memoriesof2011

My Trending 2011

Good morning Tumblr! I supposed to write this entry last 31st of December 2011 pa. Since ang buhay ko that time ay may pagka “busy” and kinailangan ko ng matinding space at momentum, I decided na today na nga (dahil feel ko may matinding space at momentum na ko? ^_^ ). Hetow na nga. 

(First picture ko nung 2011, share ko lang.)

I will not say 2011 is the best year of my existence so far (I believe a greater year will come), but I can truly say this year has been very very very SPECIAL to me - special in a way that 2011 became a year of countless blessings, unforgettable experiences, never-believed tours, memorable ups and downs of life, etc etc. And since this is the year na ako ay naging “bente uno” (Tsong, debut!), I have tried to leave outside the box. Tried lang. Bwahaha. :)

And now let me go back to those trending memories of 2011. Let me go back in time. Sana maalala ko! Amnesia boy, u know. ^_^

Umpisahan natin sa first half of the year.

Estudyante pa rin ako. At 3rd term ng pagiging 4th year. At term ng madugong Design Thesis Final Defense. Siguro 90% ng time ng buhay 4th year namin ginugol namin dito sa thesis na ito, 10% sa ibang courses. And ola! Salamat sa Mahal na Laon. March 16, 2011 -natapos ang kalbaryo. Laking pasasalamat namin sa adviser namin (Mam Ayra), kay IEEE, kay WWW, sa aming library, sa mga taong naging subjects at tumulong sa amin,  sa aming pamilya, sa lahat lahat. We offer our blessings and regards to all of those people na sumuporta sa amin in any respect during the completion of our prototype. Thank you po. :)

Bakasyon. After my Mom’s Bday, umuwi ang Ate ko dito sa Pinas. Sobrang saya dahil pinili niyang this year ay icelebrate and bday niya kasama kami. Ilang taon na rin kasing hinde niya kami nakaksama sa bday niya. At dahil nga sa pagdating ng ate ko, naging isang malaking pasabog ang aming naging bakasyon. 

Bday Celebration ni Ate sa Manila. April 13, 2011. Sama samang kumain sa Rizal Park, nagsaya sa Manila Ocean Park, at 1st tym nanood ng Fountain Show. Hangsaya lang. :)

Holy Week sa Pangasinan. April 21-24, 2011. Pinili ng pamilya namin magcelebrate ng Holy Week sa Pangasinan. Nakakamiss. Hinde ko akalain na makakapunta ko dito since wala naman akong kilalang kamag anak namin from here. Pero nagkamali ako. Meron pala. Alaminos, Hundred Islands, Enchanted Cave, Bolinao, Urdaneta, Manaoag. Ang sarap lang. Dito ko nalaman na may Tito pala akong Pari sa Our Lady of Manaoag. At dito ko rin nalaman na may lahi pla kaming Mexican. (Now I know kung bakit makapal ang kilay ko.)

Bakasyon sa Galera. April 30, 2011. Ilang beses na kami pumupunta dito, pero eto siguro yung isa sa mga sobrang unforgettable. Buwis buhay kasi yan ih. Sa sobrang lakas ng alon, isang pitik na lang talaga tataob na yung sinasakyan namin pabalik ng Batangas Pier. Woot! Salamat kay Lord, ligtas naman ang lahat. At sa ilang beses namin pagpunta ng Galera, dis year, first tym namin makakita ng artista doon. 

My 21st Bday Part1. May 23-25, 2011. Dahil 21 na ko, naghandog ang aking Ate ng isang maagang engrandeng bday gift para sa akin - Boracay baby Shalala. :) Sobrang saya! Laking pasasalamat ko. Pangarap na natupad! Saraaap! :)

My 21st Bday Part2. May 29, 2011. Mismong araw ng bday ko. Pinili kong magcelebrate ng bday ko kasama ang Kapuso Stars ng PP. Siyempre kasama na gbuong pamilya ko. Yes, you read it right. Sa Party Pilipinas po ko nagcelebrate ng bday. :)

Lola’s 95th Bday. June 12, 2011. Kasabay ng Independence Day ay nagcelebrate ng 95th bday ang Lola ko, sa Mother side. Sobrang memorable lang dahil ako ang gumawa ng invitation para kay Lola. At dahil na din sa okasyung ito, nakita ko ang buong angkan ng Mirafuentes. 

Ang sarap balik balikan.

Second half of the year. Tama na ang bakasyon. Balik aral na naman. Sa ayaw at gusto ko. 

5th Year na ako. Nangagamoy graduation. :)

Recognition. August 19, 2011. Tamis ng tagumpay! Yung totoo? Di ko inakalang makakamit ko tong mga to ih. Dahil sa umpisa ng buhay college student ko, di ko tlaga ko pingarap na maging Academic Achiever. Mas gusto kong maging normal lang. Yung petiks pero pumapasa. Pero laking pagbabagong naganap. Siguro dahil narin sa ginusto ko na rin na makuha to. Laking tulong to aba! At sobrang saya lang din dahil alam mong proud syu yung mga taong mahal mo sa buhay, yung pamilya ko. Para sa akin yun ang pinakamasarap na prutas. Normal naman ako hanggang ngayon, as in normal. Di ako subsob na estudyante. Pls lang. Haha. :)

Trip to Singapore. November 23-26, 2011. ang kontrobersyal na pagpunta namin ng Singapore. Sabi ko nga, kung may babalik balikan man akong memories ng buhay college ko, isa dun eh yung pagpunta namin ng SG. Unexpected. :)

Sa simula ng pagiging 5th year student namin, nagsimula na ang word na “LAST”.

Last FRESHMEN TREAT. Memorable to skin dahil first time kong magbayad sa Freshmen Treat. Usi lang kasi ko dati. :)

Last Mapua WEEK. Ngayun ko lang napagtanto na nakadalwang MITL WEEK pala kmi nitong 2011. Yay! :)

Last MALAYAN IDOL. (di ko makita ang pics. libre lang kasi ih.)

Last MCL CUP. (Wala pics dahil nasa SG kami nian)

Meron din naman palang “FIRST

First time sa bahay ng isang Prof. ata? 

First Time Big time Celebration. Nagcecelebrate namn kami ng mga bdays pero this year cguo yung bigtime. Jampakk! Dami foods ih. Memorable din to dahil muntik na rin kaming maguidance nian. Guess why? Haha. :)

First Time sa Beanstalk with Klang ang Atha. Ilang beses na rin ako nagbi-Beanstalk, pero ang kasama sila ay first time. :)

First time ko sa SM Calamba. Ilang araw na rin nagbukas ang SM Calamba, pero first time ko nagpunta  noong July 16, 2011. Tanda ko yan dahil yan din ang opening ng HP7 2. Manonood dapat kami pero nauwi ito sa isang masayang gala. Since malapit lang ang Beanstalk, go na rin kami dun. :)

First ChE Amazing Race. At last na rin. :)

First ICPEP Challenge. Unag sabak, unang panalo. 1ST RUNNER UP. :)

First time to make a BIG SYSTEM. Eto tlga yun eh. Sobrang unforgettable. Ang pagawain ka ng system to be used by the school sana gamit ang isang platform na hinde naman itinuro sa iniu. Salamat talaga sa SELF-STUDY. Ang mahalaga, natuto kami.  :)

First time in WTC na kasama sila. December 15, 2011, to date. :) Akala ko pa naman makikita ko na si Bea Alonzo. :)

Dagdag ko na rin, nicelebrate namin ang Christmas time kasama ang mga bata ng village nmin - Dahil ang Pasko ay para sa mga bata. First time din to. Malungkot dahil di kami kumpleto (Ate is at abroad), pero masaya na rin na nakapgbigay ka ng ngiti sa mga bata. 

Yung para naman sa akin, ung para sa sarili kong kasiyahan. Yung para tlga sa akin (paulitulit?) Haha. 

David Archuleta Live in Manila. July 17, 2011. Eto un ih. Sobrang saya! Tulolaway. Haha. At laking pasasalamat ko din kay VM dahil sinamhan nia ko. Thanks VM, u know how important to me ang araw na ito. Kahit kinabukasan ng araw na iyan ay may exam tyu. Haha. Hinde man ako nakanood ng concert, eh sobra sobra na tong ligayang dinulto sa akin. Haha. Wow! :)

Ang mapalapit ng TODO kay GOD. Sa lahat lahat ito ang kabigla biglang nangyari sa buhay ko ngayung 21 na ako. Hinde namn kasi ako religious na tao, ni hinde nga ako nagsisimba every Sunday eh. Pero ramdam ko ngayun sa sarili ko na mas napalapit ako kay God. Lahat nang nangyayri sa buhay ko, I always believe na may reason at plan ni God un. Hinde ko man nakumpleto this year ang simbang gabi, alam na ni Lord un. At malay natin may calling din pala ko to serve Him in time. :)

At dahil mabait akong bata, binigay ako ni Lord (maybe sa katauhan na rin ng mga kapatid ko at magulang ko) ng mga bagay na hinde ko akalain na mapapa sa akin agad agad. Mga simpleng bagay na dulot ay laking kasiyahan. :)

Yun na nga. Ang my 2011 is really a blessing. Sobrang special. 

Sa pagkakataong ito,gusto ko magpasalamat sa lahat ng bagay, hayop, pagkain,lugar at mga tao naging parte ng 2011 ko. Salamat sa inyo. Sa pamilya ko na ever supportive at siyempre sa may gawa ng langit at lupa, kay LORD. Naging isang masayang taon ang pagiging 21 ko. It has been a great year. :)

Kung may mga bagay man akong iniyakan at mga bagay na pingsisihan na sana ay ginawa at di ko ginawa, sa akin na lang yun. Hahaha. Minsan kailangan natin magtira para sa sarili natin. Kaya di ko na isheshare yun. :) Basta ang alam ko, natuto na ko. Yun ang mahalaga, ang matuto ka. Ang paulit ulit kang matuto. At kung nagawa ko man ulit ang mga bagay na dati ay natutunan ko na, choice ko na cguo un. Believe na everything happens for a reason. Lagi kong bitbit yang line na yan san man ako pumunta. At kasabay ng pagpalit ng taon, sinabay ko na rin lahat ng mga bad vibes ng 2011.

And I pray and hope for a HAPPIER, MAS FULFILLING, SEXIER, LATE NO MORE, MORE BLESSINGS, MORE ADVENTURES na 2012. Alam ko paparating na sa akin ang isang matinding hamon ng 2012. Dahil ito ang simula ng taon ng aking pagtatrabaho. 

Buntong hininga sabay SMILE. :)

-Reymart