks, some of which may be as arduous as having to carry a carabao on one’s back for the Omega and their family’s dinner, or it may be as simple as singing outside the home of the Omega, hoping not to be poured with another Alpha’s piss. The Filipinos call it ‘panliligaw’.

The Spaniards call it bullshit.

When they arrived and introduced their culture to the Filipinos, it was inevitable that among the many things that they introduced was their own viewpoint on the gender dynamics. Omegas became a means to an end by the Alphas to produce their heirs—living baby factories so to speak. Betas became generally ignored instead of being respected as the great balancer—the ones who made sure that the two genders are in check. Alphas… well, for some reason Alphas dominated everything. Alphas suddenly became the most important of the three genders just because of their naturally stronger and taller stature. Nearly gone was the view that in order for a family to be actually a family is the presence of a physically strong Alpha and an equally emotionally and mentally strong Omega.

Fortunately however, not all Filipinos have adapted this adapted this attitude.

Unfortunately for Apolinario Mabini however, he seemed to be surrounded with Alpha males who had. And it was starting to take a toll on him.  

Keep reading

….coz im not enough… sorry. Natatakot ako na baka hindi pa ako maging sapat para sa taong mahal ko. Nakakatakot kasi baka yun ang maging dahilan para mawala sya sakin… para iwan nya ako.. at ang pinakamasakit ay yung para ipagpalit nya ako sa iba. Gusto kong maging sapat para sa isang tao. Yung hindi na sya maghahanap pa ng mga bagay na wala naman talaga sa akin. Yung hindi sya manghihingi ng mga bagay na hindi ko kayang ibigay. At yung taong kuntento sa lahat ng meron ako at kaya kong ibigay sa kanya. Natatakot ako na baka hindi pa ako sapat para hindi iwanan.. Natatakot ako na baka hindi pa ako sapat para mahalin nya ako ng sobra at hindi bibitawan. Kaya ngayon ginagawa ko yung best ko para maging sapat at deserving para sa kanya. Nagpaganda ako… nag-aaral ako ng mabuti… pinilit kong baguhin yung mga pag-uugali ko na dapat naman talagang baguhin.. at nakisabayan ako sa ibang mga babae. Gusto ko kasing maging karapat dapat din sa isang tao. Yung hindi na sya makakakita ng dahilan para saktan pa ako. Yung mahihiya na syang gumawa ng mga kalokohan. At matatakot na sya na mawala pa ako sa kanya. Gusto ko lang makahanap ng isang tao na sasamahan akong harapin lahat ng pagsubok. Yung hindi bibitaw kahit gaano kahirap. Dahil para sa kanya, basta kasama nya ako.. malalagpasan ang lahat.

8

Para sayo, kaya kong ipakita ang sarili ko kahit na anon blogger ako.
Gusto ko lang malaman nila kung gaano tayo ka saya sa bawat isa dahil sa mga kalokohan at mga ngiti sa bawat litratong ito. Gusto kong makita nila kung gaano kasaya tuwing magkasama tayong dalawa, mga oras na hindi sinasayang, at kahit naba distansya ang kalaban natin ay gumagawa parin tayo ng paraan para magkita. Sobra nating mahal ang isa’t isa, yung mga tiwala, at ramdam na ramdam natin yon. Thank you, sobra. Hindi sapat ang mga ito kung paano ko sasabihin kung gaano ako kasaya sa nangyayari sa atin since day 1. 
Simula nung dumating ka sa buhay ko, nung naging tayo, mga unang pagkikita at pagsasama, hindi sapat ang sandamakmak na salita o letra para sabihin kung gaano mo ako pinapasaya o kung gaano natin pinapasaya ang bawat isa.
Basta ang mahalaga ay alam natin isa’t isa na masaya tayong dalawa at kuntento na ako doon. I love you, reynanangkatamaran.

Para sakin, yung mga kaibigan na  pikon, madali maasar, tapos mamaya tatawa nalang, tapos may pagaawayan kayo saglit, tapos tawa ulit, tapos from high to low, funny to serious conversations, tapos mga kalokohan biglang what, di ka na papansinin ulit hanggang sa magkaroon siya ng peace of mind, sila ay yung tipo ng kaibigan na kahit di mo maintindihan minsan, madalas, o kung ano man, sila parin sa huli ang magiging kasundo mo, maaring hindi panghabambuhay, pero pangmatagalan yung pagkakaibigan niyo. Kahit pa magkaroon kayo ng tampuhan, in the end, dahil sa tiwala niyo sa isa’t isa, at dahil sanay na kayo sa moodswings ng bawat isa, kayo at kayo parin ang magkasama sa bawat kalokohan, bawat iyak, bawat saya, bawat lungkot, bawat lahat. Kahit pa hindi siya yung tipo ng aakalahin mong best friend mo, wala. Magiging best friend mo parin sila, kahit na ikaw hindi ka nila ituring na best friend. Kahit na hindi talaga klaro kung bestfriends kayo o hindi, alam narin naman niyo yun kahit walang label, o tawagan, o kung ano man. Kaya dapat yung mga ganitong kaibigan, tratuhin mo nang maayos. Hindi yung tulad ng ginagawa mo sa iba na papansinin mo lang pag gusto mong mangtrip, pag may itatanong ka, pag may event, pag may ganito ganyan. Maging kaibigan kang tunay, at totoo. Hindi yung pang-isang araw lang. 

My love for you will be POLE-vermore
  • Aguinaldo: Naniniwala ka bas a forever?
  • Mabini: Bakit bigla mo na lang natanong iyan?
  • Aguinaldo: Basta sagutin mo.
  • Mabini: … hindi ko alam. Mahirap mag-assume.
  • Aguinaldo: Sayang.
  • Mabini: Bakit?
  • Aguinaldo: Dahil sa’yo, naniniwala ako sa POLE-ver. *Ngiti sabay pakita ng dimples*
  • Mabini:
  • Mabini: … medyo kinilig ako.
"MGA KAPITBAHAY! NASA LOOB NA AKO NG FLATSCREENNNN!!!"

Tanda ko dati nung minsang nagcocover ng balita ang TV 10 Batangas sa may plasa, bigla akong nahagip ng camera habang tumatawid ako ng kalsada. Nagmadali akong umuwi nun para mapanuod ang sarili ko sa TV. At napasigaw ako ng, “Likod ko yun! Likod ko yun!” dahil likod ko lang yung nahagip. Pero sobrang saya ko nun. :)

Tapos eto na yung sumunod. Interview sa Kapuso Mo, Jessica Soho tungkol sa mga hugot posts ko. Hindi lang likod yung kita. Ako na talaga ‘to shet. Nakaflash pa yung buong pangalan ko. Pati tumblr username ko pa. Para lang akong star witness sa isang kaso na humihingi ng hustisya. Pero mas nagmukha akong nanawagan ng nawawalang kamag-anak sa TV. Gustong gusto kong sumigaw ng, “Binabati ko yung mga kamag-anak ko sa Qatar at Abu Dhabi! nasa TV na ako!!! wuhoo!!”. Kaya lang dapat magmukha akong kagalang galang at kapitapitigan. Nakaflash yung apelyido ng tatay ko eh.

Pero hiyang-hiya talaga ako nung iniinterview ako. Baka kasi sabihin ng mga katrabaho ko, “Aba teka! Anong ginagawa ng kumag na 'to sa loob ng flatscreen namen?!" Tapos di ko talaga akalain na may mga pagsakay pa ako sa jeep at pagtusok-tusok pa ng fishball na nalalaman. Tatlong oras din yun 'no. Nakasampung para ata ako ng jeep tapos di naman ako sasakay. Naka bente pesos na subo ata ako ng fishbol sa dami ng take.

Ayoko din sanang panuorin yung mismong interview dahil ayokong harap harapang makita yung mga insecurities ko na mabroadcast sa TV. Baka kasi lalong dumami. lol. Pero di ko din napigilan ang sarili ko. Habang nanunuod sila sa sala, nakasilip lang ako sa pinto ng kwarto ko at inaaninag sarili ko. Para akong lutang na kaluluwa na pinapanuod ang katawang lupa ko sa loob ng aquarium. 

Nakakatuwa lang dahil parang mas excited pa yung mga kaibigan at readers ko kesa sa'ken. Yun yung isa sa pinakamasarap na feeling. Okay lang na wala sila sa mga panahong down ako. Hindi big deal sa'ken yun. Pero yung maramdaman ko na suportado at masaya sila sa mga kalokohan at kabalbalan ko, epic! Aanhin ko naman yung interview na ganyan kung wala sila.

Hindi ko pa rin akalain na posible palang mangyari yung ganito sa isang hamak na blogger na gaya ko. Hindi ko inasam mainterview, pero siyempre dumating din ako sa puntong napa "what-if” din ako. At yung 'what-if’ pala na 'yon, di ko akalain na mangyayari. Jusko, nagbblog lang ako dito sa maliit na mundo ng tumblr para aliwin ang boring kong buhay. Yun lang. Hindi ko pinangarap dumami followers ko sa twitter at FB, nakakatakot yun. Masaya na talaga ako na may patuloy pa ring nagbabasa ng blog ko. 

Siguro maliit na bagay lang 'to para sa iba pero pakshet, malaking bagay 'to sa'ken. Sobrang sarap sa pakiramdam na mapatunayan sa mismong sarili mo na kapag gustong-gusto mo yung ginagawa mo ( ang magblog ), higit pa sa iniisp mo yung pwedeng mangyari. Pero hindi ko itinataas dito yung sarili ko dahil hindi naman mangyayari 'to kung hindi din dahil sa inyo. Oo na, andami kong pinagsasabi. Basta, sa lahat ng napadaan dito sa blog ko at sa mga walang sawang nagbabasa pa rin ng blog ko, maraming salamat ha? Kahit ayaw niyo na, hindi pa rin ako titigil sa pagbblog. Ito kasi yung gusto kong gawin dati pa. =)

Ang buhay ng mga estudyante sa loob ng paaralan minsan masaya, maharot, malungkot, pagod, badtrip, stress at kung ano ano pa. Ika nga nila ang HAYSKUL LyF daw ang pinaka masayang mararanasan sa pag aaral. Nandyan kasi yung mag kakaroon ka ng lablayf sabay suporta ng mga kaklase mong BITTER sainyo. Mga kaklase mong sasabayan lahat ng kalokohan mo. Mga kaklase mong kapag may kaaway ang isa kaaway ng lahat. Mga kaklase mong kapag may praktis kayo mga hindi umaayos na mas inuuna pa ang ibang bagay bago ang gagawin niyo pero sa bandang huli magiging maayos at maganda naman ang performance nyo. Mga kaklase mong kapag may lakad ipagpapaalam ka sa magulang mo pipilitin nila kahit ayaw pumayag. Lahat ng yan mararanasan sa HAYSKUL LAYF pero ang KASIYAHAN ay mapapalitan ng KALUNGKUTAN sa isang saglit …. dahil sa isang seremonyang pinakahihintay ng lahat. Seremonyang nandyan yung iyakan yakapan at iba pa.

“DIPA TAPOS”
Spirit of the Coin pt. 1 of 4

Title: Spirit of the Coin ft. Mabinaldo, Gresca & Bonizal 

Part 2

Halloween na daw kasi. Mandatory katatakutan/kalokohan fic. Anyways, inspired sa mga kalokohan sa chat room doon sa may chatzy ng Hen Luna fandom dati pa. 

Wala talagang established AU itong fic na ‘to. Basta Modern AU. Isipin niyo na lang na para siyang skit sa Bubble Gang o kagaya sa Ilustrado problems para masaya. Obvious naman siguro na medyo crack-fic ‘to siguro? Anyways, pagkatapos nito babalik nako sa mga fics kong iba.

WARNING: May mga usapang lasing kaya may mga part na puro mura at kalokohan


Sabi nila ang mga lasing daw ang may mga pinakamagagandang ideya. Ang Roman Coliseum, ang mga brief at panty, pati na rin ang pag-inom ng gatas mula sa mga kalabaw ay ang mga halimbawa ng mga ideya ng isang taong nakasobra na ng alak sa katawan.

At least, iyon ang sabi ni Rusca sa mga kapwa kainuman.

Keep reading

@JE_Underground: “My First JE Experience”

July 27, 2014

Ayoko mag-tumblr. Gagawa pa ba ako?  Hindi naman ako writer. Hindi rin naman ako nagpapakilala.

Gusto ko lang i-share yung naramdaman ko kahapon.  Sa PhilPop 2014. Mga bandang 8 to 9pm na. Kung sabihin niyong KKTP ito, bahala kayo. Susubukan ko namang mailatag ng maayos ang mga arguments ko bago ko ibigay ang mga opinyon ko.

This be entitled as “My First JE Experience”

I’ll give you my brief history.  I became infected by this fandom only last October 2013.  To quote a veteran, “Papunta ka pa lang, pauwi na kami.”  Yes.  Our beloved LT is already at its scheduled rotational brownout by that time.  But why only then?  I was actually in deep sleep underground from 2010 to September 2013.

The first time I saw Julie as my idol was during her sophomore album launch at SM Skydome last June 21.  The first time I saw Elmo as my idol was on Yahoo! Awards 2014 last July 18.  They’re not together by then, of course.  They performed well and entertained their respective audience. They are wonderful and awesome on their lone paths.

But last night was the night I first saw them together in an event, as their fan to the very least.  I then realized the thing they called “magic” between the two of them.  I thought it was the one I saw and felt on endless replays on their movie and their youtube videos.  Hindi pala.  It was way way way more than that.  Malamig sa Meralco Theater, sobra.  Hindi ko alam nun kung nanginginig ako sa sobrang ginaw o sa sobrang saya o sa sobrang kilig.  ‘Twas only when we went out,  I realized it’s all because of JE.  Proof?

-          Sumasabay si Julie sa Qrush on You, moving her head to the beat. Check Mich’s video [kung i-uupload niya]

-          Si JA lang, amongst all the judges, ang walang headphones na ginamit during Qrush on You performance.  Pero pagdating sa iba, gumamit siya.

-          Bukod sa Awit Mo’y Nandito Pa [alam naman nating mahilig silang dalawa sa bata, at talagang magaling naman talaga, tumayo nga si JA after the song], sa perf lang ni EM todo palakpak si JA

-          Sobrang stiff ni Elmo before prod.  Nakita ko siyang i-perform ang same number sa Yahoo! Awards pero iba talaga ngayon.

-          Awkward nga lang bago magstart ang prod. Sobrang awkward, hindi nila alam kung saan sila ppwesto malayo lang sa isa’t isa. Nasa likod lang nila kami.

-          Pero GV yung pagiging game nila sa picture taking. KV pala. :D

-          Yung automatic na paghawak ni Elmo sa bewang ni Julie to have that picture done

-          Yung pagtakbo ni Elmo na kunyari nagmamadali after the picture taking, tatambay lang pala sa judges’ table.  Kinilig ang loko.

-          Yung ‘pagka-owl ng ulo ni Julie na umikot ng 360 degrees nung hinanap ni Ogie si Elmo

-          Nabanggit si Ellen Degeneres. Si JA? Ayun tingin kay Ogie pagkasabi nun.  Ngiting wagas, memories… memories… YKWIM

-          Yung totoo, bakit ang bilis nilang nawala agad after the show?

Sheeep.  Ayoko na.  Pahingi na ng gamot dito.  Ang sakit kaya sa panga na nakangiti ka from the start ng program hanggang ngayong tinatype ko ito ngayong past 3 am.  Hindi naman ako katulad ni ano, yung mascot ng Yahoo!  Kayo talaga. :P

Also, ‘yong picture.  This is to save my friend from unfair criticisms.  She’s the one who (1) made efforts to get and win tickets for the show, (2) had the courage and guts ask JE to have their picture together since time immemorial (3) updated you online with what’s happening behind the scenes and (4) became your official photographer for that night.  We’ll never be sorry kung ganon ang lumabas.  Tatlo lang kaming nandon sa vicinity.  Ako, nagvvideo.  Si ate na random stranger na mejo na-harass ni Mich na ipasa sa kanya yung picture niya ng JE na kinuha gamit ang phone niya.  Si Mich, well, you know what she did.  Kahit sinong nasa katayuan namin mawawala sa katinuan ng makitang nagstrike for a pose yung dalawa.  Nawala din sa katinuan ang camera, pati yung flash.  Okay? Okay.

——————

I am a quiet one.  I am not the type that will shout your name against the crowd noise.  I am a shy type.  I cannot even stand the idea of being with any [or both] of you around my perimeter.  It’s just that there’s so much happiness in my heart right now, I cannot control my emotions anymore.  I have to share this.  Nilalagnat na nga ako oh, plus body pain.  Feeling ko trangkaso na ‘to later.

Just a wish. Sana makarating sa inyo ‘to, o kahit isa man lang sa inyo:

JULIE,

No’ng split seconds na nakausap ka namin ni Mich, I mouthed the words “Thank you” with two thumbs up.  You may no longer remember that, but when you smiled and nodded, it made my very happy night into heaven.  That “Thank you” is more than what you could ever imagine. That “Thank you” is more than you agreeing to have that illusive picture with Elmo once again.  That “Thank you” meant thank you for being you and staying the humblest, most appreciative, and most accomodating artist I know.  Thank you for being my idol.  Thank you for being the MyJaps.

ELMO,

Bigla ka namang nawala.  Alam mo bang ang tagal ka naming hinintay sa lobby ni Mich? 2 hours ‘yun uy. We’re both but sittting, standing and roaming around plus I am still suffering from my right ankle and calf sprain I obtained months ago.  Pero totoo pala yung sinasabi ng mga faneys ano? Makita ka lang na bumawi ng kahit kaunti lang kay Julie o sa fans, burado na agad yung tampo (o minsan, galit) dahil sa mga kalokohan mo.  Nakakawala ka rin ng wisyo eh, alam mo yun? You could always show that unique kind of love to your fans.  Kaya ka pala “SuperElmo.”  If I’ll see you again and will have a chance to say something to you, that’ll be “Thank you for being the SuperElmo.”

THANK YOU FOR BEING JULIELMO.

Inspired by you,

JE_Underground